Episode 54

Episode 54

ADI's


"KUYA PANTHER..." Hindi ko alam kung ano ang nanginginig. Kung ang boses ko ba o ang mga tuhod ko. O baka pareho? Hindi ako handa sa paghaharap na ito dahil sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na makakaharap ko siya kahit kailan.


Kilala ko siya sa mukha dahil hinayaan ako ni Kuya Lion na makita siya sa mga magazines at sa mga article sa Internet na tungkol sa kanya. May ilan din siyang billboard sa Edsa bilang isa siya sa mga pinakamayamang tao sa asya. At kung gaano siya kamisteryoso sa mga pictures na iyon ay ganoon din siya ngayon sa personal. Sa kabila ng perpekto at mala-anghel niyang itsura ay nakakakaba at nakakatakot pa rin ang makaharap siya.


Wala akong makita at madama na kahit anong emosyon sa kulay abo niyang mga mata... Alam ko kung gaano ka-delikadong tao si Kuya Panther. Alam ko rin na kaya niyang gawin ang lahat ng kanyang gusto. Pero paano ako tatakas sa kanya? Paano dahil hindi ko na ngayon maigalaw maski mga daliri ko.


"Oh, look at you..." napaka-kalmante niya na lalong nagpatindi ng kaba at takot ko. "You were just a tiny baby the last time I saw you."


Lumapit siya sa bar corner para buksan ang isa sa mga mamahaling wine doon at isalin ito sa hawak niyang wine glass. Ang natural na mapula niyang mga labi ay dumikit sa bibig ng wine glass at marahang uminom mula roon bago muling ibinalik ang malamig na tingin sa akin.


Maski ang mga galaw niya ay swabe at kalmado. Sa aura niya ay para niyang sinasabi na kaya niyang patigilin ang mundo kung gugustuhin niya.


Nilagok niya ang huling patak ng wine sa wine glass saka muling nagsalita sa mahinahong tono. "You must be thinking that Cassandra betrayed you, yes?"


Napalunok ako.


"My ex-wife is a wise woman. She knows which side is safer."


Isa iyon sa pumasok sa isip ko kanina. Si Cassandra ang naghatid sa akin dito sa suite na ito at ang babae rin ang nagsara ng pinto para sa akin. Ibig sabihin, hindi totoo na si Kuya Lion ang naghahanap sa akin. Gawa-gawa lang ang lahat para mapapunta ako rito at makaharap ko siya ngayon.


Naiiling na inilapag ng mahahaba niyang daliri ang wine glass sa ibabaw ng bar table. "You can't blame her. She cares so much about you that's why she chose me."


Anong sinasabi niya? Bakit kung magsalita siya ay parang gusto niyang maniwala ako na mas safe ako sa kanya kaysa sa side ni Kuya Lion? Pwes hindi niya ako malilinlang. Hindi man inaasahan na magkakaharap kami ay malinaw naman sa akin ang mga paalala ni Kuya Lion na hindi ako dapat basta-basta magtitiwala at mahuhulog sa kahit anong salita.


Siya si Panther Foresteir. Walang totoo sa mga sasabihin at gagawin niya dahil wala siyang konsensiya. Sa bata niya palang na edad noon ay demonyo na siya. Sino ang nasa matinong pag-iisip ang magagawang patayin ang sariling ina, iwan ang musmos na pangalawang kapatid sa ibang tao at ipatapon ang bunsong sanggol na kapatid sa isang isla? Sino? Wala kundi siya lang! At ginawa niya lahat iyon dahil gusto niyang siya lang ang makapangyarihan. Gusto niya na siya lang ang magtatamasa ng lahat ng pera at kayamanan ng mga Foresteir!


Hindi ako dapat magtiwala sa kanya dahil malamang na pinagplanuhan niya na ang lahat bago pa niya ako makaharap!


Pero nasaan ba si Kuya Lion? Di ba dapat pinoprotektahan niya ako laban sa taong ito? Ipinangako sa akin ni Kuya Lion na hindi ako matutunton ni Kuya Panther pero bakit ganito ang nangyari?


Ngayon ako napapaisip kung paano nga ba nakarating rito si Kuya Panther. Dito sa Isla Deogracia kung saan matindi ang higpit ng security. Dito sa isla na inaasahan kong ligtas ako. Nandito si Rogue Saavedra at nandito rin ang buong Black Omega Society na mortal na kalaban ng pinamumunuan niyang brotherhood na Red Note Society. Mortal na magkalaban ang dalawa sa business at sa iba pang bagay kaya paanong nakatungtong siya rito nang wala man lang nakakaalam at humaharang?


Ang Isla Deogracia ay pag-aari ng mga Deogracia at isa sa miyembro ng Black Omega Society band and elite fraternity si Ryder Vito Deogracia kaya paanong nagka-access dito si Kuya Panther gayong hindi niya ito teritoryo? Sa damot at sama pati ng ugali ni Rogue ay imposibleng hayaan siya nun na makatungtong man lang kahit sa buhangin ng islang ito. Pero sabagay, hindi nga pala basta napipigilan ang isang demonyo.


Inipon ko ang aking lakas bago nagsalita. "Aalis na ak—"


Bigla niyang ipinitik ang mahahabang daliri sa ere. "Dr. Fetus!"


"Ha?" Ni hindi niya pinansin ang aking sinabi.


"Coming!" Isang maliit na lalaki ang lumabas sa likod ng sofa. Nagulat din ako na may tao pala roon. Hindi lang halata dahil mas mataas pa sa kanya ang mga higanteng upuan.


Dr. Fetus? Pamilyar sa akin ang pangalan ng manong na ito, ah? Saan ko nga ba iyon narinig?


Lumapit si Dr. Fetus kay Kuya Panther habang hila-hila ang isang upuan. Nang makalapit na siya ay tumuntong siya sa upuan at may iniabot na envelope kay Kuya Panther.


Kung pagmamasdan ay halos hanggang baywang ko lang si Dr. Fetus. Para siyang stuff toy lang na sinuutan ng black suit and black pants. May sumbrelo siya na tulad ng isang magician. Makapal ang kanyang kulot na buhok at mayroon siyang balbas.


"Jane, this is Dr. Fetus, my right hand," pakilala niya sa bulilit na lalaki.


Nagpugay naman ng pagyuko sa akin si Dr. Fetus bilang pagpapakilala.


"This must be the result of our DNA." May hinugot na papel si Kuya Panther mula sa loob ng envelope.


DNA?


"Oh by the way, we broke into your house three days ago to get some hair samples or anything from you that could be used for our DNA test." Pagkuwan ay binasa niya ang nilalaman ng papel.


Ha? Nakarating na siya sa bahay? Alam niya kung saan ako nakatira?! Kailan pa?!


Kung ganoon, balewala na rin pala kung sakali mang manakbo ako palayo o itanggi ko sa kanya na hindi ako si Jane? Obvious naman na kaya niya pa rin akong hanapin. Ang tanong nga lang ay bakit ngayon lang? Kung madali lang naman pala sa kanya na hanapin ako? Bakit ngayon niya lang ginawa?


"And here's the result." Humarap siya kay Dr. Fetus. "Drum roll, please."


Napataas ang kilay ko.


Lumundag si Dr. Fetus mula sa upuan at pagkatapos ay tinambol niya ito gamit ang kanyang kamay.


"Are you kidding me?" saway ni Kuya Panther kay Dr. Fetus. "Bakit ka nagtatambol?"


Napahinto si Dr. Fetus. "Because you said drum roll please?"


"It was just an expression, you moron!" Binalikan ni Kuya Panther ang hawak niyang papel. "And what the hell is this? Bakit negative ang result?"


Tumuntong muli si Dr. Fetus sa upuan at kinuha sa kanya ang papel. "Oh, so sorry, Master. Iyan pala 'yung pubic hair ni Imang na nakuha namin sa lababo."


"And why the fuck did you match my DNA with her?!"


Muling napataas ang kilay ko. Ngayon ko lang nakita ang ganitong reaction ng kanina'y kalmadong mukha ni Kuya. Halos magbuhol ang mga kilay niya habang namumula ang kanyang buong mukha.


"It's my mistake, Master." Inabutan siya ng bagong envelope ni Dr. Fetus.


Kinuha niya iyon at kinuha ang papel sa loob nito. Napasimangot siya nang muling mabasa ang laman nito. "Still negative, damn it!"


Kinuha ulit sa kanya ni Dr. Fetus ang papel. "I'm so sorry again, Master. Ito pala 'yung muta ni Granny J na nakuha namin sa pader."


"Are you sure na muta ang nakuha nyo at hindi kulangot?"


Bakit kung pag-usapan nila si Granny J at Lola Imang ay parang kilalang-kilala nila ang dalawang matanda?


"Ano bang klaseng kapalpakan ito, Dr. Fetus?" pabulong pero nagtatagis ang mga ngipin ni Kuya Panther. "Can't you see, nagmumukha na kong tanga sa harapan ng kapatid ko!" pasigaw pero sobrang hina ng tinig niya. "Sipain ko kaya 'tong upuan nang bumalentong ka diyan!"


May inabot muli si Dr. Fetus sa kanya na bagong envelope. "This must be it."


Kinuha ni Kuya Panther sa kanya ang envelope at hinugot ang papel sa loob nito. Binasa niya ang nilalaman nito. "See?" Iniharap niya sa akin ang papel. "Our DNA matched."


Hindi ko na nga maitatanggi sa kanya ang katotohanan. Tinalikuran ko siya nang mabilis para manakbo at takasan siya. Bahala na kung saan ako makarating o kung mahahabol niya pa ba ako o hindi. Siguro doon na ako maninirahan muna sa Tawi-Tawi.


Pero bago ako makalayo ay napahinto rin ako kaagad nang biglang nagsulputan sa aking harapan ang mga unipormadong lalaki na hindi ko alam kung saan mga nagmula o saan mga nakatago kanina. Lahat sila ay nagsiharang sa pintuan para hindi ako makaraan.


"You know you should be dead by now," ani Kuya Panther sa tono na kalmado na naman.


Hinihingal akong humarap sa kanya. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa takot.


"Maybe I should strangle you with my bare hands until you vomit blood and your eyes pop out." Marahan siyang lumapit sa akin.


Napaatras ako sa aking pagkakatayo.


Gumuhit ang ngisi sa mapula niyang mga labi. "And then I will rip your heart out of your chest."


Sa takot na nadarama ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Nang makita niya ang aking mga luha ay bigla na lang siyang napabulalas ng halakhak.


Umikot ang bilog ng mga mata ni Dr. Fetus bago siya lumundag sa upuan para lapitan ako. Nang makalapit siya sa akin ay inilahad niya sa akin ang kanyang palad. "Of course, pinagti-tripan ka lang niya."


"A-ano?" Napatingin ulit ako kay Kuya Panther na tatawa-tawa pa rin.


Teka? Ano ba talagang nangyayari?!


Inalalayan ako ni Dr. Fetus sa siko hanggang sa makatayo ako. "Pero hindi lang ikaw ang nag-iisip na kaya niyang gawin ang mga bagay na iyon."


Nang ibalik ko ulit ang paningin kay Kuya Panther ay tahimik na siya. May kinuha siyang tila ballpen na kulay silver sa kanyang bulsa at nang umusok iyon ay saka ko lang napagtanto na isa iyong mamahaling klase ng vape.


"I heard rumors na kinatatakutan mo raw ako." Pinindot niya ang on button ng vape at agad na nangamoy mamahaling perfume ang paligid ng kanyang suite. "I came to see you to defend myself from all the wrong accusations about me."


Lumapit sa kanya si Dr. Fetus. "Master, this suite is non smoking."


"Damn! I'm just trying to look cool in front of my sister, wag mo naman ako ipahiya!" gigil pero napakahina ng kanyang boses.


"Isang buga mo lang ng usok, Master, sure na maliligo tayo sa tubig pare-pareho. Then the bell will ring, and we'll get everyone's attention here in this island."


Napaisip si Kuya Panther. "Fine. Whatever." Iniabot niya ang kanyang vape kay Dr. Fetus.


"A-anong kailangan mo sa'kin?" kandautal kong tanong sa kanya. Sa wakas ay nakapagsalita na muli ang nanginginig kong mga labi.


"You're shaking." Namulsa siya habang pinagmamasdan ang aking mga tuhod. "And of course, you're mad at me."


Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng mga tuhod ko pero hindi ko magawa. Patuloy kasing namamayani sa dibdib ko ang takot sa kanya. Hindi naman kasi basta-basta mawawala iyon, di ba?


"Would you mind giving a chair to my beloved sister?" utos niya kay Dr. Fetus.


Humila naman si Dr. Fetus ng isang upuan para sa akin. Pero makikita sa kanya na halos madaganan siya ng upuan dahil mukhang mabigat pa iyon sa kanya.


"Dr. Fetus, make it faster, will you?" usal ni Kuya Panther habang nagtatagis ang mga ngipin.


Hirap na hirap si Dr. Fetus sa paghila ng upuan. Halos mawala siya sa balanse.


Napasipol naman si Kuya Panther na halatang nililibang na lang ang sarili. Samantalang si Dr. Fetus ay naghihila pa rin ng upuan.


"Come on, little old man!" Napatingin si Kuya Panther sa kanyang suot na mamahaling relo. "Wala ka na bang ibibilis?"


Napa-ire na sa paghila si Dr. Fetus.


"Barilin kaya kita para bumilis ka!"


Nagagawa ngang mahila ni Dr. Fetus ang upuan pero napakabagal naman ng kanyang pag-andar.


Napahilot sa sentido si Kuya Panther. "I can't believe this is happening..."


Napilitan na akong tumulong kay Dr. Fetus dahil malapit na rin naman siya sa akin.


"Thank you, hija." Tiningala niya ako.


"Walang anuman ho."


Umupo ako sa upuan dahil kailangan ko na ring maupo at parang mabubuwal na ako sa sobrang kaba.


"Forgive him for being bulilit, sister," ani Kuya Panther pagkaupo ko.


Kusang umismid ang bibig ko. Mukhang mas bully pa ang lalaking ito kaysa kay Rogue.


"I need you to sit down for a while because I want to tell you some story." Umupo din siya sa sofa na ilang hakbang ang layo sa akin para makaharap ako. "Long, long time ago, there was a Filipino-Italian heiress named Pearl Samantha Foresteir. She was a lovely, intelligent, and talented woman."


Lumamlam ang mga mata ko. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Pear Samantha Foresteir ay walang iba kundi ang aming ina.


"That woman had everything but love. She didn't know how to love since she'd never experienced it. Due to her billionaire father's hectic schedule, she grew up alone. She became a cold person over time; she believed that money could buy anything, and she was right. Why? Because, despite having three children with different men, she never felt obligated to care for them. She continued living her sweet life as a single lady without worry."



Three children... Pumait ang aking panlasa dahil sa mga salitang iyon.


"You know that woman I'm talking about, right, Jane? She was our mother." Dumilim ang kulay abong mga mata ni Kuya Panther. "She was our mother, but she was never a mother to us."


Galit siya sa aming ina? Galit kaya ba niya nagawang patayin ito? Sa batang edad niya ay nagawa niya ang krimeng iyon?


"Our beloved mother brought me to the Philippines as she said that my father had been looking for me. I could still recall how excited I was back then. And do you know who she introduced to me as my father? The first and only man she was obsessed with, Macario Karangalan Sandoval."



Napalunok ako. Kung hindi ako nagkakamali ay ama ng isa sa Black Omega Society ang tinutukoy niya. Ama ni Phoenix Laz Sandoval. Pero bakit ganoon? Bakit hindi ito naikwento ni Kuya Lion sa akin?


"And if you are Batang 90's, you should know who Sandoval is. He was a former member of the Black Omega Society."


Oo dating BOS. Pero bakit niya kaya sinasabi sa akin ito?


"Back to our beloved mother... Well, being the brat she was, she abandoned you and Lion in Italy to chase Sandoval. She assumed she had a chance since she was using me as her ace. She really liked Sandoval, you see. Iniwan niya lahat ng flings niya, even her own children para sa lalaking iyon. But, unfortunately, may asawa palang natatago sa baul si Sandoval. Mom was so devastated when she learned about it."



Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi iyon nabanggit ni Kuya Lion.


Sumeryoso lalo si Kuya Panther. "I also thought that Sandoval was my father, but it turned out that he was not. I really hoped that I did have a father, but my hope just crumbled to the ground when I learned the truth. I was too young at the time, but I understood what was going on. I knew that our mother only used me to get the man she was obsessed with. But she didn't succeed in using me since that man still didn't choose her."


Lumamlam ang aking mga mata. "A-ano ang nangyari pagkatapos?"

"If she hadn't been so obsessed with the idea of having Sandoval as her husband, our mom might still be alive today." Bumagsak ang paningin siya sa sahig. "Mom got depressed and killed herself, end of story."


Natutop ko ang aking bibig sa sinabi niya dahil hindi iyon ang kwento ni Kuya Lion. Ang sabi ni Kuya Lion ay si Kuya Panther ang pumatay sa ina namin!


"In your mind, you might be asking me why I'm telling you this, right?" Tumayo siya at tumalikod sa akin upang tumanaw sa glass wall kung saan tanaw ang karagatan sa isla. "Lion is blaming me for Mom's death."


Napaawang ang mga labi ko. Gulong-gulo na ako.


"He loathes me, Jane." Humarap sa akin si Kuya Panther at namulsa siya. "He is blaming me for everything."


Bakit ganito? Bakit parang totoo ang mga sinasabi niya? Bakit mas ramdam ko ang katapatan niya kaysa kapag si Kuya Lion ang kaharap ko?


"Iniisip niya pa rin na anak ko ni Macario Karangalan-Sandoval. Iniisip niya na kung wala ako, baka nandito pa si Mom at baka hindi siya lumaking mag-isa. Tss... that brat." Umiling-iling siya. "Can you believe him? He even joined the Black Omega Society band and brotherhood just to despise me."


Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Litung-lito na tuloy ako kung sino ba ang paniniwalaan ko sa kanilang dalawa. Siya ba o si Kuya Lion? Hindi ko na alam ang totoo!


"He loathes me, Jane. Katulad ko, kahit napakabata pa ni Lion noon ay matured na siyang mag-isip. Nagamit niya ang pagiging bata para magpanggap na inosente sa mata ng nakararami, at magawa ang mga plano niyang pagganti. Alam ko iyon lahat pero hinayaan ko siya. Hinayaan ko siya dahil noong mga panahong iyon ay bata pa rin ako. Mas okay na iyong isipin ng mga tao na wala akong pakialam sa kanya para maiiwas siya sa maiinit na mga mata. I preferred him to grow up away from me rather than put him in danger. You understand, don't you? We were young orphans who inherited billions from our mother and grandfather. And, as the firstborn, my life was at greater risk."


"P-paano ako?" utang na tanong ko. "Bakit ako napalayo sa inyo? Alam mo ba kung nasaan ako? Kung anong buhay ang kinalakihan ko?!"


"Hindi lang ikaw ang nawala noong gabing iyon, Jane. Noong sanggol ka na bigla kang nawala, nawala rin ang lahat ng staff sa mansiyon. Lahat kayo ay wala na noong nagising ako. Huli ko nang nalaman ang totoo. Na habang natutulog ako noon ay minamanipula na pala ni Lion ang mga pangyayari."


Ang batang Lion noon ay isang batang henyo rin na katulad ni Kuya Panther, subalit sa ibang paraan nito ginamit ang talino. Sa batang edad nito, nagawa na nitong manuhol ng mga ganid sa perang tao, upang takutin ang mga staff sa mansiyon. Sa takot ng mga staff, namanipula ni Kuya Lion ang mga ito at naipadala sa isa sa mga pribado at tagong isla na pag-aari ng mga Foresteir. Doon dinala at hindi na binalikan pa. At isa lang naman ako sa kanila.


Binitbit ako nina Lola Jamod noong sanggol pa lang ako, kaya doon na ako sa isla lumaki. Nasaksihan ko ang pamumuhay roon. Masaya subalit mahirap din. Ang mga staff ay hindi ko masisisi kung sa tagal nila sa isla ay nasiraan na ng bait ang iba sa kanila. Inakala na nila kalaunan na mga taong gubat talaga sila. Ayaw na nga nilang sumama pabalik sa syudad, dahil mas masaya raw mabuhay roon sa gubat. Walang problema sa pagkain, sa tubig, at napakasariwa pa ng hangin. Ang buhay roon ay magaan at hindi mabigat. Kaya kami-kami lang noon ang tumawid sa dagat.


"Unang tungtong mo palang sa city, alam ko na." Ngumiti sa akin si Kuya Panther. "Actually, since that day, inalam ko na lahat ng tungkol sa 'yo. Kung saan ka nagmula at bakit ka nawala. I know your story. I know how you hate me and I know that you're trying to leave this country to avoid me."


Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Simula pa lang kanina nang makita ko siya, may kutob na akong alam na niya ang lahat. At hindi nga ako nagkamali.


"Well, it's up to you now, Jane. You can believe anything you want. Wala namang ibang importante sa akin kundi ang kaligtasan mo."


Lumapit sa kanya si Dr. Fetus at may inabot na folder.



Kinuha iyon ni Kuya Panther at binuklat. "This is the summary of all my assets and properties. Sign this paper and you can have them all." Lumapit siya sa lamesitang kaharap ko at inilapag niya iyon doon.


Napalunok ako nang mapatingin sa mga papeles. Umpisa palang sa aking nabasa ay milyon-milyon na ang halaga, ano pa kaya iyong iba pang kasunod? Ibibigay niya talaga lahat ito sa akin? Seryoso ba siya?


"I need you to sign those papers, Jane." Napabuntong-hininga siya pagkuwan. "All my life, pinalago ko talaga ang mga iyan para maibigay sa inyo ni Lion. But the problem is, Lion doesn't want them. Wala siyang ibang gusto kundi ang mag-senti." Napailing siya. "That moron," usal niya.


Wala sa sariling nadampot ko ang folder na ibinigay niya sa akin.


"Review those papers all you want, but if I were you, please don't be like Lion. You need all the wealth that you can get. You have a daughter to raise."


Napaangat ako ng mukha. Kahit ang tungkol kay Clio ay alam niya na?!


"Surprised that I know about my lovely niece?" Muling gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya. "I told you, hindi ako nawalan ng mga mata sa 'yo. Alam ko lahat ng nangyayari sa 'yo, kaya alam ko ang tungkol sa anak mo. I know that she's five-year old, I know what she look like, and I know she has heterochromia. And I know that her father is..." Natigilan siya. "...Rogue Saavedra."


Napatayo ako sa aking pagkakaupo. Sa tingin ko, kung may totoo man sa sinabi sa akin ni Kuya Lion tungkol sa kanya ay iyonng siya nga yata ang smartest guy na nakilala nito.


"Rogue's my childhood friend."


Halos malaglag ang aking panga sa sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? Childhood friend sila ni Rogue?!


"Then we end up being mortal enemies." Ang mga labi niya ay ngumiwi. "But I'm not that crazy enough to kill my own niece just because she's the daughter of my mortal enemy."


At sa sinabi niyang iyon ay may namutawing luha sa aking mga mata. Ganoon lang ay bigla nang naniwala ang puso ko sa kanya.


"Whatever your issue is with Rogue, it is solely between you and him. I have no authority to interfere." Umigting ang kanyang panga. "Basta wag ko lang malalaman na saktan ka niya o ang pamangkin ko."


Tuluyan na akong napaiyak.


Nag-iwas siya ng paningin nang makita ang mga luha ako. "I love you more than anything, Jane. Kayong dalawang ni Lion. Pati na rin ni Clio." Bahagya siyang pumiyok. "A-and there's no way I will do anything that could hurt you, whether you believe it or not."


Napayuko na ako para punasan ang aking mga luha. Napapunas na rin ng luha si Dr. Fetus na tahimik lang na nakikinig sa amin.


"I hope na makapagkwentuhan pa tayo sa susunod nating pagkikita." Napatingin siya sa kanyang wristwatch. "I've got only a limited time here, you know that. I have to go."


Tumango lang ako at hindi ko na siya tiningnan pa.


"Whatever happens, please don't get mad at Lion. If ever he deceives you again, just understand him. He wouldn't do that if it wasn't because of me. Instead, just blame me, all right?"


Napaangat muli ako ng mukha para tumingin sa mga mata niya. "K-Kuya Panther..."


Mapait siya ngumiti sa akin bago lumapit. Nang makalapit siya, ginulo niya ang aking buhok. "You're the strongest woman I've ever known. I'm proud of you." Namalat ang boses niya.


Napahagulhol ako sa sinabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin siya. "S-sorry...."


"Shh..." alo niya. "I don't deserve your tears, Jane."


Napasiksik ako sa kanyang matigas na dibdib.


Kumalas siya sa akin ng yakap at hinimas aking buhok. "You've grown enough." Pinagmasdan niya ako. "I'm happy that you're a wonderful mom now."


Tumango ako habang nasa gitna ng pagluha.


"See you around, Jane. Please take care of Lion." Pagkasabi niya niyon ay nilampasan niya ako.


Nilingon ko siya habang papalayo sa akin.


"Oh by the way..." Napahinto siya sa paglalakad at muling humarap sa akin. "Please let me give you a piece of advice."


"Ha?"


"I hate to say this but... if I were you, I won't leave this country with Clio." Napabuga siya ng hangin. "Just please tell Rogue the truth, okay?"


Naestatwa ako sa sinabi niya.


"I knew what happened between you two. I read your book, The God Has Fallen."


Pati ba naman yun, alam niya!


"Take back Rogue. Marry him and have a wonderful family with him, all right?"


Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Alam ko kung gaano niya kamortal na kalaban si Rogue kaya hindi ko akalain na siya pa ang magpapayo sa akin nang ganito. Malayong-malayo sa payo sa akin ni Kiya Lion na kaibigan ni Rogue.


Ngayon ay alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Hindi ako pwedeng magkamali na si Kuya Panther iyon!


"And tell Rogue..." Napahugot siya nang malalim ng paghinga matapos mapatingala sa kisame. "Hindi ako ang may pakana kung bakit nasira ang yacht niya. He's my enemy, but I don't stab the back of my enemy. I always fight fair, tell that to him."


Tumango ako habang tulala sa kanya.


"I own that island, pero hindi ako ang may kagagawan kung na-stranded man siya roon." Umismid siya bago siya tumalikod.


Lumapit sa akin si Dr. Fetus at kinalabit ang aking tuhod.


"Can you do me a favor, hija?" Tumingala siya sa akin.


"S-sige po."


Napayuko siya na para bang biglang umurong ang dila. "P-plase tell Jamod... that I missed her so much." Ngumiti siya ngunit may luha sa kanyang mga mata.


So alam niya pala na si Granny J ay si Jamod. Naaalala ko na siya! Siya pala iyong laging nasa kwento ni Granny J noong nasa isla pa kami!


"T-tell her I still... love her..."


Gumanti ako ng ngiti sa kanya. "M-makakaasa po kayo."


"And that guy!" Inginuso niya si Kuya Panther na papalabas ng pinto kasama ang mga bodyguards nito. "Buong buhay niya wala siyang ginawa kundi hanapin ka. Ni wala siyang alam na nasa sarili ka niyang isla. He thought you've gone missing, but he never gave up."


Tumango ako at muling naluha sa sinabi niya. Nagsisisi ako dahil sa mga galit na kinimkim ko sa aking dibdib para kay Kuya Panther.


...


NAPAHUGOT muna ako nang malalim na paghinga bago ko iniwan ang magandang tanawin sa aking harapan. Ito ay iyong mga bituwing kumikinang sa madiling na kalangitan na pumayapa kanina sa magulo kong isipan. Ilang oras na rin ako rito sa rooftop at ngayon ay buo na ang loob ko.


Panahon na para malaman ni Rogue ang buong katotohanan. Ito ang desisyon na pinag-isipan at aking tinimbang maghapon.


Iniwan ko ang rooftop ng Deogracia Hotel Building 1. Pagsakay ko ng elevator ay pinindot ko na agad ang buton papunta kung nasaang floor ang suite ni Rogue. Habang pababa ito ay hindi ako mapakali. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Iba't iba ang iniisip kong pwedeng mangyari.


Tatanggapin niya ba ako kapag nalaman niyang ako si Jane? O iiwan niya ako dahil magagalit siya sa akin na malamang ay oo.


Tumunog ang elevator at bumukas ito. Bumukas ang elevator at lumabas ako. Sa paglalakad ko sa hallway ay hindi na nabawasan ang kaba ko.


Nang nasa harapan na ako ng pinto ay nakasalubong ko pa si Voss Damon Montemayor na palabas mula rito. Pinigilan ko siya ng akma niyang isasara ang pinto at tila naunawaan niya naman ako.


Sa kanyang pag-alis ay ako ang pumasok sa loob ng malawak at modernong presidential suite. Nadatnan ko roon si Rogue na nakasandal sa pader patagilid sa kinaroroonan ko. Tila kay lalim din ng iniisip.


Napapikit muna ako nang mariin bago ako lumapit sa kanya. "R-Rogue..."


"Hmm?" Hindi niya ako nilingon pero tila hindi siya nagulat na nandito ako.


"M-may sasabihin ako sa'yo." Nanginginig ang boses ko. "K-kailangan mo nang malaman ang totoo..."


Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nang katagpuin ko ang kanyang kulay luntiang mga mata ay nagsalita ako.


"Rogue, ako si..." Napalunok ako dahil sa talim ng mga tingin niya. "Rogue, ako si Jane. Si Jane Foresteir."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top