Chapter 17

"Ito pa yung mga pinamili namin sayo, I'm sure bagay sayo yung mga dresses!"

Napangiti ako kay Mommy dahil para akong manika kung bihisan niya. Nakailang balik na ako sa dressing room namin dito sa kwarto dahil sa pinapasukat niya sa akin. I didn't complain coz I really like her taste when it comes to clothes. Pareho lang sila ni Mommy at Aunti Brianna.

"Thank you po! Ang gaganda!" I exclaimed and turned around to see my back on the mirror.

"Of course, maganda ka kasi. Isa pa, kahit anong klaseng damit ang isuot nating mga babae, kung susuotin natin ito with confidence, gaganda at gaganda 'yon." she said and smile warmly to me.

"So always held your head up. Don't bow down, walk gracefully and always wear yoit confidence." napangiti ako kay Mommy. She really likes my mother. Ganyan na ganyan si Mama sa akin noong una akong sumabak sa modelling.

But sadly I stop, at nag focus nalang sa pag-aaral ko. Tho, nag momodel ako ng mga damit minsan. We saw Nichos in the reflection kaya sabay kaming napalingon sa may pintuan ni Mommy.

"Mom, we're going." he said. Bumaba ang paningin niya sa kama namin na puno ng iba't ibang klase ng damit. Nakakalat din sa sahig ang paper bags.

He sighed and started to pick up the paper bags at itinabi ang mga ito. Habang no choice naman si Mommy Fhey kung hindi ang pakawalan ako, noong nakaraan na araw pa kami umuwi galing sa isla nila. Napilitan kaming umuwi dahil sa paglala ng pagkahilo ko tuwing umaga, dumagdag pa ang walang tigil na pagsusuka ko.

Tuwing umaga ay nasa banyo ako at nagsusuka. Hindi ko muna pinasabi kina Mommy, kahit sa magulang ko ay walang alam. May hinala na ako na buntis ako, hindi ko lang makompirma dahil laging nakabuntot sa akin si Nichos. Hindi ko nagamit yung pregnancy test na binili ko.

"Okay... Mauuna na kami. Mag-iingat kayo ha?" bilin niya sa amin. Hinalikan muna niya ako sa pisngi sunod si Nichos.

"Kayo din po," I smiled sweetly at them and waved my hand.

Nichos picked up the pizza box na nasa side table namin, he folded it into two and throw it into the trash bin inside our bathroom. I quickly fixed my self, hindi na ako nagpalit ng damit. Suot ko ang mom jeans and black backless halter top na huling pinasukat sa akin ni Mommy. Then I grab my shoes, dahil tinatamad ako mag suot ng heels.

Pagkalabas niya ng banyo, agad niya akong tinignan. He eyed me from head to toe, he them grab his jacket and offered his hand to me. Nangingiti ko 'yong kinuha. He's being gentleman.

"Nag pa sched na ako sa Ob ni Greta."  I said while we're walking down the stairs. He arched his brow, at nagtataka akong tinignan.

"OB? Why?" kunot ang noo na tanong niya. He rolled up his sleeve, hanggang sa may siko niya.

"Sabi ni Greta, deretso OB na." dahilan ko sakanya.

Bahagya siyang tumango sa akin. He grab his keys and locked the door, since wala naman maiiwan sa bahay namin.

I feel so guilty by using Greta's name in our conversation. Sana hindi siya mabulunan sa sariling laway or kung kumakain siya ngayon, buntis pa man din ang babae na 'yon.

Nagkibit balikat nalang siya sa akin at inakbayan ako, inaalalayan papunta hanggang sa makasakay ako sa loob ng sasakyan. He even put my seatbelt on, when I can do that alone. Masyado niya akong ini-ispoiled, na kahit sa mga simpleng bagay na kaya ko ka namang gawin, siya na ang gumagawa.

"After this, saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin habang swabe na minamaneho ang sasakyan.

"Iwan mo nalang ako sa Hospital. May importante kapang gagawin sa Opisina ko diba?" He glance at me.

Alanganin na iwan akong mag-isa sa Hospital. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil yon, ngumiti din ako to assured him that I will be okay. Nagpaalam siya sa akin kanina na gamitin ang office ko dahil dadating ang assistant niya, I believe they have some errands to fix this instant.

"I'll be fine. Mag pa-pasundo ako kay Kuya," worried flash in his eyes. O baka namalik mata lang ako dahil mabilis din 'yong nawala.

He cleared his throat and shifted his weight, bago dahan dahan na tumango.

"Tatawag ako sayo. Kapag tapos na ako at kapag nasundo na ako ni Kuya." I softly said.

"That's good to hear..." he trailed off.

He seems a little bit off when he heard my brothers name, nasabi ba sakanya ni Kuya ang plano niya? I doubt that. Sa tingin ko may iba pa silang pinag usapan, maybe that's the reason why Nichos felt uneasy the moment he heard my brother's name.

Hindi na siya kumibo buong biyahe namin, ang ingay sa radio lang ang nagpapawala ng awkward moment namin sa loob ng sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa Hospital, he really seems a little bit off. Malayo ang tingin niya pagka park namin, ako na ang nag tanggal ng seat belt ko at hinarap siya.

He gripped his steering wheel tightly. Naglilitawan na ang mga ugat sa kamay niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak. Marahan kong hinawakan ang braso niya, he jumped a little. Gulat ang ekspresyon ng mukha niya nang tinignan ako. I look at him worriedly.

"Is there a problem, Nichos?" nag-aalala na talagang tanong ko sakanya. He immediately shake his head as an answer.

"Then why are you spacing out?" nakataas ang kilay na tanong ko. Pero kahit nagmukha na akong nagsusungit dito, malumanay parin ang boses ko.

"None... I'm s-sorry." he chuckle nervously.

I didn't buy it tho. I sighed heavily and open the door. Mukhang ayaw niyang sabihin sa akin kaya hindi ko na pipilitin, dahil kahit ako man ay may tinatago sakanya. I have a chance to tell him about Kuya's plan but I did not tell him.  Sinasarili ko 'yon hanggang ngayon na nakauwi kami.

"Dadalaw ako sa bahay namin, then I'll go home." hilaw ang ngiti na ibinigay ko sakanya. Bahagya akong umusog at hinalikan siya sa pisngi, but he's too fast. He cupped my face and kissed me on the lips, it was a gentle one. He lightly bit my lower lip bago ako pinakawalan.

"Mag-iingat ka. Text or call me kapag nakauwi kana sa inyo, update me from time to time okay?" sunod sunod na bilin niya. I nod my head and smile.

"I will. Ingat sa pag d-drive!" I kissed him again before going out in the car.

Kumaway muna ako sa kanya, I'm sure he'll see me. Tinted ang sasakyan kaya hindi ko siya makikita mula dito sa labas. Nang makaalis na ang sasakyan niya doon palang ako nagpasyang pumasok sa loob ng hospital.

Nagtanong lang ako sa mga nurses about sa clinic ng Doctora ni Greta. Nakangiti nilang itinuro ang daan papunta sa room ng clinic niya. I waited patiently for my turn dahil may mga ibang buntis ang mas nauna sa akin. I glance at my tummy.

There's really a big possibility that I am pregnant, ang maisip na lolobo nang ganoon kalaki ang tiyan ko ang nagpa ngiti sa akin. Kasama kami ni Greta ni Mj noong nagbubuntis ito. Alam namin ni Greta kung gaano kahirap ang mag buntis, kaya todo alalay kami kay Mj dahil siya ang unang nabuntis.

My twin wants another baby, pero hindi muna sila pinayagan ng Ob ni Mj. Naging maselan kasi ang panganganak ni Myrelle sa panganay, at kung masusundan agad si Jyrelle, there's a big possibilities na makunan at hindi na ulit siya magka-anak. The both of them didn't want that, lalo na hanggang ngayon ay wala pang go signal ang Ob kaya nagt-take ng pills si Mj or inject, perhaps.

"Mrs. Martinez? Turn niyo na po." agad akong tumayo sa pagkakaupo ko. I smiled at the secretary or nurse? Bago ako pumasok sa loob.

Ang ngiti ni Doctora ang unang bumungad sa akin. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at bahagya itong tumango, may kinuha siya sa isang cabinet at inabot sa akin. It's a pregnancy test kit.

"Wala ka pa kasing record sa akin, and I assumed nandito ka to confirm if buntis ka. Correct me if I am wrong?" natatawang saad niya. I bit my lower lip and nod shyly. "Here, ayon yung cr. You can use it, kapag nag positive tsaka kita iu-ultra sound." she smiled at me.

Bahagya akong tumango at kinuha na sa kamay ni Doc ang Pregnancy test kit na hawak niya. Nagpunta agad ako sa cr na itinuro niya, this is my first time using this thing... Mabuti nalang at may instructions ito. Sinundan ko lang 'yon at agad na lumabas.

"Let me see," inilahad ni Doc ang palad sa harap ko. Nahihiya ko na ipinatong sa palad niya ang pt.

Ngumisi lang ito at iniharap sa akin ang pregnancy test, may dalawang pulang guhit doon. I felt my eyes watered. Iba parin pala kapag na confirm mo na ang hinala mo.

"Let's go? Higa ka lang diyaan." I followed her instructions. "Pakitaas nadin ng shirt mo and paki unbutton ng pants, ibaba mo lang ng kaunti." dagdag niya pa.

Agad kong sinunod ang pinapagawa niya, good thing babae ang napili kong Ob. I don't know what am I going to feel, kung sakaling lalaki ang magiging Ob ko and my brother will freak out. Maybe, Nichos too.

I gasped when she put something on my lower abdomen, I bit my lower lip to stop myself from flinching dahil medyo malamig 'yon sa pakiramdam. May ginawa pa siya pero hindi ko na alam ang tawag doon, all I know is that I can see my inside in the monitor. May tinuro siya sa akin sa screen pero hindi ko naman 'yon makita ng malinaw.

"Congrats! 2 weeks and 4 days ka ng buntis, reresetahan kita ng vitamins. Ingatan mo ang sarili mo, lalo na at dalawa na kayo. Iwasan mo ang stress and most importantly rest, wag mong hahayaan na matagtag ka masyado." bilin niya sa akin. Inayos muna niya ako bago pinatayo.

Madami pa siyang binilin sa akin kaya nakinig ako ng mabuti, this is my first time and I only know the basics dahil kay Mj. I contacted Greta after my check up, hindi ko muna sinabi na buntis ako. I asked her instead what's the feeling of being pregnant, ilang buwan na kasi ang tiyan nito. Funny, mukhang matanda lang ng ilang buwan ang anak niya sa anak ko.

"Wala pa bang laman ang sa'yo?" napangiti ako sa tanong niya, ayoko naman itanggi kaya pinili ko na huwag nalang muna sumagot.

[Ilang buwan na rin kayong kasal ah? Don't tell me hindi ka pa wasak!?] My eyes widened a bit.

"Greta..." mariin kong tawag sakanya.

[Xyrus! Yung niluluto ko paki bantayan!] sigaw niya sa asawa niya. Paano kaya siya natitiis ni Xyrus? I guess that's how love works, kahit gaano pa ka annoying ang partner mo matitiis at matitiis mo. [Anyway! I am now one hundred percent na nag mukbang na si pareng Nichos!] she added.

Kumunot ang noo ko. "What do you mean by mukbang? Food ba or iba?" I ask, nag-umpisa na akong maglakad palabas ng Hospital. Tumigil lang ako ng makakita ng mauupuan.

[Syempre iba, gaga!] singhal niya sa akin. I'm sure if she's beside me, nahila na ang buhok ko. [Ano? Nakain ka na? Masharap?] tumatawang tanong niya sa akin.

My face heated up. Agad kong pinatay ang tawag. I stood up and decided to take a cab instead. Dala ko ang isang picture ng ultrasound kanina at yung pt na ginamit ko. I'm sure Nichos will be happy. Nagpahatid lang ako sa building ng company namin. Ngumiti lang ako sa mga nadaan kong empleyado.

"Mrs.Martinez!" I smiled when I saw a man standing beside the door of my office.

"Ang asawa ko?" I asked smiling.

"N-Nasa loob po." he stuttered. I smiled widely and tap his shoulder.

I didn't let him open the door for me, ako na ang nagbukas noon.

"Darling, I have some news for you..." humina ang boses ko nang makita si Nichos na nakaupo sa swivel chair ko at may baba na nakaupo sa hita niya, straddling him.

My heart pounded against my chest. I don't know what to do... Na blangko ako sa nakikita ko ngayon.

"Baby..." he whispered. Agad niyang tinanggal ang pagkakapalupot ng mga kamay ng babae sa leeg niya.

"And here I thought you were the one who's going to be surprised. But it turns out na ako pala... Damn." may pumatak na luha sa mga mata ko pero agad ko 'yong pinunasan. Maybe My Twin is right, treat him as my competitors.

"I-it's not what you think... Bree."

Tumingin ako sa babae, she's smirking to me. Pinantayan ko ang ngising ibinigay niya sa akin which stunned her. A cold smirk stretched on my lips.

"Sa office ko pa talaga? Hindi na kayo nahiya. Linisin niyo nalang ang kalat niyo pagkatapos niyo, make sure wala kayong maiiwan kahit na isang bakas." I spat and shake my head in disbelief before turning my back and leave that place. I immediately contact my brother.

____________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top