Episode 7


Episode 7


Rogue's POV


Maingat akong bumangon mula sa aking kinahihigaan. Hinilot ko ang aking batok at minasahe. Ang hirap talagang matulog sa bato. Bukod sa matigas, masakit pa sa likod. At dahil magaspang, nagagasgasan tuloy ang magandang balat ko.


Nilingon ko ang pwesto kung saan nakahiga si Jane.


Napabalikwas ako nang matagpuang wala siya roon.


Nasaan na ang babaeng iyon? Hindi kaya kinuha na siya ng mga Dinarandado?


Fuck! Hindi pwede! Wala sa usapan namin iyon.


Nanakbo ako palabas ng kweba. Nilingap ko ang paligid at wala akong ibang makita kundi ang makapal na damuhan.


Nakarinig ako ng kaluskus sa di kalayuan. Agad ko itong nilapitan sa pag-aakalang si Jane.


"Bathala, saan ka pupunta?" Biglang sumulpot si Durat. Nagulat ako, akala ko engkanto.


"Nasaan ang Pukangkang?!" I asked her. Gusto ko na siyang hiluran sa leeg.


"Nanghuhuli ng isda doon sa ilog." Inginuso niya ang likuran ng mga kakahuyan.


"Huh?" Kinabahan ako. Akala ko ay dinakip na si Jane ng mga Tinarantadong ito – este Dinarandadong ito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.


"Gusto ko lang siguraduhin na tutupad ka sa kalakal natin."


"Tutupad ako. Basta tutupad ka din sa kalakal mo."


Tumango siya. "Tutupad ako."


"Paano mo magagawa ang balsa sa loob lamang ng isang araw?" I had to make sure na matatapos nila nang mabilis ang balsa ko.


Nilingon niya ang kanyang likuran at saka pumalakpal gamit ang kanyang kili-kili.


Gross.


Senyas niya pala iyon para magsulputan ang mga kasama niya. Sumulpot sa damuhan ang maiitim na mga babaeng tulad niya.


"Sino naman ang mga yan?" Tinaasan ko sila ng kilay.


"Sila ang gagawa ng balsa mo."


Really? Eh bakit mukhang pinuyat na mga unggoy ang mga ito. Parang hindi sila pinakain ng isang linggo.


"Sigurado ka ba na magagawa nila ang balsa ko?" Humalukipkip ako.


"Sigurado."


"Iyong isa kasing yun oh, mukhang nanlalambot." Itinuro ko yung isa na tila ba sobrang lungkot.


"Ah mukha lang malungkot ang isang yan, pero malakas yan. Iyan si Pal-Pal."


"Eh yung isang yun na bubulong-bulong."


"Ah mabilis kumilos ang isang yan. Iyan si Dal-Dal."


"Iyong isang yun na kakamot-kamot."


"Iyan si Kal-kal."


"Eh yung isang iyon na mukhang bobo."


"Ah iyan si Bal-Bal."


"Iyong isang yun na gegewang-gewang."


"Iyan si Wal-Wal."


Sinakal ko si Durat. "Hindi lang pala pangalan mo ang tinarantado, pati pala ang buong tribo mo!"


...


Nadatnan ko si Jane na kakaahon lang sa tubig. She was like a mermaid that just came out from the ocean. She looked so fresh. I like her when she's wet.


"Saan ka ba galing?"


This woman was a knockout.


Lumapit siya sa akin habang bitbit ang ilang isda na nakatuhog sa matulis na stick. "Gising ka na pala, Bathala. Naghanap lang ako ng makakain natin."


Ibinaling ko na lang ang aking mga mata sa hawak niyang isda habang may naglalaro sa aking isip. "Ang sarap niyan... kanduli."


She laughed at me. "Kanduli ka diyan."


Her smile was the sweetest thing I had ever seen it chilled me to the core.


Ipinilig ko ang aking ulo. "Huh?"


"Sinabi ko na sa'yo, Bathala. Hindi isda ang kanduli."


Napahilot ako sa aking sintido. Naguguluhan tuloy ako. Para bang biglang may nagtatalo sa isip ko. Makikita ko pa ba ang mga ngiting ito kapag ipinagkanulo ko na siya sa mga kalabang tribo?


In just 24 hours or so, magagawa na ang balsa ko. Kailangan ko na ring ibigay si Jane sa mga Dinarandado. Whatever they wanna do to her, the hell I care. Ang importante ay makaalis na ako sa islang ito.


But the thought that she might be killed, nakakaguilty. I like myself being selfish, so I shouldn't feel this. Kung hindi ay ito ang papatay sa akin.


Bigla niya akong hinawakan sa pulso at hinila. "May ipapakita ako sa 'yo."


"Huh?"


Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya. Hanggang sa makarating kami pabalik sa kweba.


"Tingnan mo ito." Lumapit sya sa isang malaking bato na nasa gitna ng kweba. May mga nakaguhit dito. It was l a figure stick, I guess. It was like the one I saw on the tree.


"Ano ang mga iyan?"


Mukhang masayang-masaya si Jane na makita ang mga ito. "Ito ang natatagong akda ng mga ninuno namin. Kahit si Jamod ay hindi pa nakikita ito."


"So ano nga ang mga iyan?"


Napapikit siya. "Bukod kay Merdie na nakasakay sa pagong, ang kwentong ito ay sagrado sa amin. Ngunit itinago ito sa amin ng tribong Dinarandado. Walang sinuman sa katribo ko ang nakakaalam ng kwentong ito." Humugot siya nang malalim na paghinga. "Ito ang kwento ng..." Bahagya siyang natigilan. "Prinsesang Tinira ng Kuba."


"Huh?" It was so familiar to me. I had some memories na naikwento na ito sa akin ni Kia, my older cousin.


Napasinghap si Jane nang humarap sa akin. "Ang prinsesa na tinira ng kuba."


Seriously? Bakit ba parang napakahalaga nito sa kanya?


Well, matagal na akong curious sa kwentong ito. Hindi ko kasi alam ang buong istorya ng prinsesa at kubang ito.


"Ikwento mo nga sa akin," utos ko sa kanya. Ito na siguro ang magiging huli naming kuwentuhang dalawa. Nakakalungkot isipin kaya hindi ko na lang inisip pa.


Napapalakpak muna siya bago muling humarap sa bato. "Ayon sa alamat, noong unang panahon, merong isang prinsesa. Tinira siya ng kuba. Wakas."


Wow. That was the shortest story I'd ever heard in my life.


Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan na lang siya. She looked so happy of what she found out.


And at this moment, hindi ko rin maintindihan kung bakit masaya ako na makita siyang masaya.


Binatukan ko ang aking sarili. I should stop right here. This was insane. I'm just feeling guilty, that's all.


"Galit ka ba sa akin?" I asked her.


"Ha?"


Lumabi siya matapos humarap sa akin.


"Galit ka sa'kin, ano? Dahil sa'kin napahamak ka. Naparusahan ka ng tatlong kamatayan kahit wala ka namang kasalanan."


Napanguso siya. "Hindi ko yata magagawang magalit sa'yo, Bathala."


Napabuga ako ng hangin. "Sige na, aminin mo na. Nagalit ka sa'kin, ano?"


She shook her head. She's so cute.


"Fine." Lumapit ako sa kanya at hinimas ko ang buhok niya. And since I was taller, madali kong nagawa iyon. "Kailangan mong maintindihan na kailangan kong makaalis sa islang ito at makauwi sa amin."


"Ha?"


I got to tell her the truth, pero kailangan kong himay-himayin. Gusto kong mawala ang guilt sa sarili ko. "Kailangan kong makabalik sa amin dahil may mga tungkulin ako. Ako ang pinuno ng samahan namin."


"Pinuno ka?"


"May grupo ako. Ang tawag sa amin ay Black Omega Society. At ako ang pinuno ng samahang ito. Syempre, dahil pinuno ako, ako ang pinakaguwapo."


"Samahan?"


"Samahan kami ng mga lalaking guwapo, mayayayaman, makapangyarihan at malalaki ang panokhang."


Her eyes widened. "Samahan ng mga Bathala?"


Napakamot ako. "Makinig ka sa'kin, Jane. Hindi ako Bathala. Nagkataon lang na puro kayo mga babae at ako lang ang lalaki dito. Naligaw lang ako sa islang ito. Pero hindi ako ang Bathala ninyo."


"Pero may panokhang ka."


"Dahil lalaki ako. Sa mundo namin, maraming may panokhang doon, iba-iba."


"Iba-iba?"


Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya? "Ah... iba-iba. May maliit, may mahaba. Meron ding manipis at maiksi. May pabilog at may baliko. Merong maitim at maputi–" Crap! Bakit ko ba kailangang i-describe pa sa kanya?


Hinawakan ko siya sa magkabila niayng balikat. "Hindi ako ang Bathala. Hindi ako ang nasa propesiya niyo."


Napayuko siya. Mukhang naiintindihan niya ang sinasabi ko.


"Sana maintindihan mo, kailangan kong makauwi sa amin. Maraming nag-aalala sa akin. Marami rin ako roong naiwang tungkulin. Hindi ako puwedeng manatili rito, Jane."


Nang tumingin siya sa akin ay malamlam na ang mga mata niya.


"Kaya kailangan kong makauwi sa amin kahit sa anong paraan. At kailangang mong malaman na..." natigilan ako. Why it was so hard to tell her the truth?


"Ha?"


"Na..." Napalunok ako. Damn it, I had to tell her!


Pumaling ang kanyang ulo.


"N-na igagawa ako ng balsa ng mga Dinarandado." I stuttered. "K-kapalit nito ay ibibigay kita sa kanila."


Napatigagal siya. Lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin.


"I-I'm sorry, Jane."


Mayamaya ay mapait siyang ngumiti sa akin. "K-kapag ba ako ang iyong maging kalakal ay tiyak ba na makakauwi ka?"


I nodded. I could see the pain in her eyes as she forced herself to smile.


Tumango siya kasabay ng paglandas ng kanyang mga luha. "K-kung ito lang ang paraan, Bathala, payag ako. Handa kong gawin ang lahat para sa'yo..." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako.


My guilt was gone, finally. But her tears broke something inside me.


...


Jane's POV


Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba sumasakit ang dibdib ko kapag may nasasabi si Bathala na hindi ko gusto?


Tulad ngayon na nalaman kong nakipagkasundo na pala siya kay Durat at ako ang kapalit. Bakit nasasaktan ako kapag naiisip kong wala akong halaga sa kanya? Na ang katumbas ko lang ay ang kalayaan niya?


Sumikat na ang araw kaya bumangon na ako mula sa pagkakahiga. Hindi ako nakatulog magdamag. Kinakabahan kasi ako. Bigla akong nakaramdam ng takot sa isiping papatayin ako ng mga Dinarandado.


Hindi naman ako takot mamatay noon. Nakakapagtakang takot na ako ngayon.


Ako ang kapalit ng balsa ni Bathala. Makakaalis si Bathala sa islang ito, habang pag-aagawan naman ng mga Dinarandado ang katawan ko. Pihadong kakainin nila ako. Pupugutan nila ako ng ulo at kukunin ang buhok ko.


Napapikit ako. Pero handa na ako. Basta siguraduhin lang nilang makakaalis si Bathala sa islang ito.


Siguro nga ay tama si Bathala. Hindi talaga siya ang nasa propesiya at itinakda. Ayon sa kanya, lalaki siya. Kaya siya may panokhang ay dahil isa siyang lalaki at hindi Bathala. Nagkataon lang na naligaw siya dito sa isla.


Tumayo ako at kinain ang natirang isda na hinuli ko kahapon. Nakakapagtakang hindi kumain si Bathala gayung ilang beses kong narinig ang pagtunog ng kanyang tiyan. Alam kong gutum na gutom na siya. Bakit kaya hindi siya kumain? Niluto ko naman ang isdang ito sa apoy.


Sa buong magdamag na lumipas, wala kaming kibuan ni Bathala. Tulad ko, tulala lang siya sa isang sulok. Pinili na lang namin manahimik sa isa't-isa at hindi na mag-usap.


Pagkakain ko, uminom ako nang maraming tubig. Kailangan ay malakas ako kapag pinatay ako ng mga Dinarandado. Dapat lang na makayanan ko ang sakit kung ano man ang gawin nila sa akin.


"Handa ka na?" tanong ni Bathala na kanina pa pala nakatayo sa aking likuran.


Nilingon ko siya at tiningala. "Handa na ako, Bathala."


Hindi siya makatingin sa akin ng deretso. "Nagawa na nila ang balsa. Nasa pangpang na ito."


"Mabuti kung ganun, Bathala."


"'Lika na." Hinawakan niya ang kamay ko. Marahan kaming naglakad palabas ng kweba.


Huminto siya sa paglalakad paglabas namin.


"So paano? Hanggang dito na lang ako," aniya.


Nakatingala lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ko ang kulay dahon niyang mga mata. Baka kasi ito na ang huling beses na makikita ko ang mga ito. "M-mag-iingat ka, Bathala." Pumiyok ako.


Malamlam siyang tumango. "Patawad."


Malungkot akong ngumiti sa kanya. "A-ayos lang ako, Bathala. Wag mo kong isipin."


"Nasa likuran ng kakahuyang iyan si Durat at ang mga Dinarandado." Inginuso niya ang likuran ko.


Nilingon ko iyon. "H-hindi mo na ako kailangang ihatid. Kaya kong pumunta doon ng kusa."


"Salamat, Jane."


"S-sige na, Bathala. Puntahan mo na ang iyong balsa."


Napakabigat ng dibdib ko habang sinasabi ko ito.


Umalon ang kanyang lalamunan. "Goodbye, Jane." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako.


Nag-umpisa ng maglandas ang mga luha ko. Heto na naman ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula ito. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Umiiyak ako dahil nalulungkot ako.


Naglakad na ako patungo sa kakahuyan. Inihanda ko na ang aking sarili sa kung anong pwede kong kahinatnan.


Subalit nakakailang hakbang pa lang ako nang may humuli sa aking pulso. Nang lingunin ko upang mapagsino ay nanlaki ang mga mata ko. "B-Bathala?"


"Anong mangyayari kapag isinama kita sa balsa ko?"


"H-ha?" Hindi ako makapaniwala sa tanong niya. "P-papatayin ka ng mga Dinarandado. Galit si Durat sa hindi tumutupad sa kalakal niya–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang buhatin niya ako.


"The hell I care," sabi niya. Hindi ko naman siya maintindihan.


"S-sandali, Bathala, saan mo ako dadalhin?" Ipinatong niya ako sa kanyang balikat at saka siya nanakbo.


"Aalis tayo sa islang ito."


"Hindi dyan ang daan, sa kabila!"


Umiba siya ng dereksyon. "Ganun ba, sige."


"P-pero manganganib ang buhay mo. Masamang magalit si Durat. Papatayin ka niya!"


"Hindi na niya magagawa yun kapag nasa karagatan na tayo."


Mayamaya lang ay may tinik na tumama sa kanyang leeg. Sa kanyang pagtakbo ay bigla siyang natumba kasama ako.


"B-Bathala..." Nilapitan ko siya matapos kong bumagsak sa lupa.


"A-anong nangyayari? Bakit nanghihina ako?" tanong niya na habol ang paghinga.


Sinilip ko ang kanyang leeg. Natutop ko ang aking bibig. "B-Bathala..." Isa-isa ng nalaglag ang aking luha.


"B-bakit?" Tanong niya matapos kapain ang kanyang leeg. "A-ano ito?" Kinapa niya ang tinik na nakatusok sa kanyang balat.


"S-sumpit ang tawag dyan. Tanging mga Dinarandado lamang ang may sandatang ganyan."


"S-sumpit?"


Tumango ako matapos punasan ang aking mga luha. "B-Bathala, may lason ang sumpit na yan."


"H-huh?"


Napahagulhol ako. "I-isang araw ka na lang mabubuhay kapag tinamaan ka niyan..." 


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top