13-Friendship Over

"Huwag mo na siya iyakan. Di mo deserve ng ganoong klaseng kaibigan. You explained everything, and yet di pa rin siya nakikinig sa iyo? Ditch her."

Tahimik akong umiiyak sa balikat ni Nine habang nakaupo kami sa isang secluded hallway. Hindi ko na maalala kung paano kami nakarating doon. I kept on crying while Nine led me hanggang sa mahanap namin ang lugar na ito. Pagkadating namin,  sumalampak kami sa tabi ng isang locker, at tuluyan na akong humagulgol habang nakasandal kay Nine. She just let me cry until I started coughing. I paused to catch my breath.

"Tanga iyan si Jeje Girl. Bilis madala sa mga pangyayari. Be thankful you don't have her in your life starting today." Hinimas ni Nine ang aking buhok.

"Pero gusto ko makipagbati sa kanya. Friends kami for three years, tapos itatapon lang niya ng ganoon?" Humikbi ako.

Nine took out a pack of tissue from her backpack. She gave it to me, and I reached out for a sheet to blow my nose on.

"Ayan na ang sign. She just threw away your friendship over some stupid anonymous confession? Pinagpipilitan niya na ikaw may gawa, eh maliwanag mong sinabi na hindi ikaw iyon? Tanga siya. And you don't deserve that person in your life," Nine advised me.

"Ano na gagawin ko?" I sniffed.

"Naku, tanggalin mo na siya in your life. At mahirap na rin, nakita mo naman what Wattpad fame is doing to her. It's just the start. Things could be worse later on if you still have her as your friend."

Nine placed her arm around my shoulder and hugged me tightly. "I'm here, don't worry."

"Salamat." Dumaloy ulit ang panibagong mga luha. "Buti ka pa, andiyan. You don't think of me as a b*tch."

"Di mo naman talaga kasalanan eh. Coming from you." Nine lifted up my face and she wiped my cheeks. "Huwag ka na pumasok. Di ka pwede humarap sa tao na ganyan itsura mo."

"Oo nga eh," I agreed.

A small wicked smile formed on her lips. "Cut tayo!" Nine declared cheerfully.

"Pero..." Pag-aalinlangan ko.

"Minsan lang ito. Pasalamat tayo hindi na anino sa iyo si Jeje Girl. Di mo siya kailangan. Isaksak niya sa baga niya lahat ng kasikatan niya!"

I laughed when Nine raised her fist in the air.

"G ako. Saan tayo pupunta?"

---

"Hindi kita kailangan, umalis ka na sa aking harapan! Ang damdamin ko sa iyo, biglang naglaho na!"

Nilakasan pa namin ni Nine ang aming mga boses habang nakatayo sa harapan ng isang flat screen. Hinigpitan ko pa ang hawak sa aking mic at winagayway ang aking kamay sa ere.

"Ayaw ko nang mangarap, ayaw ko nang tumingin! Ayaw ko nang manalamin! Nasasaktan damdamin!"

"Gulong ng buhay, patuloy-tuloy sa pag-ikot! Noon ako'y nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman!"

Si Nine ang tumapos ng kanta. Nang magpakita sa screen ang score na 100, naghiyawan kami.

"Wooo, sarap sa pakiramdam noon ah! Effective na kanta ang Luha." Napaupo ako sa mahabang plastic na silya at napasandal. "Buti dinala mo ako dito sa private videoke room."

Andito kami ngayon sa isang indoor amusement park sa loob ng isang mall near our school. May videoke booths dito at pinili namin ni Nine ang pinakamalaking room, kung saan isang oras na kami ditong kumakanta. Nag-pitch kami ng pambayad para makarami kami ng tokens.

"Pagod ka na? Ako, hindi pa!" Natawa si Nine sabay kuha ng songbook sa mesa. She flipped through the pages para pumili ng susunod na aawitin.

"Sige, ikaw na lang kumanta," sagot ko.

"Okay." Tumayo si Nine para i-punch ang mga numbers sa videoke. Nang magsimula na ang song, naging busy na siya sa pagbirit.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-on ng data. Nang chineck ko ang Messenger, walang mensahe si Nessie sa akin.

Naisip ko na ako na ang magpapadala sa kanya ng mensahe.

Nessie, about kanina, I want to say sorry. I mean it, di talaga ako nag-send ng confession. At nasampal kita, patawad. Pati sa mga sinabi ko.

I sent it to her. To my surprise, seen agad niya.

You cannot reply anymore to this conversation ang sumunod na nagpakita sa aking screen.

Napayuko na lang ako sa sama ng loob at hinayaang pumatak ang aking mga luha.

"Huy, bakit umiiyak ka na naman?"

Agad akong tinabihan ni Nine pagkatapos ng kanyang kanta. She peeked at my phone screen and frowned.

"Wala na, ayaw na niya talaga," hikbi ko.

I felt arms around my shoulder. Nine held me tightly and let me cry my heart out.

"Bakit siya ganoon? Three years ko siyang kasama, tapos itatapon lang niya ako na parang basura."

"Girl, baliktad. Siya ang basura na tinapon mo," Nine can't help but laugh. "Aba pinagpipilitan ang gusto niya, naka-ilang paliwanag ka na lahat, tapos ganyan lang turing niya sa iyo? Sh*tty na nga writing skills, sh*tty pa pag-uugali."

"Oo nga eh," sang-ayon ko sabay palis ng luha.

"At gugustuhin mo ba na sumikat, tapos ganyan mangyayari sa iyo? No thanks. May makaka-appreciate sa gawa mo kahit konti lang sila. At may balat ata sa puwet mga admins ng Watty Love PH, yung mga pinapasikat nilang stories, minamalas mga authors. Kita mo yung kay MysteriousKnight, puro warfreak na baby bra warriors fans niya. Sabihan mo lang na maraming mali sa story ng idol nila, magagalit na kaagad. Tapos yung writer ng Psycho Killer, tinuligsa dahil inaacurate portrayal niya sa bida," kwento ni Nine. "Nagalit din ang fans, lol," she spat sarcastically.

Naalala ko mga authors na binaggit ni Nine. Oo nga no, bakit kaya nagiging ganoon fandom nila? Siguro nagkataon lang, o sadyang mga bata pa ang naka-follow sa nasabing fanpage. Mga batang immature at di marunong sumiyasat ng kung anong maayos na kwento sa hindi. Mga batang madaling masilaw sa kwento na sumikat, may kilig, o author na gwapo.

"Gusto mo ba kumain?" Alok ni Nine. "Libre ko," ngiti niya.

"Uy, nakakahiya naman," tanggi ko.

"Kunwari ka pa! Halika, kain tayo para di na sumama kalooban mo. Mas masarap kapag libre!"

"Ito talaga. Pwede pizza at pasta?" Tuluyan na akong ngumiti kahit na sinisipon na ako sa kakaiyak.

"Sure! Let's celebrate na wala ka nang fake friend!"

At iniwan na namin ni Nine ang videoke booth para dumiretso sa isang fast food for an early dinner, kahit na 4pm.

---

Sa tinagal-tagal ng aming pagsasama, isang beses lang kami nagkatampuhan ni Nessie.

May naging boyfriend ako noong una kong taon sa kolehiyo. Sophomore ang nasabing lalaki, at nakilala ko siya sa org namin. Palagi kaming magkasama ng lalaking iyon sa library, kaya kami nagkamabutihan. Iyon ang naging dahilan ng tampo ni Nessie.

"Sige, magsama kayong dalawa ng jowa mo! Hindi lang ikaw tinatagpo niyan!"

Text message ito ni Nessie na binalewala ko lang. Tatlong buwan ko rin kasama yung lalaki, hanggang sa nakita ko siya sa carinderia sa labas ng school na may kaakbay na ibang babae.

Hinarap ko siya, at agad nakipag-break. Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik ng school. Luhaan akong dumiretso sa library.

"Nessie, tama ka. Puntahan mo ko dito sa lib," text ko.

Kahit na nakaupo na siya sa klase ay pinuntahan pa rin niya ako sa library. Doon niya ako unang nakita na umiiyak. She just let me cry on her shoulder, at nagagalit ako sa sarili ko dahil sa pagiging tanga ko. Nessie didn't blame me for not believing her and breaking up earlier with the guy. Naintindihan niya na minahal ko ito.

Simula noon, we promised to look out for each other's potential suitors. Balak din namin na maging thesis partners, sabay na magmamartsa sa graduation day, maghahanap ng trabaho, at magiging maid of honor sa mga kasal namin.

Pero ngayon, hanggang pangarap na lang ang lahat ng ito.

Mas masakit palang mawalan ng kaibigan kesa sa boyfriend.

Friends can break your heart too, and it's the worst. Lalo na kung hindi siya naniniwala na di mo naman siya nagawan ng kasalanan.

Binura ko na lahat ng pictures namin ni Nessie sa cellphone, pagkatapos kong malaman na blocked niya ako sa Facebook, sa parehong RA at dummy account.

At inunfollow ko na rin siya sa Twitter. Muted naman sa Wattpad. When I removed her sa pagkakamute, hindi na siya naka-follow sa akin.

Siguro nga hanggang dito na lang kami. Kahit anong pagmamakaawa ko, ayaw niya akong pakinggan.

Tama nga hinala ko. Nang nararamdaman ko na unti-unti na siyang nagbabago dahil papasikat na siya na writer, iyon na pala ang senyales na hindi na siya ang dating BFF na kilala ko.

A/N: Lines from the song "Luha" by Aegis. Ang sarap kantahin niyan pag masama loob mo. :)

Featured song: "Feelings Fade" by Gnash

Anong gagawin niyo kung nasa sitwasyon kayo na akala ay may nagawa kang mali against your friend, pero ayaw maniwala ng friend mo na wala kang ginawa, or worst, napagbintangan ka? Hihingi ka pa ba ng sorry, or hahayaan mo na lang?

Some thoughts to think about.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top