Episode 56
Episode 56
JANE's
"BATHALA, AKO SI JANE MO..."
Ang luntiang mga mata ni Rogue ay nanlaki. Nanginginig ang kanyang boses nang magsalita. "J-Jane..."
Tumutulo ang luhang inabot ko ang pisngi niya upang masuyong haplusin. "Oo, ako si Jane. A-ako ang Pukangkang mo..."
Samantalang ang mga staff ng The God Has Fallen movie ay walang kamalay-malay na paiba na ang tinatakbo ng eksenang kinukuhanan nila.
"She's good," naulinigan kong boses ng isa sa mga staff. "Bagay na bagay siyang sub ni Hazel dahil magkasing-katawan sila kapag nakatalikod."
Sa sandaling ito ay umiiyak na ako sa harapan ni Rogue pero hindi iyon nakikita ng mga staff dahil nakatalikod ako sa camera. Dahil sub lang naman ako at pansamantalang kapalit ni Hazel bilang Abari sa eksenang ito na intimate scene kay Apollo na ginagampanan ni Rogue.
Si Rogue naman ay nagsimula na ring mangilid ang mga luha ngayon habang walang kurapan na nakatitig sa aking mukha.
Umiling-iling siya at pagkatapos ay muling tumitig sa akin, partikular sa kulay ng mga mata ko at pagkatapos ay sa suot ko. Dahil sa nakasuot ako ng costume ni Abari sa pelikulang ito, na suot ko rin noon sa isla bilang Pukangkang.
"Oh, god..." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata na ngayo'y kakikitaan ng halo-halong emosyon, gulat, pananabik at takot.
"B-Bathala, patawarin mo ako..."
"Y-you are Jane..." malat ang boses na sabi niya
Tumango ako habang pigil sa paghikbi.
"Please say it again, that you are Jane. You are her..."
Hindi na ako nakasagot ulit dahil bigla niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit.
"Jane... Jane..." tila hibang na paulit-ulit na sambit niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya.
"Bathala..." hikbi ko.
"Ikaw si Jane..." paos na ang boses niya dahil sa pagluha. Ngayon ay ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib niya habang yakap niya ako.
"Oo ako... Patawad..." Napahagulhol na ako. Ngayon ko hinayaang kumawala ang mga damdamin na matagal kong sinikil. Lahat ng sakit at paghihirap na tiniis ko, ngayon ko nailabas.
Gumanti ako nang mas mahigpit na yakap sa kanya habang umiiyak sa dibdib niya. Sa mga sandaling ito, tuluyan ko nang nalimot kung nasaan kami, anong sitwasyon ang kinalalagyan namin o kung sino ang nasa paligid namin. Sa mga sandaling ito, si Rogue na lang ang mahalaga.
Siya na lang at wala nang iba.
Siya naman ang iisipin ko at wala nang iba.
Dahil hanggang ngayon, inaamin ko na nang buong-buo na mahal ko pa siya. Mahal na mahal ko pa rin siya at hindi ko na kayang makitang nahihirapan pa.
"Hush..." Masuyo niyang hinagod ang aking likuran.
Lalo niyang isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Patawarin mo ako, Bathala..." Umiling ako. "Patawad... Patawad..."
"T-tahan na..." Ilang beses niyang hinagkan ang aking noo at sinilip ang aking mukha para punasan ang aking mga luha. "P-please, tahan na, Jane..."
"Cut!" sigaw ni Hermes.
Pero hindi namin siya naririnig dahil bingi kami sa mga sandaling ito. Habang yakap namin ang isa't isa, ang pakiramdam namin ay kami lang ang tao sa mundo. Parang nasa isang stage kami ni Rogue kung saan madilim ang paligid at ang ilaw ay nakatutok lang sa amin.
"I said, cut!"
Nagkakagulo na ang paligid pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin ni Rogue.
"This is just a dream," anas niya habang hinahalikan ako sa ulo.
"H-ha?" litong napatingala ako sa kanya.
Mapait siyang ngumiti sa akin. "Jane, this is all just dream, right?"
Umiling ako. "H-hindi, Rogue. Totoo ito!" Bahagya akong umangat at kumapit ako sa kanyang braso. "Ako ito, si Jane–"
Pinigil niya ang aking labi gamit ang kanyang daliri. "It's been a long time since the last time I saw you in my dreams. I missed you so much."
Tinabig ko ang kanyang kamay. "P-pero hindi ka nananaginip. Totoo ang lahat ng ito!"
"Shh... enough with the argument," awat niya sa akin gamit ang malamyos niyang tinig. Ngumiti siya sa akin pagkuwan. "I know the reason kung bakit dinalaw mo na naman ako sa panaginip na ito."
"Ha?"
Hinaplos niya ang pisngi ko. "I get it, Jane. I know you're worried that I might fall in love with Adi, right?"
Napakurap ako. "Hindi... hindi ganoon, Rogue–"
"There's nothing to worry about, Jane." Kinabig niya muli ako para yakapin. Isiniksik niya ang aking mukha sa kanyang leeg. "Hindi kita ipagpapalit..." Napabuntong-hininga siya. "Even though you do not exist."
Kumalas ako sa kanya para itinulak ko siya. "Totoo nga ako! Ako ito, si Jane!"
Umiling siya habang nakangiti pa rin sa akin. "You're not real, Jane. Panaginip lang ang lahat ng ito. You don't need to lie. Hindi naman kita ipagpapalit–"
Bigla ko siyang sinampal kaya hindi na niya natapos ang sasabihin niya.
"What the hell is happening here, Adi?" matigas na boses ang nagpalingon sa akin. Nakalapit na pala sa amin si Hermes.
Umuugong naman ang bulungan sa buong set dahil nakita nilang lahat na sinampal ko si Rogue.
Salubong ang mga kilay ni Hermes habang galit na nakatitig kay Rogue. "What did he do to you, Adi?! Bakit mo siya sinampal?! Binastos ka ba niya—"
"W-wala siyang ginawa!" mabilis na sansala ko. Kinakabahan ako dahil parang susugurin na ni Hermes si Rogue.
"I have to wake up!" Bigla namang tumayo si Rogue mula sa likod ko.
"Rogue..." nag-aalalang tawag ko sa kanya.
"No, Jane!" Umatras siya palayo sa akin. "I have to wake up!" sigaw niya at pagkatapos ay nanakbo siya palayo sa set.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Hermes at sa mga staff dahil hinabol ko na si Rogue. Nag-aalala ako sa kanya kaya sinikap ko siyang maabutan.
"Adi!" Nang mahimasmasan ay humabol naman si Hermes sa akin. "Adi, wait!"
Maging ang ibang staff na kahit naguguluhan at walang idea sa nangyayari ay mga nagsisunuran din sa amin.
"Rogue, sandali!" Sa gitna ng pino at maputing buhangin ng Isla Deogracia ko siya natagpuang nakatulala sa madilim na kawalan.
Nanlalaki ang mga matang lumingon siya sa akin. "Let's talk again kapag hindi ka na galit sa akin, Jane!"
"Rogue, ano ba–"
"Dalawin mo na lang ulit ako sa panaginip!"
"Could someone please tell me what's happening!" pumagitna sa amin si Hermes na litung-lito sa mga nangyayari. Naabutan niya kami.
Tumutulo ang luhang napatitig lang ako kay Hermes.
Tinalikuran naman kami ni Rogue at tuluyan na siyang naglakad palayo sa amin.
Hahabulin ko sana siya nang pigilan ako ni Hermes sa braso. "Adi, please!"
Sinubukan kong tabigin ang kamay niya pero mas humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa akin. Hinila niya ako at wala sa sariling doon ako napadpad sa kanyang dibdib. Nanghihina akong napahagulhol sa kanyang yakap.
"Adi..." usal niya habang hinahagod ang likuran ko para aluin ako. "Please, I'm worried... Tell me, anong nangyayari?"
Bigla namang dumating si Cassandra.
"C-Cassandra..." Nagulat ako nang makita siya.
Lumapit siya sa amin at itinulak niya si Hermes palayo sa akin. "Stay away! Don't touch her!"
"Who are you?" naguguluhang tanong sa kanya ni Hermes.
"I'm her friend, and she doesn't need you!" Niyakap ako ni Cassandra.
"Excuse me, I'm clueless here. I don't even know why she's crying!" depensa ni Hermes sa sarili.
"You don't have to know!" sigaw naman ni Cassandra.
"Of course, I have to. I've got a bed scene to film here, and it turned into a drama. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari!"
"Let's go, Adi." Hinila na ako ni Cassandra palayo kay Hermes.
Bumagsak na lang ang balikat ni Hermes habang nakatanaw sa amin.
"A-ayaw niyang maniwala sa akin, Cass..." hagulhol ko habang naglalakad kami.
"Shhh..." Humugot si Cassandra ng panyo mula sa suot niyang dress para punasan ang mga luha ko. Akay-akay niya ako habang naglalakad kami. "Give him some time, Jane. He's in shock. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang katotohanan."
Humikbi ako. "M-mas gugustuhin ko pa na nagalit siya sa akin kaysa ganito. Hindi siya naniniwala na totoo ako!"
Huminto kami sa paglalakad para yakapin ako ni Cassandra at ihimlay sa kanya balikat. "Don't worry. Gagawa tayo ng paraan para maniwala si Rogue sa 'yo."
Mayamaya lang ay humahangos na si Granny J palapit sa amin. Nakamaluwag na duster siya at may rollers sa kanyang ulo.
"Nakow, e anong nangyari? Bakit luhaan ang apo ko?" Sinilip ni Granny J ang mukha ko.
Sinimangutan siya ni Cassandra. "Saan ho ba kayo nanggaling? Bakit wala kayong alam sa nangyari kina Jane at Rogue sa set?"
"E naroon lang ako at nakikipaghalikan sa camera man." Hinimas ni Granny J ang buhok ko. "Ano bang nangyari, hija?"
"I-inamin ko na po ang Rogue ang lahat," iyak ko sa matanda.
Yayakapin ko sana siya pero natigilan ako nang makitang may mga kiss marks siya sa kulubot niyang leeg.
"Sus, e totoo ba yan? Utot nga di maamin, feelings pa kaya." Parang ayaw niya akong paniwalaan.
"Sinabi niya na ang totoo kay Rogue. But the problem ay ayaw maniwala ni Rogue sa kanya," si Cassandra na ang nagpaliwanag. "I think he's in denial pa sa katotohanan kaya iniisip niya na panaginip lang ang lahat."
"E hayaan mo, hija. Pupuntahan ko siya at aaminin ko rin sa kanya na ako si Jamod, yehey ba?"
Umangat ang isang kilay ni Cassandra. "Maniniwala ho ba sa inyo yun kahit mukha kayong di kapani-paniwala?"
"E bahala na, nakow! Baka kapag naghalikan kami e maniwala siya!"
Napangiwi si Cassandra sa sinabi ng matanda. "Nakainom ho ba kayo?"
"Nakow, e kung nakainom ako, kanina pa kita sinuntok putragis ka kanina ka pa nambabara e."
Natigilan ako sa pag-iyak nang may bigla akong naisip. "K-kailangan natin ng proof para maniwala siya. Hindi siguro sapat na aminin ko lang sa kanya ang lahat. Kailangan nating ipakilala sa kanya ang tunay na pagkatao nina Granny J at Lola Imang."
"Nasaan ho si Lola Imang?" tanong ni Cassandra. "Wag nyo ho sabihin na nakikipaghalikan din?"
Napakamot ang matanda. "Aywan ko ba roon, baka nasa morge na naman yun at napagkamalang bangkay."
"Kailangan mo rin magsabi sa kanya ng totoo, Cass," suggest ko kay Cassandra. "Kapag nakita ka niya, may chance na maniwala siya na nage-exist tayo."
"Sure. Iyan din ang plano ko, kumukuha lang ako ng right timing." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Kailangan natin ng mas maraming proof."
Napaisip si Cassandra at nang may maalala ay bigla siyang napangiti. "I know someone who can help us."
....
Isang araw ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na humarap sa pintuan ng suite ni Rogue. Sinunod ko ang bilin ni Cassandra na bigyan muna siya ng space kahit isang gabi lang. Bitbit ang panibagong pag-asa, narito ako ngayon upang kumatok sa kanyang pintuan para magpakilalang muli na ako si Jane.
Napahugot muna ako nang malalim na paghinga bago ako kumatok. Bumukas naman agad ang pinto pagkatok ko at bumungad sa akin si Rogue na halatang bagong ligo. "Adi?" Umangat ang isang kilay niya.
Tiningala ko siya. "R-Rogue..."
Mukhang nakalimutan na niya iyong nangyari kahapon.
Basa ang kanyang magulong buhok na tila kinukos ng towel kaya buhol-buhol. Meron siyang suot na face mask at face shield sa mukha. Nakasuot din siya ng white gloves sa kanyang mga kamay.
Anong nangyari sa kanya? Bumalik ba ang OCD niya?
Simpleng shirt lang ang suot niya pero mukhang branded. Blue jogging pants ang pang-ibaba niya at slippers kaya nakalitaw ang malinis niyang mga kuko sa kanyang paa.
May hawak siyang alcohol kaya nag-spray agad siya sa mga kamay ko. "Come on in." Pagkuwan ay hinila niya ako papasok.
Naagaw agad ng pansin ko ang mga baggages na nasa sofa at mga naka-hanger na shirts na nakapatong dito.
"Aalis ka?"
Halata sa kilos niya na nagmamadali siya habang nagtitipa sa kanyan cellphone. "I talked to Hermes. We're done filming."
"B-babalik ka na sa Manila?"
"Lots of project are waiting for me." Lumapit siya sa mga bagahe niya at isa-isang tinupi sa maliliit ang mga damit niya. "I don't wannna waste my time here."
"Galit ka ba sa'kin?"
Tumingin siya sa akin. "Why would I?"
Napayuko ako. "H-hindi mo ba naaalala 'yung nangyari kahapon?"
Namungay ang mga mata niya na nasa likod ng kanyang face shield. "I slept all day yesterday, that's what I remember."
"A-ayaw mo nga talaga akong paniwalaan," usal ko.
"What did you say?" Nangunot ang kanyang noo.
"R-Rogue..." nabasag ang tinig ko. "A-ako ito... si Jane."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko na para bang ito ang kauna-unahang beses na nagtapat ako sa kanya.
"B-Bathala, ako ito."
Tigagal siya habang nakatitig sa akin. Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.
"R-Rogue–"
Bigla siyang tumayo mula sa sofa. "Why are you doing this to me?" Nagsalubong ang kilay niya.
"B-Bathala, sinasabi ko lang sa'yo ang totoo–"
"Don't call me Bathala!" Nagtaas siya ng boses.
Napaatras ako.
"Anong kasalanan ko sa 'yo, Adi? Bakit mo ginagawa sa akin 'to?!"
"Sinasabi ko lang sa'yo ang totoo!" Naglandas na ang aking mga luha. "K-katotohanan na ayaw mong tanggapin... hindi ka alam kung bakit..."
Umiling siya habang nakatitig sa akin. "You are not Jane. You are Adi."
"Totoo ang sinasabi niya, hijo!" singit ni Granny J na nakapasok na pala sa pintuan dahil naiwan ni Rogue na bukas ito. "Siya ang Pukangkang mo, Bathala."
Naestatwa si Rogue sa sinabi ni Granny J sa kanya. "W-who are you?"
"Ako ito, hijo." Bahagyang lumapit sa amin ang matanda. "Ako ito si Jamod... 'yung ex-crush mo sa isla."
"You're not real." Binaklas ni Rogue ang face shield niya sa mukha pati na rin ang face mask niya. "This is just a dream." Napahilot siya sa kanyang sentido.
"R-Rogue, totoo ang lahat ito." Gumaralgal ang aking boses. "At kasalanan ko ang lahat kung bakit ka nagkaganito."
"No..." Napaatras siya habang nakatitig sa amin ni Granny J. "Hindi kayo totoo."
"We're real." Pumasok na rin si Cassandra mula sa pinto. Sa likuran niya ay naroon din Lola Imang.
"Ako. Durat. Ako. Totoo!" ani Lola Imang.
"Fuck..." Napapikit si Rogue nang makita niya si Cassandra at Lola Imang. "This is just an imagination!"
"No, Rogue." Lumapit sa kanya si Cassandra kay Rogue. "This was all Lion's fault. He made you believe na panaginip lang kaming lahat. Pinaniwala ka niya na hindi kami nag-e-exist!"
"You're lying." Lumamlam ang mga mata niya. "This is a nightmare." Sabay lingap niya sa paligid. "I have to wake up!"
"Oh, please!" Nagtagis ang bagang ni Cassandra. "Kahit ngayon lang, Rogue, paniwalaan mo naman kami. Jane suffered so much! Please believe us, just this once!"
"Hijo, tapusin nyo na ang paghihirap niyo. Parehas lang kayong biktima ni Jane dito. Huwag mong hayaang masaktan nyo ang isa't isa." May pagmamakaawa sa boses ni Jamod.
Nagpapalit-palit ng tingin si Rogue kay Cassandra at Jamod. Para siyang masisiraan ng bait dahil hindi niya malaman kung ano ang gagawin.
"I have to wake up..." bulong niya. "This is a nightmare!" Napasabunot siya sa kanyang buhok at bahagyang gumewang mula sa pagkakatayo.
Natutop ko ang aking babag habang nakatitig sa kanya.
"R-Rogue..." Napahagulhol ako. Awang-awang ako sa nangyayari sa kanya. Kasalanan ko ang lahat kung bakit siya nagkakaganito.
"Jane?" Napatitig siya sa akin.
"Oo, Bathala, ako si Jane—"
Nanakbo si Rogue palapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay hinuli niya ang aking pulso at hinila ako palabas ng pinto. "Jane, run!" sigaw niya.
"Ha?" Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa pagtakbo niya. Halos kaladkarin niya ako habang nananakbo siya.
Nang makakita siya ng kanto na paliko ay nagtago kami sa gilid ng pader.Hinila niya ako at itinago sa kanyang likuran. Sumilip siya sa pader kung may nakasunod ba sa amin.
Tiningala ko siya. "R-Rogue–"
"Shhh..." awat niya sa akin. "Quiet, Jane. Baka masundan nila tayo. We have to escape from this nightmare."
Lalo akong napaiyak sa kanyang sinabi. "K-kasalanan ko lahat kung bakit ka nagkaganito."
Humarap siya sa akin at inalo ako. Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko. "Don't cry, baby. Please, don't cry! We're going to escape from this nightmare! I will protect you at all cost!" Kumalas siya sa akin at ikinulong ang aking mukha sa kanyang palad.
"Rogue..." iyak ko.
"We will make this through, Jane..." Napakaamo ng guwapo niyang mukha. "Do you believe me?"
Tumango ako. "O-oo, sige." Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa aking dibdib. "B-basta mangako ka na... hindi ka muna gigising..."
Buo na ang desisyon ko. Sasakyan ko ang paniniwala niyang panaginip lang ang lahat ng ito.
....
Sinuklay ko ang buhok ni Rogue gamit ang aking mga daliri habang nakahiga siya sa aking mga hita. Napakalalim ng kanyang paghinga at ang himbing ng pagtulog niya.
Pinagmasdan ko ang kanyang mahahabang mga pilikmata, matangos na ilong at ang mapula niyang labi. Napaka-perfect niyang lalaki para mahalin ako. Napakaswerte ko.
Mapait akong napangiti sa kabila ng naisip ko. Pumatak ang aking luha sa kanya pisngi kaya pinunasan ko agad ito ng aking daliri.
Tama ba na magsinungaling na naman ako sa kanya? Ngunit sa pagkakataong ito, magpapanggap akong nasa panaginip niya.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, napilitan akong gawin ito dahil nakikita ko siyang masaya. Alam kong mali na sakyan siya sa paniniwalang panaginip lang ako, pero hindi ko na siya kayang makitang nahihirapan na tanggapin ang katotohanang ako talaga si Jane at hindi si Adi. Hindi ko na kayang makita siya na parang masisiraan ng bait. Kumakalma lamang siya sa tuwing sinasakyan ko ang paniniwala niya na nasa panaginip lang kami.
Para akong alipin ng isang kasinungalingan na hindi ko alam kung paano takasan. Sa tuwing malapit na ako sa katotohanan, saka naman nasasaktan ko ang aking mahal.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito lang ang paraan na alam ko para hindi ko na siya masaktan.
Umungol si Rogue at gumalaw ang kanyang pilikmata. Nang magmulat siya, napabangon siya agad. "Jane?" Nanlalaki ang mga mata niya sa akin at agad niyang hinaplos ang aking pisngi. Pinunasan niya ang aking luha.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "O-oo, Bathala... ako ito."
Napabuntong-hininga siya na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan. "I thought I woke up in reality again." Kinuha niya ang palad ko at pinisil ito. "Ayoko nang magising, Jane." Ngumiti siya sa akin. "I don't want to get back there."
Ngumiti ako sa kanya at hinaplos din ang kanyang mukha. "Okay ka lang naman magising. Hindi naman ako mawawala..." Bahagya akong natigilan. "H-hindi ako mawawala dito sa panaginip mo."
"Really? Lagi mo akong dadalawin sa dito sa panaginip?"
Tumango ako habang pigil ang aking pagluha.
Tumayo siya at sinilip ang pintuan na ni-lock niya kanina. Dito niya ako dinala sa suite ko nang takasan namin sila Cassandra at Lola Jamod kung saan iniisip niya na nightmare daw sila. Pihadong nag-aalala na sila sa akin. Sigurado rin ako na hinahanap na nila kami.
"I think we escaped from them." Isinara muli niya ang pinto. "We're safe for now."
"Hindi mo naman sila kailangang takasan." Tiningala ko siya mula sa aking pakakaupo sa sahig.
"But they're saying weird things. They're telling me that they exist."
Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat na totoo sila at totoo ako. Baka tuluyan na siyang masiraan ng bait kapag ipinagpatuloy ko ang pagsasabi sa kanya ng totoo.
"Hayaan mo na sila." Hinuli ko ang kamay niya. "M-masamang panaginip lang naman sila." Napapahawak ako sa aking dibdib sa tuwing nagsisinungaling ako.
"I know." Ngumiti muli siya sa akin.
"A-ano ng plano mo?"
Lumingap siya sa paligid. "We have to get out of here. This Isla Deogracia is where I am in reality. As long as we are here, everything will be a nightmare. Kailangan kitang maitakas dito. Ayokong maagaw ka nila sa akin."
Hindi na ako kumibo. Susubukan kong i-minimize ang pagsisinungaling ko sa pamamagitan ng hindi pagkibo.
Lumuhod siya upang magpantay kami. "Sasama ka ba sa'kin, Jane?" napakalambing ng kanyang boses.
Tinitigan ko muna ang luntian niyang mga mata. Nangungusap ang mga ito at halatang nananabik sa akin.
"S-sasama ako sa'yo kahit saan ka magpunta, Bathala," tugon ko.
Hinaplos muli niya ang pisngi ko. "I can't believe na magkasama tayo ngayon even if this is just a dream, Jane." May namutawing luha sa kanyang mga mata. "Please don't let me wake up. Ayoko nang magising. Gusto ko na lang dito, kasama ka habang buhay."
Nag-aalangan man pero pinilit kong tumango.
"Dito na lang tayo. Okay na ako dito kahit hindi na ako magising." May pagmamakaawa sa kanyang boses.
"B-Bathala..."
Hindi mawala ang mga titig niya sa mga mata ko. "And please don't leave me ever again, huh?"
Naglandas na naman ang mga luha ko dahil awang-awa ako sa kanya. "H-hindi na ako aalis, Bathala." Yumakap ako sa kanya. "H-hindi na..."
Gumanti siya ng yakap sa akin. "I love you so much, Jane..." namamalat ang boses niya. "M-mahal na mahal kita..."
"M-mahal na mahal din kita..." Napasinghap ako. "Kaya ko ito ginagawa... kasi mahal na mahal kita..." usal ko.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top