Episode 65

Episode 65


"Fuck it, Panther..." I vigorously wiped the blood from my lips with my hand before I stood up.



I staggered walking closer to the bar counter. Dahil umalis na ang bartender ay ako na ang kumuha ng dalawang sniffer glass para salinan ito ng cognac. Pagkatapos ay binalikan ko ang leather couch kung saan nandoon si Panther at lupaypay na nakaupo.


Tinabihan ko siya. "Here." Inabot ko sa kanya ang isang baso.


Pagkaabot niya ay tinungga niya agad ang laman nito. I finished my drinks too. Paglapag ko sa mesa ng sniffer glass na wala nang laman, ay napatingin ako sa aking kamao na may mga gasgas at sugat.


"Oh, shit..." usal ko sabay kapa sa aking labi.


I blinked as I felt the wounds there. When I looked at my reflection in the sniffer glass in front of me, I noticed bruising on my face and a cut on my left brow. Nilingon ko si Panther sa aking tabi. Just like what happened to me, putok din ang gilid ng mga labi niya at may mga pasa at sugat din siya sa mukha.


I grinned. At least it was a tie.


I couldn't remember how many punches he received from me. At hindi ko rin maalala kung ilang suntok ang natamo ko mula sa kanya. All I can say was he was good. But for me, mas mahirap pa ring makasuntukan si Kreed kaysa sa kanya.


"You know, we should do this at least once a month," Panther suggested, smiling at the ceiling like a crazy man.


"I agree," I replied as I inclined my back on the couch.


Pareho kaming nanghihina matapos naming magbasagan ng mukha kanina. It was a ruthless duel between us with no one retreating. We exchanged kicks and punches until we both lost consciousness. Nang magising, lumipat kami sa couch para magpahinga.


Meanwhile, Ryder and Acid decided to just drink. They both did not want to waste their energy in fighting. Now they are both knocked out as a result of their drunkenness.



While PL and the great mayor of QC, Jackson Cole, both decided to avoid throwing punches on each other's faces. Nagsikmuraan na lang ang dalawa dahil iniingatan nila ang mga mukha nila. And now the both of them were puking. Isinuka nila ang lahat ng kinain nila since breakfast.


Katulad naman namin ni Panther, sina Voss Damon Montemayor at Xerxes Batalier ay mga lupaypay na rin. It looked like they couldn't move their tired and injured bodies.


Ilang tables and chairs ang nawasak dahil sa kanila. Nag-wrestling kasi silang dalawa. It was clear that there's too much bad blood between them. Pero ngayon, magkatabi sila habang nanghihinang nakahilata sa sahig ng bar.


Funny because they were talking to each other now like nothing happened.


Samantalang sina Rix Montenegro at Roosevelt Sanvictores naman ay nagsusuntukan pa rin hanggang ngayon. Since they're both good in hand combat and kickboxing, until now ay wala pa silang galos sa mukha dahil hindi naman sila nagkakatamaan.


Parehas nilang naiilagan ang atake ng bawat isa. Para tuloy kaming nanonood ni Panther ng live action movie habang nag-iinuman kaming dalawa.


"Are you getting better now?" untag sa akin ni Panther.


Nilingon ko siya. Mukhang marami siyang alam tungkol sa nangyayari sa akin. "Of course, I should have." Kinuha ko muli ang empty sniffer glass sa mesa. "Want a refill?" alok ko sa kanya.


"Ako na ang kukuha."


Nakatingin lang ako sa kanya nang sikapin niyang makatayo mula sa couch. Gumegewang siyang naglakad patungo sa bar counter kung saan naroon ang mga alak. Dinampot niya ang bote ng Henessy Cognac sa counter at saka binitbit iyon.


He poured some cognac into my sniffer glass and then gave it to me. He slumped down on the couch after, holding his glass. Nang masalinan niya na rin ang baso niya ay sabay kaming tumungga. Maagap naman siya sa pagre-refill ulit.


"So now that you're back, are you planning to see my sister again?" he asked casually after finishing his third glass.


My throat felt dry at his question. He was talking about Jane.


"You can see her, Rogue." Humina ang kanyang boses. "You should see her."


I had suffered a great deal since leaving the country. Araw-araw akong nahihilo, nagsusuka, at kulang na lang ay himatayin pa. Nasa punto na ako na halos hindi ko na kayanin, at alam kong mangyayari iyon kaya nga nagmadali na rin ako na umalis. Not only did my mental state break, but so did my whole being. And that was all due to the shock that Jane Adoni Forester was alive. That she was a real person and not just a product of my imagination.



Despite the immense pain Jane's lies caused me, and all the revelations that were still difficult for me to swallow until now, I couldn't be completely angry with her, not that I wanted to be. Gusto ko lang ipahinga ang puso at isip ko, kaya gusto ko na hindi muna siya maalala, but even when I tried not to think about her, not a day went by that she didn't cross my mind.


"You must see her." Panther handed me a calling card.


I accepted the card. It was a home address.


"That's where she lives."


Dumiin ang pagkakahawak ko sa baso.


"She's doing fine, by the way. She's a successful actress now."


"Thanks," mahinang sabi ko habang nakatitig pa rin sa card na bigay niya.


"For what?" nagtatakang tanong ni Panther.


"You gave me a good welcome back party."


He smirked. "You're my mortal enemy. Of course, I should give you a good welcome back party."


I poured my cognac glass with wine and raised it. "Cheers?"



"Cheers."


Pagkuwa'y sabay kaming tumungga sa mga baso namin.


"By the way, Panther..." Napasandal muli ako sa couch. "Will you say 'hi' to Macey for me?"


Nagbago ang timpla ng mukha niya.


I knew what he did to Macey, our childhood friend. And I knew all about his seven wives and Macey was one of them.


Macey Ela Sandoval was probably the reason why he had changed.


His grey eyes had darkened. "I'm sorry I can't do that."


"What do you mean?"


Napayuko siya. "...she left me."


I tapped his shoulder. "I'm so sorry to hear that."


Hindi siya umimik.


My shoulders were broader than his, though.


I forced myself to get up from the couch. "And oh, one more thing." May bigla akong naalala.


"Shoot."


Bumaling ako sa boots niya. "Where did you buy that suede low cut boots?" Napahimas ako sa aking chin habang nakatitig dito. "I have a feeling na mas babagay 'yan sa akin."


Yamot siyang napatingin sa akin. "Really?"


Kumiling ang ulo ko. "What's your skin care, by the way?"


....


SO ITO ANG BAHAY NIYA?


Dito nakatira si Jane ayon sa address na ibinigay ni Panther sa akin. It was a town house. Nasa isang exclusive subdivision ito. I heard that my mom bought this house for her.


Nakapagtataka lang dahil pinapasok agad ako ng guard sa gate ng subdvision na ito kanina. The guard told me that he was my avid fan. Sinabi ko lang na may dadalawin akong friend sa loob, pinapasok na niya ako. Hindi na nga niya ako hiningian ng ID.


I pulled my car over a one block away from Jane's house. Napahilot ako sa aking sentido. Nakailang alak ako. Ang ending, dito ako dinala ng aking kalasingan.


I was drunk, but I still knew what I was doing. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ako nandito.


Maybe I wanted to see Jane again? Kasi hindi ko pa siya makalimutan? Gusto ko rin sigurong marinig sa kanya kung bakit niya ako niloko? Bakit niya pinaglaruan ang emosyon at damdamin ko? Gusto kong malaman kung ano ang nasa kanyang isip habang mukha akong tanga sa paningin niya.


Marami akong gustong itanong, isumbat at sabihin sa kanya. Hindi sapat ang saglit naming pag-uusap noon. Hindi sapat na pinakawalan ko siya.


Marami pa rin akong hindi maintindihan pero pinili ko na lang na kaysa intindihin ay kalimutan na lang. Iyon nga lang ay hindi ako nagtagumpay sa paglimot.


I wanted to see Jane again...


Napamura ako nang bumaba ako ng kotse at pinagmasdan mula sa malayo ang townhouse. Paulit-ulit akong nagpipigil sa sarili pero ngayon ay naririto ako at gusto ko nga siyang makita. Ibang kapangyarihan talaga ang dulot ng alak sa katawan. Nakatatapang.


Kaya lang ay handa na nga ba talaga akong makaharap si Jane? Baka mamaya kapag nasa harapan ko na siya ay himatayin siya bigla? Siyempre, magugulat siya dahil lalo akong gumuwapo. Malamang din na maiiyak siya dahil na-miss niya ako.


Natigilan ako. Na-miss? Na-miss niya nga kaya ako?


Napabalik ako sa sasakyan nang may maalala. Naupo ako sa driver's seat at itinapat sa akin ang rearview mirror. Damn! I had cuts and bruises on my handsome face. Magulo rin ang aking soft raven black hair.


I let out a sigh. Paano ako haharap kay Jane kung 99% gorgeous lang ako ngayon?


Sana pala hindi na lang ako nakipagsuntukan kay Panther. Sana pala nagkilitian na lang kami hanggang sa himatayin ang isa.


Okay, hindi na lang pala ako makipagkikita kay Jane. Isa pa, kung hindi ako lasing, hindi rin naman talaga ako makipagkikita sa kanya.


Saka galit nga ako sa kanya dahil niloko niya ako. I was just acting that I was okay, pero ang totoo ay malalim ang sugat sa puso ko.


Taon na ang lumipas pero galit pa rin ako sa kanya. She lied to me. Pinagmukha niya akong tanga. Kung makakaharap ko siya ulit, baka bumalik lang sa puso ko ang lahat ng sakit. Ang tagal kong nagdusa at namatay nang paulit-ulit. Kapag inaalala ko ang mga nangyari sa nakaraan, parang binibiyak ang ulo ko at sinusunog ang puso ko.


Pero dahil nga sa lasing ako ngayon ay bumaba ulit ako ng sasakyan. Lumakad ako patungo sa gate ng townhouse. Pahawak na ako sa gate nang matauhan na naman.


Bumalik ulit ako sa sasakyan at nagmuni-muni, pagkatapos ay bumaba ulit. Pero ilang minuto lang ay bumalik ulit ako sa loob ng aking kotse at naupo sa driver's seat. Then, bumaba ulit ako ng sasakyan pero segundo lang ay bumalik ulit ako sa loob.


"This is bullshit!" Napasuntok ako sa manibela.


Ano bang kagaguhan ang ginagawa ko? Mukha akong tangang pabalik-balik. Si Jane lang talaga ang may kakayahang pagmukhain akong tanga and I hated her for that!


I was about to drive my car away when someone came out of Jane's house.


Natigilan ako at napalingon doon.


Who was that? I couldn't see it? Ang dilim kasi. Tao ba iyon o maligno?


Sinipat-sipat ko pa ang taong mukhang anino. May dala itong black bag at mukhang magtatapon ng basura. Seriously? Gabi siya magtatapon ng basura?


Maybe it was Durat since I couldn't see her in the dark. Mata lang ang maputi.


Lumabas ang tuyot na matanda ng gate at inalapag ang black bag ng basura sa tapat. Pagbalik niya sa townhouse ay nakalimutan na niyang isara ang gate.


Seriously, she cannot be seen in the dark. I was sure it was Durat.


Bumaba ako ng sasakyan ko at marahang nanakbo papunta sa gate.


I was right. The gate was left open.


How careless. Paano na lang kung pasukin sila ng magnanakaw rito?


Mabuti sana kung sila lang ni Jamod ang papatayin, I mean pagnanakawan. E paano kung madamay pati si Jane?!


Paalis na ako nang bigla na lang kumilos ang aking katawan. It was like my gorgeous body was moving on its own.


Pumasok ako sa loob ng gate at tumungo sa main door ng townhouse. And then, I pressed the doorbell.


Oops...


How stupid!


All of a sudden, the main door opened. May humawak sa edge ng pinto na maliliit na daliri.Napatulala ako nang mapatitig doon.


A kid?


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top