21-Lessons Learned
"That was awesome! Buti pumayag mga kapulisan na ipahiram kay Venny ang hidden camera, para alam kung kailan tayo papasok at huhulihin si Rhea. My killer smile worked!"
Wagas ang tawa ni Nine sabay palo sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ng pag-uusap sa police station, umuwi muna ang nanay ni Nine, at dinala niya kami ni Lizzie sa isang tahimik na carindera. Sa mga oras na ito, ay kami lang tatlo ang mga tao. Alas-otso na ng gabi, at doon na kami naghapunan ng fried chicken with rice kasabay ng crab omelette.
Patuloy lang akong kumakain. Sa gutom ko ay hinayaan ko munang magsalita ang dalawa kong kasama.
"Salamat sa pagtulong, Nine. Makakahinga na ako nang maluwag," ika ni Lizbeth.
"Ayan ah, huwag na tayong magpakatanga pagkatapos nito! Ihanda niyo na lang mga sarili niyo na mag-testify against Rhea. Keep those screencaps as pieces of evidence," Nine advised.
"Si Venny ka, right?"
Ako pala ang tinatanong ni Lizbeth. Uminom muna ako ng tubig at tinignan siya pagkatapos. "Yes," wika ko.
"Binasa ko pala story mo. Yung My Love From The Past. I loved it! At ang bilis mo sumikat ah," she stated cheerfully.
"Oo nga eh. Pero ang pangit naman ng resulta. Sana man lang, di ako nagmadaling mag-publish ng libro." I mean every word I said.
"May fanpage kasi na nagpo-promote, kaya napablis. Noong time ko, mga 2012 ako sumali, matagal bago nagka-one million reads. Siguro mga three or four years later. Sa readers group ko lang iyon tapos nagpapa-plug din sa ibang Wattpad-related fanpages sa FB," kwento ni Lizbeth.
She took a spoonful of her meal, chewed on it slowly, then drank a gulp of water. "Noong una, gusto ko rin sumikat. In a way, nangyari nga, pero ito kinahinatnan," buntong-hininga niya.
"Sana pwede kong bawiin lahat ng nangyari. Sana di ako nainggit sa dati kong friend na naging sikat na writer," matamlay kong wika. "Katuwaan lang sa kanya pagsusulat, pero di niya expected na makikilala siya for it. Tapos napagbintangan niya akong nag-confess sa confession page ng against her kahit walang basis, ayan, friendship over kami," kwento ko kay Lizbeth.
"Whoa, grabe iyan!" Comment niya.
"Basis niya, kasi nagco-comment ng characters ng story niya ang mga readers niya sa story ko, alam niya iyon, tapos ganoon conclusion na? That I confessed against her?"
Muli kong nadama ang kirot sa puso ko nang maikwento ko iyon. Pero nakagaan din ng loob when I let it out.
"Sobra naman siya. Iba nagagawa ng kasikatan," Lizbeth shrugged. "Sana lang magkaayos kayo."
"Hindi masama maging kilalang writer, pero kung kasikatan lang basehan niyo sa worth niyo bilang manunulat, wala rin, eh bakit ka pa nagsusulat kung gusto mong sumikat? Nag-artista na lang sana kayo. Ayan oh, may pa-audition sa Pinoy Full House!" Natawa si Nine sa nasabi.
Natawa na rin kami ni Lizbeth.
"Tumigil na nga ako sa pagsusulat dahil sa nangyari, kasi natatakot ako na maulit iyon. Pero busy na rin kasi ako sa work. But, baka balikan ko, you'll never know." Napangiti si Lizbeth sa naisip.
"Oo nga, sayang ang talent. Teka pala, sino ka pala sa Wattpad?" I asked.
"Si NightWriter," nakangiti niyang sagot.
My jaw dropped. "Oh my gosh, yung author ng Secret World? Iyan ang first story na nabasa ko!" I excitedly shrieked.
"Kalma!" Tawa ni Nine.
"Reader pala kita!" Napayakap sa akin si Lizbeth.
"Ano ba ito, sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkakilala!" I hugged her as I squealed in excitement. "Noong wala pa akong Wattpad account, binibisita ko pa site para basahin! Tinapos ko story mo, at after nito, wala na akong alam sa nangyari!"
"Iyon sana yung mapu-publish eh, pero na-scam naman ako! Thanks Rhea!" Tawa ni Lizbeth.
"Try mo ulit ipasa sa pub house, malay mo naman! Mas sikat story mo!" I suggested.
"Tignan natin!" Lizbeth smiled.
Namalagi pa kami sa carinderia para magkwentuhan. Late na ako nakauwi nang gabing iyon, pero umuwi naman akong may magaan na kalooban.
Sa mga sumunod na araw, inayos na ang court settlement para sa kaso ni Rhea. Salamat sa mga ebidensiya na presented, Rhea Tan (a.k.a. Rhea Gomez and Rhea Carola) was found guilty of fraud, kasama na rin ng hindi pagbabayad ng tax at walang business permit. Dahilan niya kaya niya ginawa iyon, ay dahil sa kagipitan at kagustuhan ng easy money, na makikita niya sa mga Wattpad readers na willing magbayad para sa libro ng paborito nilang writer. Our probono lawyer was a big help in putting those two behind bars.
At unti-unti nang mababayaran ang mga umorder sa akin ng libro pero walang natanggap. Yung kay Lizbeth naman, ibabalik sa mga readers niya ang lahat ng perang kinulimbat ni Rhea sa kanila.
Buti mabilis na na-aksyonan ang naging problema namin ni Lizbeth. Matagal man ang magiging bayarin sa mga naagrabyado, at least matatapos ang taon na nabawasan ang aking suliranin.
---
"Anak, may napansin kami lately. Masyado ka yatang tahimik at palaging wala sa bahay."
Komento ito ni Mommy one Saturday night, habang kumakain ng dinner. Nagkataon na kumpleto kaming apat, at ramdam ko ang panliliit when she said that.
"Ah, sorry po Ma, masyado lang busy," I politely replied.
"Di ako naniniwala diyan," Kuya Venson smirked at me. I shot him a dirty look and proceeded to continue my meal.
"Venny, whatever it is, you can tell us, and we will listen."
Napatingin ako kay Daddy. He looked at me kindly, the kind that made me feel secure na makikinig siya. Sila.
I fell quiet, and gathered my courage to speak up.
"Ma, Pa, na-scam ako sa Wattpad."
Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Kuya Venson stared at me in disbelief, habang sila Mom at Dad ay naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"Ganito kasi iyon... Someone offered me a pub deal kasi sumikat po yung story ko online. Pero hindi maganda pagkaka-publish kasi kung ano iyong pinost ko online, iyon din ang pinublish. Di rin matibay ang binding ng mga libro. At may mga book orders na di nakarating sa iba kong readers, kaya nagagalit sila sa akin. Yung friend ko, she helped me resolve the problem by going to the scammer's house, may mga kasama kaming pulis-"
"Whoa, kasama mo si Cardo Dalisay?!" Biro ni Kuya Venson. Pinalo ko siya sa balikat at natawa.
"Teka, itutuloy ko pa! So ayun, naaresto namin yug scammer at kakagaling ko lang sa korte the other day para sa kaso niya, to testify against her. Kulong siya at ng kasabwat niya."
"That online writing thing was never a good idea," my dad commented darkly.
"Sorry po, sorry for not telling you anything. Ang totoo niyan, gusto ko itago sa inyo kasi nahihiya ako sa sasabihin niyo." I really wanted the ground to swallow me whole this time, dahil sa nakakatakot na tingin ni Dad sa akin.
"Sana nasabi mo earlier, nang natulungan ka namin," ika ni Dad.
"Hindi ko po kaya, at busy rin naman kayo, ayoko nang makaabala pa."
"Hon, hindi sa pinagbabawalan natin si Venny, pero alam naman natin, lahat ng klaseng scammer ay nagkalat, lalo na sa Internet. Anak, hindi kami nagagalit sa iyo."
I saw mom smiling warmly at me, yung ngiti niya na nakakapanatag ng kalooban.
"Kahit anong mangyari, andito lang kami. Magsabi ka lang, we will be there kahit gaano kami ka-busy."
Tumayo si Mama at niyakap ako. I leaned against her and felt tears flowing.
"Ma, laman ako ng confession pages dahil sa nangyari. At nagagalit sa akin iyong mga hindi nakatanggap ng books nila kasi delayed. Siguro nga, writing online was a bad idea. Ginawa... nagawa ko lang pumayag kasi sumikat si Nessie sa Wattpad, tapos naiinggit ako."
"We understand you." Mom stroked my hair as I cried.
"Tapos di na kami friends... she accused me of sending a hate confession against her, which I never did. Ang kasalanan ko lang, nagreklamo ako about her readers, na panay comment ng characters niya sa story ko," hagulgol ko. "Tinalikuran niya ako at pinili mga fans niya kaysa sa akin."
Hinayaan lang ako ni Mommy na umiyak. She wiped my tears and said:
"Lahat ng nangyari sa iyo, consider that as learning experiences. Huwag na sanang maulit, ah? Matuto ka na, at patawarin mo na ang sarili mo."
"Opo."
"We know na mahilig kang magsulat at magbasa since you were a child," kwento ni Dad. "In fact, I've kept your poems, lalo na noong nanalo ka sa school poetry writing contest noong grade six ka pa. Kaya supported namin pagiging writer mo."
Napayakap na rin si Dad sa akin. Tumayo si Kuya Venson at naki-group hug. "Aba, di ako papayag ma-OP sa inyo!"
Natawa ako nang piningot ako ni Kuya Venson. "Sayang wala akong free copy ng libro mo," biro niya.
"Matatagalan pa, Kuya. Balak ko nang mag-quit sa Wattpad, for my peace of mind."
"Ay, pahinga lang but don't quit," sagot ni Dad.
"Final na decision ko, Pa. Baka sakaling makagaan ng aking kalooban. Di ko na kayang magsulat pa, knowing they'll remember me as the writer na pangit ang published book."
"The right people will stay by your side, Anak. May aalis na fans mo, pero may darating din," mom chimed in. "Whatever your decision, we will be here."
"Salamat po, thanks for being there."
Napangiti ako despite my tears habang nadarama ko ang mga yakap nila mom at dad (na may pingot ni Kuya Venson). Nagpapasalamat ako sa aking pamilya, at sa kanilang pakikinig at pagmamahal.
After our dinner, I have made my final decision.
I logged in to Wattpad and deleted all my stories. Yes, deleted, hindi unpublished. Good thing I have a copy of my drafts in my laptop, in case I change my mind. But I don't see it happening in the future.
Ito ang mensaheng iniwan ko sa aking MB:
Hello, thanks for reading my stories for three or four years. I have decided to quit Wattpad for good, dahil sa mga naganap lately na gumulo sa aking kalooban. Alam kong nagkamali ako for wanting to publish my book so bad, kaya nagka-aberya. Yung mga umorder ng My Love From The Past na di natanggap ang bayad nila, stay tuned on my fanpage, para malaman on how to get your refund. Naipakulong na namin ang scammer na nagpapanggap na publishing house.
Maraming salamat po sa pag-unawa. Mahal ko kayong mga readers ko, kahit ang pagsusulat, pero hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ito. Just let me rest, maybe I can straighten things out.
Again, thank you.
XOXO, VennyG
At tuluyan nang nag-sign off si VennyG.
Tears streamed my eyes. I'm not yet okay, but eventually, I will be. I hope my decision is for the best.
A/N:
Sorry for the late update, medyo busy lang.
And Cardo Dalisay exists in this fictional universe, haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top