14-After The Heartbreak

Have you ever seen the sun after the heartbreak?

Frozen somewhere in time

Have you ever seen the stars after the word goodbye?

This song by Brielle Von Hugel best described my state of mind after what Nessie did to me.

The night after I cut class with Nine, nakahiga lang ako sa kama at nakatulala while listening to this song on Youtube. Nagkataong natyempuhan ko lang ito sa suggested videos, and nang mapakinggan ko ito, tagos sa puso ang lyrics, even if I did not break up with a boy.

Gaya ng sinabi ko noong una, pwede rin cause ng heartbreak ang isang kaibigan na tinalikuran ka at ayaw ka nang makasama.

Nakatulog ako nang hindi ko na namamalayan ang oras. Pagkagising ko kinaumagahan, the first thing I saw was my phone beside my pillow, along with my tangled earphones. Na low-batt na ito.

I struggled to get up and rubbed my forehead. Naalala ko ang mga pangyayari sa canteen with Nessie. It hurts so much when everything came back to me.

Tanggapin mo na, hindi mo na siya kaibigan.

Looks like I have to remind myself about this over and over from now on.

I pulled myself out of my bed. Picking up my cellphone, nilapag ko ito sa bedside table at sinaksak sa charger. Napatingin ako sa alarm clock. 8:30am na, at ang una kong klase ay 9am.

Napagdesisyunan ko na hindi na muna papasok ngayong araw. Hindi ko kakayanin kung makasalubong ko si Nessie sa kung saan man parte ng uni. I don't have the heart to face her. Baka hindi ko mapigilan ang sarili na tawagin siya at piliting makipagbati sa akin.

Pero naisip ko rin, useless din kung gagawin ko iyon in person. Maybe I should accept that we will never be friends anymore. Siguro nga, di ka pwede makipagkaibigan kung isang sikat na writer ang kaibigan mo at ikaw ay hamak lamang na nasa ibaba niya.

If I can't be like her, sa academics na lang ako babawi.

Napagdesisyunan ko na ngayon na hindi na ako magsusulat at magpo-post ng kwento sa nasabing site.

Besides, nag-enjoy naman ako during my three years. May buhay sa labas ng Wattpad. At ang buhay na iyon ang sisikapin kong makamtan at gawing meaningful para sa akin.

---

Wala namang tao sa bahay namin buong araw, kaya hindi big deal sa aking pamilya na hindi ako pumasok. Nagkulong lang ako sa kwarto at nakinig ng music na malungkot. Naisipan kong mag log-in sa Wattpad pagkatapos. May mga nagco-comment pa rin sa mga characters ni Nessie sa story ko. I just muted them, my mind felt tired and numb to even shoo them away.

I typed a message on my bulletin board:

"Hi, thank you for the wonderful three years I spent with you here. This is VennyG signing off on Wattpad."

Yun lang ang nilagay ko. I logged out without explanation.

Sila na bahala mag-interpret kung bakit ako nag-sign off. Sa bagay, nawalan na rin ako ng gana magsulat after everything that happened. Hindi na ulit ako nag-log in sa Wattpad after this.

---

The next day was a struggle for me going to class. I tried to put on a normal face the moment I walked in my school halls. Mag-isa na pala ako starting today. I have to brave this out.

"Venny! Hi, ikaw ba nag-send ng anonymous confession about Nessie Vargas?"

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon. A girl with curly hair smiled sheepishly at me. She's none other than Kelly Sia, the entertainment writer for the school newspaper. Isa rin siyang kilalang tsismosa, at alam halos lahat ng nagaganap sa school, mula sa mga admins hanggang sa mga estudyante. You wouldn't want to meet her. May ability siya to ruin your day by asking you irritating personal questions.

Hindi ko siya sinagot, and I continued walking. But she trailed behind me.

"Wattpad writers pala kayo ni Nessie. Sikat pala siya, ano? Balita ko nag-away kayo sa canteen the other day. Ano masasabi mo, did you try approaching her?"

I paused in my tracks and breathed deeply. Hinarap ko siya.

"It's none of your business. Pwede ba, iwan mo ako? Wala kang makukuhang sagot sa akin. And don't write that for your stupid gossip column. Wala kang pinagkaiba sa mga nagpapadala ng anonymous confessions sa Facebook about Wattpad authors," I snapped.

For the last time, I shot her a dirty look, and walked away without turning my head to see her reaction.

I felt satisfied with what I did. Mukhang kaya ko na ito. Wala na kong pakialam kung gawan man nila ako ng kwento. I know my truth.


For the next days, I had to endure whispers behind my back about what happened. Kahit gustong-gusto ko silang patulan, iniiwasan ko na lang sila. Kaya tuwing breaks, kumakain ako sa carinderia o coffee shops na may kalayuan sa uni. Kapag uwian, sa library ako nagtatago at gumagawa ng assignments, o diretso na lang umuuwi ng bahay.

"Ang aga mo lagi umuuwi. Di mo na ata kinukwento si Nessie?" Pagtataka ni Kuya Venson nang maabutan ko siya sa bahay. He was seated on the sofa, watching a basketball game on TV.

"Di na kami friends," I coldly answered.

"Ha? May nangyari ba?" Kuya asked curiously.

"Mahabang istorya."

Umakyat na ako sa kwarto at iniwan siyang nakatunganga.

Matamlay akong nahiga sa kama. How long do I have to endure all of these?

"Inggit daw si Venny kaya niya ginawa iyon."

"Si Nessie si eissenv na writer, yung nasa Watty Love. Kaya nag-submit si Venny ng anon confession. Inggitera."

"Wattpad lang pala pinag-awayan nila, ang babaw."

Kahit sabihin kong hindi ako magpapa-apekto, andun pa rin ang punto na everything they say will get to you.

Sana magsawa na sila talking about me.

Noong huli kong nakita si Nessie, mukhang masaya siya with Aila and a new guy friend. Tapos may nakasunod sa grupo nila na tatlong babae. Nagtago ako the moment they walked by.

"Miss author, kailan mo ipu-publish story mo?" Tanong ng isa, sabay tili ng dalawa niyang kasama.

"Abangan niyo na lang! Kayo agad unang may autograph ng book ko."

The smile on Nessie made her look like as if nothing happened, na hindi siya affected losing me. I watched all of this hidden behind a locker. Akala ko dadaan sila sa harapan ko, pero buti na lang, sa ibang dako sila naglakad.

I shut my eyes tightly and felt tears brimming. Ayoko na umiyak, pero ito na naman ako.

In the end, I gave in and cried silently.

One day, ako naman ang titingalain nila. I'll make sure I'll have the best thesis for senior year and graduate with high honors. Makikilala ako bilang school achiever. I will work out on this.

Kung swertihin man akong sumikat sa Wattpad, that would be great. Isasampal ko kay Nessie na di mo kailangang magsulat ng basurang mga kwento para lang makilala. Isasampal ko sa kanya na mas magaling naman ako talaga, at kaya ko siyang higitan. That is, kung may makakapansin man sa stories ko.

Call me arrogant, but this anger and disappointment will help me succeed over her.  I have to stop feeling miserable now, and make all of these happen.

Mas magaling ako kay Nessie Vargas sa lahat ng bagay, and I will make her see that. I will make the school see that, na di nila ako pwedeng apak-apakan.

My ex-friend is not worth hurting over.

A/N: Song-After The Heartbreak by Brielle Von Hugel

Lumabas na ang inner maldita ni Venny!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top