Chapter 27
CAME
Erille's Point of View
Natapos akong sumayaw ng dalawang music, at masasabi kong medyo malaki ang kinita ko ngayong gabi, malaking tulong ito para kay Tabi. bumababa ako ng stage at mabilis na tumuloy sa itaas para puntahan si Louen.
Ang usapan namin walang ganito, sasayaw lang ulit siya. Paakyat palang ako ng hagdan ay agad ko siyang nakasalubong, "Anong nangyari sayo?" hinawakan ko ang magkabila niyang braso ng tanungin siya, dahil namumutla siya at halos namumuti na ang labi niya.
"Hoy!" sambit ko ng tila tulala lang siya at parang tinakasan ng kaluluwa sa katawan. Sinaktan ba siya sa itaas? Tiningnan ko ang buo niyang katawan pero wala akong nakitang isang galos o pasa kaya bumalik ako sa pagkakaharap sa kanya. "Louen?! Ano na bang nangyayari sayo?" tinapik ko ang kanyang mukha at doon palamang siya bumalik sa kanyang sarili at napansin ako.
"Rie," sambit niya, tingnan mo kanina pa ako nandito ngayon lang ako nakita. "Bakit ka umakyat sa itaas?" tanong ko, hindi siya agad nakasagot kaya kunot noo ko siyang tinitigan.
"Pumayag ako mag service pero w-wala na o-ok na hindi naman natuloy," she answer and avoided my gaze. Hindi na lang ako umimik at sinundan siya sa loob ng staff room. Kinuha ko lang ang kinita ko ngayong gabi kay Mamo bago kami nagbihis at tumuloy na din sa hospital kahit na mag aalas-dos na ng madaling araw.
"Ito ang kinita ko ngayong gabi, idagdag mo na sa bill natin sa hospital," bulong ko habang nakasakay kami sa taxi, inabot ko sa kanya ang pera pero hindi niya ito tinanggap bagkus ay ibinalik niya ito sa aking bag at sinabi, "Itabi mo na sa iyo yan Rie, kakailanganin mo yan, wag mong alalahanin ang bayarin sa hospital," mahina niyang bulong.
"Pero---," hindi niya na ako pinatapos magsalita, "Hindi na Rie, sige na itabi mo na 'yan," seryoso niyang sambit kaya wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya at nanahimik na lang dito.
Hindi ko maiwasang tingnan siya habang papunta kami ng hospital dahil bakas sa kanyang mukha ang kakaibang pangamba at takot sa hindi ko malamang dahilan. Bakit siya natatakot?
Mas pinili ko na lamang manahimik at hintayin kung magsasabi ba siya sa akin, dahil alam kong may mga bagay na hindi dapat sinasabi sa iba, at kung iyon man ay kagaya ng nararamdaman ni Louen ngayon handa akong intindihin kung hindi niya ito sabihin sa akin. Nirerespeto ko ang desisyon niya at ang mga susunod niyang gagawin.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hospital, malapit lang ang club dito kaya hindi kami nagtagal sa byahe. Habang papasok hindi ko maiwasang matakot, dahil walang katao-tao sa hallway ng hospital at iilan lang ang bukas na ilaw.
Tahimik ito at malamig sa paligid, lumapit ako kay Louen at humawak sa kanyang braso hanggang sa makarating kami sa silid ni Tabitha.
Pagpasok namin ay natigilan kaming dalawa ng makitang payapang natutulog si Tabi sa kama habang nakayuko si Six sa gilid ng kama at hawak ang kamay ni Tabitha. "Mag CR lang ako," bulong ni Rie at dahan-dahang naglakad papasok sa banyo.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan at nakatingin sa gagong ito, lumapit ako sa kanya at tiningnan ng malapitan ang kanyang mukha. "Mukha kang mabait pagtulog ah," bulong ko at dahan-dahang hinawi ang kanyang buhok.
Marupok na kung parupok pero tangina pinapatibok mo pa rin ang puso ko. I purse my lips and slowly move close to his face and touch his long lashes. His pointed nose,kinurot ko rin ang kanyang pisngi, "Ano bang ginawa mo saki---," hindi ko natapos ang binubulong ko ng bigla siyang gumalaw at nagtama ang labi namin.
Mabilis pa sa alas kwatro akong lumayo at tumayo ng tuwid. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makitang natutulog pa rin siya, unti-unti kong hinawakan ang aking labi at tumalikod sa kanya.
My heart is racing like we are on a track, Shit! "Rie," agad akong napalingon ng lumabas sa banyo si Louen, tila nagbabaga ang mukha ko sa sobrang init at kahit naka aircon ang silid, nagsimula akong pagpawisan. "Ok ka lang?" pabulong niyang tanong.
"O-ok lang ako," bulong ko at tumakbo sa banyo,"Najejebs ako haha," sambit ko at sinara ito ng mabuti, nanghihina akong sumandal sa likuran nito at tinakpan ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay.
Nanginginig ang mga ito at nag iinit ang pisngi ko, nang humarap ako sa salamin, sinampal ko ng malakas ang aking sarili ng makitang pulang-pula ito. "Ano ba Justine umayos ka nga!" mahina kong singhal sa aking sarili at pinagkukurot ang sariling hita.
"Bakit ka ba kasi lumapit!!!" naiinis ako sa aking sarili, ginulo ko ang aking buhok at hindi maiwasang magpapapadyak sa loob ng banyo, dahil sa aking katangahan. "Pasalamat ka tulog kung hindi grrrrr!" I hit my legs out of irritation.
Nagstay ako sa banyo ng mga ilan pang minuto bago nagdesisyong lumabas, "Hindi mo na siya gusto Justine, hindi na," bulong ko at buong tapang binuksan ang pinto ng may ganong mind set.
Pero pagkabukas ko ng pinto ay mukha niya agad ang bumungad sa akin, "Ay gusto kit---," maagap kong tinakpan ang aking bibig dahil doon, shit ka talaga Justine kung hindi tanga, bobo ka!
"Gusto mo ng alin?" pumupungas-pungas na tanong niya sa akin, tila parang kakagising lang nito, at wala pa sa sarili. "Gusto ko ng balut hahaha yon gusto ko ng balut," natatawa kong sambit at nilagpasan siya. Umupo ako sa sofa at pinilit ang aking sarili na matulog dahil hindi ko kayang harapin si Six pagkalabas niya ng banyo.
Kakapilit kong magpanggap matulog, nakatulog nga ako ng tuluyan at nagising ng nakaunan sa hita ni Six, kaya mukha niya agad ang bumungad sa akin. "Ay palaka!" malakas kong sambit at agad tumayo.
Parang nahilo pa nga ako ng konti dahil sa biglaang pagtayo buti nalang ay nakahawak ako agad sa pader, "Ako palaka? Ang gwapo ko namang palaka kung ganon," maloko niyang sambit bago tumayo at inayos ang kanyang damit.
Inirapan ko na lang siya at nilapitan si Louen na pinupunasan si Tabitha habang nanahimik itong kumakain ng grapes at nanunuod ng TV. "Rie pwede ba kayong umuwi sa condo para ikuha ng damit si Tabitha?" mahinhin na tanong ni Louen.
"Oo naman ako na ang kukuha," tugon ko at inayos ang aking maikling buhok. "Kayong dalawa na ni Six para hindi kana mamasahe, diba Six?" tanong ni Louen kay Six, ngumiti si Six sa kanya bago tumango na parang bata. "Oo tama," he said, I rolled my eyes at him.
"Kaya ko naman mag-isa," bulong ko pero hindi nila na rinig kaya naglakad na ako papunta sa pinto at nilingon siya, nakakainis pagnakangiti siya! "Tara na!" sambit ko at lumabas ng pinto. Naglakad at mas nauna akong nakapunta sa parking kesa sa kanya.
"Nagmamadali ka ba?" tanong niya na tila ang ganda ng mood, tss, "Hindi, natatae ako!" pilosopo kong sagot at agad sumakay sa sasakyan ng buksan niya ito. Nakita ko ang pagtawa niya dahil sa sagot ko bago siya umikot at sumakay sa driver's seat.
Nang mapansin kong lalapit sana siya sa akin agad kong kinuha ang seat belt at inunahan siyang ikabit ito, "Hindi ito isang romance movie na kailangan mong ikabit ang seatbelt ko, nakakadiri," sambit ko at hindi tinitignan.
He chuckled and lead closer, nanlaki ang mata ko ng tumapat ang mukha niya sa akin, bago siya ngumiti at sinabi, "At hindi rin ito comedy show para maging tanga ka at hindi lock ang pinto," he said and laugh so loud.
Hindi nawala ang panlalaki ng mata ko dahil sa sinabi niya. Shit! Nakakahiya! Ang tanga mo talaga Justine. Nagpatuloy siya sa pagtawa habang sinimulan ang makina ng sasakyan.
Nakarating kami sa condo niya nang hindi ko siya pinapansin, dahil bawat tingin niya sa akin ay kapalit ng pagtawa niya dahil sa nangyari kanina, gaya nito. "Hindi ka titigil!?!" naiinis kong sambit at ibinato sa kanya ang unan na nasa sofa.
Sinalo niya ito at hindi tumigil sa pagtawa, Wala akong choice kung hindi pabayaan siya at hindi pansinin, tumuloy ako sa kwarto nila Louen at nagbaon ng ilang damit para kay Louen at Tabitha.
After kong maayos lahat ng kailangan dalhin sa hospital lumabas at lumipat ako sa kabilang kwarto para kumuha na rin ng damit ko, naisipan ko na ring magpalit dahil kagabi ko pa ito suot.
Kumuha ako ng isang simpleng white tank top and black high waisted shorts at habang nagpapalit ako, biglang bumukas ang pinto kaya agad kong tinakpan ang aking dibdib, "Ahh bastos!" sigaw ko, mabilis na isinara muli ni Six ang pinto, kaya nagmamadali akong sinuot ang aking damit bago lumabas at ibinato sa kanya ang bag ko.
"Bastos ka!" sigaw ko, sinalo niya muli ang bag ko bago nagsalita, "Anong bastos, hindi ko alam na nasa loob ka kaya binuksan ko kaagad, at isa pa kwarto ko iyon!" sagot niya. Hinabol ko siya at nagpaikot-ikot kami sa loob ng living room dito sa condo.
"At isa pa wala naman akong nakita, plat naman!" sambit niya kaya mas lalo akong nainis, "Ahh papatayin kita!!!!!" sigaw ko at susugudin na sana siya gamit ang walis ng biglang tumunog ang phone ko.
Binuksan at tiningnan ko ang tumatawag pero napakunot ang noo ko ng makitang unregistered number ito, pero kahit na ganun ay sinagot ko ito, "Hello?"
"Ahm, Erille it's me Jackson," natigilan ako ng marinig ang boses ni Jackson sa kabilang linya. Teka paano? "Paano mo nalaman number ko?" Kunot noo kong tanong, nakita kong tumayo ng maayos si Six dahil sa sinabi ko.
"Sino yan?" tanong niya pero imbis na sagutin ko siya ay tumalikod ako, "I kinda as Miss Cherille about it, sorry I didn't ask permission from you but I really like you, I'm serious," binigay ni Mamo!!!
"Are you mad?" he ask, nagulat ako ng bilang tumabi sa akin si Six at pilit nakikinig. "Hindi naman ako galit," sinubukan ko itulak si Six pero hinila niya ang aking bewang papalapit sa kanya kaya hindi ako nakalayo.
"I'm glad you're not mad, actually I called you just to ask you for dinner tonight ahm.. Before you go to work, what do you think?" he ask so gently and sweet, sino naman ako para tanggihan siya hindi ba. "Ahm..--," tiningnan ako ni Six kaya buong tapang akong sumagot. "Sure," sagot ko at tinulak palayo ang mukha ni Six.
"Great, I'll see you later," bakas sa tono ng boses nito mula sa kabilang linya na masaya siya, ang cute kaya hindi ko naiwasang mapangiti, pero agad iyong nawala ng kunot noo akong tinititigan ni Six.
"Oh problema mo?!" I haze at him, he steps closer to me and asks, "Sino yon?" seryoso niyang tanong, "Hindi mo kilala shuuu" I said and turn my back on him.
"Saan mo nakilala?" sunod niyang tanong sa akin, "Sa club," I mean sa labas ng club, sa karinderya. "Wag kang pupunta," natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. "Bakit naman?"
Nakasimangot niya akong tiningnan at sinabi, "Hindi matinong lalake 'yon," huh? "Paano mo naman nasabi?" naglakad siya papalapit sa pinto at binuhat ang lahat ng bag bago ako sinagot at sinabi.
"Basta hindi ka pupunta," nagulat ako ng malakas na boses niyang sinabi iyon bago lumabas. Sumunod ako palabas ng pinto at hinabol siya.
"Selos ka?" mapangasar kong sambit pero agad niya akong tingnan at sinabi. "Bakit gusto ba kita?"
Lynus's Point of View
"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 10:30 am and the temperature is 29°C. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. On behalf of Ninoy Aquino International Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day/evening/night/stay!" I opened my eyes as the announcement aired inside the plane.
We waited for the plane to finally land and stand up and step out of the plane. "Welcome back to the Philippines Sir, thank you for trusting our airline," I nodded at her and urged a smile before I looked outside the plane.
"I'm back here again," I whisper.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top