Epilogue

Nichos Laur Martinez

"Congrats Nichos! Tangina ang bilis mo ah?"

Natawa ako sa sinabi ni Xyrus, tinapik ko lang ang balikat niya at tinignan ang asawa ko kasama ang asawa niya na si Greta. Nasa kabilang mesa sila at hawak hawak ang mga anak namin.

"Ikaw din naman ah? Kailan mo balak sundan?" ngumisi ako sakanya. He shake his head and scratch his nape.

"Baka next year pa yung kasunod, may lalaki naman na ako e. Baka tama na 'yan." he said while looking at his wife, napatingin din tuloy ako kay Bree na nilalaro ang anak naming babae.

"Duda ako." nagulat kaming dalawa nang umupo si Brylle sa pagitan namin. Tumawa ako dahil kahit ako ay nagdududa sa sagot ni Xyrus.

"Ikaw ba? Ang sabi ni Greta pwede na daw ah?" maangas na tanong ni Xyrus. Brylle just glanced at him and drink the beer his holding.

"Oo, pero ayoko munang sundan si Jv." he said and smile.

"Pre, masarap madaming anak!" pagpipilit ni Xyrus kaya hinampas ko siya ng hawak kong news paper na ginamit sa palaro kanina.

"Masarap na mahirap. Busy ako at medyo busy din si Mj, ayaw namin kumuha ng yaya para may mag-alaga sa mga anak namin." sagot sakanya ni Brylle.

"I agreed." umingos lang si Xyrus sa amin.

We just stayed there and talk for a moment. Nagkamustahan lang at tanungan sa kung ano-ano, lalo na sa trabaho namin at kung gaano kahirap at kasarap ang isang maging magulang. I glance over my family, nasa pagitan ng mga hita ni Bree ang panganay namin habang karga naman niya ang pangalawa, wala pa ang bunso. On the way palang.

I saw how Jyrelle pulled my son towards the table where the foods are located. Sweets. Tinapik ko lang ang table para kunin ang atensyon ng dalawa kong kasama, ngumuso ako sa anak ko na nag-uumpisa ng kumain ng matatamis. Tumango lang sila at hinayaan akong makaalis. I jog towards them.

"Laur." tawag ko sakanya. Agad siyang lumingon sa akin at binitawan ang kinakain na cupcake sa table.

"His not allowed po? Diba po he can eat sweets?" inosenteng tanong sa akin ni Jv.

"Yes Jv, he can. But that's too much." paliwanag ko sakanya at tumango tango naman siya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ni Laur. "Tell me if you feel something okay?" he nod his head a little, still looking at the cupcakes.

"Laur. You can't, unless you want to have rashes again?" pananakot ko sakanya.

Napabuntong hininga ako, sa lahat ng pwede niyang makuha sa akin ay yung allergies ko pa kapag nakaka-kain ng sobrang daming sweets. Late na namin nalaman ni Bree na may ganoong klase pala akong allergy. She made me ate the whole cake, ang ending nauna pa akong napunta sa hospital kesa sa kanya.

"What's wrong?" Bree ask, nakalapit na pala sa amin. "Bakit sad ang baby ko?" sinilip niya ang mukha ni Laur.

"He's eating too much sweets." sagot ko sakanya. She ruffles her son's hair, and kiss his cheek.

"Bawal, nak. Sa susunod na araw nalang okay?" ngumisi ako ng mabilis na tumango si Laur sa nanay niya at nagtago sa may leeg ko. Breeyana glared at me for that.

"I didn't do anything." I mouthed.

"Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita. Ikaw na bahala kay Laur at Bridj." bilin niya kaya tumango nalang ako, as if naman may magagawa ako.

Hindi na ako nagpaalam ulit kina Brylle, kinuha ko lang si Bridj kay Mama at nagpaalam na patutulugin na ang dalawa. Laur and Bridj share the same room, pero kapag nag 5 na si Laur, ililipat na namin siya.

"Nak, undress yourself na. Shower time." marahan kong sabi sakanya bago siya ilapag sa sahig. Si Bridj naman ay inilagay ko na sa Crib niya.

My daughter must be so tired to sleep soundly like this. It's her christening today, kaya may salo salo dito sa bahay. I kiss her forehead before attending our first born. Laur Martinez. Naalala ko pa kung paano tumanggi si Breeyana sa pangalan na ibinigay ko, then I remembered why. She can't even call our son in his name. She called him 'L'.

Pinaliguan ko lang saglit si Laur at binihisan. I also kissed his forehead before turning the lights off, pero iniwan kong naka bukas ang lamp shade sa side table.

"Dada..." he called. Agad akong lumingon sakanya at nilapitan.

"Yes kiddo? What's wrong?" I ask worriedly. He ates too much sweets today, baka late ang reaction ng allergies niya. I am being paranoid when it comes to my Family.

"I love you..." he whispered before he dozed off to sleep.

Bahagya kong hinaplos ang buhok niya, nakatitig lang ako sakanya. His looks was like Bree, kaya napagkakamalang anak ni Brylle minsan at hindi anak ko. I kissed his forehead again and check Bridj sleeping position, bago ako lumabas ng kwarto nila.

"Hey, umuwi na sila?" tanong ko kay Bree nang makitang paakyat na siya. She immediately wrapped her arms around me. I smiled and brush her hair, she's tired. I can tell, hindi yata magagawa si bunso ngayon.

"Yes, bukas nalang tayo maglinis. I'm tired." she answer me, and it came out a whisper. Napailing nalang ako, I scooped her and carried her towards our room.

"Shower?" I ask.

"I want to, but I'm tired." reklamo niya sa akin. I chuckled softly, nilapag ko muna siya sa sofa namin sa kwarto at dumeretso sa bathroom. I already readied the bath tub when I saw her sleeping soundly in the sofa. Napailing ako.

I carried her again and drop her carefully in our bed. Kumuha ako ng pantulog niya at isang panty, nilapag ko yun sa may side table. Kumuha ako ng maliit na palanggana at nilagyan 'yon ng maligamgam na tubig at kaunting sabon. I carefully undress her and wiped her body using the wet towel. Alam ko kung gaano kaayaw ni Bree ang matulog ng walang ligo or kahit half bath man lang. Malakas ang buntong hininga ko habang binibihisan siya, pigil ang sarili.

Pagkatapos niya ay ang sarili ko naman ang inasikaso ko, naligo muna ako bago humiga sa tabi niya. I scooped her and wrapped my arm around her waist.

"Good night, baby. I love you." I whispered and kissed her forehead before I slept.

That is our every day routine, I love to pampered my family. Sila muna bago ako. Their happiness comes first, that's what matters to me. Masaya na ako sa ganoon.

"Mama! Andyan na po si Dada!" dinig kong tili ng bunsong anak namin mula sa sala. Nanliit ang mga mata ko nang wala ni isa sakanila ang sumalubong sa akin.

"I'm home!" sinadya ko talagang sumigaw, pero ni isa sa mga anak at ang mismong asawa ko ang sumalubong sa akin. My brows furrowed, niluwagan ko ang neck tie na suot at hinubad ang sapatos.

I sighed and seat on the sofa. Today was so tiring, madaming papeles na inaprubahan at ilang meetings din ang kailangan kong puntahan at attend-an. I heard some giggles, pero masyado na akong pagod para dumeretso sa kusina at hanapin ang pamilya ko na mukhang trip na naman akong taguan.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa.

"Dada looks so tired. I told you, Mama! Huwag na natin taguan si Dada!"

Naalimpungatan ako dahil sa ginawa ng bunso namin, did I heard her raising her voice to her mother?

"Nicha Breena." madiin na tawag sakanya ni Laur. Nicha immediately apologize to her mom. That's my first born.

"Mama? Paano na?" tanong ni Bridj.

"Ma? I think hayaan muna natin magpahinga si Dada? Look at his face, bakas ang pagod." Laur said.

Bahagya akong gumalaw at minulat ang mga mata ko, I saw their faces near mine. Kulang nalang ay magkakapalit na ang mga mukha naming lima. Tumaas ang kilay ko kaya agad silang nag-iwas ng tingin at umayos ng upo at tayo.

"What is it this time? I'm tired. Can I pass?" tanong ko sakanila.

Sa ilang taon na magkakasama kami sa bahay na 'to, lagi silang may inihahandang pranks sa akin kapag uuwi na ako galing trabaho. Hinahayaan ko lang ang mga anak namin sa gusto nila, pero kapag sumobra na sila hindi ko sila papansinin, kakausapin hanggang sa ma realize nila ang mali sa ginawa nila.

Spoiled sila pagdating sa mga grand parents nila at pati nadin sa nanay. While my duty is to discipline them.

"It's not a prank this time, Dada." kaagad na sabi ni Bridj. Tumingin ako kay Bree, she just gave me a warm smile before leaning towards me and kissed my lips.

"It's not a prank, darling." she assured me. I rolled my eyes.

"Bakit ang hirap niyo paniwalaan?" natatawang tanong ko sakanila. Kumandong sa akin ang bunso at naglalambing ako na niyakap. Bumaba ang tingin ko sakanya, she looks like an angel but beware coz she got Breeyana's monster side.

There's this time that Laur ate her chicken, the wings part which happens to be her favorite, she throws her brother's shoes in the garbage. Wala nang nagawa si Laur kung hindi ang magpasensya dahil siya ang mas nakakatanda.

"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you... Happy Birthday, Happy Birthday.... Happy Birthday Dada~" my eyes watered when I saw my first and second born holding a cake and a balloons while they're singing a Birthday song.

"Come here, Nicha! It's already your turn!" pinandilatan siya ng mata ni Bridj.

"Oh! Right!" she giggled cutely, bago siya kumawala sa akin at nagpunta sa harapan. Inabot ni Bree sakanya ang isang paper bag. My eyes narrowed at them. Umayos ako ng upo.

"Hi Dada! I just want to say... Thank you!" tili niya at cute na nag finger heart sa akin. I chuckled softly. "Dada, Thank you for taking care of me even so I am so annoying sometimes... I guess? Or is it most of the time? But I'm cute and will always be your princess, Right Dada?" nag beautiful eyes ito sa harapan ko.

"Kahit matigas ang ulo mo, prinsesa pa rin kita." I said and kissed the top of her head. She handed me the paper bag and kissed my cheek.

"My gift for you! Unnie ikaw na!" Tili niya at sumiksik na siya sa tabi ko, I wrapped my arm around her small shoulder.

Tumikhim si Bridj, bago ako tinignan.

"Dada. You are the most amazing father, you know how to spoil us. Hindi sa materyal na mga bagay, kung hindi sa kung paano mo kami alagaan. Masyado kang maaalaga sa amin simula bata kami that you almost forgot yourself. You love us so much and that makes us feel special, I just want you to know that this girl in front of you... Loves you so much! Happy Birthday to you, Dada!" she said but ended up crying in my arms. Bahagya ko siyang inilayo sa akin at pinunasan ang luha niya.

"I love you too, Bridj. Stop crying now..." bahagya lang siyang tumango pero hindi parin siya umalis sa pagkakayap sa akin.

"Ang usapan walang iiyak. Scam kayong dalawa." reklamo ni Laur sa dalawang kapatid. Tumaas ang kilay ko sakanya, waiting for his message.

"Ahm... Nag practice ako kanina, wag kang tumingin sakin, Dada! Nawawala ako e!" reklamo niya na ikinatawa namin ni Bree.

"Oh, nag practice ka?" ngumisi ako sakanya kaya sumimangot siya.

"Dada, I may not be the best son to you. But I will keep my promise to you that I will protect my sisters from predators. And... Thank you, tama si Bridj. Simula bata kami, kami nalang lagi ang inaasikaso mo. And I think this is the time that we'll going to take care of you, at kay Mama. I promised that I will help you in anyway I can, Dada. I... ahm... love you. Always," he said nagulat nalang kami ni Bree nang inilang hakbang niya ang pagitan namin at sumubsob sa dibdib ko kasama ang dalawang kapatid.

"Mahal na mahal ko din kayo..." bulong ko sakanila.

"Happy Birthday, darling. Thank you for keeping your promises, to me, to us. Thank you for being the best husband and the best father... sa mga anak natin. I love you, darling." lumapit siya sa amin at sumama sa group hug.

"I am still experiencing a rush of dopamine and oxytocin with you, baby." I whispered that make her chuckle sexily.

I am just planning before how to make her mine. She's a Goddess and I am just a Human looking up to her, back then. She's strong and didn't showed any sign of weakness. Her name attracts faithfulness, hope and empowerment, that suits her well.

I am lucky that she's feeling the same way, she's in love with me and so am I. She didn't hesitate to show me her flaws and all. She keeps saying that Me and My love for her is her only weakness. Humigpit ang yakap ko sakanilang apat. Sila ang yaman ko.

I am Nichos Laur Martinez, The Goddess Weakness, and now the source of her strength.

____________________________________________

Author's note:

Another one. Thank you for reading my story again, sana nagustuhan niyo! :) I really appreciate y'all.

I know my story was full of grammatical errors, I'm still learning so please bear with me.

See you on my next one! Mwah!

-Saiiros

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top