Chapter 21
Wounds
Erille's Point of View
"Sinong may birthday bukas?" Tanong ko habang sinusubuan si Tabitha ng lugaw na binili ko sa labasan. Malamig kasi lalo ang panahon ngayon sa Baguio kaya mas masarap kumain ng mainit na lugaw.
"Me!" sagot ni Tabitha habang patuloy pa rin sa pagdradrawing, ngumiti ako at inayos ang buhok niya habang patuloy siyang ngumunguya.
Napalingon ako sa hagdan ng bumaba na si Louen habang inaayos ang kanyang uniform, "Papasok na ako," sambit niya bago hinalikan sa pisngi si Tabitha at kinuha ang baon na niluto ko para sa tanghalian niya mamaya.
"Mag-ingat ka ah, pagumuwi ka mamaya wag ka na maglakad sumakay ka na ah!!!" paalala ko, hinalikan niya muli si Tabi bago tumango at tumakbo palabas ng bahay, tuluyang pumasok sa trabaho.
"Anong gusto mong handa bukas Tabi?" tanong ko at sinubuan siya ulit, "Fried chicken!!!!" she said and spread her arms wide, "ganyan kayaking fried chicken ang gusto ng Tabi namin? Wow," nanlalaking mata kong sambit upang mapatawa siya.
She giggled and nodded as an answer, "Sige magluluto ako ng ganito kalaking fried chicken bukas para kay Tabi namin," masigla kong sambit at pinagpatuloy ang pagpapakain sa kanya.
Pagkatapos kumain naglinis ako ng bahay, habang tahimik na nacocolor si Tabitha sa salas ng coloring pad niya, Hindi malikot na bata si Tabi dahil bukod sa hindi siya pwedeng mapagod at sa mga active games, isa din siyang matalinong bata na mas gusto ang learning activities kesa sa active activities na karaniwang ginagawa ng mga kabataan ngayon.
Habang nagmamap ako dito sa salas naisipan kong mag patugtog kaya binuksan ko ang speaker namin at agad akong tiningnan ni Tabi ng marinig ang tugtog. I smiled at her and she did the same thing.
I use the remote as my microphone and start singing together with Tabitha, we always sing this song together.
"You're on the phone with your girlfriend, she's upset, she's going off about something that you said 'cause she doesn't get your humor as I do," we both sing the intro, kinuha ni Tabitha ang pencil case niya at ginaya ako sa pagkanta.
Tumayo si Tabi sa kama at ginaya ako, "Don't dance or jump," paalala ko, at nagpatuloy sa pagkanta. Sinasabayan niya ako at halos masaulado niya na ito dahil lagi namin itong kinakanta.
"But she wears short skirts, I wear T-shirts she's Cheer Captain, and I'm on the bleachers, dreaming about the day when you wake up and find that what you're looking for has been here the whole time," I start dancing and keep pointing at her while she just keeps singing and smiling at me.
Lumapit ako sa map at ito ang ginawang mic, na lalong nagpatawa kay Tabitha, I start dancing weird step in front of her and feeling the music.
"If you could see that I'm the one, who understands you've been here all along, so, why can't you see? you belong with me," sobrang nag eenjoy kami sa pagkanta ng biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang lalaking hindi ko nasilayan ng dalawang taon.
"You belong with me," I whisper, "Toto!!!" sigaw ni Tabitha at agad tumakbo kay Six, "Tabi!" suway ko ng bigla siyang tumakbo, hindi siya pwedeng tumakbo na lang basta-basta. Binuhat siya ni Six at agad hinalikan sa pisngi.
Lumapit ako sa speaker at pinatay ang tugtog bago siya hinarap, "Six, napadalaw ka," sambit ko, nakangiti siyang tumingin sa akin at sinabi, "Bakit bawal na ba akong dumalaw dito at makita ang mahal kong Tabitha?" Sambit niya.
Nakasuot siya ng denim pants at kulay itim na round neck t-shirt, saka vans na sapatos na lalong nagpakita ng tangkad at haba ng hita niya. Umikli ang buhok niya at nakaayos ito pataas kaya mas lalong kitang-kita ang mukha niya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, biglaan ang pagdating niya at hindi ko ito naisip. Anong sasabihin ko? Ang awkward...
"S-saan girlfriend mo?" tanong ko at tiningnan ang kanyang likuran, iniisip na may lilitaw na magandang babae sa kanyang likura--- Teka ano ba Erille! Eh ano naman kung kasama niya ang girlfriend niya! Malamang kasama niya ito!!!
Diba naka move on kana, wala ka nang nararamdaman para sa kanya, kaibigan mo na lang siya ngayon. Tama! Ngumiti siya ng may pagaalanganin at sumagot, "Nagbreak na kami, nagloko eh," sagot niya na tila wala lang sa kanya na nagloko ang girlfriend niya, naglakad siya papalapit sa sofa at binaba si Tabi.
Pinanood ko siyang lumabas at may kinuhang dalawang paper bag ba puno ng pagkain mula sa kanyang motor. Parang nabibingi ako at tanging tunog ng susi niya sa kanyang pantalon ang aking naririning.
"Bumili na lang ako ng grocery para maraming pagkain si Tabitha," sambit niya, tumuloy sa kusina at inayos ang pagkain na dala sa ref. Lumapit ako sa kusina at pinanood lamang siya, dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Bakit ang tahimik mo? Hindi mo ba ako mumurahin?" nakangiti niyang sambit, "G-gago," bulong ko kaya mas lalo siyang natawa at tiningnan ako. "Kamusta ka na buti buhay ka pa," sambit niya kaya napasimangot ako at binato siya ng isang pack ng pancit canton.
"Ikaw kailan ka mamatay?" singhal ko at tinalikuran na siya. Tama, parang wala lang nangyari Erill ganon lang.
Louen's Point of View
I walk inside the shop and head straight to the locker room, so that I can start working already. Ganado akong magtrabaho ngayong araw dahil, mamayang hapon ibibigay ang sweldo.
Bukas na ang birthday ni Tabitha and she's already turning 5 years old, parang kailan lang baby lang siya but now she's totally growing, I badly hope that her sickness won't grow up with her.
"Louen mukhang good mood tayo ngayon ah, ang ganda mo lalo tignan tuloy," Sambit ni Ace ng dumaan ako sa section niya, I laugh at her and say, "Nako Ace wala akong pera, di bebenta sa akin yang bola mo ngayon haha" sambit ko, bago tumuloy sa aking stall at nagsimulang magtrabaho ng may ngiti sa aking labi.
"Good day ma'am what shade would you like for?" masiglang pagbati ko sa customer, I started my day very well at medyo marami akong nabebentang lips stick today kaya sobrang saya ko.
Natapos ang oras ng trabaho ng may ngiti pa rin ako sa aking mga labi, while packing our things Boss step outside of her office with our salary in her hands. I automatically smile when I think of Tabi's birthday tomorrow.
I will cook her some fried chicken which is her favorite, and some spaghetti, lumpiang shanghai, at marami pang iba. Boss stood in front of us, and Ace poke my waist as she excitedly smiled at me.
"Here is your salary," she said and started handing us our salary. "Thank you, boss," sabay naming sambit pero sinungitan niya lamang kami at bumalik na sa kanyang opisina, "Sungit talaga ni Tanda," bulong ni Lendy sa akin bago kami sabay-sabay na lumabas ng shop.
"Birthday ng anak ko bukas, pag hindi kayo busy punta kayo," sambit ko habang naglalakad kami palabas ng mall, "Oyy sige ba, anong oras ba?" Tanong ni Ace habang nakahawak sa braso ni Lendy.
"Mga hapon," sagot ko, "Sureness gora kami dyan," sambit nila bago lumiko at nagpaaalm na sa akin. Nagsimula na akong maglakad pauwi, dahil ayaw kong bawasan ang pera ko at sweldo ko para bukas.
Habang nasa kalsada tiningnan ko ang sweldo ko at binilang, dahil bibili na ako ng rekados para bukas bago ako umuwi.
"2, 3, 4, 5, 6, 7-----," Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may humablot ng bagay ko, mabilis ko itong pinigilan at pilit hinawakan ng mahigpit ang aking bag, riding in tandem sila at tila nakamask at helmet kaya hindi makilala.
"Bitawan mo na miss!!!" galit na sigaw nila sa akin ng pilit kong hinihila ang bag ko at wallet sa kanila. "Tulong!! Magnanakaw!!! Tulong!!!!!" malakas kong sigaw pero nasa parte kami ng kalsada na wala masyadong tao at tila madilim kaya hindi mapapansin.
"Please wag po! Tulong!!!" malaks kong sigaw at halos mapaupo na ako sa kalsada habang pilit hinihila ang bag ko mula sa kanila, "Bitaw sabi eh!" sambit ng isa bago biglang pianandar ang kanilang motor, dahilan upang makaladkad ako hanggang sa tuluyan ko nang nabitawan ang aking bag.
Mabilsi silang nakalayo at kahit sinubukan kong tumayo at habulin sila ay hindi ko na sila naabot pa, tila parang bula na nawala sa akin ang lahat. Sobrang kirot ng braso, tuhod at mga paa ko.
Naghihina akong napaupo sa gitna ng madilim na kalsada at natulala na lamang na nangyari. Tanging ang cellphone ko na lamang ang meron ako sapagkat nakalagay ito sa aking bulsa, dahan-dahan ko itong kinuha ng marinig kong may tumatawag.
I bite my lower lip and and grip tight on the brim of my shirt, look at my broken phone, basag ang malaking part ng screen nito dahil sa pagkakakaladkad ko kanina. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil tila nawala na lang ang lahat sa akin sa isang iglap.
Sinagot ko ang tawag ni Erille at tiningnan ang malaki kong sigat sa hita at tuhod mula sa butas kong pantalon. "Nasaan ka na gising pa si Tabi dahil may bwisita ka rit----Toto!!!" narinig kong sigaw ni Tabitha mula sa kabilang linya, agad kong na laman na si Six ang tinutukoy ni Erille.
"A-ahm Rie patulugin mo na si Tabi medyo malalate ako ng konti," bulong ko, "Huh? Bakit nasaan ka na ba ngayon? Sa shop pa rin gusto mo pasundo na kita kay Six? Dalikado pa naman sa kalsada ngayon kagabi may dalawang babaeng ninakawan at binangga ng riding in tandem," I smile bitterly because it just happens to me.
"Hindi na uuwi na rin naman ako, sige bye," mahina kong sambit at pinatay na ang tawag bago pa nito mahalata na hindi ako ok. Napapikit ako ng maramdaman ang matinding pagkirot ng malalaki kong sugat.
Tila tumutulo pa ang dugo ko mula sa mga sugat, dahan-dahan akong tumayo at nagsimulang maglakad pauwi ng bahay. Inabot lang ako ng ilang oras bago makarating sa harap ng bahay, at nang makita ko ang motor ni Six sa tabi maspinili ko muna pumunta sa gilid ng bahay at doon umupo hanggang sa bumukas ang pinto ng bahay.
I saw Six and Erille arguing and pissing off each other's ass again, just like what they usually do back then. "Mamaya pa ata uuwi si Louen, hindi mo ba siya hihintayin gago?" tanong ni Rie kay Six.
"Bukas na lang siguro, pupunta naman ako sa birthday ni Tabitha kaya sarapan mo ang luto mo, baka lagyan mo ng lason o kaya gayuma yon ah," pangaasar ni Six kay Rie, hinampas ni Rie ang braso ni Six at sinabi, "Bakit ko naman gagawin yon tanga! Kung gusto kitang patayin sa saksakin kita ngayon na agad hindi na ako nagpapakahirap na lagyan pa ng kung ano ang kakainin mo bukas gago!!!" singhal ni Rie at tinalikuran na si Six.
"Mamaya gayumahin mo ako dahil crush mo ako," malokong sambit ni Six habang sumasakay sa kanyang motor at sinusuot ang kanyang helmet. "Kapal mo ako magkakagusto sayo mukha ka kang igrown ni justin bieber!!!" tugon ni Rie.
"Tanga mas gwapo ako don" sagot ni Six bago binato si Rie ng isang bow na maliit at tuluyang umalis.
Tumayo na ako at dahan-dahan naglagay palapit kay Rie at agad siyang niyakap, ay palaka! Louen! Anong nangyayari sayo jusko?!" gulat niyang sambit at ianlalayan ako, bago tiningnan ang buo kong katawan.
"Jusko, anong nangyari sayo," naluluha niyang sambit at inalalayan ako kaagad na pumasok sa loob ng bahay, pabagsak akong umupo ng sofa at pumikit upang indahin lahat ng kirot ng mga sugat ko.
"Anong nangyari sayo El!" takot na sambit ni Rie bago tumakbo sa kusina at kinuha ang first aid kit namin doon. Lumapit siya sa akin at nanginginig na tiningnan ang itsura ko. "Nako nanginginig ako El, ano ba kasing nangyari?" ninenerbiyos niyang sambit habang nililinisan ang aking sugat.
Hindi ko siya magawang sagutin dahil sobrang makirot ang mga sugat ko, hinintay ko siyang matapos na gamutin ang lahat ng ito. "Sandali kukuha ako ng pamalit mo," sambit niya at tumakbo sa itaas upang kumuha ng shorts at sando para sa akin.
Nagbihis ako sa harapan niya pagkatapos, "Sabihin mo sa akin anong nangyari El?" seryoso niyang sambit bago ako marahan na hinawakan sa magkabilang kamay.
That's when I just felt so weak to feel sad, I just hugged her so tight and closed my eyes, praying and hoping that this was just a bad dream. "El naman magsalita ka? Nadisgrasya ka ba?" umiiyak na tanong ni Rie sa akin.
Huminga ako ng malalim at nanatiling nakapikit sa kanyang balikat bago nagsalita, "Ninakawan ako, wala na akong ni katiting na pera, sinubukan ko naman pigilan pero nakamotor sila kaya nakaladkad ako haha," I bitterly smile and laugh in pain.
Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa aking mga mata, "Ano na lang sasabihin ko kay Tabi bukas hahaha," I whisper and just feel this heavy pain in my chest and aching wounds on my whole body.
Hindi na nagsalita si Rie, mas pinili niyang kayapain nalang ako at umiyak para sa akin, kaya mas lalo akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib, nangako ako kay Tabi na maghahanda siya at magcecelebrate siya bukas, pero ngayon ni katiting na pera ay wala na ako.
Nanatili lang kami sa ganong posisyon ng ilang minuto bago niya ako itinulak papalayo at tiningnan, pinunasan niya ang kanyang luha bago nagsalita, "Magpahinga ka muna ngayon," bakas sa mukha niya ang awa at lungkot.
Tumango ako at paika-ika na naglakad paakyat ng kwarto at humiga sa tabi ng anak ko, I weakly hug her until I fell asleep.
"Louen, anak," what's that? I could hear my mom's voice. I slowly opened my eyes and saw my Mom. I was laying my head on her lap while she tenderly touched my hair and smiled brightly at me. "Mom?" I utter.
"What happened to you?" she asks and touches my wounds; it stabs my heart letting her see how miserable I Am now. I start crying and wrap my arms around her waist and hide my face in her tummy like I always did when I was young.
"I'm a failure mom," I whispered, she chuckled and tapped my head so gently, "No you're not, you are strong and your daughter needs you," she said, I glanced at her until she smiled and leaned down to kiss my forehead.
"Wake up, Louen."
"Louen, gising na tanghali na," nagising ako ng marinig ang boses ni Rie, at ng imulat ko ang aking mga mata natigilan ako ng makitang wala na si Tabi sa kama, agad akong napaupo at hinanap siya.
"Si Tabitha?" tanong ko, napalingon ako sa sa orasan, nanlaki ang mata ko ng makitang ala-una na ng hapon, ganon ba ako katagal na tulog, "Nasa baba na kasama si Six at ang mga bisita," bisista?
"Pinaghanda ko pa rin si Tabitha, mahapdi pa rin ba ang mga sugat mo?" tanong niya, hindi ako nagsalita at niyakap siya ng sobrang higpit. "Salamat, maraming salamat Rie," bulong ko dahil kahit na hindi ko magawa ang pinangako ko kay Tabitha, nandyan si Rie para tuparin iyon.
"Walang ito ano kaba, magbihis ka na nga maiiyak nanaman ako dahil sayo eh"she said and handed me a dress. "Nagtanong ba si Tabi tungkol sa sugat ko?" tanong ko sa kanya habang dahan-dahan akong tumatayo mula sa kama.
"Nagtanong siya, ang sagot ko nadapa ka kagabi kaya ganyan, sabi niay magiingat daw dapat pati matatanda," natatawang sambit ni Rie habang tumayo na at naglakad papalapit sa pinto, I smile and go inside the bathroom and clean myself, also my wounds.
Dahil long sleeve ang dress at maxi-dress ito hindi halata na may sugat ako kaya kampante akong bumababa, at umaktong hindi kumikirot ang mga sugat dahil sa totoo lang sobrang kirot ng mag ito at hapdi.
"Six!!!" masigla kong sambit ng makita si Six na buhat-buhat si Tabitha banag nakikipagusap kila Ace at Lendy, "Landi," napalingon ako sa tabi ko ng bumulong si Rie at halatang tinutukoy si Six na papalapit sa amin.
Tumuloy sa kusina si Rie sa paglapit sa amin ni Six. "Louen," he called my name with a genuine smile, "Naka move on ka na ba?" I joked that it made him laugh. He nodded and let me get Tabi from him. Binuhat ko si Tabitha at hinalikan siya ng mabuti at niyakap ng mahigpit.
"Happy birthday my Tabi, Mommy loves you so much," I whisper, "Mommy, I know," she answered and we both giggled, "Can I go there," she said and pointed outside where the kids are seated at the door staircase.
"Ok, be careful ok," Paalala ko bago siya tumango at tuluyan ko siyang ibinababa at pinanood maglakad palabas ng bahay bago ko hianrap muli si Six.
"Kamusta?" tanong ko bago kami tumuloy sa kusina kung saan busy nagluluto si Rie. "Ok naman, I started as a permanent Dj in a famous bar in Manila, medyo malaki ang kitaan kaya nakabili na ako ng maliit na condo mula sa sarili kong pera." he said.
"Wow congrats," I'm proud of him and I know someone is more proud and happy for him, "Rie did you hear that?" tanong ko ng may ngiti sa labi.
"Huh? Sorry bingi ako pagdating sa mayabang na tao," pilosopong sagot ni Rie na agad nilabanan ni Six. "Inggit ka lang kamo."
"Ako maiinggit sayo asa ka gago mas gugustuhin ko manirahan ng may kasama sa apartment kesa magisa sa condo" singhal ni Rie. "Tanong magisa ba ako sa condo?" malokong sagot ni Six na ikinatigilan ni Rie, nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata bago nagsalita.
"Gago magkaHIV ka sana gago!" sambit ni Rie at nagpatuloy sa pagluluto, nagpatuloy rin ang kwentuhan namin ni Six tungkol sa nangyari sa kanya sa dalawang taon na iyon at hindi natigil ang away nilang dalawa at alitan nila ni Rie.
"Mommy," napalingon kami ng tawagin ako ni Tabi habang katabi niya si Lynus na kakarating lang, pero imbis na pansinin ko si Lynus ay mas napansin ko na pawisan si Tabi.
Kaya agad akong nagtanong at dahan-dahang lumapit sa kanya, "Tabitha nakipaghabulan ka ba sa labas?" namumutla na ang labi niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.
Tiningnan namin siyang lahat bago siya ngumiti at dahan-dahan nawalan ng malay. "Tabitha!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top