Episode 63

Episode 63


ONE YEAR LATER...


JANE, kaya mo 'yan. Pilit kong isinasaksak sa utak ko ang mga kataga. Ang ekspresyon ko ay pilit kong kinakalma. Kailangan kong magmukhang normal. Kailangan maging natural.


Ang aking suot ay fitted jeans at black fitted sleeveless top na pinapatungan ng Chanel tweed white jacket. Sa paahan ay hot pink stiletto high heels. Gaano man kaporma at karangya ang aking suot ay haggard naman ang aking mukha. Ang make up ko ay mapusyaw, ang buhok ko ay magulo at ang aking mga mata ay sadyang nangingitim ang ilalim. Ang ayos ko ay itsura ng isang pagod na office lady na magdamag na naglamay ng work sa opisina.


Nasa isa akong restaurant at nag-iisa sa kinaroroonan kong maliit na round table. Ang oras na mababasa sa suot kong wrist watch ay 10:00 a.m.


Pinalamlam ko ang aking kulay abong mga mata. Mula sa kinauupuan ko ay patingin-tingin ako sa katabi kong glass wall kung saan tanaw mula rito ang brandnew black BMW na naka-park sa labas. Ang aking kotse na mamaya ay ibabangga ko sa daan. Dahil ito ang buhay ko ngayon, isang klase ng buhay na handa ko nang sukuan.


On cue ay lumakad ang nasa mid twenties na waitress patungo sa table ko. Naglapag siya ng box of cake sa aking harapan. "Your order, Ma'am," nakangiting aniya.


"Thank you, Miss." Ginanti ko ang kanyang ngiti. Ganito ang pakikitungo ko sa lahat, friendly. Palaging nakangiti.


Umalis na rin ang babaeng waitress pagkatapos. Matapos ang ilang segundo ay bumilang ako sa isip.


Isa, dalawa, tatlo... Pagkatapos ay biglang nag-ring ang iPhone sa loob ng aking hot pink tweed Chanel handbag. Kinuha ko agad iyon at sinagot.


Ini-expect ko ang call na ito. Ngumiti ako na tila ba makikita ng aking kausap ang reaction ko. "Hello, my baby?"


Nakinig ako sa phone bago nagsalita ulit.


"Sorry, baby." Pinalungkot ko ang aking mukha na siyang tunay na dapat kong nadarama sa ngayon. "You know that you are my number one priority. It's just that, Mommy needs to work, too. Sooner or later, masasanay ka rin na palaging wala ako..."


Muli ay tumahimik ako at hinayaang bigyan ng pagitan ang mga segundo.


"Of course, anak. I love you, too. I want you to always remember that I love you..."


Bahagya akong tumingala upang pigilin ang mga luhang akma nang magsisilaglagan.


Ngumiti ulit ako bago magsalita sa phone. "You know what? May pasalubong ako sa 'yong cake..."


Patayo na ako bitbit ang box of cake nang mapatingin ulit ako sa glasswall. Isang sports car ang huminto sa mismong tabi ng kinapa-parkingan ng aking BMW. Pinanlaki ko ang aking mga mata nang makita ang pagbaba ng isang guwapo at matangkad na lalaki mula roon.


Ang lalaki ay nakasuot ng light brown trench coat at black pants. May shades siya sa kanyang mga mata, at agad niya itong tinaggal nang makita niya ako mula sa glasswall. Tila nagulat rin siya pagkakita sa akin.


Hindi na ako gumalaw mula sa aking kinaroroonan hanggang sa makapasok siya sa loob ng restaurant.


"Hey..." Lumapit siya sa kinauupuan ko.


Namasa ang aking mga mata habang nakatingala ako sa kanya. "K-kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?" kandautal ako nang tanungin siya.


"Yesterday." Ang mga mata niya ay lumamlam. "How are you now?"


"O-okay lang..."


Ngumiti siya. "Glad to hear that."


Napatingin siya sa upuan na nasa table ko sa harap.


"Is this seat taken?"


Umiling ako. Hinila niya ang upuan at naupo siya roon. Ang mga mata niya ay nakatutok sa akin na tila pilit inaalam ang aking nararamdaman.


"How long it has been?" tanong niya na hindi naman kababakasan ng kahit anong damdamin.


"One year," sagot ko agad. Hindi ko itinago ang pait sa tono ko.


"Ang bilis ng panahon."


Tumango ako at nag-iwas ng tingin. "O-oo nga..."


Minuto rin ang lumipas bago ko muling narinig ang tinig niya.


"How's our daughter?"


Humawak ako sa aking dibdib bago siya muling tiningnan sa mga mata. "She's okay."


"Thank you..." mahinang sabi niya.


Tumango ako.


"One day, I'll pay a visit to her."


"Please do that." Tinatagan ko ang aking mukha. "Palagi mo na sana siyang bisitahin lalo ngayong nasa Pilipinas ka na. She needs a father, hindi lang ang mga materyal at sustento na mula sa 'yo."


Nanahimik siya at yumuko.


Ako naman ay pasimpleng gumala ang paningin sa kanyang kabuuhan habang hindi siya sa akin nakatingin. Sa pagmamasid ko sa kanya ay natuon ang aking mga mata sa singsing na suot niya.


"Married?" matabang kong tanong.


"Oh?" Napaangat siya ng mukha sa akin. Pigil ang pagkakangiwi ng kanyang mga labi. Tila bigla siyang na-awkward-an sa sitwasyon. "Yes, sa US."


Itinago niya na sa ilalim ng mesa ang kamay niya.


"Kailan pa?"


"Six months ago... Sa anak ng kasosyo ni Dad sa negosyo."


Sinikap kong ngumiti sa kanya. "Natupad din pala ang plano ng mga magulang mo sa 'yo..."


"Yeah..."


"Masaya ako para sa 'yo. Sana lang ay matanggap ng napangasawa mo ang anak mo sa akin. Sana maging mabait siya sa bata."


"Don't worry, she's nice. I'm sure she'll love our daughter."


Muli ay namayani ang katahimikan. Hindi ako sa kanya nakatingin pero ramdam ko ang panaka-naka niyang pagsulyap.


Bigla siya napahugot nang malalim na paghinga. "You know what? Napaisip lang ako, what if... kung hindi ako umalis?"


Natigilan ako at napalipad ang tingin pabalik sa kanya. "Ha?"


Napakamot siya ng batok. "Naisip ko lang..."


Napalunok naman ako.


"What if pinili kita? Pinili kong bumalik sa 'yo?"


"A-ano bang sinasabi mo?"


"Or what if hindi na lang talaga ako umalis... you think tayo pa–"


Hinuli ko ang kamay niya na nakapatong sa table. "Tama na. Mas maganda na ang buhay mo ngayon. Maayos ka na. Maayos na rin ang sitwasyon."


Gumuhit ang sakit sa kanyang reaksyon.


"Hindi man tayo nauwi sa isat-isa." Pinisil ko ang palad niya. "Meron pa rin namang hindi magbabago. Ikaw pa rin ang ama ng anak natin. Hindi magbabago iyon."


Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Nakahawak ako sa aking dibdib habang naglalakad palayo. Ang mga labi ko ay bumuka at may nanulas na mga salita.


"Goodbye..." Tumulo na ang mga luha ko.


Hindi niya na ako nakikita o naririnig.


"Sana sa susunod na buhay ko, ikaw na ang maging tadhana ko. Sana sa susunod na buhay ko, tayo na... Sana hindi na tayo masaktan..."


"Cut!!!" sigaw ni Hermes.


Agad akong nagpunas ng luha at ngumiti.


"Good job, Jane!" sigaw niya sabay tumbs up sa akin. Nasa gilid ko lamang siya at katabi ang isa sa mga camera men.


Nagpalakpakan din ang mga staff. Mula sa loob naman ng restaurant ay lumabas ang ka-eksena kong artista kanina. Sinalubong agad siya ng P.A. niya para i-retouch ang make up niya for the next scene.


Nilapitan ako ni Hermes. "Kinaya mo ang heavy scene, Jane. I'm so proud of you."


"Thank you. Kinakabahan talaga ako kanina. Akala ko hindi ko kakayanin," ngiting-ngiti ako habang nagsasalita.


Mula nang umalis si Rogue ay kay Clio at sa trabaho ko na ibinuhos ang lahat ng oras ko. Hindi ako nagpabaya. Sinisikap kong maging balanse. Ginamit ko ang panahon para pagyamanin ang sarili ko bilang ina at bilang ako.


Sa tagal ko sa pag-extra-extra, na-discover din ako sa wakas. Itong role na ginagampanan ko ngayon dito ay ang unang main role na aking nakuha. Isa ako sa mga bida sa teleserye na ito na tumakbo ng dalawang buwan sa primetime. Patapos na ito at matatapos itong maayos ang rating. Nagbunga na ang matagal kong pagsisikap sa industriya.


Masaya ako at nagpapasalamat sa lahat-lahat. Unti-unti ko nang naaabot ang mga pangarap ko para sa aking sarili. Mas nakilala ko na rin ang tunay na Jane sa paglipas ng panahon.


Ngayon ay goal ko ang mas makaipon. Kahit pa may sariling pera ang anak ko ay nagsisikap akong makapag-ipon pa rin para sa kanya. Gusto ko na may galing din mula sa akin. Mula sa sarili kong pagsisikap at pagod.


Pero ang tungkol sa pangangailangan nina Lola Jamod at Lola Imang, pass na ako. Ipinapaubaya ko na sila kay Kuya Panther.


Gustuhin ko man kasing sagutin ang gastos sa dalawang matanda ay hindi ko na talaga kaya. Bukod kasi sa skin care ay nagpapaturok na rin ng gluta ang dalawa. May weekly spa at hair treatment pa na hindi biro ang halaga. So bahala na si Kuya Panther na magsustento sa kanila.


Lumakad ako patungo sa tent ko kung saan naroon ang aking mga gamit. Last shoot ko na iyong kanina para sa araw na ito, at bukas na ang kasunod. Bukas naman ay pinaka-huling taping na ng teleserye. Pack up na pagkatapos.


Pagpasok sa tent ay kinuha ko ang panyo ko at nagpunas ako ng pawis. Ichineck ko rin ang tunay kong phone na nasa maleta. May isang text message ako roon na agad akong binasa.


CLIO:

I miss you mummmm!


Napangiti ako at nagtipa ng reply.


ME:

Mas miss kita! Kiss kita marami-marami mamaya lagot ka!


Gusto ko nang umuwi at mayakap ang anak ko. Kahit kagabi lang kami huling nagkita ay gusto ko na ulit siyang makita. Ganoon ako kay Clio. Kahit pa saglit lang kaming nagkakahiwalay ay sobra ko na siyang namimiss.


Sa paglipas ng mga buwan na kasama ko siya ay talagang sulit na sulit namin ang bawat sandali. Naisasama ko pa siya minsan sa mga taping ko kapag hindi alanganing oras o hindi malalayo ang taping location. Palagi ko ring sinisigurado na kahit may work ako ay hindi matatapos ang isang araw na may bonding moment kaming mag-ina.


Hindi ko hinahayaang maramdaman niya na may kulang...


Dahil kahit ako ay hinahanap-hanap ko rin ang kulang na iyon.


Nasasaktan pa rin ako dahil may kulang...


Pero kailangan kong maging matatag at masaya. Kinakaya ko naman, pero kapag ganitong mag-isa ako at wala nang pinagkakaabalahan, nararamdaman ko na naman ang bakanteng espasyo sa puso ko.


Tumingala ako at ngumiti nang mapakla sa hangin.


Sa mga ganitong sandali na mag-isa ako at hindi na busy, hindi ko maiwasang hindi malungkot at mag-isip.


Hindi ko maiwasang isiping SIYA.


Kumusta na siya?


Anong ginagawa niya?


Kumain na ba siya?


Naiisip niya ba ako?


Naaalala pa ba niya ako?


Galit ba siya?


Bumukas ang pinto ng tent at sumilip mula roon ang isang petite na babae. "Miss Jane?"


Mabilis akong umayos at naghanda ng masayang ngiti para sa staff na dumating. "Hi! Bakit?" magiliw na tanong ko sa kanya.


Pumasok siya at inabot sa akin ang isang folder. "Congrats po, Miss Jane. Ito pala 'yung dialogue mo sa next shoot natin for tomorrow."


Tinanggap ko iyon at nagpasalamat.


Pagkaalis ng staff ay sumunod namang pumasok sa tent si Hermes. Puting t-shirt na ang suot niya ngayon. May dala siyang bottled mineral water sa kaliwang kamay. "Special delivery para sa best actress ko."


Inabot niya sa akin ang bote ng tubig.


"Sira ka talaga!" Mahina ko siyang hinampas sa balikat at kinuha sa kanya ang tubig. "Pack up na, wala ka bang lakad ngayon?"


Kumindat siya. "Actually, I have a date later."


Nginisihan ko siya. "With Cassandra, right?"


Namulsa siya at umiling-iling. "I've got no choice. Ayaw na ko pakawalan ng BFF mo."


"Parang gusto kong manakal ng direktor," boses mula sa bukana ng tent.


Sabay kaming napalingon doon ni Hermes. Nakatayo si Cassandra at palapit sa amin.


Napakamot naman agad ng ulo si Hermes. "Hey, you're here!"


Nakasimangot na pumasok si Cassandra. "Hindi. Picture ko lang 'to."


Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. Hanggang ngayon, aso't-pusa pa rin sila kahit obvious naman na may "thing" na sila para sa isa't isa. Wala pa nga lang umaamin.


"Hi Jane!" Nilapitan ako ni Cassandra at ibineso.


Naka-bodycon dress na kulay red ang babae at naka-bun ang buhok. Mas mukha pa siyang celebrity kaysa sa akin. Malamang na pinag-fiestahan na naman siya ng mga mata sa labas. Mainit-init na kasi ngayon ang balitang siya ang apple of the eye ni Hermes. Baka mamaya lang ay headline na naman ang pagpunta niya rito sa taping.


"So Jane, anong sinasabi ng direktor na ito sa 'yo, huh?" Namewang siya na tila modelo. "Hindi niya ba nai-kwento na siya ang namimilit para lang pumayag akong makipag-date sa kanya?"


"She's a liar, Jane!" mabilis namang alma ni Hermes na sa akin din nakabaling ng tingin. "Wala akong balak na makipag-date sa kanya, but she threatened to kill me!"


"Wow! Nice story line, Direk!" bulalas ni Cassandra sa napaka-arteng tono. "Hindi ka lang direktor, writer ka rin!"


"Teka, teka..." awat ko sa kanila dahil parang magkakainitan na sila. "Isang taon na, wala pa ba talagang aamin at magpapakumbaba sa inyo?"


Okay naman sina Cassandra at Hermes. Okay sila. Worried lang ako kasi "okay" lang sila. As in hindi na umandar sa pagiging okay lang. Wala pang improvement ang pagpa-patintero nila. Hindi pa rin malaman kung ano talaga ang score.


"Excuse me, hinding-hindi ko papatulan ang lalaking yan!" Napahalukipkip si Cassandra sabay irap sa lalaki.


"And excuse me, hindi ikaw type ko!" sagot naman ni Hermes na halatang nasagi ang pride.




Napatapik ako ng noo sa pagka-dismaya. "So walang something sa inyo?"


"Wala!" halos sabay pa silang sumagot na dalawa.


Walang something pero isang taon nang nagdi-date? Ano iyon?


Napahingal ako sa stress. "Guys, seryoso kayo na wala talaga kayong gusto sa isa't isa?"


"No way!" Parang diring-diri si Cassandra nang marinig ang sinabi ko.


"There's no way I will like her!" Iiling-iling naman sabi ni Hermes.


Okay, suko na ako. Hindi ko na kayang i-baby pa sila dahil nakakapikon na talaga.


Namewang na rin ako at salitang pinakatitigan silang dalawa. "So wala talagang something sa inyo? E ano iyong isang taong pagdi-date niyo? Wala lang? Nagsasayang lang kayo ng oras, ganoon?!"


"Yeah, just bored." Halos sabay pa sila ulit na sumagot.


"Really? Okay, sige." Pumipintig na ang ugat ko sa sentido. "Pwedeng paki-explain na lang iyong nahuli ko kayong naghahalikan kahapon sa townhouse ko."


This time, sabay rin silang napalunok at namutla.


"You two are Clio babysitters kapag rumarampa ang mga lola ko. I can't believe na nakatulog lang si Clio sa kwarto niya, bumaba kayo sa sala at doon nag-milagro!"


"I have to go." Sabay tingin ni Hermes sa kanyang wrist watch. "Aasikasuhin ko pa yung set sa susunod na shooting."


"Kailangan ko na rin umalis, Jane. Walang kasama si Clio sa bahay, baka lumandi na naman si Jamod at Durat–"


"Sandali!" Naawat ko si Cassandra bago pa siya makatalikod sa akin.


Pero si Hermes ay bingi-bingihan na at lumabas na ng tent.


"Cass, hindi sa ako manghihimasok sa buhay mo." Sinilip ko ang mukha niya na ngayon ay nakayuko na. "Pero concerned ako dahil kaibigan kita."


Nagpakawala siya ng paghinga pero hindi nagsalita.


"Cass, alam kong gusto mo si Hermes. Alam ko ring gusto ka niya. Alam ko na may something sa inyo." Hinawakan ko siya sa balikat. "Ang tanong, bakit sinisikil niyo ang mga damdamin niyo? Ikaw, bakit mo siya itinutulak palayo sa 'yo?"


Nakikita ko kasi kay Hermes na nauunahan lang ng pride ang lalaki dahil sa ginagawa mismong pakikipaglaro ni Cassandra. Ang ending, nagkakalabo-labo tuloy sila.


"Cass..." untag ko sa kanya. "Kung gusto mo si Hermes, bakit ka nagpipigil?"


"Oh, BFF..." Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin at yumakap. "I don't know... I just can't let him in!" sambit niya.


Hinagod ko ang kanyang likod. "Anong pumipigil sa 'yo, Cass?"


Hindi siya kumibo.


"Ang pagiging ex-wife ba ng kuya ko?"


Lalo siyang nanahimik.


"Iniisip mo ba na baka hindi ka seryosohin ni Hermes dahil kilala ka at controversial dahil sa pagiging ex-wife ng isang Panther Foresteir? Natatakot ka bang sumugal dahil alam mong seryoso ang nararamdaman mo? Iyon ba?"


Humiwalay siya sa akin at nag-iwas ng mga mata.


"Cass, BFF, mabait si Hermes. Siguro kailangan niyo lang mag-usap na dalawa. Kailangan mo lang sigurong i-open sa kanya ang insecurities mo. Kailangan mo ring malaman kung matatanggap ka ba niya o hindi."


Dahil alam ko na habang tumatagal ay lalo lang siyang naa-aattach kay Hermes.


"Kung talagang mahal ka rin ni Hermes, magiging handa siya sa eskandalo. Aaminin at ipagmamalaki ka niya sa mga press kahit pa markado ka na bilang ex-wife ng isang psycho billionaire."


Natawa siya sa sinabi ko. "You know what, aalis na talaga ako."


"Cass..."


Nakangiti na siya nang tumingin sa akin. "Hindi nagre-reply si Jamod at Durat, baka iniwan na naman ng mga 'yun si Clio."


Napabuntong-hininga ako. "Sige. Baka sinundo na naman ni Dr. Fetus si Lola Jamod. At as always, chaperon ng dalawa si Lola Durat."


Lagi kasing dumadalaw sa amin si Dr. Fetus simula noong nagkita ulit sila. Pero mas gusto ko na ganoon ang nangyari, at least wala ng ibang kahalikan si Lola Jamod kundi si Dr. Fetus na lang.


"That's why I really have to go."


"Sige, ingat ka. Tapusin ko lang iyong meeting tapos uuwi na rin ako."


Iginala niya ang paningin sa loob ng aking tent na nagsisilbi kong dressing room dito sa set. "I am proud of you," bigla niyang sabi.


"Thank you, BFF..." 



"As a mom and as a woman." Tumingin siya sa akin. "You did a great job."



Yumakap ako sa kanya. Isa siya sa mga dahilan kaya malakas ako. Isa siya sa mga kaibigang pinaghuhugutan ko ng inspirasyon. Siya ang unang humiwalay. Ayaw niyang umiyak dahil baka masira ang kanyang make up. Nagpaalam na siya at naglakad patungo sa pinto ng tent. Palabas na siya ng tent nang lumingon siya ulit.


"Bakit?" nagtatakang tanong ko.


"Oh, I just forgot to tell you the news."


Napakunot ako ng noo."News?"


"That... he's back."


"Ha? Sino?" kabadong tanong ko.


Nagkagat-labi siya bago sumagot. "Who else?"


Napahugot ako ng hininga nang ma-realized ang pinupunto niya.


"Jane, bumalik na siya." Nakangisi si Cassandra sa akin. "Bumalik na sa bansa si Rogue Saavedra. Ang lalaking mahal na mahal mo pa rin hanggang ngayon."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top