Episode 58

Episode 58

JANE's


TULALA ako habang sapu-sapo ang aking kaliwang pisngi na tumanggap ng sampal mula kay Rosenda Castillo-Saavedra, ang mommy ni Rogue. Hindi ko na kailangang kilalanin pa siya, dahil kahit sino ay kilala siya. Kilala bilang asawa ni Terrence Montemayor-Saavedra, ang unang leader at vocalist ng Black Omega Society na siya ring unang master ng parehong elite fraternity.


"Tinatanong kita, anong ginagawa mo sa anak ko?!" asik niya habang ang mga matang kulay luntian ay naniningkit sa galit.


Kahit galit ay napakaganda niya. Above the knee na halter dress ang suot niya na kakulay ng kanyang mga mata. Wala siyang kahit anong kolorete sa mukha o accessories sa katawan maliban sa suot niyang dalawang singsing na magkapatong sa kanyang palasingsingan, isang simpleng white gold wedding band at isang engagement ring na may malaki at makinang na bato.


Hindi ako makapagsalita habang nakatulala. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nabigla ako sa ginawa niya sa akin pagbungad niya sa pinto. At mas nabigla ako kung bakit siya pumunta rito. Hindi ako handang makaharap siya.


"Nakausap ko ang mga kaibigan mo sa isla." Mapait at may nginig ang boses niya. "Kaya ipinahanap ko agad kayo."


Siguradong sina Cassandra at Lola Jamod ang tinutukoy niya. Marahil ay desperado na sila na mahanap ako kaya humingi na sila ng tulong sa mommy ni Rogue.


At sa hitsura ni Rosenda ay pihadong alam na niya ang sitwasyon namin ni Rogue. Alam na niya na sinasakyan ko ang kabaliwan ng anak niya.


"Itigil mo na 'to," mariin na bitiw niya. "Tama na ang pagpapahirap mo sa anak ko."


Ang buong akala ko ay muling lalapat sa mukha ko ang palad niya, at nakahanda akong tanggapin ang kahit ilang sampal na gusto niyang ibigay sa akin, pero hindi iyon nangyari. Hindi niya na ako muling sinampal.


Napatitig ako sa mga mata niya na katulad na katulad ng mga mata ni Rogue at mas masakit pa sa ilang ulit na sampal ang naramdaman ko nang makitang naluluha ang mga iyon ngayon.


"Maawa ka kay Rogue, Jane." Pumatak na ang unang luha mula sa kanya. "Maawa ka sa bunso ko."



"Ma'am..." Napaatras ako nang magsimula na siyang umiyak.


"Tama na..." ang kaninang matapang niyang boses ay namaos at nabasag. "Maawa ka sa anak ko."


"P-patawarin niyo po ako..."


"Hindi ko matanggap, Jane." Umiling siya. "Nang ipagbuntis ko si Rogue noon, nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko ang lahat-lahat sa kanya. Lahat ng bagay na hindi ko agad naibigay sa kuya niya dahil sa hiwalay pa ako noon sa daddy nila."


Napayuko ako.


"Kaya nga nang magkabalikan na kami ng daddy nila, hindi na ako nagtrabaho para maibuhos ko ang buong oras ko kay Rogue. Pinalaki ko siya sa karangyaan, binusog sa umaapaw na atensyon at pina-tratong prinsipe sa lahat. Alam mo bang lumaki 'yan na sampu ang yaya niya? Alam mo rin ba na isang buong palapag ng mansiyon namin ay toy space at dressing room niya lang? Ganoon siya ka-espesyal. At ni minsan, hindi ko siya hinindian sa kahit anong hiling niya. Ni pagalitan siya noong bata pa siya kapag may nagawa siyang mali, hindi ko kailanman ginawa." Tumawa siya nang mapakla. "Kaya sa tingin mo, Jane? Gaano kaya kasakit sa akin ngayon na makitang nahihirapan ang anak ko?!"


"Patawarin niyo po ako..." Isa-isa ng nalaglag ang mga luha ko.


"Where are you, Jane?"



Mabilis kong pinahid ang aking luha nang sumulpot si Rogue mula sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay bakas sa mukha niya ang pagtataka habang nakatitig sa hindi namin inaasahang bisita.


"Mom, is that you?"



Pasimple namang yumuko si Ma'am Rosenda para magpunas ng luha. Nang mag-angat ng mukha ay nakangiti na ang ginang. "Hi, baby ko."


"Why are you here, Mom?" gulat na tanong ni Rogue.


Pilit na ngumiti si Ma'am Rosenda at lumapit. "Uwi na tayo, baby ko, ha..."


"What?"


"Uuwi na tayo, baby ko." Kumapit si Ma'am Rosenda sa kamay ni Rogue. "Sasama ka pauwi sa akin. Nasa labas ang chopper na maghahatid sa atin sa Hacienda Montemayor."


"You're kidding, right?" Mahinang napahalakhak si Rogue. "Alam mo namang hindi ko gustong nagpupunta sa Hacienda Montemayor dahil boring doon. And besides, hindi rin ako pwedeng umalis ngayon dito, Mom."


"P-pero hinihintay ka namin anak!" Hindi na napigilan ni Ma'am Rosenda ang pagaralgal ng boses. "Hindi lang kami ng kuya at daddy mo, hinihintay rin ng elders, ng aunts and uncles mo, maging ang mga pinsan at pamangkin mo. They are all waiting for you, bunso..."


"But I really can't, Mom!"


Hinaplos ni Ma'am Rosenda ang pisngi niya. "Anak, please? Kailangan ka naming makausap. Kahit kami lang sana ng daddy mo ay hayaan mong makausap ka. Marami kaming sasabihin sa 'yo kaya sumama ka na sa akin pauwi..."


"Mom, I said no." Malungkot na umiling si Rogue. "I will not go home. I will not wake up!"


Bumagsak ang balikat ni Ma'am Rosenda. "W-wake up? A-anong sinasabi mo, anak?"


"Mom, I am saying that I will not wake up from this dream." Matamis na ngumiti si Rogue at sumulyap sa akin. "Because in this dream is where I truly belong."


Natutop ni Ma'am Rosenda ang kanyang bibig kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.


"If I go home, I might wake up from this dream." Lumamlam ang mga mata ni Rogue na ngayon ay sa akin nakatuon. "I don't want to wake up. I want to stay here forever."


"D-Diyos ko..." Napahawak na sa kanyang dibdib si Ma'am Rosenda. Tila biglang hindi makahinga ang ginang.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi sumali sa usapan nila. "Tama ang mommy mo, Rogue," bigla kong sabi.


Namilog naman ang mga mata ni Ma'am Rosenda sa akin.


"Jane, why are you crying?" nagtatakang tanong ni Rogue nang makitang luhaan ako.


Lumapit ako sa kanila. Huminto ako sa mismong tapat ni Rogue para salubungin ang nagtatanong niyang mga mata. "Rogue, tama ang mommy mo. Hindi panaginip ang lahat ng ito..."


"Huh?"


Nanginginig man ay pinilit kong magsalita. "Rogue, totoo ang lahat ng ito!"


Nagdilim ang mukha niya. "Stop it, Jane."


"A-alam kong mahirap paniwalaan, pero iyon ang totoo," sargo ang luha at basag ang boses na sabi ko. "N-nagawa ko lang na sakyan ang paniniwala dahil ayaw na kitang mahirapan. Pinili ko ang pinakamadaling paraan kahit pa mali dahil ayaw na kitang makitang nasasaktan!"


"Stop," madilim ang mukha at mahinang pigil niya sa akin.


Marahas akong umiling. "H-hindi, Rogue. Dapat marinig mo ang lahat... Dapat malaman mo na totoo ang lahat ng ito! Dapat malaman mo na totoo ako..." napahagulhol na ako. "Sorry... Sorry, patawarin mo ako dahil pinili ko ang madali... dahil duwag ako... dahil mahal kita..."


Sa tabi naman ay tahimik na nakatingin lang sa akin si Ma'am Rosenda.


"Rogue, patawarin mo ako..." Halos mamaos na ako sa pag-iyak. "P-patawarin mo ako dahil kagagawan ko ang lahat ng ito. Ako ang may kasalanan dahil mahal kita... M-mahal na mahal kita..."


Sumimangot siya. "We have to go, Jane."


Napakurap ang luhaan kong mga mata. "H-ha?"


Hinuli niya ang pulso ko at mariing hinawakan. "We have to escape—"


"H-hindi, Rogue!" Gulat na pilit kong kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


Galit na nilingon niya ako. "Jane, we have to go!"


"Rogue, h-hindi sabi..."


Tumigil siya sa paghila sa akin. "What are you saying, Jane? Halika na sabi dahil tatakas na nga tayo! Kailangan nating magmadali kaya tara na—"


Umiling ako at tuluyan nang hinila ang aking pulso mula sa pagkakahawak niya.


Tama na. Ang mga luha ni Ma'am Rosenda ay isang malaking sampal sa akin. Hindi lang sila ni Rogue ang nasasaktan dahil sa pagiging selfish ko. Marami pa akong nasasaktan. Tama na.


"Jane..." tawag ni Rogue sa akin.


Malungkot na tiningala ko siya. "Patawad..."


"Please don't do this to me..." namaos siya at nagsimulang pangiliran ng luha.


"H-hanggang dito na lang ako...." Umatras ako palayo sa kanya. "G-goodbye... Bathala..." Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.


Mabibilis ang mga hakbang ko patungo sa pinto. Umiwas agad ako sa malalim na pagkakatitig ni Ma'am Rosenda nang madaanan ko siya. Wala na akong mukhang maihaharap sa parents o kahit sa sinong kakilala, kaibigan o kamag-anak ni Rogue.


"Jane, no!" sigaw ni Rogue sa akin.


Bahagya akong nahinto sa paghakbang.


"Jane, don't do this to me! Please!" basag ang boses na pakiusap niya.


Napahikbi ako. "Patawad..." Sinikil ko ang utos ng aking puso na lingunin siya. Dumerecho ako sa pinto at nanakbo na palabas.


Binalewala ko ang malakas na hanging sumasalubong sa akin paglabas ko. Wala akong ibang nasa isip kundi ang makalayo.


Nang marinig ko na rumaragasa si Rogue palabas ng pinto para habulin ako, lalo akong nanakbo.


"Harangin niyo siya!" sigaw ni Rogue sa nagkalat na tauhan niya sa labas ng resthouse. Pero walang kahit isa na sumunod sa kanya.


Imbes na harangin at pigilan ako, ipinagbukas pa ako ng gate nang mga private guards niya na alam kong ngayon ay utos na ni Ma'am Rosenda ang sinusunod.


Manhid ang aking mga binti habang gumagawa ako ng malalaking hakbang hanggang sa marating ko na ang sementadong daan sa labas. Hindi ko na alintana kung ano ang aking dinaraanan. Basta ang gusto ko lang ay makalayo. Hindi ko ako tumigil ni isang minuto sa pagtakbo hanggang sa makalampas na ako sa private land ni Rogue at marating ang public high-way.


Kumaway ako sa isang koste na paparating sa harapan ko para sana makisakay, pero hindi naman ito huminto sa akin. Ganoon din iyong sasakyan na kasunod nito.


"Jane, wait!" sigaw ni Rogue na humahabol pa rin sa akin.


Nilingon ko siya at nakita kong nananakbo siya palapit sa akin. Sa likuran naman niya ay hinahabol siya ng mga tauhan niya.


Nataranta ako kaya nanakbo ako bigla patawid ng kalsada. Hindi ko napansin na may isang sasakyan pa pala ang mabilis na bumabaybay sa daan. Huli na nang iwasan ko ito dahil mabilis ang pagmamaneho ng driver. Nakapreno nga ito pero nahagip pa rin ako. Nawalan na ako ng malay pagkatapos akong mabunggo ng kotse.


...


Nanghihina ako nang imulat ko ang aking mga mata. Nang bumungad sa akin ang puting kisame pagdilat ko, alam ko na agad kung nasaan ako. Kaya naman kinapa ko agad ang aking kamay kung may nakakabit na dextrose rito.


Bahagya kong iniangat ang aking ulo upang iupo ang aking sarili ngunit natigilan ako nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo malapit sa akin.


"R-Rogue..." gulat na usal ko nang makilala siya.


Nakasuot siya ng plain black V-neck long sleeve shirt at jeans. May suot siyang gold wrist watch sa kanyang kaliwang pulso at diamond earring sa kanyang kaliwang tainga. Wala siyang suot na kahit anong anti-germs paraphernalia.


"A-anong nangyari?" naguguluhan kong tanong sa kanya.


Hindi siya kumibo. Malungkot lang ang kanyang luntiang mga mata na nakayuko at nakatuon sa sahig. Magulo ang kanyang buhok at nangangalumata ang kanyang mga mata. Napakalungkot ng kanyang mukha nang silipin ko iyon. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang hawakan niya ang isang bottled water para uminom.


Biglang nagbalik ang aking alaala na nasagasaan nga pala ako ng isang kotse pagtawid ko ng kalsada. Hindi ko napansin ang humaharurot na sasakyan dahil tumatakbo ako palayo sa kanya. Pagkatapos kong mabundol, hindi ko na alam ang nangyari.



"Are you feeling okay?" mahinang tanong niya sa akin nang hindi kinakatagpo ang aking mga mata.


Napangiwi ako nang maramdaman medyo masakit ang aking balakang.


"No broken bones, minor head wounds, mild traumatic head injury." Napabuntong hinininga siya. "That's what the doctor said."


Nakatitig lang ako sa kanya. Napakalungkot ng kanyang boses.


"You've been sleeping for four days." Hindi niya pa rin ako magawang tingnan.


Hindi ko alam kung sino siya sa Rogue na nakilala ko. Siya ba iyong lalaki na nakilala kong takot sa germs o iyong lalaki na naniniwalang panaginip lang ako? Ibang-iba siya ngayon. Napakaseryoso niya. Parang ibang Rogue itong kaharap ko.


"Mom will take care of everything, including your bill."


"W-wag na. Ako na bahala since kasalanan ko naman..."


Hindi siya kumibo.


"K-kailan daw ako pwedeng ma-discharge?"


"After some tests, maybe," tipid niyang sagot.


Tumango ako bagamat naiilang sa kalamigan niya.


"Cassandra came by," sabi niya pagkuwan.


Napalunok ako. "T-talaga?"


"Jamod came by also."


Napayuko ako. Kinakabahan.


"And..." bahagya siyang natigilan. "Kreed."


Napaangat sa kanya ang aking mukha. Ang takot at kaba sa dibdib ko ay biglang umapaw.


"I've waited for you to wake up because I wanted to talk to you," mayamaya ang malamig na sabi niya. "Now, before we call your doctor, can we just talk first?"


Napalunok ako ulit. "S-sige..."


"I've got a lot of questions."


Sa hitsura niya, mukhang hindi siya umalis sa tabi ko. Tila ba sa loob nang apat na araw na iyon ay inabangan niya akong magising dahil may pinaghandaan siyang mga tanong na nais niyang itanong sa akin.


Kinabahan ako kaya napahawak ako sa aking dibdib. "S-sige lang... itanong mo lang."


Napapikit siya. "Why?" nanginig ang labi niya.


"H-ha?"


"Why, Jane?" napatiim-bagang siya sa pag-ulit.


Hindi ako maaaring magkamali. Si Rogue Saavedra na talaga itong kausap ko. Ang lalaking nagising na mula sa isang panaginip.


Marami sigurong nangyari mula nang mabundol ako. Marami sigurong naganap habang nakahimlay ang aking katawan dito sa hospital bed sa loob nang apat na araw.


"T-tell me everything..." para siyang hinihingal. "T-tell me what happened after we got separated from that fucking ocean."


Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. "B-Bathala—"


"Don't you dare... call me like that." Mahina pero mariin ang boses niya. Parang gusto niya akong sigawan pero pinipilit lang niyang pahinain ang kanyang boses.


"P-patawad..." sambit ko sa napakahinang boses.


"Y-you woke me up from my beautiful dream..." Namalat ang kanyang boses.


Ang tinutukoy niya ay iyong mga sandaling nasagasaan ako. Napayuko ako kasabay ng aking mga luha. Gusto kong magising na siya sa katotohanan pero hindi ko akalaing ganito kasakit ang kalalabasan.


"I-I realized that..." natigilan siya. "You're real..." Hanggang sa tuluyan ng tumulo ang kanyang luha. "I-I couldn't believe it until I saw you bathing with your own blood..."


"R-Rogue..."


"T-takot na takot ako..." aniya habang naglalandas ang kanyang mga luha. "I-I thought you're going to die because of me..." Hindi pa rin niya ako magawang tingnan sa mga mata ko.


"Patawad..." Wala na yata akong ibang masabi kundi iyon. At wala na rin akong magawa ngayon kung hindi ang lumuha.


Napasabunot siya sa kanyang buhok. "H-hindi ko na alam kung ano ang totoo at kung ano ang hindi... Hindi ko na alam kung sino ang nage-exist at kung sino ang hindi..."


Hindi ako tumugon. Hinayaan ko lang siyang magsalita.


Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang palad. "Now, tell me. W-why?"


"N-natakot ako..." garalgal na sagot ko. "N-nang maka-survive kami nina Lola Jamod sa balsa, mas pinili ko na lang na magtago sa 'yo dahil natatakot ako..."


"W-why?" puno ng pait ang boses na tanong niya.


"D-dahin hindi ko alam kung totoo ang lahat ng ipinaramdam mo sa akin sa isla..." Sinikap kong magsalita kahit halos wala na akong boses sa kakaiyak. "Patawad dahil hindi ako nagtiwala... P-patawad dahil pinili ko ang maghinala..." Humikbi ako. "P-patawad dahil mas pinili kong magalit sa 'yo..."


Nang mga panahong iyon kasi ay tila ako nangangapa sa dilim. Pakiramdam ko noon, hindi ako hinanap ni Rogue. Hindi niya ako inalala ni minsan. Dahil matapos ang lahat, nabuhay siya nang maalwan at mapayapa. Bumalik siya sa pagbabanda, bumalik siya sa pagiging sikat at pagiging bilyonaryo.


Sumandal ako sa unan saka siya pinakatitigan. "Nang makita ko na buhos ang atensyon mo sa banda mo, inisip ko na masaya ka na sa buhay mo at kinalimutan mo na ako. Hindi mo naman talaga ako hinanap, di ba?"


Hindi niya ako hinanap. Wala naman talaga siyang ginawa na kahit ano para alamin man lang kung buhay pa ba ako. At walang kasing sakit iyon para sa akin.


Naging mahirap sa akin ang tumira sa city dahil bago lahat sa akin ang mga naririto. Hirap na hirap ako pero sinikap kong mag-survive. Sinikap kong matuto at masanay hanggang sa matagpuan ako ni Kuya Lion.


Bumuntong-hininga si Rogue at saka ibinato sa kawalan ang paningin. "Yes, I didn't search for you."


Malungkot akong ngumiti sa kanya kahit pa hindi siya sa akin nakatingin.


"Hindi kita hinanap dahil akala ko ay hindi ka talaga totoo."


Ang mga pangmamanipula at kasinungalingan ni Kuya Lion ang dahilan kung bakit naniwala si Rogue na hindi ako totoo. Si Kuya Lion ang dahilan kung bakit akala ni Rogue ay ilang buwan siyang na-comatose. Sinamantala ni Kuya Lion ang kahinaan naming lahat.


"Patawad dahil lately ko lang nalaman na naniwala ka pala talagang hindi ako nag-e-exist," mahinang sabi ko.


"But Jane, you've got all the chances to tell me the truth. There were so many chances—"


"Dahil pinili ko na hindi sabihin sa 'yo ang totoo!" agaw ko. "Patawad, Rogue!"


Saka lang siya tumingin sa mga mata ko. "And why did you choose to do that?"


Napayuko ako. "D-dahil ginusto ko na hindi mo na nga malaman ang lahat..."


"Why?!" Nagtaas na siya ng boses.


"Dahil natatakot nga ako!"


Natigilan siya sa sinabi ko.


"D-dahil nakita ko... okay ka na." Napahagulhol na ako sa mga palad ko. "N-nakita ko na maayos na ang lagay mo."


Nang tingnan ko siya ay malamlam na ang kulay luntian niyang mga mata habang nakatitiig sa akin.


"P-patawad... Patawad dahil inisip ko na makakagulo lang ako sa tahimik mong mundo kung magtatapat ako sa 'yo. At patawarin mo rin ako kung nasa dibdib ko pa rin ang pagtatampo dahil naniwala ka agad sa mga sinabi sa 'yo ni Kuya Lion na wag akong hanapin dahil hindi ako totoo."


Namungay ang kanyang mga mata. "Then all of a sudden, bigla mong ipinaalam sa akin na totoo ka at ang lahat ng nangyari sa isla."


Pinunasan ko ang mga luha ko. "Dahil alam ko nang si Kuya Lion ang nanng-brainwash sa ating dalawa, plus na-realize kong hindi ko na kayang mag-isang pasanin ang katotohanan. Na deserve mo rin na malaman ang totoo..."


Napayuko siya at namayani sa amin ang pansamantalang katahimikan.


Hanggang sa nagsalita nang mahina. "W-when I learned that you're just a dream... that you really don't exist, it killed me. I died, Jane..." Nag-umpisa na namang tumulo ang kanyang mga luha. "I died that day..."


"Namatay din ako, Rogue..."


Tumayo siya mula sa upuan. "Really?" mapait na sambit niya saka ngumisi sa kawalan.


"Nasaktan din ako. Nagdusa rin ako habang malayo ako sa 'yo, habang iniisip mo na hindi ako totoo..." habol ko siya ng tingin habang frustrated na palakad-lakad siya sa harapan ko.


Mula sa kamang aking kinaroroonan ay nahagip ko ang pag-igting ng kanyang panga. "How would I know how you've been through if all those years you were hiding from me."


Napapikit ako at hinayaang bumagsak ang aking mga luha.


"Madali lang naman ang solusyon pero inuna mo ang takot." Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang mga palad. "You could have just told me, you know? But you chose not to. You chose not to trust me!"


Hindi ako nakasagot dahil tuluyan na akong napahagulhol.


"What did I do wrong, Jane?" Napahugot siya ng hininga. "All I did is... to love you. Pero bakit mas pinili mo akong saktan at gaguhin nang ganito?"


"Patawad... Paulit-ulit na patawad..." hagulhol ko. "Alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa 'yo... Handa akong pagbayaran iyon... Handa akong gawin lahat mapatawad mo lang... Pahirapan mo ako, pasakitan mo ako, saktan mo ako... kahit ano tatanggapin ko..."


Tahimik. Puro yabag niya sa sahig at mabibigat na pagbagsak ng paghinga niya ang naririnig ko. Hinintay ko siyang magsalita pero bumilang muna ang mga minuto.


"I'm not that kind of person."


Napatingala ako sa kanya sa kabila ng aking paghikbi.


"I will not do that to you," may paghihirap sa boses na sabi niya. Lumapit siya sa akin at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na bahagyang tumatakip sa aking mukha. "A-and it does not work that way, Jane..."


"M-mahal na mahal pa rin kita..." hindi ko na napigilan ang damdamin ko nang kapiraso na lang ang agwat naming dalawa.


Para akong batang humahagulhol sa harapan niya habang pinupunasan niya ng mahaba niyang mga daliri ang aking mga luha.


"W-wala pa rin namang nagbago, Jane..." naghahalo ang lungkot at lambing ng boses niya. "M-mahal na mahal pa rin kita."


Kinabig niya ang aking ulo at hinagkan ang aking noo. Umuuga ang kanyang balikat habang ginagawa niya ito.


"A-ang pagkakaiba lang, Jane... nasasaktan ako kapag nakikita kita..."


Kinabig niya ang aking ulo palapit sa ulo niya at pinagdikit niya ang aming noo. Kitang-kita ko ang walang patid na pagtulo ng mga luha niya. Gusto ko sanang punasan din iyon pero pinigilan niya ang kamay ko.


Pinisil niya ang aking baba. "Ang sakit-sakit, Jane... Wag mo na akong saktan pa... Tama na... K-kaya kung pwede sana..." Patuloy sa paglandas ang kanyang mga luha. "W-wag ka nang magpapakita pa sa akin..."


Napatigagal ako sa kanya. "R-Rogue..."


Malungkot ang ngiti niya sa akin. "Please, Jane. I don't wanna see you again..."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top