Chapter 20
Nagising ako dahil sa ilaw na tumatama sa mukha ko. Hindi ko naiwasan mapahikab at maluha dahil sa paghapdi ng mga mata. Pahirapan sa pag-adjust dahil kakagising ko lang.
"I turned on the light. You haven't had your dinner yet."
Natagpuan ko ang asawa sa paanan ng kama, nagtatanggal ng damit at mukhang kakarating lang galing sa trabaho.
"What time is it? Kakauwi mo lang?"
He sat on the bed. Pinagmamasdan mo siya habang nagtatanggal ng sapatos.
"It's nine in the evening. I returned home exactly five, wife. I didn't saw you in the living room. Von said you're sleeping."
"Wow. I must've overslept," humikab ako.
"You did. Anong oras ka natulog? Hm?"
Humiga siya sa tabi ko at pinaglaruan ang aking pisngi gamit ang kaniyang pointer finger. Ang isang kamay ay hinahanap ang kamay ko sa ilalim ng comforter.
"Eleven? Or twelve? Maaga akong kumain ng lunch, ginutom ako dito."
"Do you want to come down or you want to eat here? We could do that. I cooked your food."
"Hindi ka ba nagsuka?" I asked.
Umiling ito. "Nope. I've been okay for the past weeks after we visited the doctor, wife. Stress lang iyon. I'm okay now. Spiritually, mentally, and even physically. Look at my biceps."
"Oo na. Sa baba na lang ako kakain."
"Okay. You want to walk or you want me to carry you?" he asked again.
"Carry."
Umupo ako sa kama at itinaas ang dalawang kamay. Umalis siya sa kama at binuhat ako. Agad kong ipinalibot ang aking mga paa sa kaniyang baywang.
"Tired?"
"Nakakapagod matulog," sagot ko.
Sumakay kami sa elevator at bumaba. May nakahanda ng pagkain sa mesa nang pumasok kami sa dining area. Seems like the maids arranged it.
Nang makaupo ng maayos ay sinakop niya ang aking buhok mula sa likod. Tinali niya ito at pinatakan ako ng halik sa labi.
"Let's eat fast so we can go back to bed and rest."
"Opo," tango ko.
Siya na ang nagsandok ng kanin at ulam para sa akin. Nakatitig lang ako sa plato na nasa harap ko. May nararamdaman akong kakaiba sa aking sarili. Hindi ko nga lang mawari kung ano.
"Kuha ako tubig," ani ko at akmang tatayo na nang hawakan niya ang braso ko.
"Let me."
"But I can do it."
"I know you can but let me do it."
Ngumuso ako at tinanggap ang baso na sinalinan niya ng tubig. Pinagmamasdan niya lang ako habang umiinom.
"Naiihi ako, Kavius," sumbong ko.
"Want me to carry you?"
"Puro ka carry e hindi naman ako baldado," irap ko at tumayo.
Pareho kaming gulat nang may dumaloy na tubig sa aking hita pababa. It was clear and it was also a lot. Napangiwi ako at napatingin kay Kavius. He was staring at my feet. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng hapdi sa aking pagkababae at sumasakit rin ang tiyan ko.
"Kavius, masakit," ngiwi ko.
"Anong masakit?" agad niya akong dinaluhan.
Tinuro ko ang tiyan ko. I wasn't able to refrain myself from crying. Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko dahil pasakit rin ng pasakit ang hilab ng tiyan ko.
"Von! Call an ambulance! Gaano kasakit? Rate one to ten."
"T-ten..."
"Von Kashmir! You crap!"
"Sir, the ambulance is on the way."
"Just wait a little, wife. Do you feel something inside your tummy?"
"May lalabas. Kavius, masakit tangina ka!" sigaw ko.
"Anong lalabas? Von, what's happening?" nababahala niyang tanong.
Von, who looked clueless, couldn't provide an answer. Narinig namin ang ambulansya sa labas. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Para akong hinehele pero masakit ang katawan ko.
"Doc, what's happening?!"
Namalayan ko na lang ang sarili na nasa stretcher. It was pushed by a nurse and few nurses and a doctor is surrounding me. Naglumikot ang tingin ko sa kanila. Wala na rin akong naiintindihan sa mga nangyayari. I can see how worried Kavius is. Ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin ay malamig at nanginginig.
"The baby is about to come out. Dalhin niyo siya sa delivery room. Husband, please change and be with your wife shortly after."
Wala akong maintindihan. Anong baby?
"Doc, anong baby ang pinagsasabi niyo?!" hirap at habol hiningang tanong ko.
"Misis, manganganak ka na. Mahirap ito pero push ka lang, naiintindihan mo?"
"Ano, doc– shit! Doc! Masakit!"
"Ere, misis!"
"Ha? Anong ere?! Paano?!"
"Push!"
I stopped breathing and pressured myself into pushing. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Puro sakit ang nararamdaman ko. Tagaktak na rin ako ng pawis at pakiramdam ko ano mang oras ay mawawalan ako ng ulirat.
Sa aking tabi ay si Kavius na namumutla at katulad ko ring naguguluhan. But then he held my hand tightly while comforting me. He's inaudible in my part. Hindi ko na talaga ramdam ang paligid.
"Nakikita ko na ang ulo. Ere pa, misis!"
"Tanginaaaa!" habol ko ang aking hininga matapos umere at sumigaw. "Ano bang nangyayari? Pagod... na..."
"Just push, wife. You'll get through this. I love you."
"Tangina, Kavius, ano 'to?!" sigaw ko.
May lumalabas sa akin. May lalabas. Masakit. Hindi ko alam. Lalabas na. Lalabas na. Ayan na!
Hinawakan ko ng sobrang higpit ang kamay ni Kavius. Nakahinga lang ako ng maluwag nang lumabas na ang kung ano sa akin. Then, I heard a cry. A cry of a baby. Habol ko ang hininga. Si Kavius ay nakatulala sa aking tabi.
"11:53 PM. November 9. Congratulations. It's a healthy baby boy!" anunsyo ng doctor. "Welcome to the world, baby boy."
Doon na ako tuluyang nawalan ng malay.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top