Chapter 1
"Mag-asawa kayo pero hindi kayo nagpapansinan," ani Kyla.
"Nakakatakot naman i-approach. For the past five years, never kami nag-usap," iling ko.
May party sa bahay kaya syempre umuwi ako, five years na rin pala akong may asawa. Hindi pa ba niya nakukuha 'yong pera na sinasabi niya? Inip na inip na ako punyeta. Nakatayo malayo sa'min ay ang asawa ko 'kuno' na si Cave. Ang laki ng pinagbago putangina! Mala-kapre na 'yong tangkad, ang laki na ng katawan at mas nakakatakot at intimidating 'yong dating niya ngayon kesa noon.
"May gano'n ba? Mag-asawa pero hindi nag-uusap?" tanong niya.
"Meron. Kami."
"Why don't you go to your husband, Cream?" tanong ni Mama.
"Ayaw ko, Mama. Nakakatakot, baka barilin niya ako bigla eh," nakasimangot na iling ko.
No way! Ayoko pa mamatay.
"Alam ba ni Cave na nandito si Ate Krema, Ma?" singit ni Kyla.
"I don't think so," sagot ni Mama.
"Cream, anak, halika. Puntahan natin ang asawa mo," hinigit ako ni Papa.
Ano? Putangina 'wag!
"A-ayoko," iling ko.
"Nasabi ko na sa kanila na nandito ang asawa ni Mister Cross."
Shit!! Wala na akong nagawa nang higitin ako ni Papa palapit sa kanila. Nang nasa likod na ako ni Cross ay tumikhim ako kaya napalingon ito. Napako ako sa paraan ng pagtitig nito.
"What a very lovely lady, what's your name, hija?" tanong no'ng matandang kasama nila.
Katapusan ko na ba? Joke.
"Cream," sagot ko.
"Cream. Your name suits you well."
Tumikhim si Cave at tumabi sa'kin, pinulupot ang braso sa bewang ko at hinigit ako palapit sa malaki niyang katawan.
"Gentleman, meet my wife. Cream Margaux Cross."
Nag-usap lang sila ng mga business na hindi ko naman naiintindihan. Nakatingin ako kay Mama at humihingi ng tulong para makaalis. Putangina awkwardness overload.
"Tired?" he asked.
Wala sa sariling tumango ako. Gusto ko lang talaga makaalis dito. Nag-excuse siya sa mga kausap at inakay ako palapit kina Mama. Potang-gago.
"Ayos ka lang, Ate Krema?" salubong ni Kyla.
Tumango lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi.
"Ang pula ng mukha mo," tawa ni Xavier.
"Tumawa ka pa ihahampas ko sa'yo 'yang wine sa table," banta ko.
Mas lalo siyang tumawa at napahawak pa nga sa tiyan. Bwesit!
"Pikon ka talaga, Krema."
Pigilan niyo ako tatadyakan ko 'to.
"Pwede na ba ako magpahinga, Ma? Umiikot kaunti mundo ko," napahawak ako sa ulo ko.
Joke lang 'yon.
"Umiikot daw mundo eh hindi naman uminom," sabi ni Kyla.
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Basta! Pagod ako, gusto ko na magpahinga." habambuhay putangina.
"May iniiwasan ka lang eh," ngisi ni Xavier.
"Tadyakan kita," banta ko.
"Hindi ka pa pwede umalis, ngayon ia-announce... na mag-asawa kayo. Ipapakilala ko na sa lahat, Krema," todo ngisi si Xavier at tumingin kay Cave na tahimik.
Napahilot ako sa sintido ko at hinarap si Cave. Hindi na siya bata potang-gago.
"Can I talk to you, privately?" tanong ko.
"Ayon oh!" halakhak ni Xavier.
"Nasaan 'yong kutsilyo dito, Ky, may sasaksakin lang ako," tanong ko na ikinatahimik ni Xavier.
Good.
Hinigit ko si Cave sa may garden ng bahay namin at hinarap siya. Nakakunot ang noo niya at nasa bulsa ng pantalon ang kamay.
"Asan na 'yong annulment na sinasabi mo? Five years na ah!" reklamo ko.
"Wala pa."
"Anong wala pa?"
Napalunok ito habang nakatitig sa'kin.
"Ang ganda mo."
"'Wag mong ibahin 'yong usapan! Anong wala pa?"
"Sobra."
"Bwiset na bata ka umayos ka!"
"Bigyan kita ng bata diyan sa tiyan mo eh," he then looked away.
"Aba't—"
"Shut up! Hindi ka makakawala sa'kin, I know what you said was all a lie. I asked your Mom about your medical records and it says you're healthy and fine. At dahil asawa na kita—" he took some steps towards me.
"You have to bear my child," he whispered through my ears.
"H-hoy! Hindi magandang biro 'yan , bata," kinakabahang ani ko.
He chuckled. Pogi, kung hindi ka lang mas bata sa'kin—
"I'm not joking. Come on, since nandito ka lang din naman, you'll be living with me for the rest of your vacation. Oh and yes, I'm planning to get you pregnant. Para wala ka ng takas."
"W-what?! Akala ko ba kasal lang!" sigaw ko.
"You didn't read the certificate, dumbo! You have to marry me . . . and give birth to my own flesh and blood," he continued with a grin.
"Lord, kung panaginip 'to please gisingin mo na ako."
Pinitik niya ang ilong ko at tumawa. Tawang-tawa? Bipolar ampota! Naiinis ako.
"Asawa kita, normal lang ng magdalang-tao ka . . . sa anak natin," he winked.
Puta!! Maisip ko palang na lumalaki ang tiyan ko parang hihimatayin 'ata ako. Walang problema sa'kin ang magkaroon ng anak, 'wag lang ang batang 'to ang ama! Punyeta, pedophile ba ako? Ang sagot ay hindi.
"Ah hindi. Hindi ako papayag. Gamitin mo 'yang utak mo, bata. Hindi ako pedophile, wala akong balak patulan ka, okay? Maghiwalay na tayo at humanap ka ng ibang babaeng pakakasalan at bubuntisin. 'Wag ako, goodbye!" taas noong umalis ako sa garden.
"Ma, baliw na talaga 'yong si Cave!" kinwento ko kay Mama ang pinag-usapan namin ni Cave.
"Anak, kailangan ni Cave ng pamilya para makuha niya ng buo ang mana niya. Nasa kontrata 'yon, kung saan ka pumirma. Hindi mo ba binasa?" tanong ni Mama.
Ang totoo niyan, hindi.
"Hindi po."
"Katangahan tawag diyan, Krema. Pirma ka kasi ng pirma, paano nalang kung 'yong nakasaad sa papel ibebenta mo laman-loob mo tapos dahil sa katangahan mo pumirma ka. Hindi ka ba marunong magbasa ha?" singit ni Xavier.
"Dinadagdagan mo lang problema ko bwesit ka! Lumayas ka nga!" taboy ko.
"Parating na asawa mo, nakakatakot tignan gago, akala mo mangangain ng tao," sundot ni Xavier sa'kin.
Truth to his words, Cave is walking confidently towards our table with dark aura. The kind of aura that can scare anyone. Akala mo nga kakain ng tao. Parang tanga naman 'tong batang 'to! Pa-sea-cut!
"Cream anak, virgin ka pa ba?"
"Mama!!" hiyaw ko.
Nakakahiya potangina! Dito pa talaga sa labas ah! Kung saan maraming tao at kung saan nandito si Cave!
"Nagtatanong lang anak."
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Ma? Never pa ako nagka-boyfriend! Ano sa tingin mo, Ma?" namumulang tanong ko.
"Birhen ka pa pala, nak. Pananagutan mo ba 'to kung sakali, Kavius?" baling ni kay Cave.
"Hindi ko naman ho babalakin na buntisin 'yan kung hindi ko ho pananagutan," sagot ni Cave.
Presko.
"Tumatanda ka na, nak. Dapat nga may anak ka na," tango-tango ni Mama na akala mo tama ang naiisip.
Ayoko! Twenty-nine pa lang ako, saka na siguro kapag thirty-five years old na. Ayaw ko parin! My answer stands strong! Ayoko! Ayoko! Ayoko!
"Twenty-nine pa ako Ma!!" reklamo ko.
"Ano naman?"
"Twenty-four si Cave, twenty-nine ako. Parang ang pangit tignan. Parang ano 'yong kalalabasan, parang ni-rape ko siya. Pangit, ayoko," iling ko.
"Kakanood mo siguro 'yan ng anime, Krema. Ang dami mong iniisip, overthink pa," tawa ni Xavier.
Isa pa 'to. Pangit. Joke pogi talaga si Xavier, mula ulo hanggang leeg, oo.
"Hindi naman nila 'yon malalaman, mukha ka lang namang teenager," kumento ni Mama.
Gano'n? Porket mukhang teenager pwede na? Wow! Ayoko nga!
"Ayaw, Mama."
"Ako na bahala sa kaniya, Tita."
Napatingin ako kay Cave dahil sa sinabi niya. Kapal ng mukha! Mas matanda pa rin ako kaya ako ang masusunod. Kapag sinabi kong hindi, hindi! Ayoko! A-yo-ko. Ne-ver. A-yaw. No-way.
"Hmkay! I'll be looking forward for my first grandchild!" kumindat si Mama at umalis.
Napahawak ako sa ulo ko. My god! Da odacity ov dis pepol! Stress.
"Happy honeymoon nalang, pinsan," Xavier laughed and walked away.
"Subukan mo pota ka sasaksakin kita. Wala akong pakialam kung mas bata ka sa'kin, sasaksakin parin kita," banta ko.
"Ako ang sasaksak sa'yo, ako 'yong may kutsilyo," ngumisi ito na parang may binabalak na masama.
Oh hindi! Nai-invade na ng kahalayan ang utak ko dahil sa bastos na batang ito!
"Lumayo ka sa'kin nandidilim paningin ko sa'yo."
"It's been five years, ang pangit mo pa rin."
Putangina! Insulto, panibagong sama ng loob na naman. Pasaksak.
"Edi sana si Kyla nalang inaya mo ng kasal, ang saya niyo na sana ngayon," nguso ko.
Hindi ako nagseselos, ikakasaya ko pa nga ng sobra-sobra kung maghihiwalay kami eh. Hindi ito umimik at nanatiling tahimik. Siguro nag-iisip na 'to kung paano kami maghihiwalay, buti naman.
"Bata, bakit sa dami ng babae, ako pa talaga? Pwede namang iba nalang, first choice mo pa nga si Kyla. You can have any woman you want, gwapo ka naman, siguro maraming babae ang gustong ikasal sa'yo at willing na bigyan ka ng anak," litanya ko.
"They're after my money."
"Pa'no kung gano'n din ako? Pa'no kung gusto ko lang din ng pera mo? Pa'no kung pikutin kita?"
"Damn, I would be really really happy if you would."
"Ikaw na nga pipikutin ikaw pa masaya? Ha! Iba ka rin, bipolar."
"Hindi ikaw 'yong tipo ng babae na nangangailangan ng pera, gusto mo nga hiwalayan ako eh, at hindi ako papayag do'n. Akala mo pakakawalan kita? Manigas ka, akin ka lang habambuhay."
"I-ibig sabihin hindi na tayo maghihiwalay?" horror flashed on me.
"Hm. Magiging isa tayong masayang pamilya," he grinned.
"Oh hindi! Paano nalang si Saski? Itachi? Kakashi? Neiji? Sai? And ninety-nine plus others? Gusto ko pa pumunta ng Japan at maghanap ng cosplayer na pakakasalan do'n! Oh hindi!"
"Sa'kin ka lang! Saka na kita papayagang pumunta ng Japan kapag . . . kapag naisilang mo na ang anak natin."
Kadiri! Saksakin niyo nalang ako please.
"Bwesit na bata ka!" pinagkuku-kurot ko siya kahit saan.
He chuckled.
"Akyat tayo sa taas, let's cuddle until midnight," he whispered.
"Heh! Mag-isa ka! I'll be sleeping in my own room, separate from yours!" nagmartsa ako paalis at pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso ako sa dating kwarto ko, nagbihis ng pantulog at binagsak ang katawan sa kama. Pagod ako kakatayo. Tapos ten minutes lang yata ako naka-upo, na-bwesit pa ako sa batang 'yon!
Pumikit ako at natulog. Sana naman bukas matiwasay ang araw ko.
Hindi pa man nakakapikit ng maayos ay lumundag ang kama ko kaya napasigaw ako sa kaba.
"Bwesit ka! Muntik na ako atakihin sa'yo! Anong ginagawa mo dito?" tadyak ko sa batang si Cave.
"Dito ako matutulog. Beside my lovely wife," he said with his husky voice.
I heaved a sigh and faced him, nag-indian sit ako sa kama at hinawi palapit sa'kin ang makapal na comforter dahil sa lamig na naramdaman.
"Why are you acting like this, Cave? Yes, we're married, but only in papers. Gusto ko pa maranasan 'yong maglakad sa simbahan na suot-suot ang wedding dress ko, gusto ko rin maranasan na maging masaya ang kasal ko, gusto ko rin pakasalan 'yong lalaking mahal ko. Why can't you just . . . just file a divorce and then let me go? Huh? Why? Why can't you just do that?"
"Then love me."
"Bata ka pa nga masyado. Hindi mo maiintindihan ang salitang pagmamahal hanggat sa hindi ka umiibig sa isang babae. That's how love works, hindi mo pwedeng diktahan ang isang tao na mahalin ka, hindi pagmamahal 'yon," I chuckled.
"What does . . . love mean?"
"I don't know either," I shrugged.
Umayos ito ng higa at inunan ang mga braso. Nakatitig lang ito sa ceiling habang ako ay nakamasid lang sa kaniya. Mahirap na, balita ko masyado na daw agresibo ang karamihan sa mga teenagers ngayon, hindi ko nilalahat ah!
"Wala ka bang natitipuhan sa school mo, Cave? Wala ka bang nagugustuhang babae?" maya-maya'y tanong ko.
"I do . . ." he paused. "have one," he continued.
Hindi ako umimik at hinyaan siyang magsalita.
"Mind telling me who?" tanong ko nang hindi na ito nagsalita pa ulit.
"Her name starts with the letter, C, and ends with M."
"I'll take a wild guess! School mates kayo ni Kyla, right? Marami-rami din kasi akong kilalang magagandang babae sa school niyo eh. Hm, sino ba? C and M? Ano ba 'yan wala akong maisip," simangot ko.
"Silly. It's you. I really like you, wife, I liked you for a decade already and I still like you until now."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top