Chapter 19
"I want to... try your suggestion. Yung sinabi mo sa akin noong nasa isla kami."
I uttered. Tumikhim si Kuya, he even shifted his position. Tumingin siya sa akin at ngumisi, Mj on the other hand glared at my twin.
"Seryoso ka?" nakataas ang kilay na tanong niya. He crossed his legs and arms.
"Y-yes..." nauutal kong sagot sakanya.
He nod his head. I will take that as an aproval. He tapped the table and stood up, hinila niya si Mj at agad na ipinalupot ang braso sa may baywang ng kaibigan ko. Nagkatinginan muna sila at sabay na ngumiti.
"Leave Nichos to us." they said in unison.
Pinaakyat na nila ako at pinaderetso sa guestroom, hindi ko namalayan na nakasunod din pala silang dalawa sa akin. Ang sabi ni Mj mas mainam kung itulog ko muna para mawala ang stress ko ngayon araw. I agreed to her immediately.
"Hindi diyan." pigil sa akin ni Kuya.
Nauna na siya sa akin at pumasok sa loob ng kwarto nila, their room was clean. May binuksan pa na isang pintuan si Kuya. It doesn't look like a door to enter another room. Connected kasi ang pintuan na 'to sa walk in closet nilang dalawa.
May maliit na room doon, nandoon pa ang mga gamit ni Jyrelle noong baby pa siya, pero maayos na ang pagkakatabi ng mga 'yon. May single bed din, kakasya na ako doon. I touch it and sigh in relief dahil malambot 'yon!
"It's comfortable." I commented.
"Dito ka muna mag stay, I'm sure maya maya nandito na si Nichos at hahanapin ka sa amin. Buti nalang at nagpalagay kami ng spare room dito sa kwarto namin dalawa. And don't worry we're not going to do unnecessary things while you're here." sabi ni Kuya at tinalikuran na nila akong mag-asawa.
I sighed and lay down on the bed. I know Kuya wants to play, that is why he offered to help me, at isa pa sa tingin ko ay makikinabang din naman ako. I don't want to believe him when we're talking in the Island.
[Whatever, listen to me carefully.] I shifted my weight, gumalaw si Nichos sa tabi ko pero hindi siya nagising.
[I already give him enough time to confess. Pero wala siyang ginawa, I don't want you to be trap in a marriage thinking... na ikaw lang yung nagmamahal sa inyong dalawa. I know you, Breeyana. Kapatid kita, kakambal. Alam ko kung paano ka mag-isip.] he sigh heavily on the other line.
[Here's the plan, I know this is just a simple plan, I am not like you when it comes to planning. So, magtatago ka lang naman. You choose, sa bahay namin o sa bahay ng kaibigan mo? But I suggest na kay Laurent ka mag stay. Nichos Laur was and always up until now jealous with that man.] tahimik lang akong nakikinig sakanya.
[Then leave the rest to us. Kami na ang bahala kay Nichos.]
"Let me think first, a-ano pala yung gagawin niyo kay Nichos kung sakali?" mahinang bulong ko.
[Amin na lang 'yon.]
"Baby? You think this is a good idea?" bulong ko sa sarili ko at hinaplos ang tiyan ko.
I sighed, I don't know anymore. I really want to run and get back in our house, kaso natatakot ako. Paano kung nandoon sa bahay namin yung babae? Paano kung iba na yung makita ko? Paano kung... I stop myself from thinking too much.
Baka mas lalo akong ma stress, I don't want to risk my baby's life. Huminga muna ako ng malalim bago ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung magpapa salamat ako o ano dahil buntis ako, madali lang sa akin ang maka tulog.
Nagising lang ako dahil sa ginawang pagtapik sa akin ni Mj. Nasa tabi ko siya kasama na ang anak niya na si Jv, naka pajama na ang pamangkin ko at bahagya pang kinukusot ang mga mata.
"I'm sorry... Nasa baba na kasi si Laurent para sunduin ka." nakangiwing sabi ni Mj. I nod my head a little, tinulungan niya din ako na maka upo.
"Nagpunta kanina dito si Nichos. Hinahanap ka." my heart skips a beat. "Easy... wag ka munang rurupok!" natatawang suway niya sa akin kaya nakitawa na din ako.
"Kanina pa ba si Laurent?" tanong ko at isinuot ang pambahay na tsinelas na inilapag niya kanina.
"Oo, ginigisa muna ng kuya mo sa sala." she rolled her eyes, "O.A ng kakambal mo!" she hissed. Napailing nalang ako.
"He's just over protective to us, lalo na sa 'yo." I said that make both of her cheeks turn bright red! "Kilig siya oh!" pang-aasar ko at sinundot sundot ang pisngi niya.
Pabiro niyang tinabig ang kamay ko at binuhat na si Jyrelle. Nauna pa silang dalawa na lumabas sa akin. Nangingiti akong umiling bago sumunod sa kanila, nasa hagdanan palang ako nadidinig ko na ang mga habilin ni Kuya Brylle kay Laurent.
"No funny business, Laurent. I swear, ipapasok kita sa mental." natawa ako banta ni Kuya. He can just swear he's going to kill Laurent, but still he choose 'Ipapasok kita sa mental'? Really?
I saw Laurent eyes darted on me. Kumunot ang noo ko dahil sa sunod sunod na paglunok niya, I smirked evily to him. Nagmamaka-awa ang mga mata nito sa akin, kaya binilisan ko na lang ang lakad ko at dumeretso na sa kanila. I kissed my brother cheek before sitting beside Laurent.
"Hindi ko naman papatulan 'to. Hindi siya ang type ko." masungit na sagot ni Laurent. Bahagyang umawang ang labi ko at hinampas ang braso niya.
"I know his type! Yung mas bata—" agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Dami mong alam!" singhal niya sa akin. Tinanggal niya lang ang kamay na nakatakip sa bibig ko ng makita ang matalim na tingin ni Kuya Brylle sakanya.
"She's pregnant. Take care of her, ilang araw lang naman siya sa poder mo." seryosong sabi ni Kuya sakanya. Tumango lang si Laurent, unable to talk. Natakot na yata kay Kuya.
"Yes sir." sagot niya at sumaludo pa.
"Here, mga damit mo yan and essentials." inabot sa akin ni Mj, nagtatakang sinundan ko 'yon ng tingin. "Thrios help, siya ang nag empake niyan. May mga damit ka pa naman kasi sa bahay niyo." she explained.
Lumingon ako kay Laurent, he looks so calm and collected. Bahagya ko siyang siniko kaya inirapan niya lang ako. Siya na din ang kumuha sa bag at nagbitbit. Takot lang niya kay kuya kapag ako ang pinagdala niya.
"Go, ilang araw ka lang naman sakanya. Take care,okay?" bilin sa akin ni Kuya. Yumakap lang ako sakanya as he wrapped his arm around my shoulder and hug me back, hinalikan niya din ako sa noo bago pinakawalan.
"Let's go?" aya sa akin ni Laurent. Yumakap din ako kay Mj at sa pamangkin ko.
"Para kang mawawala ng matagal," natatawang sabi ni Mj. "Mag-iingat ka."
Inakbayan ako ni Laurent at inalalayan na makasakay sa sasakyan niya. He didn't talk nor ask along our way, hanggang sa makarating kami sa bahay niya. I think may idea na siya sa nangyayari dahil nag-usap naman sila ni Kuya kanina.
Pinagamit sa akin ni Laurent ang mismong kwarto niya, sira daw kasi ang aircon sa guestroom kaya nagpalit kaming dalawa. I told him he can sleep beside me since malaki naman ang kama niya, pero nag-inarte ang shunga at ayaw daw akong makatabi.
"May asawa ka oy! Ayoko!" he hissed. Niyakap pa niya ang sarili na parang any time may gagawin ako na masama sakanya. Nanlaki ang mata ko at binato sakanya ang isang unan na nahawakan ko.
"You dumb! As if I'm going to rape you! Hindi ikaw si Nichos oy!" sigaw ko sakanya.
"Huuuuy! Miss na si Nichos baby," pang-aasar niya sa akin.
"Baby? OMG! Hoy Laurent akala ko ba—" my words cut off when he throws the pillow straight to my face.
"Idiot." he hissed and walked out.
Tatlong araw na ako sa bahay ni Laurent and I can tell that he's not happy that I am here with him. Sa loob ng tatlong araw siya ang ginugulo ko sa mga cravings ko, siya ang ginigising ko tuwing madaling araw para samahan akong kumain kahit na natutulog lang talaga siya sa lamesa.
"Uwi na kaya kita sa asawa mo? Tatlong araw na akong walang matinong tulog sayo, Breeyana!" yamot na sabi niya at isinubsob ang mukha niya sa unan. Habang ako naman ay kumakain ng chocolate cake na pinabili ko sakanya kaninang madaling araw.
"Tumawag na ba si Kuya? How's my husband?" tanong ko sakanya, nilapag ko muna ang platito na hawak ko tapos ay hinila ang kumot. Lumitaw sa akin ang likod niya, walang damit. I rolled my eyes, binalik ulit ang kumot. Tumunog ang phone niya kaya agad niya yong kinuha at sinagot.
His face lit up, agad siyang tumayo sa pagkakaupo. Ginawang tapis ang comforter sa katawan, tumaas ang kilay ko bago ko siya inirapan.
"Damn! Go to my room! Maligo ka na doon, dalian mo!" nagmamadaling sabi nito at bahagya akong tinulak palabas ng room. Naiwan tuloy ang chocolate cake ko sa loob.
"Why?"
"Maligo ka nalang!" he hissed and pushed me lightly, hanggang sa makarating kami sa tapat ng pintuan ng kwarto niya. "Siguraduhin mong maganda ka." he wink playfully.
"Duh?" I scoffed.
I rolled my eyes to him. Pumasok na ako sa kwarto niya at ginawa nalang ang pinapagawa niya sa akin, inamoy ko pa ang sarili ko. Hindi naman ako mahabo. Nag half bath nalang ako, but I made sure na mabango akong lalabas. I wear the maternity dress na ibinili sa akin ni Laurent and tied my hair into a messy bun, nag iwan pa ako ng ilang strands para may design.
My face is pale, kaya naglagay ako ng kaunting tint sa pisngi and sa labi ko din. Then nag powder lang ako. Wala naman akong make up na dala. Nang lumabas ako sa banyo nasa kama na si Laurent at bored na naghihintay. He eyed me from head to toe.
"Pwede na nga yan! Halika dali!" hinila niya ako ng marahan pababa sa sala.
Pinatong niya ang mga kamay sa braso ko at pilit akong pinaupo sa single sofa. I glared at him, pero hindi niya ako pinansin. Salubong ang kilay niya habang inaayos ang uupuan ko, nagtaka ako sakanya ng pumunta siya sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang slice ng chocolate cake ko and a glass of water.
"Diyan ka lang okay? Kapag may nag doorbell or tumawag sa akin. Ikaw na magbukas ng pintuan," he said while pointing at the door. Bahagya akong tumango sakanya at sumubo ng cake. "Sa taas lang ako. Maliligo." dugtong niya pa.
"Okay, pero kunin mo na ang buong cake at ilapag mo dito bago ka maligo." utos ko sakanya, he sigh before going to the kitchen.
Inilapag niya sa harapan ko ang cake at nagmamadali na siyang umakyat. So far wala namang kumatok nor nagtawag sakanya habang nasa taas siya at naliligo, hanggang sa matapos siya at bumaba. He's wearing his normal clothes, kapag pumapasok siya sa office niya.
"May emergency sa office. Call me when you need anything, okay?" nagmamadaling sabi niya sa akin.
"Wala akong kasama dito?" reklamo ko agad sakanya.
He sigh and glance at his watch, mukhang importante nga. "May dadating mamaya dito," he said before going.
Sumimangot ako at bumalik nalang sa pagkakaupo, he already locked the door, pagkalabas niya. I open the television and continue eating my cake, I glance at my phone. Nakapatay ito, I'm sure Mama and Papa are now worried, sana sinabi nalang ni Kuya na nakina Laurent ako.
Napatigil ako sa pagkain at panood ko nang sunod sunod na tumunog ang door bell. Mas lalo akong sumimangot, tamad akong tumayo at isa pa ayokong iwanan ang chocolate cake ko dito sa sala. Kung hindi ko lang naalala na may dadating pala akong makakasama dito sa bahay hindi pa ako tatayo.
"Ano—" naputol ang balak kong pagsigaw ng makita ko ang lalaking ilang araw ko nang hindi nakikita... "Nichos..." I whispered.
"God! I missed you, Breeyana!"
___________________________________________
☕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top