Chapter 24
Tease
"M-Mommy," mabilis akong bumangon sa pagkakahinga sa tabi ni Tabitha ng marinig kong tawagin niya ako, nagkamalay na siya. "Tabi!" I utter, that makes Six and Erille wake up and instantly stand up.
I automatically called the nurse to check her up, but she didn't let go of my hands and while she was being checked hindi ko mapigilan lumuha, good thing she was awake. Thank God. I was just staring at her the whole time she was being checked.
She urge a smile and show me her hand with an Ok sign and wink, that touches my heart and tears overflow even more, hinawakan ni Rie ang likod ako kaya mas sumandal ako sa kanya.
We are all just watching them check my daughter and fix something we don't know until they finish and say that Tabi's condition is already stable. After that, they leave us there, so I sit beside my daughter and fix her hair.
"How are you feeling Tabi? Do you feel something ouchieee? Tell it to Mommy," I whisper and kiss her forehead, Erille sits on the other side while Six reaches for Tabi's hand.
She smiles at us even though she looks so pale and weak, she manages to show us a bright smile with her small tooth. "No ouchieee Mommy, Tabi is strong," she said and glanced at Six, they wink at each other and Rie continued asking her something.
I just watched her laugh with Rie's and Six's jokes, she was smiling and giggling like she wasn't in a mild stroke. I know she's suffering but she chose to show us how strong she is and that's what I also need to do.
I need to be strong for her because she's strong for herself and for us, I won't let that go to waste. Mommy will make the ouchieee go away.
"Tabi," I whispered, and I caught her attention. I caressed her cheeks and put her hair at the back of her ears before I leaned down and whispered, "Do you want to go somewhere? Do you wanna go where Tata and Toto go?" I ask.
She glanced at Rie and Six, they both smiled at her and nodded. She looked back at me and spread her arms, pulled my neck, and hugged me. "I will go where Mommy goes," she whispered in my ears.
I smiled and whispered my answer to her too, "Mommy will go with Tata and Toto there, so that means Tabi's coming with Mommy too?" I ask, hindi ko mapigilan matuwa dahil sa pagiging cute ni Tabi.
Tabitha giggled and nodded, "Yeshhh," mahaba niyang sagot kaya natawa ako ng tuluyan at pinaghahalikan siya. She keeps laughing and after that Rei feeds her while I fix our things up.
Nasabi ko na sa Doctor na ililipat namin si Tabitha sa manila, and they think that I would be a great way para gumaling si Tabitha, they also said that since she's awake now and didn't show any complication we can go to Manila with her.
"Louen," napalingon ako kay Six ng tawagin niya ako at lumapit sa akin habang busy sila Rie at Tabi sa pagkain. "Yes? Bakit?" tanong ko sa kanya habang tinutupi ang damit ni Tabi at isa-isang nilalagay sa duffle bag ko.
"Here" he handed me a money and said, "Pambayad natin dito sa hospital" my lips parted when I look at the money, "Six hindi mo naman kailangan gawi---," he cut me out and say, "If we won't pay the bills then hindi rin natin malilipat si Tabitha, kaya wag ka nang mahiya sa akin dahil gusto kong gumaling na si Tabi," he said, and I know I can't argue with that.
I look down, and sigh before facing him, I hug him and whisper, "Thank you so much," he rubs my back before I move away and smile at him. "Saan niyo balak tumira pagbalik natin sa manila?" tanong niya.
Napaisip ako dahil doon, oo nga where are we going to live there? Si Erille nakatira lang sa club dahil inaayos yong club wala na siyang bahay doon. "Siguro maghahanap na lang kami ng rent apartment," tugon ko.
"Why don't we just all stay on my condo, tutal ako lang naman magisa doon, malapit lang din iyon sa hospital kaya mas magandang doon nalang tayo lahat," sambit niya, kaya napalingon ako kay Erille na tila narinig ang sinabi ni Six.
Tumayo si Rie at lumapit sa amin, "Tama doon nalang kayo tumira sa kanya El, ok lang naman ako sa clu---" hindi siya pinatapos ni Six magsalita at agad itong sumagot, "Lahat nga diba" sambit ni Six."
Hindi agad nakaimik si Rie kaya ako na ang nagsalita, "Ok tama doon nalang tayo sa condo mo, tayong lahat diba Tabi? All of us in Toto's house?" tanong ko kay Tabi, she look at us and while chewing she nodded cheerfully.
Lumapit ako kay Tabi at pinunasan ang labi niya bago tiningnan ang dalawa, "Basta hindi ako magbabayad ng renta don ah, ikaw ang nagsabi na doon kami" singhal ni Rie.
"Daming arte," bulong ni Six kaya sinipa ni Rie ang hita niya, Six just laugh at her and we all laugh together, we stayed there for another night, at kinabukasan ng madaling araw ay umuwi si Rie at Six sa bahay para mag impake sinundo kami sa hospital pagkatapos.
"Kaininong sasakyan ito?" tanong ko paglabas namin sa hospital, habang buhat-buhat si Tabitha. Nakaabang sa amin sa labas ng hospital ang isang gray Nissan Almera. "Hineram ko sa kaibigan ko haha di naman tayo kasya sa motor ko hahaha," sambit ni Six at inilagay ang gamit namin sa likuran ng sasakyan.
Sumakay na kaming tatlo sa back seat at ng sumakay si Six sa drivers seat agad siyang nagsalita, "Ano to' driver nyo ako? Hoy Erille dito ka nga sa harapan ang feeling mo" sambit niya.
"Ayaw ko nga ikaw nalang don sa harapan El" sambit ni Erille, kaya nilingon kami ni Six at sinabi, "Lilipat ka dito oh ikaw mag drive?" hindi nakalaban si Erille sa sinabi ni Six kaya padabog itong lumabas at lumipat sa harapan ng sasakyan.
"Let's go!" sigaw ni Tabi, kaya napangiti kaming tatlo at nagsimula ng bumyahe, pabalik sa Manila.
Kakaibang pakiramdam ang aking nararamdaman ngayon, naghahalo-halo ito sa aking buong sistema. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan, sobrang bilis din ng tibok ng puso ko habang iniisip ko na papalapit na kami sa lugar na tinakasan ko ng limang taon.
Kung ano man ang mangyari sa pagbabalik namin sa Manila, isa lang ang sinisigurado ko hindi kailan man magtatagpo ang landas natin Leusam. Hindi mo malalaman na anak mo si Tabitha.
Hindi ko guguluhin ang nanamahimik mong buhay, ako mismo ang magpapagaling sa anak ko at gagawin ko ang lahat para kumita ng pera para sa anak ko. Hindi tayo magkikita muli.
Erille's Point of View
"El, nilalamig ba kayo sa aircon dyan sa likuran?" tanong ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan, walang sumagot kaya nilingon ko sila sa likuran, kaya naman pala tulog na ang mag-ina.
Napangiti ako habang pinagmamasdan silang mapayapang natutulog, halos wala pang maaayos na tulog si Louen, hindi siya nagpahinga hangga't hindi pa nagkakamalay si Tabitha.
Lagi niyang sinasabi na mahina siya at walang silbi pero ang totoo ay sobrang lakas niya para harapin ang lahat ng ito, kung ako lang ang nasa lugar niya ay maaring matagal na akong sumuko.
Hindi niya alam isa siya sa pinakamalakas at matatag na babaeng nakilala ko, gagawin ko rin ang lahat para matulungan ka Louen. Umayo ako ng pagkakaupo bago kinuha ang aking phone para icheck kung ano nang balita sa club.
Tinawagan ko si Mamo, at mga ilang ring pa lang ay agad niya na itong sinagot. "Mamo pabalik na ako ng Manila, ano na hong balita dyan?" tanong ko.
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko, "Mamo?' sambit ko. "Justine ok na ang club pinayagan na ulit tayong mag operate bukas na bukas!!!" masigla niyang sambit, sandali kasing natigil ang club dahil sa problemang kinakaharap nito at sa reklamo kaya ngayon ok na ulit dahil na kausap na namin ang nagreklamo.
"Talaga Mamo!!?!" hindi ko maisawang mapangiti dahil doon, sa wakas ok na ulit ang lahat. "Oo, Justine kaya wag kang mawawala bukas ah ikaw ulit ang first dancer natin sa main stage," sambit nito mula sa kabilang linya, ramdam na ramdam mo ang saya sa tuno ng boses ni Mamo kaya natutuwa na rin ako.
"Hindi ako ang first dancer mo bukas niyan Mamo, babalik na si Louen siya ang unang dancer natin bukas," sagot ko, narinig ko ang pagpalakpak niya at sinabi, "Nako napakagandang pagbabalik, maganda ang pagbubukas muli natin bukas nito, salamat ng marami Justine," she said.
Tumango ako, "Oh siya sige Mamo na sa byahe pa ako, kita na lang ho tayo bukas," sambit ko, "Oo sige, mag ingat kayo," she said and we ended the call. "Yes!" bulong ko, "Saya mo ah," napalingon ako kay Six ng magsalita siya.
"Malamang, ok na kasi ulit ang club kaya magbubukas na kami bukas," sagot ko, tumango siya habang nakatingin pa rin sa kalsada, "Dapat na ba akong bumalik na rin sa club?" natigilan ako dahil sa sinabi niya, bakit naman siya babalik?
"Tanga bakit ka pa babalik doon? Eh ang ganda na nga ng trabaho mo sa bar diba! Bobo ka?" pilosopo kong sambit na ikinatawa niya. "Wala lang para balik ulit tayong tatlo doon, para masaya," walang sense niyang sagot kaya kunot noo ko siyang tiningnan.
"Alam mo may sapak ka na, pacheck up ka na rin uyy," sambti ko bago muling tumingin sa bintana at ngumiti. Magandang simula muli ito, sana lang ay maging tama ang desisyon ni Louen sa pagbabalik namin.
"Diyos ko, kayo na ho ang bahala sa amin.." I whisper. Inabot kami ng limang oras sa pagbyahe pabalik ng Manila, pero dahil traffic dito tumagal pa kami ng isang oras sa kalsada kaya hapon na kami nakarating sa condo nitong gagong to'.
"Pasok, pasok," he said when he opens his pad, hindi ito ganun kalaki gaya ng mga pag aari ng mayayaman kong customer pero ok na ito para sa isang binatang gaya niya. "Wow!!!" napalingon kaming tatlo kay Tabitha ng tignan niya ang view dito sa bintana ng condo ni Six.
Mataas ang palapag kung saan ang condo niya kaya maganda ang view dito at kita lahat ng building na nakapalibot sa condo.
"Do you like it, Tabi?" tanong ni SIx at lumuhod sa tabi ni Tabi. nakahawak si Tabi sa salamin ng bintana at idinikit pa ang mukha doon kaya hindi namin napigilang tumawa ng tummango siyang nakadikit doon.
"Aren't you scared of heights Tabi?" Louen asked her while putting some of our bags on the couch. Umiling si Tabi nang nakadikit pa parin doon kaya natawa kami lalo. "Ito ang kusina, medyo wala masyadong gamit dahil madalang lang ako magluto," sambit ni Six at ipinakita sa amin ang kusina.
Kulay black ang kusina niya at malinis tignan dahil konti lang ang gamit, binuksan ko ang ref at nagulat ng makitang marami itong laman at puro healthy food ang nakalagay, "Taray bagong buhay?" sambit ko, lumapit siya sa akin at isinara iyon. "Gagong buhay," sambit niya at lumabas ng kusina.
"Tara dito" sambit niya at sumunod naman kaming dalawa ni Louen sa kanya, may maliit na hallway siya dito para sa tatlong pinto. "Ito ang extra banyo," sambit niya at binuksan ang pinto sa gitna ng hallway.
Maliit na banyo ito, may shower kaya pwede rin doon maligo, "Then," sambit niya bago binuksan ang isang pinto sa kaliwa, "Ito ang kwarto nyo Louen, medyo mas maluwag ito kesa sa isa para makapaglaro pa si Tabi dito sa loob." pumasok kami sa loob, kulay beige ang kulay ng silid kaya malinis tignan, may kama at aircon dito, may malaking cabinet din.
"Ito may sarili kayong banyo para kailangan gumamit ni Tabi sa gabi," maayos ang kwarto na ito at parang pwedeng maging kwarto talaga ng babae kaya hindi ko mapigilang magkomento. "Baka kwarto ito ng ex mo, nakakahiya naman kung dito kami" Sambit ko habag pinagmamasdan ang paligid.
"Sira! Bakit ko naman pagagawan ng kwarto ang ex ko isa pa hindi dito nastay 'yon," singhal niya, I just make face at him and continue roaming around. "Kasya na tayo dito El," sambit ko at umupo sa kama.
"Sinong nagsabi dito ka magkwakwarto, makikisiksik ka pa," napalingon kami kay Six ng sabihin niya iyon, teka balak niya ba akong patulugin sa sala! Talagang pagtritripan niya ako ngayon dahil teritoryo niya ito.
"Saan mo ako papatulugin sa sala!!!" singhal ko, pumasok si Tabi sa loob ng kwarto at umupo sa tabi ni Louen.
"Hindi!" sagot niya, "Mommy shower," sambit ni Tabi kaya tumayo si El at sinabi, "Labas muna kayo papaliguan ko lang si Tabi" sabi niya kaya wala kaming nagawa kundi lumabas ng kwarto na iyon at tiningnan ko siya ng masama.
"Sabi ko na nga ba dapat talaga hindi ako sumama dito, sa club na lang ako mag stay kung pagtritripa---," maglalakad na sana ako para lagpasan siya ng bigla niya akong hilain at binuksan ang katapat na pinto sa kanan.
"Dito kasya naman tayo dito," sambit niya at pumasok kami sa kwarto niya, kulay black ang kwarto at konti lang ang gamit sa loob, kama at music materials lang ang nandito. "Ano!" sigaw ko.
"Dito mo ako papatulugin? Wag na oy!" singhal ko at bubuksan na sana ang pinto ng magsalita siya, "Ang arte mo, anong gusto mo sumiksik ka pa sa kwarto nila Louen nakita mong sakto na sa kanina iyon, isa pa gusto mo naman ako kaya advantage mo yun na dito ka matutulo----," hindi ko siya pinatapos at agad nagsalita.
"Anong sinabi mo? Ako? May gusto sayo?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya, he cross his arms on his chest lean on the wall, and confidently look at me. "Erille umamin ka na gusto mo ako, walang babaeng hindi magkakagusto sa akin," nanlaki ang mata ko sa biglang kayabangan ng gago.
"Sira ulo ka ba kaya pala binusted ka ni Louen kasi walang babae ang hindi magkakagusto sayo," pilosopo kong sambit, "Iba iyon," sagot niya kaya mapangasar akong ngumiti.
"Isa pa umamin ka na sakin dati pa nong 18th birthday mo nong naginuman tayo sabi mo gusto mo ako kaya alam kong gusto mo ako," tanga alam mo na pala noon pa pero bakit nagustuhan mo pa rin si Louen, tss. "18 pa lang ako non' Six ngayon hindi na kita gusto no, no way," sambit ko.
"Patunayan mo dito ka magkwakwarto," mapanghamon niyang sambit, anong akala mo aatras ako sayo, gago hindi na ako gaya ng dati. "Sige ba, gusto mo tabi pa tayo eh!!!" lakas loob kong sambit.
He smirked and say, "Wag na baka gapangin mo ako," halos mahulog ang panga ko sa kayabangan nito, kailan pa siya yumabang ng ganito! "Gago!" sigaw ko at binato sa kanya ang bag ko.
"Hahahaha," tinawanan niya lang ako ng masalo ang bag ko, lumabas ako at tinulungan na lang si Louen na magayos ng mga gamit namin. At nagluto rin ako ng hapunan, adobong baboy at fried rice. Pagtapos namin maayos lahat ng gamit at damit kumain na kami ng sabay-sabay at pinagusapan lang ang mga gawain dito sa bahay.
After eating nagpasikat yong gago na maghugas daw ng plato kaya hinayaan namin at nagstay kami kwarto nila El. pinatulog ni El si Tabi bago nakipagusap sa akin, "Sigurado ka na ba bukas?" seryoso kong tanong habang nakaupo sa tabi niya.
"Sigurado na ako, para kay Tabi," pursigidong sabit ni Louen kaya hindi ko mapigilang tingnan siya ng mabuti, "Kung yan ang gusto mo, susuportahan kita nandito lang ako sa tabi mo, magpapakatatag tayo para kay Tabi," bulong ko at niyakap siya.
Gagaling si Tabi at kami ang gagawa ng paraan para mangyari iyon. "Sige na matulog kana at magpahinga, kulang ka pa sa tulog tapos pagod sa byahe kaya pahinga ka na," tumayo na ako at lumapit sa pinto.
"Sige goodnight Rie," she said, and lay down beside Tabi, I smiled at her and turned off the light in their room before I slowly closed it.
Tumayo ako sa harap ng pinto ng silid na tutulugan ko bago bumulong, "Ginusto mo ito harapin mo," isa pa wala naman na akong nararamdaman para sa kanya kaya wala lang ito.
Six's Point of View
I was busy mixing music inside my room after washing the dishes, I stopped when the door opened and Erille stepped inside with frowned brows. I stop playing my music and lean back on my chair, look at her, and smirk.
I like to tease her more right now, because she became so grumpy when we met again. Mas nakakatuwa siyang asarin ngayon dahil ang bilis niyang mainis sa akin, I kinda like it.
"Oh kala ko hindi mo kaya eh," I playfully said and push my chair close to her, give her those teasing stares, "Baka ikaw 'yon," singhal niya bago tinulak ang aking mukha papalayo at tumuloy sa banyo dala ang kanyang kulay violet na twalya.
I chuckled and said, "Takot ka? Gusto mo samahan kita?" pang aasar ko. She glared at me and showed her middle finger to me before she loudly closed the door. I grin and go back to what I'm doing as she takes a shower.
I have early work for tomorrow because there's this big event at the bar tomorrow so I might leave early and go home at 6 pm so I can take care of Tabi while they go to work. Now I feel relieved that they are staying here with me so that if anything happens to Tabi I can run her to the hospital.
I continue mixing music and putting some beats in, music is my safe zone and this is where I can express my feelings, music gives fun to my life. And I can't imagine myself in another profession, I always see myself as a Dj and I'll stay like that for the rest of my life.
"At last," I utter when I finish my mix and finally save it. I rest my back and head on my seat and stretch my arms. While doing that the bathroom door opens, I open my eyes and look at her----
"Oh, bakit ngayon ka lang nakakita ng bagong ligo? Hindi ka kasi naliligo noh," she said, but I just remain looking at her, why the fuck is she not wearing br----"Ano yang suot mo!!!!" I hissed at her. Fuck!
"Sando tanga! Ito shorts di mo alam?" sambit niay habang pinupunasan ang basang buhok gamit ang towel na hawak niya, I seat properly and wipe my face using both of my hands.
"Hindi mo ba alam na kwarto ng lalaki ang tutulugan mo bakit ganyan ang suot mo tapos hindi ka pa nagsuot ng br---ng panloob!!!" I sigh out of frustration, she's so careless ever since!
"Eh pake mo ba ganito ako matulog, bakit takot ka?" mapanghamon niyang sambit. Agad akong humarap sa kanya dahil doon, "Bakit naman ako matatakot eh wala naman akong makikita dyan," I said, making her throw a pillow on my face.
"Wala naman pala eh edi manahimik ka dyan, arte!" sambit niya bago humiga sa kabilang side ng kama ko.
She faces the other side of the bed so I can clearly see her body shap---fuck! Tumayo ako at lumapit sa kanya, "Oh bakit ka nandyan?" tanong niya, I take a heavy sigh before I instantly grab the comforter and wrap her with it.
Ibinalot ko siya ng parang lumpia gamit ang comforter, "Tangina ka Six ano ito!!!" galit niyang sambit. When I finally cover her body with the comforter I step backward and smile at her.
"Ang cute mo dyan," pangaasar ko at tumuloy sa banyo. "Six, mamatay ka na!!!" She said, but hearing that feels and shouts the word. "Satisfaction," I whisper.
Louen's Point of View
"Hmmmm, hmmm," naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mahinang boses, at patuloy na paggalaw ng kama. What is that?
I slowly opened my eyes and saw Tabi struggling in her sleep while starting to hold her head.
Mabilis akong umupo at hinawakan ang anak ko, "Tabi?" I utter, she opens her eyes and cries. "Mommy ouchiieee again!!! Huhu mommy," agad ko siyang binuhat at sinuot ang aking slippers.
"Mommy huhu ouchieeee, ouchieee ouchieee," she's holding her head and keep whimpering in pain, mabilis akong lumabas ng kwarto at kinatok sila Rie at Six sa kawarto nila.
"Rie!!! Six!!!" I said while knocking, 12 am na ng madaling araw kaya alam kong tulog na sila. Yumakap sa akin si Tabi ng sobrang higpit at umiyak sa balikat ko, "Mommy ouchie!" she whispered. I held her so tight and finally the door opened.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Six at agad kinuha ang susi ng sasakyan at binuhat si Tabi.
"Louen," Rie said and held my hand. "Kailangan natin dalhin sa hospital si Tabi," I said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top