Episode 72
Episode 72
JANE
Lahat ng nangyari mula kahapon ay planado. It was all an act.
"Our plan was successful, baby..."
Wala akong choice kung hindi sabihin kay Clio na may hindi kami pagkakaunawaan ng ama niya, at doon na nga muna siya titira. Umiyak ang bata. Hindi siya pumayag.
Wala raw siyang sasamahan maski isa sa amin ni Rogue. It was either magiging kumpleto raw kami bilang isang pamilya o doon siya titira sa Grandma Rosenda niya.
Dahil sa reaksyon niya kaya nagbago ang desisyon ko—nauwi kami ni Clio sa pagpaplano.
The plan was: Kunwari tatakas kami pero nakabukas ang location ng phone ni Clio para matunton kami ni Rogue. Iyon ang dahilan kaya nag-stay kami nang matagal sa convenience store. Doon nagsimula ang drama nang dumating na siya. Kunwari itatakas ko ulit si Clio sa kanya.
Pinisil ko ang ilong ng bata. "You're a good actress."
Nagulat ako dahil ang tindi ng acting ni Clio. Grabe ang emosyon niya sa pag-iyak. Maski ako ay nadala.
At iyong hinimatay siya dahil sa shock, naloka ako sa pag-aalala, pero hindi naman pala iyon totoo. Acting lang ng bata. Pati ang doktor na tumingin sa kanya ay napaniwala niya.
Napabungisngis siya. "Because my mom and dad are actors!"
No, but because you're Foresteir.
Lihim na nagtagis ang aking mga ngipin. Ang dugo na nananalaytay kay Clio ay hindi maipagkakailang dugo rin na dumadaloy kina Kuya Panther, Kuya Lion, at maging sa akin. Indeed a wolf in sheep's clothing.
"Baby, thank you..." and I'm sorry...
"I'm so happy and excited, Mom!" masayang bulalas ng bata. "We're going to be a happy family together soon!"
Lumamlam ang mga mata ko at mapait na napangiti sa sinabi niya.
....
"THE MOTHER AND CHILD. WHAT A NICE TANDEM."
Naiiling na sabi ni Hermes sa akin habang humihigop siya ng kape sa cup. Nandito kami sa isang coffee shop na malapit sa place kung saan kami nagkaroon ng project meeting. May bago na naman kasi akong offer. Leading lady role sa isang indie movie na siya ang magdi-direk.
"Cute partner in crimes." Muling napailing si Hermes nang maalala si Clio. Na-amaze siya dahil halos si Clio ang bumuo ng plano. Kahit ako ay nagulat sa pagka-bibo ng bata. Hindi pa kasi buo ang plano ko, ina-analyze ko pa ang lahat, pero si Clio ay may plano na palang nabuo.
WHAT A GENIUS YET AN EVIL PLAN—iyon ang comment ni Hermes nang marinig ang plano ni Clio. But of course, sa akin pa rin ang huling desisyon.
Napayuko ako sa mesa. "May pagpipilian ako pero hindi ko pinili roon ang alinman. Gumawa ako ng sariling daan. Hindi ako nagsisisi, Hermes."
Naghalo ang emosyon ko at lumabas kung anong klaseng tao ako kapag nagkakagipitan—a cunning woman.
Masama na kung masama pero ayaw kong mawala sa akin si Clio. Alam ko sa aking puso ko kapag inilayo na sa akin ni Rogue ang anak namin ay talagang hindi ko na ito makikita pa. Na kahit lumuha ako ng dugo, hindi ko na makakasama ang anak ko. Bilang isang ina, ang isiping hindi ko na makakasama ulit ang aking anak ay daig pa sa kamatayan. Ngayon ko na lang nakasama si Clio, hindi ko na kayang mawala ulit ito.
At si Rogue... Masakit mang aminin pero hindi rin nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya lahat ng galit niya ay aking tatanggapin. Kakayanin ko ang hirap basta wag lang silang mawala sa akin.
Napangisi si Hermes habang nakatingin sa akin. "So where's my payment?"
Humigop na rin ako sa cup ko at pagkatapos ay nagsalita. "I'll send you the money later—"
"Hey! I was just kidding," natatawang sabi niya.
Si Hermes nga pala ay naging kasabwat din namin ni Clio. Siya iyong driver ng kotse na umaktong muntik masagasaan ang bata nang manakbo ito sa kalsada.
I trusted his driving. He was good at it. At alam kong hindi niya ipahahamak si Clio. Besides, nag-praktice kami bago nangyari ang lahat.
Mind you, that was Clio's suggestion. Nakapanood daw ang bata sa isang telenovela ng ganoong eksena. And according to her, it was effective.
"Did Cass know about this?" tanong ni Hermes pagkuwan.
"No. Ayoko na siyang idamay sa kalokohang ito."
"Magtatampo sa 'yo 'yon pag nalamang nagpalit ka na ng partner in crime," nakangising sabi ni Hermes na muli ay si Clio ang tinutukoy. Aliw na aliw talaga siya sa anak ko.
"Ang importante ay successful ang plano."
It was all thanks to Clio. Siya ang nagdala ng buong plano. Para siyang baby boss na may matalinong pagkilos.
Nang madala siya sa ospital at kunwari'y nagkamalay na, doon na siya nag-demand kay Rogue para pakasalan ako nito. Mabilis niyang napapayag ang lalaki dahil siguro nag-drama siya, 'tapos ang cute-cute niya pa.
Pero hindi pa rin alam ni Clio ang kabuuan ng kwento. Hindi niya alam ang pinagmulan ng galit ng dad niya sa akin. Wala rin siyang idea kung gaano kalalim ang galit na iyon. Ayaw kong malaman niya.
Kahit pa parang matured na mag-isip si Clio ay imposibleng hindi siya mato-trauma kung malalaman niya ang totoo. Hindi pwedeng hindi siya mababasag kapag nalaman din niya na buong buhay niya ay nasa isip ni Rogue noon na isa lamang siyang imahinasyon.
Hindi pa sapat ang edad niya at kapasidad para matanggap ang ganoong kabigat na katotohanan. Wala rin siyang idea sa terms and conditions ng pagsasama namin ni Rogue. Sa ngayon, ang importante ay maramdaman niya muna ang pakiramdam ng may isang buong pamilyang nagmamahal sa kanya.
Napatingin si Hermes sa kanyang wrist watch. "I have to go. Cass and I have a date later." Tumayo siya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tumingala ako sa kanya.
"What?" Nagtaka siya.
Maya-maya ay sinuntok ko siya sa sikmura.
Ang tigas ng abs niya!
"What's wrong with you?" Hindi man lang siya nasaktan.
Ngumuso ako. "Bigyan mo ng label ang kaibigan ko." Si Cassandra ang tinutukoy ko.
Napahalakhak siya. "Actually..." May hinugot siyang maliit na velvet box mula sa bulsa ng suot na denim pants. Binuksan niya ito at ipinakita sa akin ang isang diamond ring na nasa loob.
Natutop ko ang bibig.
"Yes, Jane." Sumeryoso ang mukha niya. "I'm planning to marry Cass."
Naluluha akong napayakap sa kanya.
"Kaya wag mo na ulit akong sisikmuraan, ha?" bulong niya sa akin habang ginagantihan ang yakap ko.
Mahina akong napahalakhak sa sinabi niya. Sigurado akong hindi siya mabibigo sa magiging proposal niya kay Cassandra. Alam ko kasi kung gaano siya kamahal ng kaibigan ko.
Sana all.
....
"MOM, JOIN US."
Kagagaling ko lang sa shower room dahil nag-half bath ako. Matutulog na sana ako sa kwarto nang madaanan ko silang mag-ama na nanonood ng movie sa sala. Magkatabi sila sa malaking leather brown sofa.
"Don't bother your mom, Clio. She's busy." Pilit ang ngiti ni Rogue sa bata.
Nakaupo siya sa sofa at may hawak siyang popcorn. Sa center table ay may nakalatag na pizza at nuggets. Meron din siyang bottled beer malapit sa tabi niya.
Ang cute lang dahil naka-ternong blue silk pajama sila ni Clio. Magulo ang buhok niya habang feel at home na nakasandal sa sofa. Nakataas pa ang isang paa.
"Come on, Mom! Gusto ko ng happy family while watching this movie! Please!" pagpupumilit ng bata.
"Baby, next time na lang," muli'y sabi ni Rogue. "Pagod ang mommy mo at kailangan niyang magpahinga."
Halata sa lalaki na ayaw niya talaga akong makasama.
Napalabi si Clio. "Just this once, please..."
Nagkatinginan muna kami ni Rogue bago ako napatango. "Okay."
Namilog ang mga mata ni Clio. "Yey!" Hinila na niya ako paupo sa sofa.
Umupo na rin si Rogue sa kabilang side ni Clio kaya nasa gitna namin ang bata. Umiwas agad ako sa kulay luntiang mga mata ng lalaki nang irapan niya ako.
Siguro minumura na niya ako sa isip niya. Salubong ang mga kilay niya habang nanonood siya ng TV. Nabura na ang ngiti sa labi niya.
Samantalang si Clio ang maligyang-maligaya. Panay ang sulyap nito sa amin ni Rogue na para bang hindi ito makapaniwala. Nakabungisngis ito habang nakaharap sa pinanonood. Masaya akong makita ang anak ko na ganito kasaya. "Dad?" Tumingala ito kay Rogue.
"Dad?" Tumingala ang bata kay Rogue.
"Yes, baby?"
Lumingon sa akin ang anak namin. "Mom?"
"Bakit?" Hinimas ko ito sa ulo.
"I want us to go on a vacation. Kahit out of town lang pow basta kasama ko pow kayo."
Naningkit ang mga mata ni Rogue. "Mom can't go with us. So if it's okay with you, tayo na lang munang dalawa."
"But I want us to go together." Ngumuso ang bata. "Kasama si Mom."
"Your mom is busy. Hindi siya makakasama sa 'tin." Pagkuwan ay bumaling siya sa akin. "Right?"
"I can go," sagot ko.
"Yey!" hiyaw ng bata.
Pinandilatan ako ni Rogue. "Are you sure? Di ba marami kang project this weekend?" Parang sinasabi niya sa akin na wag akong sumama.
Pero salbahe ako. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito para makasama sa kanila. "Nope. Pwede ko naman i-schedule."
Napatalon na sa sofa si Clio dahil sa tuwa. "I'm so excited! Can we go tomorrow?"
"I've got some things to prepare first. Maybe next week," sabi ni Rogue.
"Sure, Dad! Basta kasama ko po kayo ni Mom!" Yumakap sa kanya si Clio.
I was so glad to see Clio like this. Ngayon ko lang yata siya nakitang ganito kasaya.
Tumitig nang masama sa akin si Rogue. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. "What's the title of the movie?" pagbaling ko sa ibang topic.
"The princess and the hunchback," maliksing sagot ni Clio.
Napakurap ako. Cartoon ang movie at tungkol ito sa prinsesa at kuba. Maya-maya pa ay nagkaroon ng kissing scene ang movie.
Tahimik lang si Rogue dahil nasira na ang kanyang mood.
"Mom, why do people kiss?" biglang tanong sa akin ni Clio.
"Because they love each other," sagot ko sa kanya.
"Do you love Dad?"
"H-ha?" Nagulat ako sa tanong niya. "O-oo naman." Totoong mahal ko... Mahal na mahal ko...
"Does Dad love you?"
Bigla akong pinagpawisan nang malapot. Madilim lang naman ang mukha ni Rogue, at wala siyang imik.
"Mom, does Dad love you?" ulit na tanong ni Clio sa akin.
"O-of course. Love ako ng dad mo. Patay na patay nga sa akin 'yan e."
"Really?" Humarap siya kay Rogue. "I-is that true, Dad?"
Nagtagis ang ngipin ni Rogue. "Yeah. Patay na patay ako sa mom mo." May diin sa pagbigkas niya. Parang gusto na niyang pilipitin ang leeg ko.
"So do you kiss her?"
Natigilan si Rogue. "H-huh?"
Napayuko ako. Awkward na.
"People kiss because they love each other. You love Mom, so you kiss her, right?"
Matagal bago nakasagot si Rogue. "O-of course."
Bigla kong hinagkan sa pisngi si Clio. "I kissed you because I love you."
Humalik din sa pisngi ko si Clio. "I love you too, Mom."
Pagkatapos ay kay Rogue naman siya humalik.
"I love you, Dad."
Ginulo ni Rogue ang buhok niya. "I love you, too."
"Now it's your turn." Napangisi ang bata.
"Huh?"
"Kiss Mom and say how much you love her."
Pinamulahan ako. Lintek, hindi namin ito napag-usapan ni Clio!
Hala, anong gagawin ko? Napagkamalan ko pa namang facial wash yung feminine wash ni Lola Jamod sa banyo. Paano kung halikan ako ni Rogue sa cheeks?
"Oh look at that!" Itinuro ni Rogue ang screen ng TV. "Climax na so we should watch." Iniba niya ang usapan para makalimutan ni Clio ang tungkol sa kiss.
Mukha namang effective dahil natutok na ang mga mata ng bata sa TV.
Hayst! Kinabahan ako roon, ah! Ready na sana akong manakbo sa CR para maghilamos ulit.
"Mom, I need to pee!" ani Clio sa akin at kinalabit ako.
"Samahan ba kita?"
"Nope. I can do this alone." Naglakad na siya papunta sa bathroom.
"What the hell are you doing?" gigil na tanong sa akin ni Rogue nang mawala ang bata sa paningin namin. "You should make more excuses para hindi ka makasama sa out of town namin ng anak ko!"
"Sorry. Gusto ko lang naman pagbigyan ang hiling ng bata. It's her dream vacation–"
"I don't fucking care. Ayokong kasama ka!"
"P-pero–"
"I don't want you to be with us. So do something–"
Biglang sumulpot si Clio.
"Para makasama ka, okay?" Lumambing bigla ang boses ni Rogue. "It's a family get together, you know." Tabingi ang ngiti niya.
"S-sure." Napakamot ako sa ulo.
"Anong pinag-uusapan niyo, Mom?" Sumampa na ulit si Clio sa sofa. Sa gitna ulit namin siya ni Rogue.
"A-ah, nagpaplano kami about our out of town."
Sukat ay nagningning ang mga mata ng bata. "Please don't tell me your plan. I want it to be a surprise!"
"O-okay..."
"Oh! I forgot to wash my hands!" Nanakbo ulit si Clio pabalik sa bathroom.
Nang mawala ulit sa paningin namin ang bata ay napatayo si Rogue sa pagkakaupo. "Now it's getting worse. Paano ko siya ngayon mapakikiusapan na wag kang isama, huh?!"
Napatayo na rin ako. "You can't. This is our daughter's dream, to be with us in a vacation. Ipagkakait mo ba sa kanya?"
"Don't take advantage of this. I know what you're doing!"
"Ginagawa ko ito para sa anak natin!"
"That's a lie. You're terrible. You are–"
Biglang sumulpot muli si Clio galing sa bathroom.
"—an amazing woman." Bigla na namang lumambing ang boses ni Rogue. "You are such an amazing mother."
Hinawi ko ang aking buhok gamit ang aking kamay. "I-I know."
Napakuyom siya ng kamao. Tila ba gusto na niya akong bigwasan.
Napahagikhik sa kilig si Clio. "Mom, you were right! Patay na patay nga si Dad sa 'yo!"
Lalong sumama ang titig sa akin ni Rogue.
"L-let's continue to watch." Kinarga ko si Clio at pinaupo ulit sa sofa.
Tumabi naman sa amin ang lalaki bago niya nilagok ang kanyang beer na nakapatong sa center table.
"Mom, why do they fight?" tanong ni Clio sa pinanonood namin.
Iyong scene kasi sa movie ay nag-away iyong princesa at kuba.
"Siguro dahil nasaktan nila ang damdamin ng isa't isa." May lungkot sa mga mata ko nang sagutin ang tanong niya.
"Why they hurt each other?" tanong muli ng bata.
"Because the princess lied," singit ni Rogue. "She deceived the hunchback."
Napalunok ako nang malalim.
"Why doesn't she say sorry?" Lumabi si Clio.
"When trust is broken, sorry means nothing," sagot ni Rogue.
Napapikit ako.
Nagpatuloy si Rogue. "It was painful. She made him like a fool."
Lumungkot naman ang mukha ni Clio. "But they love each other. And love conquers all."
"Even it's an incredible feeling, love alone is not always enough." Sumeryoso ang boses ng lalaki.
"But, Dad..."
"It is not enough to make up for the pain that the betrayal caused the hunchback. That's why he couldn't forgive the princess."
Nakagat ko ang aking ibabang labi.
Nilingon ako ni Clio at ako naman ang kinulit niya. "Mom, is there a way for the hunchback to forgive the princess?"
"H-ha?" Napatanga ako sa tanong ng bata.
"The hunchback, Mom." Nag-pout si Clio. "There's a way to make his pain go away, right?"
"I-I don't know, baby." Napayuko ako. "M-maybe there's no way."
Tumikhim si Rogue. "If the hunchback forgives the princess, she might do it again. She might lie to him again."
"But look!" Itinuro ni Clio ang screen ng TV. "They forgave each other. And they live happily ever after!"
Ending na pala ng movie.
"And they kissed again." Napapalakpak si Clio sa tuwa.
Napayuko ulit ako. Walang imik si Rogue habang nakayuko rin.
"Malalim na ang gabi, baby." Hinimas ko ang ulo ng bata. "Siguro dapat matulog ka na..."
Napahikab si Clio. "Yes, Mom! I'm sleepy!"
"Let's go upstairs."
"Won't you join us, Dad?" Sinilip niya si Rogue.
"I'll be there in a few sec. Liligpitin ko lang itong kalat," pagdadahilan ni Rogue.
Binuhat ko na si Clio at dinala sa taas sa room namin. Para itong lasing na nahiga na sa aking balikat at nakatulog agad. Ang bigat kasi ang laki na, nangalay ang balakang ko sa pag-akyat sa hagdan. Nang ibaba ko ito sa kama ay malalim na agad ang tulog nito. Hinagkan ko muna ito sa noo bago kinumutan at iniwanan.
Binalikan ko si Rogue sa sala at nandoon pa rin siya sa sofa. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko siya nilapitan. Alam kong pagagalitan na naman niya ako kaya titiisin ko na lang ang masasakit na salitang sasabihin niya sa akin.
Hindi niya ako pinansin. Ininom niya ang kanyang beer na nasa bote at inilapag muli sa center table. Tumayo siya para kunin ang remote ng TV to turn it off.
Since makalat, niligpit ko na lang ang box ng pizza. Pero hindi ko sinasadyang matabig ang beer niya kaya nahulog ito sa sahig at nabasag.
"What the hell did you do?!" asik niya.
Patay! Siguradong katakot-takot na sermon ito. Lalo na't beer niya ang nadali ko.
Mula sa nabasag na bote ay hindi ko napansin ang pagdikit ng daliri ko sa bubog, nahiwa tuloy ako at nagdugo ang sugat sa balat ko.
"Look at what you did!" Iyong beer niya yata ang tinutukoy niya.
"S-sorry." Akma kong dadamputin muli ang mga bubog ng bote nang hulihin niya ang aking pulso.
"You're so clumsy." Napatitig siya sa daliri kong may sugat.
Nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa kusina. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya.
Saan niya ako dadalhin?
"Does it hurt?" tanong niya sa akin nang itapat niya ang daliri ko sa faucet para hugasan.
"M-medyo makirot lang."
Ano bang nangyayari? Hindi ba siya worried sa beer niya na natapon ko?
Pagkatapos ay pinunasan niya ng tissue ang kamay ko. "Bakit kasi ang tanga mo?!" Hinipan niya nang marahan ang hiwa sa daliri ko.
Napayuko ako. Biglang nag-init ang pisngi ko.
May kinuha siyang medicine kit sa ibabaw ng fridge. Hawak pa rin niya ang kamay ko nang buksan niya ito.
Ang init ng palad niya.
Kumuha siya ng band aid at maingat na inilapat sa daliri ko na may sugat. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko ay magagalit siya dahil nabasag ko ang beer niya. Bagkus ay ginamot niya pa ang sugat ko sa daliri.
"T-thank you." Napayuko ako.
Hindi siya kumibo. Binitiwan niya ang kamay ko habang salubong na naman ang mga kilay niya.
Lalo tuloy akong napayuko.
Nagtungo siya sa center table at kinuha ang susi ng sasakyan niya. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng pinto. Ilang sandali pa ay narinig kong umalis ang sasakyan niya.
Saan kaya siya pupunta?
Binalikan ko ang basag na bote at maingat ko itong iniligpit. Naitapon ko na rin ang mga basura nang mapagdesisyunan kong buksan ang aming fridge.Daming beer. Mag-inom kaya ako?
Napahawak ako sa band aid na nasa daliri ko. Wala sa sariling napatitig ako roon.
Dumampot ako ng isang beer at ininom ko ito. Ang sarap naman ng beer na 'to!
....
ANG INIT NG ARAW!
Naantala ang mahimbing kong tulog dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Nasapo ko agad ang aking ulo dahil ang kirot nito.
Nakarami yata ako ng beer kagabi kaya nalasing ako. Wala akong maalala kung paano ako nakapunta rito sa kama.
Bumangon ako at agad natigilan. Nang mapatingin ako sa dibdib ko ay nayapos ko agad ang aking katawan.
Bakit ako nakahubad?!
Hinila ko ang kumot para itabing sa aking kahubaran. Pero hindi ko mahila ang kumot—kaya naman pala, nadadaganan ito ng isang lalaki na wala rin saplot sa katawan!
May katabi akong lalaki?!
Napalingap ako sa paligid. Wala pala ako sa kwarto ko.
Bahagyang umungol ang lalaki at gumalaw. Nang tumihaya siya ay ganoon na lang ang aking pagkagulat.
Napatigagal ako sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog. "R-Rogue?"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top