Chapter 20

Nichos POV

"Sir, I am very sorry about this. Na monitor ko naman po ang business niyo with her, pero ang sabi niya importante kaya sinamahan ko pumunta dito."

Paliwanag sa akin ng assists ko, habang naglalakad kami papasok sa building. I sighed heavily. Itinaas ko lang ang kamay ko sakanya para tumigil na siya kaka explain.

"Andito na e," malamig kong sagot sakanya. He said his 'sorry' again.

I should be with my wife right now! Kasama niya dapat ako sa hospital at nagpapa check-up, damn. She's not feeling well, palagi nalang siyang nahihilo at nagsusuka tuwing umaga. Pero imbes na nasa tabi niya ako, andito ako ngayon papunta sa office niya at aasikasuhin ang isang pa-VIP.

"Did she tell you the details of this so called urgent meeting with her?" tanong ko kay Kaegan. He bow his head a little.

"No, Sir. Siya daw po ang magsasabi sa inyo. Confidential daw po." I gritted my teeth.

I sighed. I think alam ko na kung tungkol saan na naman ang walang kwentang urgent meeting na 'to. She's always doing this, kahit noong nasa New York pa kami. Kahit saan bansa ako magpunta, gumagawa talaga siya ng paraan para lang makausap ako, kahit hindi naman importante ang pag-uusapan namin.

She actually offered my family to invest in her business, liquor business. Her family is well known when it comes to liquor, I already tasted one and I can say that it's good. Pero ang nagma-manage ng business? Hindi.

Si Daddy ang nag-invest kung tutuusin, pero ako ang ginugulo. What kind of business owner is that? It's a basic knowledge. Si Daddy ang nag-invest, si Daddy dapat ang ginugulo niya sa kung ano man ang dapat pag-usapan at hindi ako.

"Alam ba 'to ng parents ko?" I ask again. Sabay kaming sumakay sa elevator, some employees greeted me since alam nila na asawa na ako ni Bree. "At alam ba niya na kasal na ako?" dagdag ko.

"I already told her to stop bugging you, Sir. But she's so persistent." Kaegan pointed out.

Napailing nalang ako. She's still a woman kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo. I can't just lay a finger on her, kaya pilit ko nalang iniiwasan. Napipikon na din ako sakanya, she's obsessed with me. Minsan ita-try ko ipagamot kay Brylle.

"I'm going to talk to her, tatawagan kita kapag kailangan ko na ng tulong mo." bilin ko sakanya at tumango lang siya.

Minsan pa naman ay para siyang linta kung makadikit sa akin. I hated the thoughts of someone else's hugging me and kissing me. Asawa ko lang ang binibigyan ko ng karapatan na yumakap at humalik sa akin.

"I'm just one call away, Sir. Good luck." ngumisi si Kaegan sa akin bago ako pagbuksan ng pintuan.

I saw Katherine comfortably sitting at my wife's swivel chair. Hawak pa niya ang picture frame na naka display sa table ni Bree, my gazed drop off to the table, may isang folder doon. Dala siguro niya.

I cleared my throat, "Stand there and sit in another chair, Katherine." malamig na utok ko sakanya.

I don't want to see another people sitting on that spot. That chair belongs to my CEO, my wife.

"Nichos Laur!" tili niya. Tumayo siya at tumakbo papunta sa akin. Akmang yayakapin niya ako pero agad kong nasalo ang mga braso niya at pasimpleng inilayo sa akin.

As I've said, I don't allow anyone to hug me.

"Don't. Can you stop doing that?" iritado ko siyang sininghalan. Pero manhid ata ang babae na 'to at hindi makaramdam, she smiled at me and was about to hug me again. Umiwas ako at tinalikuran na siya.

I don't have enough time for her, I want to see my wife again. Umupo ako sa swivel chair niya at agad na kinuha ang folder na nakapatong sa lamesa niya. Wala na ang ibang confidential files dito, pinalipat na lahat sa bahay. I scoffed when I saw what's inside the folder.

"What the fuck is this for?" itinaas ko ang folder na nasa kamay ko at matalim ko siyang tinignan. She pouted her lips and started to act cute in front of me, napangiwi nalang ako dahil hindi niya bagay.

"You stayed here for a month and you became dumb?!" she insulted, maarte pa niyang pinaypayan ang sarili kahit na naka aircon naman kami dito sa loob. I sigh again, this is a waste of my time.

I massaged the bridge of my nose and tried to calm down, baka hindi ko matantya ang kaharap ko at makalimutan kong babae siya.

"That's a freaking marriage contract." she exclaimed and walked towards me.

"Alam ko kung ano 'to, tinatanong ko kung para saan to. Tanga naman nito." bulong ko sa sarili ko.

I am free to talk in our language because she doesn't understand it. Kahit murahin ko pa siya ngayon, hindi naman niya mamasamain, tatawa pa yan.

"I'm married. Bring this contract with you and leave the country. Don't ever come back." Madiin kong sabi sakanya at tumayo na pero agad niya akong itinulak paupo, I hissed when she sit on my lap and locked me by straddling me!

"Get the fuck off!" I hissed as I removed her arms around my neck. I was about to push the door open.

Nagulat ako nang makita ko si Breeyana. Shock was written all over her face, nasa kanya ang atensyon ko.

"Baby..." I whispered.

Agad kong tinanggal ang pagkakapalupot ng mga kamay ng babae na nasa kandungan ko. I pushed her away, not minding if malaglag siya.

"And here I thought you were the one who's going to be surprised. But it turns out na ako pala... Damn." may pumatak na luha sa mga mata niya pero agad ko niya 'yong pinunasan. Damn,  my heart aches when I saw a tears slid down her beautiful eyes.

"I-it's not what you think... Bree." I stutter. I was about to explain but she cut me off.

"Sa office ko pa talaga? Hindi na kayo nahiya. Linisin niyo nalang ang kalat niyo pagkatapos niyo, make sure wala kayong maiiwan kahit na isang bakas." she spat and shake her head in disbelief before turning her back on us and leave.

"This is all your fault!" Dinuro ko si Katherine, wala na ang pake ko kung babae man siya. "Your business will go down together with you, if something happens to my wife!" I hissed bago nagmamadaling lumabas sa office. Alam na ni Kaegan ang gagawin sa babaeng 'yon.

"Breeyana!" I shouted. But she didn't stop, mas binilisan pa niya ang paglalakad at sumakay sa elevator. Napamura ako ng hindi ko maabutan ang elevator. I don't have a choice, ginamit ko ang hagdan pababa.

I contacted the guard first. Pinapaharang si Breeyana, so I can explain my side. Damn it! Binilisan ko ang pag takbo pababa, good thing I saw an empty elevator sa isang floor kaya sumakay na ako doon.

"Kuya! Yung boss mo?" hinihingal kong tanong sakanya. The guard pointed the car.

"Sumakay po doon sa sasakyan, Kay Sir.Brylle po 'yon." he explained.

Agad akong kinabahan nang malaman na si Brylle ang sumundo kay Breeyana. Bumalik sa akin ang mga banta niya noong nakausap ko siya, na kung hindi ko iingatan ang kapatid niya at kung hindi pa ako... aamin... kukunin niya ang kapatid niya sa akin at ilalayo.

Wala akong inaksayang oras nang araw na 'yon, hinabol ko siya. Ang sabi ni Bree sa akin, pupunta muna siya sa bahay nila kaya doon ko muna siya unang hinanap, wala doon. Her mom and dad was asking me what happened ang sinabi ko nalang we just have a little fight. Pagtapos ay pumunta ako sa bahay nina Brylle.  Ang asawa niya na si Myrelle ang sumalubong sa akin.

"Nichos..." she looks surprised to see me here. I know it's too late dahil anong oras na din. Pinakalma muna kasi ako ng parents ni Bree bago magmaneho papunta dito. Ayoko man, pero wala akong nagawa.

"Si Bree? Andito ba?" tanong ko sakanya pero malungkot lang siyang umiling. "Pero si Brylle ang huling kasama niya." giit ko sakanya. She tapped my shoulder.

"Sandali lang si Bree dito. Umalis din agad. Hindi nagpaalam kung saan nagpunta." she looks convincing. Pero hindi nila ako mapapaniwala.

I know what's up with Brylle. Umuwi ako sa bahay na pagod, walang Bree na sumalubong sa akin. Her scent lingers inside our house. Damn, where are you baby? I miss you...

Lumipas ang tatlong araw na hindi ko nakikita ang asawa ko, I am slowly losing my sanity. Ilang araw na din ako na walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko siya. Kinusot ko ang mga mata ko nang may marinig akong malakas na pagkatok sa pintuan. Sumalubong sa akin si Brylle na nakangiwi.

"You look like shit." he hissed.

"Where's my wife?" I ask.

"Asawa? Why? Do you love my twin?" sarkastikong tanong niya sa akin.

"You know how much I love your Twin, Brylle. You fucking know that." mariin na sagot ko.

"I told you to confess right? Anong ginawa mo? Hinayaan mo muna mag-isip ng kung ano-ano ang kakambal ko." he rolled his eyes.

"Hindi ganoon kadali yon!" I hissed.

"Gaano ba kahirap sabihin sa kakambal ko na mahal mo siyang gago ka?!" singhal niya sa akin. "Here's the address of Laurent. Andoon si Bree." he said and give me a piece of paper.

"What the fuck is she doing there?!" pasigaw na tanong ko sakanya.

he smirk, "Gusto ko lang. Go, puntahan mo na." taboy niya sa akin.

Pinulot ko lang ang T-shirt ko at hindi na nag-abalang maligo at mag-ayos. I need to see my baby, fuck! Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar na 'yon paalis, bahala na si Brylle na mag lock ng bahay.

I immediately press the button of the door bell, hindi ako mapakali. Naka boxer short lang ako at T-shirt. Pinag titinginan nadin ako ng kapit bahay. Luckily, the door open.

"Ano— Nichos..." she whispered.

She's wearing a dress and her hair tied into a messy bun, she looks radiant while I look like a piece of shit.

"God! I missed you, Breeyana!" I exclaimed.

Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. Damn, I thought I am not going to see her.

"What are you doing here?" she softly ask before pulling me inside the house.

"Baby, I missed you. Don't you miss me?" I ask as I cupped her cheeks. She blink her eyes, I laughed a bit and placed a soft kiss on her lips. 

"I'm sorry... I should've pushed her. I'm sorry..." I whispered, at pinagdikit ang mga noo naming dalawa. "Listen to me baby, please?" pakiusap ko sakanya kaya, bahagya lang siyang tumango.

"Baby... This man is so madly and deeply in love with you, since we're in college. I am lucky, that you have a crush on me before. Natutuwa ako sa mga pagpapapansin mo sa akin, but I just can't court you." natawa ako ng bahagya, iniisip kung tama ba ang ginagawa ko.

"Mahigpit ang kakambal mo. Nagka girl friend na at lahat lahat, mahigpit parin ang bantay sayo. I hate it when you're dating someone else, including that boy, Laurent." I hissed.

She chuckled, "Kaya lagi kang nagsusumbong kay Kuya." she got me.

"Kahit noong umalis ako, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo. Patuloy akong nakikibalita kay Mj kung may asawa ka na ba o boyfriend. When Brylle told me that you don't have a plan to get married yet, I grab that as an opportunity. Pinaki-usapan ko at pinangakuan ko ang kapatid mo na kung ipapakasal ka sa akin, gagawin ko ang lahat para lang sayo. Of course he said no, pero makulit ako." her eyes wide open.

"Yes baby, pikot ang nangyari. Pinikot kita. Hindi 'yon arrange marriage." I smirked.

Agad niya akong pinag hahampas sa balikat, tumawa lang ako at hindi siya inilagan.

"You know you are my weakness! You can just ask me to marry you and I will say yes in an instant!" she hissed.

"I love you, I will do anything to have you." I whispered and claimed her lips. "Will you marry me again, My Mrs.Martinez? This time hindi na 'to pikot."

"I'm pregnant, Nichos Laur. It's a yes." she answered. My eyes widened. She's saying something pero hindi ko na naririnig, I felt my like my world is spinning. Her scream was the last thing I've heard before everything went black.

____________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top