Chapter 9
It's five in the morning and I am already awake. Magjo-jog ako sa labas na minsanan ko lang ginagawa. Mas maaga akong nagising kaysa kay Kavius. Matagal kasi itong nagigising kapag walang trabaho.
"Good morning, Ma'am Cream."
"Morning. Mamaya na ako kakain pagbalik ko. Si Kavius naman, mamaya pa iyon magigising. Sabay na lang siguro kami," ani ko. "Pero kung magigising at hinanap ako, pakisabi na lang na nag-jog ako sa labas at babalik rin agad. Salamat," pahabol ko.
Paglabas ko ay automatic na may nakasunod sa akin na dalawang tauhan ni Kavius. Hindi ko iyon pinansin at hinayaan sila. Binabantayan lang naman ako ng mga 'yon. There's no life threatening danger out there. Sadyang may tagabantay lang talaga ako.
I found myself jogging for more than an hour and I decided to stop. Sakto namang napahinto ako sa harap ng isang pet shop. Naisip ko agad si Fluffy. Ten years old na ang baby Fluffy ko at talaga namang stay at home na lang, hindi katulad noon na ang lakas pa ng loob na umalis ng bahay at umuuwi lang kapag oras na para kumain. Ang kapal ng asong 'yon. Hindi ko alam kung ilang aso na ba ang nabuntis no'n. Lalaki si Fluffy.
Napanguso ako at nilagpasan ang pet shop. Wala akong dalang pera. Isa pa, si Fluffy kasi stray dog. Never pa akong nakabili ng aso o pusa sa isang pet shop.
Pag-uwi ay nakaabang na si Kavius sa malaking gate ng bahay. He was wearing a normal white tee shirt and a grey jogger pants. Nakalagay sa bulsa ng jogger pants ang isang kamay at ang isa naman ay hawak-hawak ang cellphone at mukhang may kausap. Nang sumulyap siya sa gawi ko ay agad niyang ibinaba ang cellphone at nilapitan ako.
"Anong ginagawa mo dito sa labas? Nag-breakfast ka na?" tanong ko.
Imbes na sumagot ay pinunasan nito ang noo ko pababa sa leeg. He's so focused on wiping my sweat.
"Kavius, kumain ka na ba?" tanong ko ulit.
"Not yet. Kakagising ko lang. Ang sabi ng maids nag-jogging ka kaya hinintay na lang kita dito. You could've wake me up."
"Alam kong pagod ka sa trabaho at deserve mo ng mahabang tulog. Halika na para makakain na tayo," aya ko at hinila siya sa kamay.
"I'm good. Sa susunod gisingin mo ako. Sasama ako sa 'yo."
Palihim na kumibot ang labi ko dahil hindi ko rin naman gagawin 'yon. He should not sacrifice his sleeping time just to come with me. At isa pa, suki naman siya sa gym dahil fit na fit ang katawan. Ako kasi hindi fan ng gym, tamarin ako at pati diet hindi ko nagagawa. Jogging lang kapag trip ko.
"Maliligo muna ako sa taas."
"Sama ako."
"Tangina ka."
Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. "Hindi ko naman sinabing sasama ako sa pagligo. Hihintayin lang kita. Itong asawa ko napaghahalataan."
"Shit ka! Ayusin mo ang kakainin natin. Ikaw ang magluluto."
"Hm? Gusto mo ulit ako tikman?"
"Ang halay mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili at pinaghahampas siya.
Tawa lang ang tanging naisagot niya sa 'kin at hindi na nag-abalang pigilan ako sa ginagawang paghampas sa kaniya. Panay ang ilag at tawa nito.
"I meant my cooking, wife. You're imagining extraordinary things aren't you?"
"Ayusin mo naman 'yang sentence mo. It's not about my way of thinking, you prick! Mahalay naman kasi talaga ang sinabi mo!"
Pagpasok ng bahay ay inabutan ako agad ng kasambahay ng isang basong malamig na tubig. Nagdala naman ako kanina ng tubig pero naubos habang pabalik na. Si Kavius naman ay panay ang punas sa pawis na tumatagaktak mula sa noo ko.
"Sige na't mag-aayos na ako sa taas. Huwag kang susunod kundi tatamaan ka talaga sa 'kin."
Humaba ang nguso nito pero hindi na rin nagprotesta.
"Seryoso ako Kavius Cross," habol ko.
"We can just let them do the work. Maghihintay lang naman ako."
Exactly. Maghihintay lang. Parang ang weird no'n.
"Huwag ng matigas ang ulo. Mas lalo akong tumatanda dahil sa 'yo e. Diyan ka na!"
Kinuha ko ang towel sa kamay niya at pinunasan ang sarili habang paakyat.
"You should watch your step, wife."
Napahinto ako at tinignan siya sa ibaba. Nakapamewang habang nakaangat ang tingin sa akin. Akala mo naman may batang pinapagalitan. Umirap lang ako at pumanhik na sa itaas. Hinubad ko muna ang sapatos ko at dumiretso sa bathroom. I took off my clothes and filled the tub with warm water. Napahinga ako ng malalim at umupo sa bathtub at pinaglaruang ang mga bukla.
Close minded talaga ako pagdating sa mga romantic relationship. That's why I'm reluctant to do this set up with him. I'm innocent with situations like this. Never naman akong nagka-boyfriend. Also, I wasn't a fan of romance novels way back. Pagbabasa ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang gusto ko lang gawin ay kumain, humilata, at mag-cellphone. Sino ba naman kasi ang hindi?
I don't know how to act in front of him. Kung maging superior ba o sunud-sunuran. Act cringe and all that sweet stuff. Parang hindi ko yata kaya. Hindi 'yon parte sa role ko bilang main character.
Sasabihin na 'sige, go with the flow na lang', pero paano kung kaka-go with the flow ko, e, mali na pala ang ginagawa ko? Si Kavius, siya 'yong tipo ng lalaking bibigyan ka ng healthy relationship at assurance kahit hindi mo naman hinihingi. Tatratuhin ka ng tama kumbaga. Pero what if along the way ako 'yong naging toxic? Parang ang sama-sama ko naman no'n.
I don't know Kavius too well. Pero malambing siya at makulit. May mga pagkakataong seryoso siya katulad na lang ng kapag may kausap siyang kasosyo siguro sa negosyo, pero most of the time kapag kasama ako ay panay ang tukso niya sa 'kin sa mga mahahalay na bagay. Palangiti rin at madaling umiyak. He's a softie. Gusto niya rin iyong hinahawakan ako sa baywang, sa siko, o sa kamay. Lambingan ang tawag niya kapag iniinis niya ako at ako naman ay nagagalit. Gano'n ka tangina ang ugali niya. He's innocent and a spoiledd brat. Lumaking pinagsisilbihan pero marrunong magluto. Malinis sa katawan, mabango, at allergic sa kalat. Parang city girl ang tipo niya sa mga babae pero ako ang asawa. Makapal ang kilay, pointed ang ilong, manipis ang mapulang labi, at perpekto ang panga.
Hindi ko alam kung totoo bang may nararamdaman siya sa 'kin noon o napipilitan lang siya sa 'kin. Pero mukhang hindi naman. He's sweet and bubbly towards me. He claims me as his lawfully wedded wife. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin maski ang mga maliliit na detalye tungkol sa kaniya.
Gusto niyang organisado ang mga gamit niya. Ayaw niya sa kalat. Naninigaw siya kapag nagagalit pero wala siyang laban sa 'kin. Mahilig siyang tumitig. Lahat ng sapatos niya organized din by colors, pati damit. Araw-araw papalit-palit ng sasakyan na ginagamit. Ayaw niya sa makulay na neck tie. It's either white, black, brown or grey. Salbahe siya pero hindi masyado. Ayaw niyang iniistorbo siya kapag may ginagawa pero kapag ako ayos lang. Hindi siya mapakali kapag malapit ako o magkausap kami. Gusto niyang pinaglalaruan ang kamay ko. Minsan hindi siya sumasagot kapag tinatanong. Wala sa bukabularyo niya ang salitang 'pagtitipid'. Matalino siya. Maikli ang pasensya. May compass tattoo siya sa kaliwang dibdib.
"Wife, the food is getting cold. Aren't you finished yet?"
Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang may kumatok. Tatlong beses na sunud-sunod.
"Hintayin mo na ako sa baba. Patapos na ako."
"Alright. I'll wait for you in our bed."
"Sa baba na!" bahagyang sigaw ko habang nagsasabon.
"Don't want to."
"Bahala ka!"
Tinapos ko na ang pagligo at nagsuot ng bathrobe. Binalot ko rin ng tuwalya ang buhok ko bago lumabas. Nakasubsob sa unan si Kavius at nakaharap sa gawi ko. Nang makita ako ay hindi siya gumalaw. Pinapanood lang nito ang bawat galaw ko.
"Hindi ka pa ba gutom?" tanong ko at umupo sa harap ng vanity mirror.
May skin care routine ako 'no. Matanda na ako pero hindi ako mapipigilan ng edad ko na mag-skin care. My body, my rules. I get to decide what I want to do with it.
"Gutom na."
"Hihintayin mo pa ako?"
"Of course. I can still endure my hunger."
"Magbibihis na ako."
"Nah, wife, it's okay. Go on, I want to watch you doing that."
"Gutom ka na."
"Hindi pa masyado."
Dahan-dahan siyang umangat mula sa pagkakahiga at lumapit sa 'kin. He pulled a chair and put it next to me. Inilapat niya ang siko sa mesa at pinatong sa likod ng kamay ang mukha paharap sa 'kin.
"Seryoso ka talaga?"
"Hm. Go on."
"Lagyan na lang din kita. Experience."
He showed a smile and nodded.
"This one is called gentle cleanser. This one is a Vitamin C serum, this is the sunscreen, and this is an eye cream. Sure ka na ba sa desisyon mo sa buhay?"
"Wife, come on, do me."
"Tangina talaga ng ugali mo," matabang kong sabi.
Mahinang natawa ito. "Halay talaga ng utak mo."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top