Chapter 15

"You keep talking languages that I don't understand."

Nakasimangot na sabi niya sa akin. Apat na araw na kami dito sa Isla nila, at sa bawat araw na nagdaan hindi pwede na hindi niya ako maangkin kahit isang beses man lang. Nakakapagod pero hindi ko matanggihan si Nichos.

"Then start learning how to speak Spanish and Italian!" sigaw ko sakanya.

Nasa may dalampasigan kami ngayon. Nichos was playing with his phone while sitting comfortably on the wooden beach lounge chair. May towel na naka sabit sa balikat nito, ayaw na daw niya mag babad sa dagat kaya nauna na siyang umahon sa akin.

I saw the daughter of Manang so I waved my hands on her, she smiled and waved back before going inside their house again.

"Where did you learn? Hindi ka naman marunong mag Spanish at Italian noon ah?" nakataas ang kilay na tanong niya. I raised my brow and teasingly look at him.

"At paano mo nalaman ha?" I mocked playfully.

"Nakikita na kita noon diba? Baka nakakalimutan mo na lagi akong kasama ng kuya mo." pagsusungit niya sa akin.

"I know how to speak a little back then, Mom teach me. Kuya on the other hand knows how to speak Greek. And Thrios know how to speak Spanish a little, but she's so good in speaking Korean language."

"I didn't remember the exact word you say, paki ulit nga." he demanded. I smiled at him and mouthed 'No'. "You look sad when you say those words." dagdag niya.

Napansin niya pala 'yon? Umiling ang ako sakanya. I honestly don't know how to confront him about what he feel to me. Should I ask him or wait for him to tell me? Iniisip ko palang na tatanungin ko siya at iiwasan ang tanong ko, nasasaktan na ako.

I am weak when it comes to him.

"Ma'am! Sir! Si Senyora po tumatawag." sigaw ni Manang na nasa harapan ng pinto at hawak ang isang telephone.

Tumayo si Nichos at iniladlad ang tuwalya, sinenyasan niya ako na umahon na. Napanguso nalang ako at pinagmasdan ulit ang dagad, ayoko pang umahon pero kailangan na. Di bale, may ilang araw pa naman kami dito. Makakapag swimming ulit ako.

Nang makalapit ako sakanya mabilis niyang ibinalot sa akin ang towel na iniladlad niya, he wrapped his arm around my waist as we walk together towards the rest house. Para akong bata na nakabalot sa towel, masyado itong malaki para sa akin. I am wearing a sexy red swim suit that perfectly hug my curves and body.

Noong una ay ayaw pa niyang pumayag na suotin ko ito, pero pumayag din siya kalaunan. Lalo na nang ma realize niya na kami kami lang ang nasa isla nila at walang ibang turista na makakakita sa katawan ko. Muntik na din kaming magtagal sa kwarto kanina kung hindi lang ako nakapag pigil.

"Mom? I'll call you back." he said and drop the phone.

Inakay niya ako papunta sa kwarto at pinauna nang magbanlaw. Siya na din ang nag ready ng damit na isusuot ko, I usually wear his shirt and boxer lalo na kapag tamad ako maghagilap ng damit sa closet. Hindi na ako nagtagal sa banyo dahil gusto ko din makausap kahit papaano ang parents niya.

Hindi ko sila nakausap ng matagal noong ikinasal kami, I mean after namin pirmahan yung kontrata. Agad kasi kami nilang pina akyat noon ni Nichos sa kwarto ko para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko.

"Mom, please... Tumahimik ka muna baka marinig ka ng asawa ko!" narinig ko ang nayayamot na boses ni Nichos.

Lumabas na ako sa banyo at napatingin sa kanya. He stared at me with a wide eyes. Kumunot ang noo ko sakanya at tinaasan siya ng kilay. Yumuko ako at ipinalupot sa buhok ko ang towel dahil tinatamad akong mag blow dry ngayon.

"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ko sakanya.

[Oh? Is that Breeyana?] narinig kong tanong ni Mommy Fhey.

"Hi Mommy Fhey! How are you po?" I cheerfully ask her. She looks so lively today, may face sheet mask pa na nakalagay sa face niya. Maybe it's her 'Me time'.

[Oh Hi Breeyana! Love, I have something for you!] agad siyang tumayo at nawala sa camera.

"Ikaw na ang anak niya ngayon." sarkastikong tugon ni Nichos.

"Oh? Why are you suddenly mad at me?" I asked softly. Napanguso ako at kumunot ang noo.

"May binili siya sayo pero sa akin wala. Ayos." he rolled his eyes, padabog niyang inabot sa akin ang cellphone at pumasok sa loob ng banyo.

Nagtataka akong tumingin sa cellphone niya na nasa kamay ko na ngayon. I saw Mommy Fhey on the screen again, she's holding a paper bag with a well known brand. Sobrang dami non dahil hindi na niya mahawakan.

[Oh? Where's Nichos?] she asked and her brows furrowed. Wondering why his son is suddenly gone.

"Pumasok po sa banyo, iniwan ako." sumbong ko habang nakalabi. Mommy Fhey scoffed and wrinkle her nose.

[Don't mind him, he's just jealous! Nakalimutan ko kasi siyang bilhan ng pasalubong habang nasa Japan kami ng Daddy niya.] she explained. That's why he's being attitude towards me? God! Such a kid! I am now his wife for goodness sake!

"Bakit po ba nakalimutan niyo siya?" natatawang tanong ko kay Mommy. Umayos siya ng upo at inayos din niya ang camera niya, I saw Daddy sleeping peacefully on their bed.

Para kong nakita si Nichos habang natutulog, nakadapa at may yakap na unan.

Awkward na ngumiti sa akin si Mommy.
[Nang makita ko kasi ang mga pambabaeng damit sa mall, ikaw agad ang naalala ko. You know naman na...Nichos is our only child. Hindi ako nagkaroon ng anak na babae kaya na excite kami ng Daddy mo na ibili ka ng mga gamit!] she explained.

Natawa ako ng bahagya at napatingin sa pintuan ng banyo, nadidinig ko pa din ang agos ng tubig kaya alam kong hindi pa tapos si Nichos.

"Kahit ano po? Hindi niyo siya nabilhan?" tanong ko ulit. Nagkamot sa ulo si Mommy at ngumiti sa akin ng nakaka loko.

[I believe malapit na niyang ma receive ang best gift ever niya.] makahulugan niya akong tinignan. She acted like she's a teenager na kinikilig sa aming dalawa ni Nichos.

"Ano naman po 'yon?" tanong ko at umayos ng upo, isinandal ko ang likuran ko sa headboard at nagpatong ng isang unan sa binti ko.

[Hindi ka pa ba buntis? That's the best gift I am talking about.] Kumunot ang noo sa akin ni Mommy Fhey. [Omy! Don't tell me wala pang nangyayari sa inyo hanggang ngayon?!] she dramatically covered her mouth with her hands.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Nichos and I already did that, almost everyday. Since we stayed here in Island. At dahil sa sinabi ni Mommy naisip ko ang binili kong pregnancy test noon, hindi ko pa 'yon nagagamit. At delayed na ang period ko.

[Love, I suggest you'll do it na with my son. I promised! Hindi ka lugi,] nagtaas baba ang mga kilay ni Mommy. Hindi talaga ako lugi dahil malaki ang karga ni Nichos. Damn, that humongous monster sent me to heaven for so many times!

[Anyway, eto lahat ng mga pinamili ko sayo. Ipapadala ko nalang ng personal sa bahay ni Nichos kapag nakauwi na kayo.] she smiled at the camera. [And I also bought you a wedding gown. Actually noon pa 'yon, ang kaso hindi naman kayo ikinasal sa simbahan.] malungkot na dagdag ni Mommy Fhey.

"I have my reason po... Kaya hindi ko na po pinush yung Church wedding." nahihiya akong ngumiti kay Mommy.

[Mind telling me, Love?]

Huminga ako ng malalim at pasimple akong tumingin sa pintuan ng banyo, sarado parin 'yon. Tanda na nasa loob pa si Nichos at hindi pa tapos maligo. I sigh and shifted my position.

"I don't think he's inlove with me that time, Mommy. I don't want to get married in church... kung ang isa sa amin ay hindi mahal ang isa." paliwanag ko sakanya. Her eyes widened in shock.

[Oh no! Nichos is—] naputol ang sasabihin ni Tita nang hablutin ni Nichos ang cellphone niya sa kamay ko at hinarap sakanya ang camera.

"I'm here, Mom. I'm sorry it took me so long." he said without any emotion. He glanced at me before walking out the door.

"What's wrong? Did I do something wrong?" I ask myself.

I'm just having a one on one talk with his mother and then suddenly he snatched his phone into my hands and walked away. Inatake na naman ba siya ng pagiging bipolar niya?

Hindi ko tuloy narinig yung dapat sasabihin sa akin ni Mommy. I sighed deeply. Instead of thinking about it, I just called Laurent. Good thing he immediately answer it.

"Hi," malungkot na bati ko sakanya. I can hear some flipping pages on the other line again, he's probably doing his job right now.

[What's wrong? Did you two fight?] he ask.

"No. I'm getting tired..." bulong ko. He sighed, narinig ko na binitawan niya ang ballpen na hawak sa lamesa.

[Bree, my friend. Hindi ka marunong mapagod.] he reminds me.

"Napapagod na ako maghintay, kailan niya sasabihin na mahal niya ako?" nagmamaktol na tanong ko sakanya.

[Malay ko. Ako ba si Nichos?] pilosopong sagot niya sa akin. [Bree, Isipin mo yung kape matapang pero ikaw marupok.] pang-aasar niya sa akin.

"My competitors won't call me monster if I am marupok, Laurent!" I hissed.

[Weh ba?] pang-aalaska niya.

"My Coffee is strong, Laurent. So am I. Put that on the thick skull of yours." I rolled my eyes, as if Laurent will see me.

[Yeah, matapang ka when it comes to your competitors. Ang tanong...] binitin niya ang sinasabi niya.

I waited for him to complete his sentence, bahagya kong inilayo ang cellphone ko sa may tenga ko at chineck kung nasa kabilang linya pa ba siya. Okay pa naman pero hindi talaga siya nagsasalita.

"What's the question, Laurent?" naaasar na tanong ko sakanya.

He chuckled playfully on the other line, I can hear him tapping his fingers against his table. Bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon, pumasok si Nichos na salubong ang mga kilay. He raised his brows when he saw me holding my phone at nasa may tenga ko pa.

"Sino'ng kausap mo?" he ask. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad.

"Laurent, just asking him about things..." dahilan ko sakanya.

[Asking him about things, my ass! Bree! Tinatawagan mo lang ako kapag naglalabas ka ng sama nang loob sa asawa mo. I feel used.] madramang sabi ni Laurent.

"Things about?" nakapamaywang siyang humarap sa akin nasa may balikat niya ang towel na ginamit kanina.

[Things about... When he's going to say he loves me?] I gritted my teeth. Ginaya pa talaga ni Laurent ang boses ko!

"Our business." maagap na sagot ko sakanya.

"I didn't know that you have business with him." he said and shake his head.

[Well, me either.] Laurent chuckled.

Pinanood ko lang si Nichos na isampay sa may rack ang pinag gamitan niya na tuwalya at kumuha ng sando shirt pagtapos ay sinuot na ito. Umupo siya sa kama at hinablot ang isang unan, ipinatong sa may binti niya at isinandal ang likod sa may headboard.

[I bet, nakatingin ka sakanya.] tumawa ng nakaka loko si Laurent.

"Oh shut the fuck up, Laurent!" I hissed.

Nakuha ko ang atensyon ni Nichos, nagtaas lang siya ng kilay sa akin at inirapan ako bago iharap ang likuran sa akin. Attitude na naman siya! I sighed when I heard Laurent voice again.

[Debole.] Weak. He playfully clicked his tongue.

"Stop teasing me, or else..." pambibitin ko. He already knows what am I saying.

[Sto scherzando!] I'm just kidding! He quickly replied.

"Now let's go back to our business. What am I going to do?" tanong ko. Halos pabulong na ang huling mga salita.

Pasimple akong tumingin sa lugar ni Nichos, he's playing with his phone.

[Nothing. You are really weak when it comes to him.] malakas akong napabuntong hininga sa sinabi niya.

Napatingin sa akin si Nichos, nakataas ang kilay niya sa akin. I stared back at him and urge a smile.

"È solo lui che mi rende debole, Laurent." It's only him that makes me weak. I whispered while looking intently at him.

I flashed a sweet smile to him, "La mia unica debolezza" My only weakness. Only Nichos Laur Martinez.

____________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top