Episode 61



Episode 61

KUMUSTA KA NA?


Kumain ka na ba?


Tulog ka na ba ngayon?


Anong ginawa mo sa maghapon?


Malungkot akong ngumiti sa picture frame na nasa ibabaw ng bedside table na nasa aking kwarto. Hindi yata natatapos ang isang araw na hindi ako titingin dito.


Masakit pa rin pero unti-unti ay nasasanay na ako. Iniisip ko na lang na para naman talaga sa kabutihan niya kung bakit siya malayo ngayon. Kailangan niyang magpagaling para sa sarili niya. Para sa pamilya niya. Para sa mga kaibigan niya at sa mga taong humahanga sa kanya.Kailangan niyang maging maayos para kapag nalaman niya nang totoo si Clio, na totoong may anak siya ay matanggap niya iyon nang buo. Kailangan niyang maging matatag para sa anak niyang umaasa at nangungilila sa kanya.


Lumilipas ang mga araw na unti-unti nang nakakasanayan ni Clio ang makasama kami. Nakaakapag-adjust na siya, at masasabi ko namang nae-enjoy niya na ang bago niyang buhay. Kahit madalas niya pa ring hinahanap si Rogue ay hindi naman na siya gaanong nalulungkot na tulad noong unang mga araw.


Ginagawa ko ang lahat para maramdaman niya na mahal na mahal ko siya. Na kahit wala ngayon ang daddy niya, nandito naman ako at hinding-hindi siya papabayaan.


Sinisikap kong bumawi sa kanya sa lahat ng bagay. Tinitiyak ko na palagi kaming may bonding time kahit pa minsan ay may trabaho ako. Ipinapasyal ko siya tuwing weekeend, ipinaghahanda ng pagkain at binabasahan ng story book. Kapag wala akong tinatapos na trabaho ay magkatabi kaming natutulog.


Kapag naman may trabaho ako ay ang dalawang matanda ang bantay sa kanya. Unti-unti rin naman ay nasasanay na siya at hindi na natatakot sa pagmumukha ng mga ito.


"Diyan ka lang, ha?" kausap ko sa picture frame. "Ako muna rito... Wag kang mag-alala, ayos lang ang anak natin... Ayos lang kami... Kahit miss na miss ka na namin..." Pinahid ko ang tumulong luha mula sa mga mata ko. "Ayos lang ako... Kahit miss na miss na kita..."


...


"AYOS KA LANG?"


Napaangat ang mukha ni Cassandra mula sa pagkakayuko sa batang babae na nakaunan sa kanyang mga hita. Nasa malaking sofa ng sala silang dalawa ni Clio nang bumaba ako mula sa kwarto. Ang gulo ng paligid nila, ang daming nagkalat na balat ng chocolates at mga laruan.


"Yes... Sa wakas nakatulog din siya after niyang mangulit ng mahigit eight hours," sagot niya na para bang hinang-hina na.


Nang makalapit ako sa kanya ay napansin ko na magulo ang kanyang buhok, hulas ang make up at gusot ang suot na baby blue boho dress. Sa harapan naman nila ay nakakalat ang mga mamahaling make up and lipstick ni Cassandra na ngayon ay durog at sira-sira na. Obviously ay nilaro ng isang batang makulit.


Nahihiyang napangiwi ang aking mga labi. "Sorry talaga, BFF. Kailangan ko lang kasing matapos 'yung script dahil bukas na ang deadline."


Wala kasi akong tinanggap na nanny for Clio dahil alam ko namang tuwing may trabaho ako ay makakasalitan ko sa pagbabantay ang dalawang matanda. Ang kaso lang, wala ang dalawa ngayon kaya no choice ako kung hindi ang humingi ng tulong kay Cassandra.


Tinawagan ko siya para pansamantalang maging babysitter ni Clio dahil tumakas sina Lola Jamod at Lola Durat. Mukhang nakipag-date ang dalawang senior citizen kaya hindi nagpaalam sa akin. Duda na ako sa dalawang iyon dahil kagabi pa lang ay may kausap na ang mga ito sa cellphone habang tila mga kinikiliting kiti-kiti sa pagbungisngis.


At hindi nga ako nagkamali sa hinala ko dahil kaninang umaga ay nawawala ang mga bikini ko sa dressing room. Wala na rin ang dalawa at nag-text na lang sa akin na may double date nga raw sila. Baka raw three days silang mawala dahil may outing pa yata ang mga pasaway na gurang.


"Pasensiya ka na talaga, BFF," nahihiyang sabi ko. "Alam kong may mga plano ka rin ngayong araw pero kinailangan mong i-cancel para i-babysit ang anak ko."


Ngumiti si Cassandra habang hinahaplos ang buhok ni Clio. "Okay lang, na-enjoy ko naman. Kahit pa muntik ko nang sinturunin 'to kanina sa sobrang ligalig."


"Hayaan mo, patapos na rin naman ang ginagawa kong script. Saka in three-days lang, babalik na rin dito sila Lola Jamod at Lola Durat..."


Umikot ang bilog ng mga mata niya nang marinig ang huli kong sinabi. "I can't believe na kung kailan tumanda 'yang mga lola mo, saka pa nagsilandi. Seriously, I thought hindi na nireregla ang mga 'yan!"


Napakamot na lang ako.


"Kung hindi lang ako natuwa rito sa anak mo, hindi ko naman ito aalagaan dahil sobrang ligalig nito. Look, nilaro niya ang luxury cosmetics ko!"


"Hayaan mo... Babayaran ko na lang—"


"No," putol niya sa pagsasalita ko. "It's okay. I just realized na masarap naman pala ang mag-alaga ng baby girl. Para tuloy gusto ko na rin magkaanak." Napangiti bigla si Cassandra na para bang nangangarap.


Pero mayamaya ay tila biglang namroblema ulit.


"Iyon nga lang, kapag nagising 'to, yari na naman ako."


Napapitik ako sa hangin. "Don't worry, tumawag na ako ng back up!" nakangiting sabi ko.


Tumaas ang isa niyang kilay. "Back up?"


Tumunog ang doorbell bago ko pa masagot ang tanong ni Cassandra.


Alam ko na agad na ito ang back up na pinapunta ko. May mga guards sa labas ng townhouse kaya ang nakakadiretso lang rito sa pinto ay iyong mga tao lang na nasa visiting list ko. Nanakbo ako sa pinto para buksan iyon.


Tama nga ako dahil sa pagbukas ko ng pinto ay ang nakangiting guwapong mukha ni Hermes ang agad na bumungad sa akin. May bitbit siyang bouquet of white roses sa kaliwang kamay at black duffle bag sa kanan.


"Good evening, Adi!"


Baby blue na plain long sleeve polo ang suot niya at dark jeans sa ibaba. Simple lang pero malinis. Preskong-presko siya dahil basa-basa pa ang kanyang buhok na halatang kaliligo lang. Amoy na amoy rin ang light scent ng ginamit niyang aftershave.


Ginantihan ko ang kanyang ngiti. "Salamat sa pagpunta."


"No prob." Inabot niya sa akin ang dala niyang white roses.


Kinuha ko naman iyon. "Salamat."


Tumawag kasi siya kagabi para kumustuhan ang manuscript na ginagawa ko. Matapos kasi ang The God Has Fallen movie ay inalok niya ako na gumawa ng manuscript para sa concept na naisip niya. Natuwa ako dahil itong ipinapagawa ni Hermes ang pinakaunang manuscript na talagang nakapangalan sa akin at hindi kay Hazel. Hindi ko tinanggihan ang trabaho dahil hilig ko naman talaga ang magsulat. Isa pa, gusto ko ring kumita ng sarili kong pera at makaipon.


Sa pagtatanong ni Hermes tungkol sa development ng manuscript ay nabanggit ko sa kanya na meron nga kaming inaalagaang five-year-old na batang babae rito. Nabanggit ko sa kanya na dalawa kami ni Cassandra na nagsasalitan sa pag-aalaga. Nakakagulat lang dahil bigla-bigla ay nag-offer siya na gusto rin daw niyang mag-alaga. Marunong at mahilig raw siya sa pag-aalaga ng bata.


"So where is she?" excited na tanong niya. Ngayon ko lag siya nakitang ganito ka-excited.



Parang hindi siya iyong istriktong direktor na nakilala ko. Napansin ko rin na parang iba ang aura ngayon ni Hermes.


"I mean... where is Clio?" Napakamot siya ng batok. "Clio is the name of the little girl, right?"


"Ah, oo." Ngumiti ako. "Clio nga."


Hindi ko pa pala nasasabi kay Hermes na anak ko si Clio.


Mula sa likuran ko ay biglang may nagsalita. "Are you kidding me? 'Yang lalaking 'yan ang sinasabi mong back up ko?!"


Nakagat ko ang ibaba kong labi nang malingunan ang nakasimangot na mukha ni Cassandra.


"I didn't know that you're here," may langkap na iritasyong sabi naman ni Hermes sa babae.


Napaarko bigla ang isang kilay ko. Tandang-tanda ko pa kasi na sinabi ko sa kanya over the phone na nandito rin si Cassandra. Pagkatapos nga niyon ay saka siya nagpresinta na makikialaga na rin.


Umirap si Cassandra. "May mag-aalaga na pala kay Clio so pwede na akong umalis!"


Nagpanicked naman ako nang kunin ni Cassandra ang hand bag niya na nasa ibabaw ng babasaging center table ng sala.


"It's fine, Adi. I don't need her anyway." Namulsa si Hermes sa suot na jeans. "Besides, it'll be much easier to babysit kung wala akong kasamang stalker."


Nagpantig yata ang tainga ni Cassandra sa narinig kaya napalingon. "Do you hear yourself? Ako pa talaga ang mukhang stalker sa ating dalawa, huh!"


"And how about you? Do you see yourself? Look at you! Same color na naman ang dress mo sa polo ko!"


Bumalik ang paningin ko sa suot na baby blue plain polo ni Hermes at pagkatapos ay sa suot na baby blue boho dress ni Cassandra. Oo nga, magkatulad na naman sila ng kulay ng damit.


"Mukha na naman kayong couple," hindi ko napigilang i-komento dahil natutuwa ako sa kanilang dalawa.


Sabay silang napalingon sa akin dahil sa sinabi ko. Parehong nanlilisik ang nakatitig nilang mga mata sa akin.


Mahina akong natawa. "Sa tingin ko, mas maganda kung dalawa na lang kayo na mag-aalaga sa anak ko."


"Anak mo?!" gulat na sambit ni Hermes.


Tumango ako. "Oo, Hermes. Anak ko nga pala si Clio. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa 'yo."


Naningkit ang mga mata niya. "And her father is?"


Nagkatinginan kami ni Cassandra.


"We don't know yet!" Si Cassandra ang sumagot.


Yumuko na lang ako para umiwas ng tingin kay Hermes. Ayaw ko na kasing magsinungaling kung tungkol kay Clio ang paksa, pero sa ngayon ay komplikado pa ang lahat, at hindi pa tama ang panahon para malaman ng mga tao na may anak sa akin ang isang Rogue Saavedra.


Malalim na napabuntong hininga si Hermes. "I understand. We shouldn't talk about it, I know."



"So okay pa rin ba sa'yo mag-babysit?" nag-aalangan kong tanong.


"Of course. Nagsabi na ako sa 'yo, hindi naman ako bumabali ng salita," aniya pagkuwa'y tinapunan ng makahulugang tingin si Cassandra.


Umirap lang naman ang babae sa kanya, pero ibinaba na ulit sa center table ang kaninang bitbit ng hand bag.


"Where is the little girl pala?" Umikot ang paningin ni Hermes sa sala.


"Ayun," nguso ko sa batang babae na natatakpan ng pillow case sa sofa. Mukhang tinabunan talaga ni Cassandra para tiyak na hindi magigising.


"She's cute," nakangiting puri ni Hermes habang nakatingin sa nakalitaw na punggok at mabibilog na binti ni Clio. "Kaya pala hindi ko napansin agad, natatakpan."


"Napagod sa maghapong paglalaro."


"Anyway, Adi..." lingon niya sa akin. "Is it okay if I change my outfit? I just received a text message from the producer na may meeting pala mamayang madaling araw. Papalitan ko sana itong suot kong polo dahil baka magusot. Ito na rin kasi ang gagamitin ko bukas sa meeting."


"Oo naman."


Inilapag ni Hermes sa center table ang duffle bag niyang bitbit, at pagkatapos ay nagsimula siyang maghubad ng polo. Lumitaw tuloy ang malapad niyang dibdib at eight packs abs.Nang maalis ni Hermes ang lahat ng butones ng suot na polo ay tuluyan na siyang naghubad.

Pagkuwan ay humugot siya ng black boxer sando sa duffle bag at isinuot ito. Nakalitaw ang muscles niya sa braso dahil nga sa walang manggas ang pinalit niyang damit.


Napatagilid ako bigla habang si Cassandra naman ay tila na-estatwa sa kinatatayuan.


Lumakad na si Hermes patungo sa sofa kung saan nakahiga si Clio. Marahan niyang inalis ang mga pillow case na nakatabon dito saka inayos sa pagkakahiga ang batang babae.


Pasimple kong siniko si Cassandra. "Huy, akala ko uuwi ka na?" bulong ko sa kanya.


"A-ah... e... baka abutin ako ng dilim sa daan. Dito na lang ako, tulungan ko 'tong tarantadong 'to."


Nanunukso ko siyang tiningnan. "Weh? Nakakita ka lang ng abs, nagbago na isip mo."


"Gaga!" Pinanlakihan niya ako ng mata. Pero halata naman sa mga labi niya na nangingiti siya. "Tigilan mo ko!"


Ngiting-ngiti naman ako. "Sus..."


Iniwan niya ako para lumapit na rin sa sofa.


Tinaasan siya ng kilay ni Hermes. "Why are you still here?"


Namewang si Cassandra. "You think ipagkakatiwala ko sa 'yo si Clio?"


"So you're gonna stay?"


"May choice ba ko?"


Napahalukipkip si Hermes. "Fine. Ikaw ang in charge sa pagbabantay sa kanya at pagliligpit sa mga nakakalat na toys. Ako ang sa pagpe-prepare ng food at paghuhugas ng bottles at ibang hugasin."


"Excuse me?! Hindi ikaw ang magde-decide dahil hindi ikaw ang boss dito!"


"Yeah, whatever!"


Napapangiti na lang ako habang nakamasid sa dalawa. Sana lang ay magkasundo sila balang araw. O mas magandang sabihin na... sana sila na lang ang magkatuluyan.


Magiging masaya ako para sa kanilang dalawa...


...


NASA ibabaw ng kama ko si Clio at busy sa paglalaro ng manika niya nang pumasok si Lola Jamod sa pinto.


"Wow gising pa ang byutipol gurl na kamukha ko!" bati niya kay Clio. Hindi siya sa akin nakatingin.


"Hellow!" masayang bati naman ni Clio na huminto na sa paglalaro. "But it's bad to lie poo... Hindi naman po tayo magkamukha pooo..."


"Sus, sino me sabe na hindi?! Hayan at para tayong pinagbiyak na bunga o. Parang mas ako pa nga ang nanay mo!"


Nanulis lang naman ang mamula-mulang nguso ni Clio dahil sa sinabi niya.


Kasunod ni Lola Jamod si Lola Durat na yukong-yuko at hindi rin makatingin sa akin. Alam na alam talaga nila na hindi ako natutuwa sa pagtakas nila last week.


Ang pangako nilang three days lang, inabot lang naman ng five days. Kanina lang sila umuwi na dalawa. Ni wala man lang paramdam. Ni hindi man lang nila inisip na nag-aalala ako. Malay ko ba kung ano na ba ang nangyari sa kanila, kung sinalvage na ba sila ng kadouble date nila.


Tumigil ako sa pagta-type sa computer at tumayo para salubungin sila. "Saan kayo galing? Ang sabi niyo, three-days lang ang outing niyo."


Nagkatinginan ang dalawang matanda.


"Alam niyo po bang sunod-sunod ang krimen sa mga balita? Ni hindi ko alam kung isa na ba kayo sa mga natokhang o inanod ng ilog. Sana man lang naalala niyong mag-update sa akin para hindi ako nag-aalala."


"Churi na, hija..." Lumapit sa akin si Lola Jamod.


"Kami. Patawad. Hija," uutal-utal na sabad ni Lola Durat na parang lalo yatang nangitim dahil sa outing.


"Patawarin mo na kami... Hindi lang talaga namin natantya ang mga araw dahil sa sobrang saya namin..." Lumabi siya kaya lalo siyang nagmukhang unggoy. "Alam mo na hija, YOLO!"


Nagsalita ulit si Lola Durat. "Saka. Kami. Asa. Pa. Na. Makakapag. Asawa!"


"Hindi naman po ako tutol!" Sumasakit ang ulo na napailing ako. "Ang akin lang, wag naman po iyong ganito. Hindi magandang tingnan na naglalayas nang walang paalam at nagpapagabi ng uwi dahil mga dalaga kayong tao!"


Todo hingi naman sila ng pasensiya sa akin.


"At hindi rin po maganda na kapag may date kayo, pati mga bikini ko, dinadala niyo!"


"Mom, what is bikini?" tanong ni Clio na nakababa na pala ng kama. Tumatalbog ang makinit at cute niyang pisngi habang patingkayad na naglalakad patungo sa amin.


"Bikini is pantakip ng pepe, byutipol gurl," sagot ni Lola Jamod.


Nasapo ko ang aking noo.


"Mom, what is pepe—"


"Utang na loob!" bigla kong naisigaw.


Nilingon naman ni Clio si Lola Jamod. "What is utang na loob naman pooo?"


Ngumisi ang gilagid ng matanda. "Please ang ibig sabihin niyon, hija."


At least may naisagot siyang matino sa anak ko.


Isang katok mula sa labas ng verandah ang kumuha ng atensyon naming lahat. Napakunot ang aking noo dahil wala naman kaming inaasahan na kakatok mula sa verandah. Mahigpit ang mga guwardiya sa labas kaya sino ang magtatangka na aakyat dito?


Si Lola Durat ang lumapit para humawi sa kurtina ng verandah. "Ako. Tingin. Sino. Yan!"


Nang mahawi ang kurtina ay ganoon na lang ang pagluwa ng eyebags ni Lola Jamod at pagbagsak ng pustiso ni Lola Durat nang makita ang nakatayong guwapong lalaki sa labas ng verandah.


"Hi," malamig ngunit malambing ang boses na bati niya sa amin.


"Kuya Panther..." usal ko nang makilala siya.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top