Chapter 7
"Bakit walang tao ngayon?" nagtatakang tanong ko nang makarating kami sa grocery store.
Nakasanayan kasi nito na puro na lang utos sa iba. Gusto ko ring maranasan niya kaya sinabihan ko siya kahapon na sasama siya sa 'kin ngayon, tutal wala rin naman siyang gagawin ngayon. Hawak niya ang oras niya at ako nama'y nasa bakasyon pa at malayo sa trabaho.
"Oh, I rented the whole place. You've mentioned this store and I immediately went into action."
"What? Why would you–"
"Ayokong maraming sagabal sa date natin ngayon. And of course, waiting in the counter for your turn is tiresome and I don't want you to stand and wait."
"Nasisiraan ka na ng bait!"
"Maybe I am. Come on, wife, let's get this done so I can cuddle with you later."
Umirap ako dahil sa walang kabuluhang pinagsasabi nito. Wala namang cuddle na nagaganap. We do sleep in the same bed but we don't touch each other sensually.
The glass door of the store automatically opened and we entered. He was holding the cart and I was holding the list.
"Aren't you tired wearing those heels?" nguso niya sa heels ko.
"Hindi. Nakasanayan ko na. Ganito ginagamit ko sa office. Kapag may event naman mas mataas pa ang takong."
"Ako ang nasasaktan para sa 'yo. Come here," he motioned.
He positioned himself on my side and lifted me up. My arms automatically made its way to his neck. Inilagay niya ako sa loob ng cart at tinaggal ang heels ko. He held it with one hand while the other was pushing the cart.
"Tangina paano natin malalagay dito lahat ng bibilhin natin?" tanong ko nang makabawi.
He tilted his head and two of his men appeared next to us, both pulling big carts. Para akong bata sa loob ng cart. Ang sama-sama ng tingin ko sa kaniya. Nagbaba ng tingin si Kavius sa 'kin at umusli ang maliit na ngisi sa labi.
"Where's our first stop, wife?"
"Meat section. Susunod ang gulay at 'yong mga panglasa."
Hindi kami mahihirapan sa pamimili kasi kami lang naman ang tao rito sa loob. The grocery store was huge and I can't believe he rented the whole place for a day. This is insane.
"You heard my wife. Go, move."
"Yes, sir."
Kavius keeps pushing the cart somewhere I couldn't figure out. Napaismid ako nang tumigil siya sa nakahilerang mga inumin. They're expensive. Umiinom naman ako ng mga mamahalin na wine pero hindi madalas. I only drink occasionally.
"Bilhin natin 'to. Paubos na ang wine sa bahay," ani niya.
"Sino ba ang palaging umiinom?" mataray na tanong ko.
"Ako."
Napahinga na lang ako ng malalim. He took four bottles and placed it on the space next to me. Inayos ko iyon at inilagay sa harap ko para hindi mabasag. Baka masayang. Ang mahal-mahal pa naman.
"Mahal naman nito tapos mauubos mo agad," reklamo ko.
"Kaya bibilhin kasi iinumin."
"Dami mong alam. Tara na sa meat section."
"Okay, baby."
Bwesit siya! Ang bilis talaga magpakulo ng dugo!
"Kakain muna tayo ng lunch bago umuwi. Or you want home cooked? Kaya kong magluto. Tiba-tiba ka sa 'kin," mayabang niyang sabi.
"Hindi na! Baka mabato lang kita ng plato."
"You're a real sadist, wife," kalmado niyang sabi.
"Oh, so–"
"And we are not going to have an annulment." He brushed his thumb against my shoulder. "Hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo na hindi tayo maghihiwalay hanggang sa matanggap mo na talaga na hinding-hindi tayo maghihiwalay. You get me?"
It wasn't even in my mind. Sasabihin ko nga sana na dapat magtiis siya sa 'kin dahil asawa niya ako. Ano ito? Change of blood and decisions? Oh naur!
"Punyeta ka!"
"Tsk, punyeta na kung punyeta. Basta dito ka lang."
Nagpatuloy kami sa pamimili. Sabay na sa amin ang mga guard niya at halos lahat ng staff na nandito ay nasa amin ang tingin. Kavius was cool and unbothered about it habang ako naman ay gusto ng umuwi.
"Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo," asiwang sabi ko habang tinuturo ang mga de lata na bibilhin.
Sa apartment noong nag-college ako puro de lata ang kinakain ko. Limitado kasi tight schedule, hindi ako nagkakaroon ng oras para magluto. Nakakapagluto lang kapag walang klase o walang projects na gagawin. Gusto ko ring ipasubok kay Kavius, laking mayaman kasi at hindi pa siguro nakakatikim ng de lata na pagkain.
"What are these? Do we need these things?" hindi maipinta ang mukha na tanong niya.
"Canned goods ang mga ito, initiative kapag tinatamad ka magluto o naubusan ka ng stock sa bahay. You should try it sometimes."
"No way!" he gaped.
"Yes you will. Pang-experience na lang din, Kavius."
"Paano kung ma-food poison ako diyan? What will you do, huh? Would you rather see me suffer?"
"Hindi nga, tanga nito! E di sana matagal na akong patay kung food poison 'yan! Siraulo!"
Kumibot-kibot ang kaniyang labi kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin. Aangal pa e. Akala mo naman mananalo sa 'kin.
"Ito ang kinakain mo noon?"
"Oo 'no! I lived with these for years way back in college."
"Holy hell! Don't you have a cook with you?!"
"Huwag mo akong sigawan!"
"Okay, okay, calm down, wife. I'm sorry, okay?"
"And for your information, hindi kami ganoon kayaman para magdala pa ako ng cook sa apartment ko! May pera lang kami pero hindi kami kasing-yaman mo! Bwesit ka!"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas-himas iyon. Ang mainit at malaki niyang kamay ay agad na nilukop ang maliit kong kamay.
"Okay, wife, I understand. But there's no need to shout, I can hear you."
Umirap ako at hindi siya pinansin. Ewan nas-stress ako sa kaniya. Kumukulo agad ang dugo ko kapag siya ang sumisigaw. Pero kapag ako ayos lang naman.
"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" mataray kong tanong nang mahuli ko itong malamlam ang mga matang nakatitig sa 'kin.
"Ang cute mo kapag nagagalit ka."
"Wow! Napaka-tangina naman ng ugali mo!"
"Tone down your voice, wife. Wala tayo sa bahay. Mamaya ka na sa bahay magsisisigaw."
Nahiya naman ako agad dahil nasa amin na ang tingin nila. Mabuti na lang pala at nirentahan niya ang buong store. Spending a day with him isn't that easy. Maya't maya akong sumisigaw habang siya naman ay tuwang-tuwa pa sa galit ko.
"Tama na 'yan, magbayad na tayo," ani ko.
"Okay, that's enough. I-diretso niyo sa counter. Here's my card." Kavius showed a black card.
"Can't you use an ordinary card?"
"Well, wife, your husband is extraordinary. You have to deal with that."
Wala akong black card. Special card and card na iyon at mga taong nasa taas lang ang may gano'n. I expected Kavius to have that card but it still surprises me that he owned one. At ngayon ay nakita ko nga iyon ng harap-harapan. Maganda sa paningin. Para gusto ko rin ng gano'n.
"Saan tayo after nito?" tanong ko.
"Lunch."
"Take out na lang tayo, tinatamad ako makipagplastikan sa mga tao ngayon."
Kapag tinatamad, may iniisip, o wala sa mood ay palaging salubong ang kilay ko. Well, my friends told me so. Mukha akong may galit sa mundo. But I'm nice. I don't do bad things to people without a reason. Depende lang talaga sa mood ko ang facial expressions ko.
"Okay, if that's what you want. Saan?"
"Ikaw na pumili."
"Mcdo?"
"Ayoko doon, nag-mcdo ako noong isang araw."
"Jollibee."
"Ayoko rin doon. Saan ba maganda? Mag-isip ka pa nga."
Napakamot sa ulo si Kavius at napailing na lang. E ayaw ko nga sa dalawa. Hindi ko type ang pagkain nila as of the moment.
"Saan mo ba gusto?" balik tanong niya.
"Hindi ko alam."
"We'll head back home. Ako ang magluluto ng lunch natin ngayon."
"Okay, fine. Sarapan mo. Bibigyan kita ng malaking rating kung pasado para sa 'kin."
He looked at me flatly. "I'm not your delivery guy, wife."
"I know, I'm just teasing you."
"You're a tease now, huh?" he mocked.
"Just drive, Kavius. Stop looking at me. Baka mabangga tayo."
"Hindi mangyayari 'yon. Hindi ka mapapahamak kapag kasama mo ako."
"Ang dami mong sinasabi."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top