Episode 71

Episode 71

JANE


"I WILL MARRY YOU."


Nanlalaki ang mga mata ko kay Rogue. Tama ba ang naririnig ko?


"I mean, you will marry me!" gigil na sigaw niya.


Dito niya ako dinala sa office mismo ng director nitong ospital para makapag-usap kami. Hindi kasi kami pwede sa patient's waiting area dahil nakilala na kami ng ilang mga nurse at patient doon.


Nag-text din kay Rogue ang manager ng BOS na si Hendrix Ybarra Montenegro or Rix na papunta na raw ang mga paparazzi rito. Trending na kami sa social media dahil may isang pasyente ang pasimpleng kumuha ng photos namin sa hallway kanina. Naka-post na raw ang photos na iyon sa Internet at naka-tag sa location ang ospital na ito.


Habang nandito kami sa office ng presidente ng ospital ay pinabantayan ko muna si Clio kina Cassandra at Lola Jamod. Nasa private VIP Room sila ngayon. Baka bukas na kami umalis kapag na-clear na ang mga tao sa labas.


"We're going to live at my place," dikta sa akin ni Rogue matapos ang ilang minuto ng pagtitig sa mukha ko. Salubong ang mga kilay niya at mukhang anumang oras ay sasakalin niya na ako sa leeg.


"Tingin ko hindi papayag si Clio na sa bahay mo tayo titira," maliit ang boses na sabi ko. Para akong maamong tupa sa harapan niya.


Umismid ang mapulang mga labi ni Rogue. "So what are you suggesting? Doon tayo titira sa townhouse mo?"


"Tanungin mo si Clio. Kahit saan naman ay okay ako..."


Napahalukipkip si Rogue. Halata sa mukha niya gigil siya sa galit pero nagtitimpi lang. "Fine. Doon tayo sa inyo."


Nakahinga ako nang maluwag. Ang totoo ay ayokong tumira sa place niya. Hindi ako makakikilos nang maayos doon.


"But you have to know that I have rules, Jane. Sa akin ang authority. Ako ang magdedesisyon," mariin niyang sabi.


Para siyang isang mabangis na hayop na anumang oras ay kakain ng tao. Ayaw ko nang salubungin ang pagliliyab ng kulay luntian niyang mga mata kaya yumuko na lang ako.


Sa pagyuko ay hindi ko sinasadyang mapatingin doon sa harapan niya.


Ano 'yon? Bukas ba ang zipper niya?


Iniiwas ko agad ang aking mga mata. Pero hindi ko mapigilan mapatingin muli sa zipper niya. Bukas nga!


Hala! Sasabihin ko ba sa kanya? Paanong kung lalo lang siyang magalit sa akin?


"Are you even listening to me, Jane?!" untag sa akin ni Rogue sa iritadong tono.


"Y-yes, I'm listening." Napatingala ako sa kanya at halata sa mukha ko ang pagkagulat.


"I'm asking you."


"O-of course. Kahit anong rules mo, susundin ko. Kahit anong ituos mo, gagawin ko–" Napangiwi ako habang nakatingala sa mukha. "I mean, ikaw ang masusunod, sir."


Parang gusto niya na akong sabunutan habang nakatitig siya sa akin nang masama.


"A-ano nga pala iyong mga rule mo?"


Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Sa pag-usod ay na-dead end ako. Napasandal na ako sa pader.


"Number one rule..." Inilagay niya ang isang kamay sa pader na nasa gilid ng mukha ko. "Always. Fucking. Stay. Out. Of. My. Sight."


Napalunok ako nang malalim. "S-sige."


"I will marry you just for my daughter. But once na magka-isip na si Clio, we'll process our annulment."


Daig pa ng puso ko ang piniga dahil sa sinabi niya.


Pinanlisikan niya ako ng mata. "Understood?"


Tumango ako.


Pagkuwan ay tinalikuran na niya ako. Lalabas sana siya ng pinto nang magsalita ako.


"M-meron lang akong isang hiling."


Napahinto siya at humarap sa akin. Nakasimangot pa rin.


"P-please, wag mo muna sanang sabihin kay Clio na magpapakasal lang tayo para sa kanya." Marahan akong lumapit sa kanya. "Ayaw kong ma-pressure siya."


"You want us to lie to her?"


"A-ayoko lang na ma-trauma ang bata, Rogue. Hindi naman niya maiintindihan ang pinagmulan ng alitan natin. Masyado pang maaga para mamulat siya sa ganito. Kapag malaki na siya, saka na natin sa kanya pwedeng ipaliwanag ang totoo."


Umigting ang panga niya.


"R-Rogue, please. Ayokong ma-pressure si Clio sa isiping magkaaway ang parents niya pero pipilitinig magsama para lang sa kanya. Kung ganoon lang din ang mangyayari, wag na lang tayong magpakasal."


"We need to get married because it's her wish!" nanggagalaiting sigaw niya sa mukha ko.


"O-okay nga lang sa akin ang kasal. Pero ayaw ko nga lang na malaman niya ang totoong dahilan dahil ayaw ko siyang ma-pressure," paliwanag ko. "Mas magiging mahirap lang ang sitwasyon kapag alam niya. Tama na iyong tayo lang ang mahihirapan. W-wag na ang bata."


Nanahimik si Rogue at mukhang narealize na niya ang punto ko. "Then, we're not going to tell her the reason. Since we're both good at acting, we will act like a happy couple in front of her. Clio must feel that she has a perfect family."


Malungkot na ngumiti ako sa kanya. "T-thank you."


"I'm just doing this for Clio. I still want you to always stay out of my sight, Jane. Gusto kong mabawasan ang mga oras na kailangan nating magpanggap na okay tayong dalawa. Don't you ever forget that we're just going to get married only to our daughter. But in my eyes, you'll never be my wife!"


"O-okay." Napayuko ulit ako.


At sa pagyuko ay nakita ko na naman tuloy ang nakabukas na zipper niya.


"Good. I'll pack my things for tomorrow. We'll meet at your house to discuss our setup." Tinalikuran na niya ako.


"A-ah, Rogue–" Habol ko ulit sa kanya.


"Listen!" Iritadong humarap siya ulit sa akin. "I want you to shut your mouth until you have my permission to speak, understood?"


"P-pero gusto ko lang sabihin na– "


"I don't wanna hear your voice."


Napatikom ako ng bibig.


Lalabas na sana siya ng pinto nang awatin ko ulit siya. "R-Rogue, importante na malaman mo na–"


"You know what? You're just lucky because this is what our daughter's wish. But you have to know that this has an end!"


Binuksan niya muli ang pinto para lumabas.


Napayuko na lang ulit ako. Pasakit nang pasakit ang mga sinasabi niya, pero hindi ko naman matiis na hindi masabi sa kanya ang gusto kong sabihin.


Sinabi ko na lang nang mabilis. "Rogue, nakabukas yung zipper mo!"


Natigilan siya at isinara muli ang pinto. "What?!"


Napalabi ako. "'S-sabi ko, yung zipper mo bukas."


Napayuko siya para silipin ang zipper niya. "Fuck!" Napatalikod agad siya sa akin.


Tumalikod din ako agad sa kanya. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Maya-maya ay napamura siya. Hindi na ako kumibo.


"M-mauna na akong lumabas." Nanakbo na ako sa pinto.


Sa paglabas ko ay bumagsak ang aking balikat. Kakayanin ko ba ang mga susunod na araw na kasama siya? Hindi pa nga kami magkasama sa iisang bubong ay nakarinig na ako sa kanya ng mga masasakit na salita, lalo pa kaya kapag sa amin na siya nakatira.


Ihahanda ko na lang ang aking sarili. Sanay naman na akong masaktan, di ba? Strong naman ako kaya kakayanin ko ito para kay Clio. Saka deserve ko naman ito dahil sa dami ng kasalanan ko kay Rogue.


....


NAGULAT ako dahil ang agang dumating ni Rogue sa bahay kinabukasan. Mabuti na lang at nalinis na namin ang kwartong ni-ready namin para sa kanya. Meron siyang dalang mga maleta. May katulong siyang mga bodyguard na may bitbit ng mga ito.


Nakasimangot si Rogue nang humarap sa akin. "Where's my room?"


Sinalubong siya agad nina Lola Jamod at Lola Durat.


"Mowning, hijo. Doon ka sa kwarto ko matutulog." Ngumisi sa kanya si Lola Jamod na nakalimutang magsuot ng pustiso. "Tabi tayo, yahoo."


"Tayo. Tatlo. Tabi," singit naman ni Lola Durat na nakalimutang magmumog pagkatapos mag-toothbrush, hayun may bula pa ang bibig niya.


Humugot si Rogue sa likuran niya ng baril at nagkasa. "Anong sabi niyo?"


"Do'n na lang ako sa sala matutulog, hijo?" ani Lola Jamod.


"Ako. Puno. Tulog," sabi naman ni Lola Durat.


"I'd like to warn you. Kapag sinilipan niyo ako habang naliligo, puputukan ko kayo!"


Napangisi si Lola Jamod. "G!"


"Ako. Putukan. Gusto!" Si Lola Durat na nakangisi rin.


Umigting ang perpektong panga ni Rogue. "I'm serious. Babarilin ko talaga kayong dalawa kapag sinilipan niyo 'ko. That's why I brought a gun with me."


Napaatras ang dalawang matanda.


Bumaling sa akin ang lalaki na halatang nayayamot. "Seriously, I'm going to live here kasama ang mga 'to?"


Lumapit na ako sa kanya. "L-let me take you to your room."


"Take me to the bathroom first."


"Sure."


Sinamahan ko siya papunta sa bathroom. Pagbukas namin ng pinto papasok sa banyo ay natigilan si Rogue. "What's this? Bakit puro putik ang tiles?"


Napasilip ako roon. "S-sorry. Naligo kasi si Lola Jamod."


Napangiwi siya.


Matapos maligo ni Rogue sa banyo ay lumabas siya na humahalimuyak sa bango. Basa pa ang kanyang buhok at messy pero lalo lang siya nitong pinaguwapo. Ang suot niya ay simpleng t-shirt lang na plain white at black jogging pants. Sa paanan naman niya ay isang black Versace men's slippers.


Paglapit niya sa akin ay kusang bumukas ang mga labi ko. "K-kailan ang kasal natin?"


Sumimangot na naman siya. "Next week. Next month. Next year. I don't know. And I want our marriage to be a secret. Ayokong maging headlines tayo sa news o mag-trend sa social media."


Mukhang mahirap ang gusto niya dahil pareho kaming celebrity. Mas sikat nga lang siya sa akin.


"P-pero paano kapag may nakaalam at magtanong–"


"We'll deny." Hindi niya pinatapos ang sinasabi ko.


"Ano ang sasabihin ni Clio kapag nalaman niya ito? Imposibleng maitago natin sa kanya na ang marriage natin ay gagawing discreet sa madla."


"Then we have to be careful. We have to do our best."


Lalo akong napayuko. "A-alam na ba ito ni Tita Rosenda? Alam ba ng pamilya mo na pakakasalan mo ako?"


Hindi agad siya nakasagot. "No."


Napaangat ako ng mukha. "B-bakit?"


"Dahil kinahihiya kita." Antimano ay nilayasan na niya ako.


Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang mawala siya. Maya-maya ay hindi ko napigilanng mapaluha.


Susundin ko na lang siguro 'yung number one rule niya: Get the fuck out of his sight. Always.


Kailangan ko yata talaga siyang iwasan para maiwasan ko rin ang sobrang masaktan.


....


HABANG TULOG SI CLIO sa kwarto nang tanghali ay sumalisi muna ako paalis. May biglaang meeting kasi para sa next project ko. Mapapasali ako sa isang teleserye bilang isang supporting character.


Akala ko ay saglit lang ako ang kaso ay ang tagal nagsimula ng meeting. May script reading pa. 8:45 pm na natapos. Inabutan pa ako ng rush hour pauwi. Nataon pa na may rally yata sa kalsada kaya around 11:00 pm na ako nakabalik sa townhouse namin sa QC.


Pagpasok ko ng bahay ay nanakbo agad ako papunta sa kwarto namin ni Clio. Papasok pa lang ako ng pinto nang makasalubong ko si Rogue na palabas.


"R-Rogue..." Napatingala ako sa kanya. Magulo ang buhok niya na para bang kababangon lang sa higaan.


"Bakit ngayon ka lang?" Nakasimangot na naman siya.


"Traffic."


"Ganito ka ba lagi umuuwi?" sita niya sa akin.


"M-minsan." Napalabi ako.


"Sinong nag-aasikaso kay Clio kapag ginagabi ka na?"


"S-si Lola Jamod."


"So hinahayaan mong asikasuhin ng matandang libagin na iyon ang anak natin?"


"Minsan naman si Cassandra ang nag-aasikaso."


Napamulsa siya. Salubong pa rin ang mga kilay niya. "Where's your room?"


"Iisa lang kami ng kwarto ni Clio. Hindi kasi siya nakatutulog nang hindi ako katabi."


"So I have no choice kundi ang tumabi sa inyo?"


Tumango ako.


Bumalatay na naman sa mukha niya ang pagkainis. "Fine. Pero aalis din ako kapag nakatulog na siya. Doon ako matutulog sa room ko."


"S-sure."


"But luckily tonight, nakatulog na siya kahihintay sa 'yo. Lilipat na ako sa room ko."


Tumango ako. "G-goodnight."


Hindi niya ako pinansin. Naglakad na siya papunta sa kwarto niya.


Marahan akong pumasok ng kwarto. Inilapag ko na lang ang bag ko sa sahig at nilapitan agad si Clio. Tumikhim ako.


Nakatalukbong siya ng kumot. Nang marinig niya ang tikhiim ko ay bumalikwas siya agad ng bangon. "Mom!"


Nilundag niya ako ng yakap. Gising pa siya. Alam kong gising pa siya dahil hinihintay niya ako.


Niyakap ko rin siya nang mahigpit habang naluluha ang mga mata ko. "T-thank you, baby."


Tumingala sa akin ang bata habang nakayapos sa katawan ko. Malawak ang ngisi niya. "Our plan succeeded, right, Mom?"


"Yes," bulong ko sa kanya matapos ko siyang yakapin muli. "Your dad will marry me."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top