Chapter 10
Hinawakan ko ang buhok ni Kavius at marahang sinuklay. Nakatungo ito at tulog paharap sa 'kin. Ang sabi ko naman ay hindi na niya kailangan pang sumama sa 'kin dahil alam kong pagod siya sa trabaho pero sumama pa rin.
Birthday ni Papa sa susunod na linggo at ngayon ay nagpe-prepare kami ng mga kapatid ko para sa birthday niya. I want it simple but meaningful and unique. Hindi sa bahay ang venue kaya nagpa-reserve na agad kami for next week. Inabot na ng gabi ang usapan namin ng may-ari dahil sa dami ng listahan ng mga lulutuin. It will be intimate, exclusive for our family and close friends only.
Galing pa sa trabaho si Kavius at nang malaman na nandito ako ay dito na dumiretso. Ang sabi ko ay mauna na siya para makapagpahinga pero ayaw. Ngayon, bagsak siya sa tabi ko.
"Pagod na pagod lang talaga ang asawa ko, pasensya na," hinging paumanhin ko habang hinahaplos ang gwapong mukha nito.
Pagod ang kaniyang mukha at humihilik pa. Now I don't even know how to wake him up to go home.
"Halata nga po," ngiti ng may-ari.
"That would be the final foods for the party."
"Buong araw po naming ic-close ang restaurant next week para makapaghanda sa gabi. Rest assured na kami na ang bahala sa lahat."
"Maraming salamat."
"Maiwan ko muna kayo para masabihan ko ang mga cook at staff."
Tumango ako at hinayaan itong umalis. Pinakatitigan ko ang humihilik na mukha ng asawa ko. Nakalagay sa mesa ang ulo at nakaharap sa 'kin. Dinampian ko ng halik ang ulo niya at marahan siyang niyugyog.
"Kavius, uuwi na tayo. Kavius."
He groaned and opened his eyes. Makailang ulit pa itong kumurap-kurap at napahikab. Tinignan nito ang oras sa relo bago sa 'kin.
"Ang sabi ko naman kasi sa 'yo mauna ka na umuwi, e. Ayan tuloy at dito ka nakatulog," kastigo ko.
"You mad?" paos na tanong niya.
"Hindi. Nag-aalala lang. Alam kong pagod na pagod ka sa trabaho."
"I'm okay, wife. Let's go?"
Nauna siyang tumayo at inalalayan ako. He took my hand bag and held my hand. Si Von na naghihintay sa amin sa kabilang table ay tumayo na rin at pinagbuksan kami.
He opened the back seat and let me in first.
"Careful, wife."
Sumunod agad siya sa 'kin at inayos ang sarili sa pag-upo. Von went inside the driver's seat and started the engine. I guided Kavius' head to my shoulder to rest.
"Mahapdi ba ang mga mata mo?" tanong ko.
"Hm. A little."
"You rest for a bit. Gigisingin na lang ulit kita kapag dumating na tayo."
Kavius snaked his arms around me and rested in the middle of my breast. Well, he looks comfortable so I'll let him be.
"Von, drive thru tayo. Para kung sakaling gutumin si Kavius ay may makain siya agad," ani ko.
"Yes, Miss."
We stopped at the nearest drive thru. Ni hindi man lang nagising si Kavius at talagang tulog na tulog. Pagdating sa bahay ay ginising ko na si Kavius. Humikab pa ito bago ako pinatakan ng halik sa panga.
"Nakikiliti ako, Kavius."
"What? I thought you like me with my beard."
"Assuming ka na naman. Wala akong sinabing gano'n."
"Do you want me to clean my face? I'll do it tomorrow," he lazily said.
"Yes, please. As much as you look hot and matured with your beard, I'm sorry but you have to shave them off. Humahaba at kumakapal na, hindi na magandang tignan."
"Hindi na ako gwapo?"
"Gwapo pa rin. Pero kapag hinahalikan mo ako sa mukha o sa leeg, tumutusok sa balat ko."
"Okay, wife. I'll clean myself tomorrow. After you, pretty lady."
Truth to Kavius' words, he did cleaned himself the next morning. Nauna akong bumaba habang siya naman ay tulog pa. I cooked our breakfast and waited for him to come to the dining area. And when he did, damn, my man is really really handsome. He walked in to the kitchen looking like a celebrity.
"Good morning."
"Morning," he leaned in and gave me a peck in the cheeks. Ngunit hindi ito nakuntento at paulit-ulit niyang ginawa iyon.
"Breakfast?" alok ko. "Late ka na, papasok ka pa ngayon."
"Hawak ko naman ang oras ko. I'm the boss, wife."
Napairap ako dahil do'n.
"Hindi ba busy? Hawak mo nga ang oras mo but that doesn't mean you shouldn't be at the company. Ikaw ang role model ng mga empleyado mo tapos ikaw ang pinaka-tamad?"
Nangalumbaba siya at tinapunan ako ng mainit na titig.
"They know the rules, wife. Exempted ako kasi ako ang boss. Wala akong masyadong gagawin ngayon dahil tinapos ko halos lahat kahapon. I never leave work without finishing what I have to finish."
"Pero sa susunod, kung katulad kahapon na marami kang ginawa at pagod na pag-uwi, mauuna ka na sa 'kin, okay? Kapag may ginagawa ako at gagabihin, una ka na. Isasama ko naman si Von kahit saan ako pumunta," litanya ko.
"Still a no. Kung saan ka, doon ako."
Ang tigas nga naman talaga ng bungo. Though kinikilig ako, masama pa rin iyong kulang siya sa tulog dahil sa pagsama sa 'kin.
"May appointment ako mamaya para sa live band. Ikaw, papasok ka sa trabaho," turo ko.
Umupo ako sa tabi niya at nagsandok ng kanin. Hinawakan niya ang braso ko at inagaw ang sandok sa kamay ko. Siya na ang kumuha ng ulam at kanin para sa 'kin.
"Half day na lang muna ako. I'll come with you."
Umupo siya ulit at kumain.
"Hindi na kailangan. Si Von ang isasama ko para maiwasan 'yang pag-aalala mo. Wala namang mangyayari sa 'kin."
"We never know. Mas mabuti na iyong kasama mo ako."
"Bakit? Para kapag may nangyaring masama magkasama tayo?" tumigil ako sa kalagitnaan ng pagnguya. "Ikaw, iyang mindset mo palitan mo ng positivity. Walang mangyayari. Period."
"I'm just being practical."
Irrational kamo. If I'm not mistaken, his parents were taken away from him because of a car accident. Maybe that's the reason why he's afraid of leaving me alone. And thinking that I am going to ride a moving vehicle, it terrifies him more.
"Alam kong may trauma ka sa mga gano'n, but I'll be fine. If you trust Him then nothing is going to happen to me."
"Fine. Are there any boys there?"
"Oo naman! Lalaki halos, isa lang ang babae. Bokalista ng banda nila. And you don't stop me from hiring them, sila ang gusto ko."
Napatigil siya sa pagsubo at napalunok. "Oh no, wife, we're going to have a problem with that. Now I am determined to go with you."
"Ang OA ah," matabang kong sabi.
"What? I'm just a normal husband protecting his wife."
"Isasama ko si Xavier at Kyla, okay ka na? Pwede na ba? Panatag ka na?"
"Hindi."
Aba't–
"Gusto ko ngang sumama, e!" nagdadabog niyang sabi.
"Hoy! Walang hiya kang bata ka!"
"Sasama nga ako."
"Shit ka. Dahil sa 'yo kaya ako tumatanda."
Ngumisi lang siya at sinenyasan ang mga maid na kunin ang pinagkainan namin. He simply held my hand and drag me out of the dinning area.
"Magbihis na tayo para makapunta na sa appointment mo."
"Masyado pang maaga. Also, didn't I tell you to go to work?"
"You did but I don't want to. Come on, wife, baka gusto mong ako pa ang magbihis sa 'yo? I'll gladly do it. With all my fucking heart."
Tinampal ko ang mukha niya. Napahawak siya sa kaniyang pisngi at tinapunan ako ng hindi makapaniwalang tingin. I can do more than that. Mabuti na lang at kaya kong kontrolin ang anger issues ko dahil kung hindi, kanina ko pa siya nasapak!
"Oh? May angal?"
"Wife, why would you do that?"
"Kasi napakatigas ng ulo mo."
"You knew I want to be with you every now and then. You're so cruel!"
"Galit ka?"
"No! Of course not. Dammit, I will never be. Come on, wife. Let's get going. Come on."
Masuyong hinawakan niya ang siko ko at inalalayan sa elevator ng bahay. Hindi naman ako balbado. I prefer walking up and down the stairs than riding this freaking elevator that he has inside this house! Talaga namang malaki ang mansion na ito but elevator? Really? Nagmumukha akong muchacha dahil sa mga mamahaling gamit sa bahay na 'to.
I showered inside the master's bathroom and he did in one of the other rooms. Being a girl that I am, after bathing, I quickly applied my skin care. No one's stopping me from taking care of my skin. Magaan sa pakiramdam kapag inaalagaan ko ang sarili ko.
"Wife, could you please do my face too?"
Pumasok sa kwarto si Kavius na nakatakip lang ang towel sa ibabang parte ng katawan. May towel din ito sa tuktok ng ulo na ginagamit niyang pamunas. Nakabalandra sa harap ko ang well built niyang katawan na may anim na pandesal. I eyed him up and down with a judgement look.
I was never attracted to a men's body. His body is to die for at talaga namang nakaka-attract para sa ibang babae. I've seen how other girls eyed him even though he's wearing a goddamn business suit, ano pa kaya kung naka-hubad baro? My husband is hot, alright?
Pero sorry siya, hindi ako naa-attract. Pero hindi ko maalis ang titig ko sa abs niya. Is it hard? Or soft? Tumatama ang sinag ng araw sa katawan niya at nagsha-shining shimmering nga namang talaga ang bawat butil ng tubig na nasa kaniyang katawan.
"We should buy a lot of men's skin care products. Hindi sa ayaw kitang bigyan, ah, pero pambabae kasi 'to."
"May difference ba?"
I shrugged. "I don't know. Maybe. Women and men's skin care products are typically the same but they're mine and I hate sharing what's mine!"
"So am I, baby." Kavius pulled a chair and sat on it next to me. "But for now, you have to share it with me. Then we'll go buy a lot of that later. Okay?"
"Yeah, cool."
"I've never tried anything like this before. Napapansin ko naglalagay ka rin ng ganito tuwing gabi? Is there any different effect when you put it at night or day?"
"Of course! Also, ibang product ang gamit ko sa gabi. Day skin care is for skin protection while the night skin care is for skin hydration," I explained. "Cause you know, it's not bad taking care and prioritizing yourself. You can explore skin care. We can ask my dermatologist what is the best skin care product for you. Though she's living in the other side of the world, that would be impossible."
"Everything is possible at our current lifestyle, wife. Upgraded na tayo at teknolohiya na ang kadalasang ginagamit ng mga tao ngayon. We can hire another dermatologist for the both of us here, too."
"Gastos na. Tatawagan ko na lang ang derma ko para makapagtanong."
Kavius pulled my chair for me to face him and wrapped his huge arms around my body. I was busy applying cream on his face when he did that. Swabe ng galaw, nahuhulog puso ko. Hindi na tama 'to.
"You're treating me too well, wife."
"Hm, para kung sakaling maghiwalay tayo hinding-hindi mo ako makakalimutan. Mamatay ka kaka-relapse ng mga ginawa natin sa bahay na 'to."
Napangiwi siya at nangunot ang kaniyang makinis na noo. Huminga siya ng malalim at mas lalong hinapit ako palapit sa kaniya. Kulang na lang ay kumandong ako.
"Ano? Maghaharutan pa ba tayo dito o tatapusin natin 'to?"
"Harutan muna tayo. Quality time. Maaga pa naman."
"Ano ba love language mo?"
"What's that?" nagtatakang tanong niya.
Mariin na napapikit ako at napairap na lang din.
"Wala, basta. Tapusin na natin 'to baka ikaw ang tapusin ko."
Dumagundong ang halakhak niya sa buong kwarto at hinayaan akong gawin ang mga gusto kong gawin sa kaniya. Masyadong malaki ang tiwala niya sa 'kin. Siguro kapag tinaguan ko ng anak 'to luluha 'to ng dugo.
"Kapag tinaguan kita ng anak, iiyak ka ba ng dugo?" wala sa sariling tanong ko.
"Bakit mo naman gagawin 'yon?" kalmadong tanong niya.
"Hindi ba pwedeng trip lang? Gano'n?"
"Hindi mo naman ako matataguan."
"Hindi mo sure," simpleng sagot ko.
Tinitigan niya ako ng mariin na hindi ko kayang timbangan. Naglikot ang tingin ko sa mukha niya para iwasan ang mainit niyang titig na nagpapatayo ng balahibo ko sa katawan.
"Kaya siguro hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko," ani niya.
"Para kang tanga."
"Oo, tanga ako."
Matagal bago kami natapos dahil sa kaharutan niya. Panay ang ngisi, tawa, at nguso niya dahil sa mga sinasabi ko. Tuwang-tuwa na naman ang spoiled na bata.
"Dapat i-normalize niyo 'yong isang beses lang sa isang linggo na pagkikita," bulong ni Xavier habang nakatingin sa likod ko.
Lumingon ako saglit at agad na nagtagpo ang mata naming dalawa.
"Hindi nga lang kami nakakapagkita ng isang araw hindi na makahinga 'yan e."
"Tell me he's obsessed without telling me he's obsessed."
"Shut it, Xav, baka masipa kita."
Si Kyla ay kausap ang ibang members ng banda. Kami naman ni Xavier ay kakatapos lang sa pakikipag-usap sa vocalist nila. Babae at lalaki ang vocalist. We requested a lot of songs to play the whole night.
At ngayong papalit na nga ang birthday ni Papa, saka ko lang din na-realize na malapit na rin ang birthday ni Kavius. Kung hindi pa ako makakauwi within this year then this will be the first time that he'll celebrate his birthday with me. At kung mangyari man 'yon, I better prepapre a big and grand party for him. Pero ang hassle no'n siguro.
"Anong pinag-usapan niyo ng pinsan mo kanina?" tanong ni Kavius habang nagda-drive.
Hindi present si Von since siya ang sumama sa 'kin. Hindi malakas ang pagpapatakbo ni Kavius. Dahil siguro sa takot na baka may mangyari. He's traumatic experience led him to be like this. Always terrified and over thinking.
"Hm? Wala naman," sagot ko.
"I knew it was about me. Hindi kayo lilingon sa 'kin kung hindi ako," nakasimangot niyang sabi.
"Yes, it was about you."
"What is it? Ako ang context kaya dapat kong malaman."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Ang sabi niya i-normalize daw natin 'yong isang beses lang sa isang linggo na pagkikita."
"That's impossible. You're my wife and we live in the same house."
"Subukan natin. Sa bahay muna ako."
Agaran ang paglingon niya sa 'kin at binalik rin agad sa daan ang tingin. Kung kanina ay pangisi-ngisi lang siya, ngayon naman ay lukot na lukot na ang kaniyang mukha at nag-isang linya na lang ang labi. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"We are not going to do that shit, wife. Hindi nga lang kita nakikita sa bahay inaatake na ako ng kabaliwan ko, isang linggo pa kaya? There's no way we will do that."
"So inaamin mong baliw ka? Na sintu-sinto ka?"
"Of course. It's you that we're talking about."
"Ewan ko nga sa mindset mong 'yan. Hindi naman ako umaalis ng bahay na hindi nagpapaalam."
"You did, remember?"
"Matagal na 'yon!" akusa ko.
I've changed. I'm not going to do that again. Isa pa, mas mabuti nga na huwag na naming subukan 'yong sinabi ni Xavier. Tingin ko rin... hindi ko kayang malayo sa kaniya... ng gano'n ka tagal. Parang mahirap. I like how he looks for me everytime he comes home from work. Ang unang lalabas sa bibig niyan tuwing papasok sa kabahayan ay kung nasaan ako. And being a good wife that I am, to lessen his worry, I always wait for him at the living room. Para kapag nagtanong ay makikita niya agad ako.
We came home and he went to work in the afternoon. Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng kwarto namin. Matapos iyon ay nagkaroon pa ako ng virtual meeting sa mga kasosyo sa negosyo na tumagal ng halos isang oras. Hindi ko na nga namalayan ang oras at hindi nakababa para kumain ng snack man lang. I was surprised when a maid knocked on the door so I had to leave the meeting for a second to know what was happening.
"Si Sir po, hinahanap kayo."
I cursed under my breath when I realized what time is it. Uwian ni Kavius ng six or seven PM at nakalimutan kong hintayin siya sa baba. I used the elevator to come down fast and found him breathing heavily at the doorstep.
Nang makita ako ay malalaking hakbang ginawa niya papunta sa 'kin. He embraced me into a tight hug and kissed my temple.
"Damn. You scared me. Were you busy?"
I nodded. "Nasa kalagitnaan pa ako ng meeting. Gutom ka na?"
"Later. Finish your meeting first so we can eat dinner."
Hinubad ko ang neck tie niya na maluwag. Tinangka siguro nitong tanggalin pero hindi nagtagumpay. His stare was hot and it wasn't leaving me.
"Pumanhik na tayo sa itaas para makapagpalit ka ng damit."
"Alright. Von, take my suitcase to the library."
Agad na tumalima ang butler niya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa elevator. I removed his coat and he rolled his sleeves up to his elbow.
"Go and wash up so we can eat our dinner. Tatapusin ko lang 'to," turo ko sa laptop ko.
Binigyan niya muna ako ng halik sa magkabilang pisngi bago pumasok sa closet na konektado sa bathroom ng kwarto. I finished the meeting before he stepped out of the bathroom with only a towel on.
"Do you wan me to fix our dinner or we can go there together?"
I sat on the edge of the bed.
"We can go downstairs later. Let the maids do their work, wife."
"Okay, magbihis ka na."
I laid flat on the bed and waited for him to finish. I closed my eyes to rest for a bit. Hindi ko alam kung ilang minuto akong gano'n pero nang makaramdam ng presensya malapit sa 'kin ay agad akong nagmulat ng mga mata. Kavius is on top of me with a straight face.
"I was about to wake you up. Tired? Ipapadala ko na lang dito ang dinner natin."
"It's fine. Baba na tayo."
"I already told Von to go and tell the maids. Just rest."
"Okay."
Maybe I am tired from all the cleaning that I did. Just... maybe.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top