Chapter 4
Another day, another kaputanginahan. Nakadungaw ako sa teresa ng kwarto namin ni Kavius. Siya naman ay tulog pa. Pupunta 'yon sa kompanya niya ngayon dahil hindi siya pumasok kahapon. Ang dahilan? May sakit ako. Ang tamad! Ginawa pa akong excuse. Tarantado.
Agad na naglaway ako ng makita ang malaking puno ng mangga sa bakuran ni Kavius. Masarap 'yon kapag may patis at suka, tapos dadagdagan ko ng maraming asin para namnam 'yong alat. Patakbong bumaba ako at dumiretso sa likod bahay. Kapag nainis ako ng sobra sa batang 'yon ay ibibitin ko siya dito patiwarik. Akala niya siguro hindi ko siya papatulan.
Tuwang-tuwa pa ako ng makaabot sa itaas. Todo kuha ng mangga na malalaki. Ang kaso, nalula ako sa taas ng bababaan ko. Bigla ay hindi na ako marunong bumaba. Tangina!
"Where the fuck is my wife?!" dumagundong ang boses ni Kavius sa loob ng bahay.
I bit my lower lip. Gusto kong sumagot na nandito lang ako kaso baka barilin niya na ako sa sobrang galit. At hindi na ako marunong bumaba! I'm stuck in here. Hihintayin ko nalang na may makakita sa 'kin. Tangina ayokong sumigaw. Baka hindi ako marinig. Sa liit ba naman ng boses ko.
"Fuck you! Ang sabi ko bantayan niyo ang asawa ko!" sigaw ulit ni Kavius.
Hala. Halatang galit na ang bata.
"Go find my fucking wife you dumbass!"
Tangina, Kavius, nasa likod bahay mo lang ako!
Nang makita ko itong naglalakad palapit sa teresa ay winagayway ko ang hawak na sanga ng mangga. At ang gago hindi man lang lumingon! Ang kapal ng mukha niyang hindi ako lingunin. Punyeta siya!
"Chivan, send a whole goddamn battalion all around the country. My wife is missing," ani nito sa katawag.
Tangina.
"Fuck you, Chivan."
Natutop ko ang bibig ko nang muntikan pa akong maslide pababa. Ang ending ay nagkagasgas ang siko ko. Bwesit! Malas talaga.
Umupo nalang muna ako doon at iniinda ang sakit ng siko ko. Kagagawan ko rin naman bakit pa ako magr-reklamo? Hayop na 'yan. Kasalanan ni Kavius 'to. Bwesit siya.
"Sir Cave, si Ma'am Cream nandito!" sigaw ng isang kasambahay na nakatitig sa 'kin.
May bitbit pa siyang walis. Wala pang ilang segundo ay hubad baro na lumabas si Kavius. Nang makita ako ay napatiim bagang ito.
"Anong ginagawa mo riyan, babae?!" tanong niya.
"Kasalanan mo 'to!" naiiyak kong sagot.
"Get down, wife. This instant!"
Umiling ako. Paano nga ako bababa eh hindi na ako marunong!
"Huwag mong hintayin na kunin pa kita diyan," nagtitimping sabi niya.
"Hindi ko na nga kayang bumaba, tanga ka ba?!"
Nang marinig iyon ay walang pagdadalawang isip na umakyat ito sa puno. Naf-flex ang biceps niya kada kukuha ng lakas sa kamay at inaangat ang sarili.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?!" singhal nito at hinawakan ako sa siko.
"Aray, putangina ka!" sigaw ko.
Nagdilim ang mukha nito nang makitang dumudugo ang siko ko. Ganiyan nga. Magalit ka bata tapos kumuha ka na ng annulment. Tatanda ka talaga ng maaga sa 'kin.
"Hindi nga kita hinahayaang dapuan ng lamok tapos masusugatan ka lang? Tangina."
"Ibaba mo na ako!"
"Oo na. Para kang bata."
Humawak ako sa kaniya nang ipinalibot niya ang braso sa bewang ko.
"Kumapit ka ng mabuti!" he hissed.
"Kumakapit naman ako ah!" depensa ko.
"Saan? Sa buhok? Really, wife?! Sa leeg ka kumapit!"
Napanguso ako at sinunod ang gusto niya. Always so bossy.
"Hahawakan kita. Dahan-dahan lang."
Iginaya niya ako pababa, nakasuporta lang siya sa bewang ko.
"Tangina kapag ako nalaglag dito may kalalagyan ka talaga sa 'kin."
"Bakit ka ba kasi umakyat? Alalang-alala ako akala ko tumakas ka na."
"Gago! Hawakan mo nga ako ng mabuti!"
"Nakahawak nga! Ang liit-liit ng bewang mo baka mapisa ko pa."
Punyeta siya.
"Kavius, hindi ako tatalon diyan!" sigaw ko.
Wala na akong maapakan. Hindi naman masyadong mataas pero ayoko pa rin. Paano ba ako nakaakyat dito ng gano'n-gano'n lang?!
"Bababa ako. Sasaluhin kita sa baba."
"Hindi, ayoko! 'Yong bodyguard mo nalang. Wala akong tiwala sa 'yo!" iling ko.
"You think I'll let any other fucking man touch you?!"
"Bakit ka ba sumisigaw?! Eh sa ayaw ko eh!"
"It's either dalawa tayong bababa o sasaluhin kita sa ibaba."
"Tangina mo!"
"Bababa ako. Sasaluhin kita sa ibaba," mariing sabi niya. "at huwag mo akong artehan, asawa mo ako."
"Baka ibagsak mo ako!"
"Bakit ko gagawin 'yon?"
"Ewan! Baka galit ka sa 'kin."
"Hindi ako galit, Cream Margaux."
"Baka nga barilin mo ako sa sobrang galit mo sa 'kin!"
"Tangina semilya ko lang ang ipuputok ko sa 'yo."
Umatras ang dila ko dahil sa sinabi niya. Hindi na rin ito nag-aksaya pa ng panahon at naunang bumaba. Nang makababa ito ay nag-angat ulit ito ng tingin sa 'kin.
"Baba na."
"Tangina ka!"
"Oo na, tangina na. Bumaba ka na."
Punyeta! Hindi ko kaya.
"Paano kapag hindi mo ako nasalo?"
"Stop with your questions, damn it!"
"Eh pa'no nga?! Mapipilayan ako! Hindi ako makakalakad, bwesit ka!"
"Hindi ka lang makakalakad kapag inangkin na kita ng paulit-ulit."
"Putangina ang halay mo!"
Umamba itong sasaluin ako kaya wala na akong choice kung hindi ay ang bumaba. Maagap naman ang pagsalo nito sa 'kin na parang wala lang.
"Oh? Magagalit ka na naman?" salubong ang kilay na tanong niya.
Inirapan ko lang siya at pumasok nalang sa loob ng bahay. Narinig ko naman ang yabag nito sa likod ko.
"Von, the first aid kit," utos niya sa kaniyang personal butler na si Von.
"Right away, Sir."
"Ano ba! Huwag mo nga akong hawakan!" Sigaw ko nang humawak ito sa braso ko.
"Arte mo. Pasalamat ka mahal kita."
Kumibot agad ang labi ko at ginaya ang sinabi niya. In a mocking manner.
"Stop moving, wife. Gagamutin kita."
Umirap ako. Kaya ko naman. Hindi ko siya kailangan.
"Cream Margaux Cross!" dumagundong ang boses niya. "Sinabing huwag gumalaw eh!"
"Huwag mo akong sigawan!" sigaw ko pabalik.
"Fine. Sorry."
"Tangina ka!"
"Oo, tangina ako. Now, stop moving and let me clean your wound."
Gumapang ang magaspang niyang kamay sa braso ko. Hindi naman masakit ang pagkakadiin niya sa bulak na hawak. Kapag napuno siguro 'to itatarak niya sa 'kin 'yong gunting sa tabi.
"Ano bang ginagawa mo do'n?" mahinahong tanong niya.
"Kumukuha ng mangga! Bulag ka ba?"
"Stop shouting, wife. Hindi ako bingi. Sana sinabi mo nalang para ako na ang kumuha," malamyos ang boses na sabi niya na ikinataas ng kilay ko.
"Tapos? Kapag may nangyaring masama sa 'yo kargo ko pa?"
"Syempre, ikaw may gusto ng mangga eh," ngisi niya.
"Punyeta kang bata ka!"
"No'ng unang kita ko sa 'yo hindi ka naman ganito kaingay."
"Ano? Ayaw mo na? Hiwalay na tayo!"
"Shut your beautiful mouth, wife. Hindi tayo maghihiwalay."
Ab't- gago nga naman talaga.
"Bakit? Bakit ayaw mo?!"
"Tangina talaga ako kapag pinakawalan kita," sagot niya.
"Magdadabog ako."
"Feel free."
"Lalayasan kita."
"Sige lang."
"Hahayaan mo ako?"
"Hm. Kaya naman kitang hanapin kahit saan."
"Gago ka!"
Mahinang natawa lang ito ng sapakin ko siya. Masaya pa nga na sinapak ko. Bipolar.
Matapos linisin ay binalik niya ang first aid kit sa lalagyan at ako naman ay pumanhik sa kwarto namin. Gusto ko talaga ng mangga. Pakiramdam ko malapit na naman akong datnan. Hudyat kasi ang mangga kapag malapit na akong datnan. Tapos tutubuan ako ng pimples at mawawala lang pagkatapos ng period ko. Magkaka-dysmenorrhea ako nito at magiging bed ridden na naman!
Pumasok si Kavius at agad akong napasimangot.
"What's with the face?" tanong niya.
"Para akong suluterang kapatid. Inagaw ko ang fiancee ng kapatid ko. Ang pangit! Hiwalay na tayo tapos magpakasal kayo ni Kyla," litanya ko.
"Manigas ka."
Sinamaan ko siya ng tingin. Ipingsawalang bahala niya iyon at kinuha ang cellphone na nasa mesa.
"Chivan, itigil mo ang operation. Ang magaling kong asawa ay nangunguha lang pala ng mangga sa bakuran," ani niya na nakatitig ng mariin sa 'kin.
Kulang nalang hubaran ako eh. Napaka-bastos talaga ng bisugong 'to.
"Hindi pa naglilihi, gusto lang kumain. Hindi ko pa nabubuntis."
"Tangina ka!" sigaw ko.
"Hm, nagagalit na naman. Gusto yatang malambing," ngisi niya.
Ako kinikilabutan sa mga pinagsasasabi niya.
"Fuck off, Chivan. Akin lang 'to, sigurado na."
Humalukipkip ako at mapairap. Kilig na kilig naman talaga ako eh. Mas nangingibabaw lang ang inis ko sa kaniya.
Nang ilapag nito ang cellphone sa mesa ay binato ko siya ng unan. Agad niya rin namang nasalo 'yon.
"Gusto mo pa ng mangga?" malambing niyang tanong.
"Gusto! Pero kung ikaw ang kukuha, huwag nalang."
"Hm, yes, wife. Dito lang ako sa tabi mo. Magpapakuha tayo sa iba."
"Punyeta ka! Ang kapal ng apog mo. Lumayas ka."
"Cuddle tayo? Malamig naman."
"Shit ka! Mag-cuddle ka mag-isa mo!"
Napahiyaw ako nang pangkuin ako nito at ibinagsak sa kama.
"Hindi ka talaga makakalayo sa 'kin."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top