Episode 52
Episode 52
ADI's
Napabangon ako sa pagkakahiga nang maalimpungatan. Agad kong iginala ang aking paningin sa paligid hanggang sa madako ang mga mata ko transparent flower vase na nasa bedside table. Mabilis ko iyong kinuha para titigan doon ang aking repleksyon.
Ang contact lens ko!
Namilog ang mga mata ko nang makitang kulay abo ang mga matang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko na suot ang contact lens ko sa mga oras na ito!
"A-anong nangyari? Sinong nag-alis ng contacts ko? At nasaan ako?" Muli kong pinagmasdan ang paligid at unti-unti'y bumalik sa alaala ko ang nangyari.
Sa sobrang pagpipigil ko ng damdamin, sa sobrang pagkalito, at sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ako makahinga dahil nagsisikip ang dibdib ko. Iyon ang naaalala kong nangyari. Nawalan ako ng malay-tao sa mansiyon ni Rogue.
Ibinalik ko ang flower vase sa bedside table nang mapansing may nakakabit na swero sa aking isang kamay. Nang aking tingnan ang suot ko ay lalong tumindi ang kabog ng aking dibdib. Naka-hospital gown ako at malamang na ang kinaroroonan ko ngayon ay isang pribadong kwarto. At malamang na si Rogue ang nagdala sa akin dito!
Kung ganoon ay baka alam niya na ang tungkol sa tunay na kulay ng mga mata ko—
"Baka gusto mo akong tulungan!"
Gulat na napalingon ako sa nagsalita. "Granny J!"
Napasinghap ako nang malingunan siya. Nasa gilid ko lang pala siya. Naroon siya sa sahig na tila isdang lumalangoy habang nababalutan ng trash bag.
"Ano pong nangyari?!" Binaklas ko ang aking swero at bumaba ng kama para malapitan siya. Tinulungan ko siyang punitin ang itim na plastic na nakabalot sa kanyang katawan.
Nakasimangot siya na nagsalita. "Si Ser Rogue, sino pa ba? Swerte ko pa nga at hindi niya ako pinagsamantalahan!"
Napailing na lang ako. "Nasaan po siya?"
"Umalis, eh. Pero bago 'yun, binalutan niya muna kami ni Imang ng tras bag."
"Nasaan po si Lola Imang?" Sa wakas ay tuluyan ko ng natanggal ang trash bag sa katawan niya. Kandahirap pa ako dahil ginamitan iyon ni Rogue masking tape.
Tumayo si Granny J at sinilip ang bakanteng stretcher sa tabi ng hospital bed ko. "Aywan ko. Kanina lang e nakahiga siya riyan!"
Napabuntong-hininga ako at napahilot sa aking noo. Parang nanakit na naman ulit ang ulo ko.
Sinilip niya ang aking mukha. "Anong nangyari, hija? Bakit hindi mo yata suot ang kontak lens mo?"
Nanghihina akong napaupo sa hospital bed. "Hindi ko rin po alam. Baka... baka alam na ni Rogue na kulay abo ang mga mata ko..."
"E hindi pa rin naman niya masasabing ikaw si Pukangkang." Napahalukipkip siya. "Tayka! Alam na kaya ni Ser Lion na naospital ka? Nag-GM ako sa mga katrabaho mo sa shooting gamit ang selpown mo, e. Sabi ko, me sakit ka."
Marahan akong umiling. "Hindi ko po alam..."
Pero baka alam na rin ni Kuya... Dahil lahat naman alam niya. Wala naman akong naitatago sa kanya...
Tinalikuran niya ako para lapitan ang mini kitchen counter sa loob ng private room. Nangalikot siya roon na akala mo bahay niya.
"Granny J..." tawag ko sa ganya. Gulong-gulo na kasi ako at hindi ko na alam ang gagawin at lulugaran.
"E ano na ba talaga ang plano?" tanong niya na hindi ako nililingon. Bakas sa boses niya ang pagkabagot.
Kumuha siya ng tasa at tinakalan ng coffee powder bago niya ako muling hinarap.
"Kelan pa ba 'yang mga papeles na inaasikaso ni Ser Lion? Aba, apat na taon wala pa ring nangyayari."
Kumuyom ang mga palad ko sa kanyang sinabi. "A-ang sabi niya lang po sa'kin noong isang araw, malapit na raw po..."
"Malapit na kamong mamuti ang buhok ko sa baba!" Napatirik ang mga mata niya. "Mantakin mo ba naman, ang sabi niya aalis tayo ng bansa at doon maninirahan kung saan mang lupalop 'yun, basta malayo rito. Mamumuhay tayo roon nang matiwasay at ligtas kasama ang anak mo. Magkakasama tayo! Tapos pakakasalan niya ako, eeeh!" bigla siyang kinilig.
Umikot ang bilog ng mga mata ko.
Bumalik siya sa kitchen counter at sumandok ng asukal para ilagay sa kanyang tasa. "Ang mahirap dyan, kapag nalaman agad ni Rogue ang totoo, pihadong mapupurnada ang plano! Paano na ang pangakong kasal sa akin ng kuya mo?!"
"Granny J, nahihirapan na po ako..."
"E anong gagawin natin?" Napabuga siya ng hangin.
Napayuko ako at lalong kumuyom ang mga kamao. "Nahihirapan po ako na makita si Rogue sa kalagayan niya ngayon. Ang buong akala niya po ay may problema siya sa pag-iisip... Ang buong akala niya po ay baliw siya..."
"Baliw naman talaga siya! Tingnan mo nga ang ginawa niya sa buhok ko, bago umalis yun kanina sinuklayan pa ko!"
Ngayon ko lang napansin. Kaya pala parang biglang tumuwid ang buhok ni Granny J dahil nasuklayan siya ni Rogue.
"H-hindi ko po maintindihan ang nararamdaman ko nang malaman ko po ang side ni Rogue." Lumamlam ang aking mga mata na nakatingin sa kanya. "Bakit po ako nasasaktan para sa kanya? Bakit kaya niya pa rin akong saktan?"
Binuhat niya ang termos para sana salinan ang tasa niya. "Alam mo kung ano ang masakit? Iyong kapeng-kape ka na, tapos pagbuhat mo ng termos ang gaan pala, pota!"
Napakamot ako. "Sa labas na lang po kayo bumili ng kape, 'yung timplado na po."
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Hermes. Itim na rolled sleeve polo ang suot niya at fitted jeans. Mukhang sa pagmamadali ay hindi niya na naalalang ayusin ang kanyang buhok dahil medyo messy ito ngayon, bagay na hindi madalas mangyari.
Lumapit agad siya sa akin. "Adi, are you all right?"
"H-Hermes?" Napatingala ako sa kanya. "A-anong ginagawa mo rito?"
"I just heard about what happened. The doctor told me it's because of too much stress."
"S-stress?" Nang malaman ko ang nangyari kay Rogue, na-stress ako. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit hinimatay ako.
"Is this because of the work I gave you?"
Mabilis akong umiling.
"Are you feeling fine now?" Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Ikaw ba si Direk?" mabilis na singit ni Granny J. Iniwan niya ang tasa niya sa kitchen counter.
"Yes, Lola." Nilingon siya ng lalaki.
"Tsek dis awt!" Biglang nagbago ang mukha ng matanda. "Bakit ngayon ka lang, ha?!" Bigla na lang siyang um-acting.
Napapikit na lang ako sa kahihiyan.
"Ano, uuwi ka lang kung kelan nanganganib na ang buhay ng anak natin?!" Inginuso niya ako. "M-may pagmamahal ka pa bang nararamdaman para sa amin ng anak mo?!" Sa isang iglap ay may luhang sumilip sa mga mata ng matanda.
Napatingin sa akin si Hermes at nagtatanong ang kanyang mga mata.
"U-umamin ka..." Namalat ang tinig ni Granny J habang umaalog ang balikat. "M-mahal mo pa ba ko?!"
Napabuga ng hangin ang lalaki at di malaman ang gagawin.
"P-paano na ang pangako mo... noong sinusuyo ako? A-anong tamis, anong lambing... binibigkas ng labi mo..."
Napakamot na ng ulo si Hermes at tingin ko ay kailangan ko na siyang iligtas mula kay Granny J.
Tumikhim ako. "Granny J, tama na po–"
Pero sinalaksak niya ng palad ang mukha ko at buong damdamin na nilapitan si Hermes na ngayon ay medyo namumutla na.
"Hindi ka ba nanghihinayang? Nangyari ba'y ganon na lamang? Wala na ba ang init ng pag-ibig mo? Naglaho ba sa puso mo kaya't ngayon ang mahal mo'y di na ako?!" Nagpatuloy pa rin ang matanda sa pag-acting.
Pati ako ay napausod nang bigla na lang humagulhol si Granny J matapos niyang haltakin ang isang kamay ni Hermes.
"Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik! 'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik! Kung saka-sakali man akin na ang nababatid, sa 'yo'y mahuhulog lang... Kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik!"
"You're in!" biglang sabi ni Hermes na parang napilitan na lang at saka mabilis na hinila ang kamay na hawak-hawak ng matanda.
Napakurap naman si Granny J. "Weh di nga?"
"Y-yeah, you're in..." Pawisan na ang sentido ni Hermes.
"Anong in, Direk? Pasok na ba ako?!" Agad na pinunasan ni Granny J ang mga luha niya na namuo ng muta.
"This is just an audition, right? Yeah, pasok na po kayo." Nakangiwing ngiti ang nakikita ko ngayon sa mga labi ni Hermes. "Actually, if Adi will feel better until tomorrow, pwede na po kayo mag-start bukas. Sabay-sabay na kayong pumunta sa Isla Deogracia."
Nangislap ang mga mata ni Granny J sa tuwa. "True ba yan, Direk? Gusto kong rowl ako 'yung bida."
Bumulong sa akin si Hermes. "May sayad ba 'yang Lola mo?"
Nag-iinit ang pisnging napayuko ako. "Please wag mo na lang siyang pansinin."
Bumukas muli ang pinto at iniluwa naman nito si Lola Imang na humahangos. Para bang may humahabol sa kanya. Nababalutan ng trash bag ang katawan ng matanda.
"Saan ka ba naparoon, Imang?!" salubong agad sa kanya ni Granny J.
"Ako. Higa. Riyan. Kanina!" Hinihingal siya. "Ako. Dala. Morge. Nars."
Nangunot ang noo ko. "Bakit po kayo dinala ng nurse sa morge?"
"Ako. Akala. Patay."
"Paanong di ka pagkakamalang patay, e mukha kang bangkay." Napailing si Granny J habang tatawa-tawa.
Nanlaki ang mga mata ni Lola Imang nang makita si Hermes. "Ikaw. Direktor. Pelikula?"
Tumango ang lalaki.
"Sandali." Tumalikod si Lola Imang. "Layts. Kamera. Aksyon!" Humarap siya pagkuwan. "Bakit. Ikaw. Ngayon. Lang. Dating?" bigla siyang um-acting."
Pumaling ang ulo ni Hermes habang nakamasid sa kanya.
"Ikaw. Hindi. Ako. Mahal? Limot. Na. ba. Tayo. Halikan–"
"You're in!" Hindi na siya pinatapos ng lalaki. "Pasok na po kayo sa role, utang na loob!"
"Totoo?!" Lalong namilog ang mga mata ni Lola Imang. "Ako. Gusto. Bida."
Bumulong sa akin ni Hermes. "Sorry Adi, pero alis na ako, please."
....
ROGUE's
"Bro, what happened to you?" Phoenix Laz Sandoval was staring at me with his lazy eyes. "Parang ngayon ka lang yata nakalimot sa mga lines mo. Ang dami mong take kanina sa set, ah?" Nanood kasi siya ng shoot kanina.
He's wearing a black round neck Balenciaga pull over and a fitted ripped jeans. Wala siyang sapatos at nakamedyas lang. May hawak siyang dalawang golf balls na kanina niya pinag-uuntog habang nakahiga siya sa sofa. Mukhang boring na boring na siya rito sa isla.
"You should be with your girlfriend, PL. Don't ruin my life here." I looked at my script again. Umayos din ako ng pagkakaupo sa leather lazy boy chair. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito makabisado. Lumilipad ang isip ko!
"I can't leave you, you know. We know you're in trouble." He said with laughter in his voice.
"What?" My brows furrowed at what he said.
"You're not in yourself since yesterday. Pinagmamasdan ka namin ni Ryder, tulala ka lang maghapon. Napansin din ni Damon na hirap kang makatulog. Buong magdamag ka raw online sa mga media accounts mo."
"Stalkers!"
"Bro, we're just worried about you."
Ibinaba ko ang script para tingalain siya.
"You are the most organized person we know. You're doing lists, you always clean yourself and your surroundings, you never make mistakes, but..." He paused.
"Huh?"
"Nang puntahan ka namin sa suite mo, magulo ang paligid. And that's so unlike you. You were just lying on your bed, no face mask, no hand gloves. You even forgot to shower, you're just staring at your ceiling."
"So, what's happening with you, Rogue? You know, I should be with Damon and Ryder, pero nakiusap sila sa'kin na wag kang iwan. They have some business meetings today, but they promise they'll get back early. We wanted to talk to you because you seem... bothered. Is something the matter?"
I did not realize that they were watching me since yesterday. Kahit ako ay napansin ko na hindi pala ako nakasuot ng face mask at gloves ngayon. I also forgot to take a shower before I went to the set. I just wanted to finish all my tasks, that's all in my mind.
I sighed. "She has grey eyes," biglang sabi ko.
"What?" Phoenix raised an eyebrow. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko, pero wala akong pakialam.
"Why in hell she has those kind of eyes?!" Napasigaw na ako sa frustration. Gulat na gulat naman si PL sa akin. "Why, PL? Tell me? Why she has grey eyes?!"
He stared at me for a second before shaking his head. "Bro, I'm not following."
I stood up to face him. "Tell me the truth, na-comatose ba talaga ako?"
"Four years ago?" He blinked. "Uh... Well, that was what the doctors told us."
I narrowed my eyes on him. "What do you mean the doctors told you?"
"Nang pumunta kami sa ospital, nandoon ka na. Nakaratay, bro. Then the doctors there told us you were in a coma for almost eight months."
My eyes widened upon hearing what he said. "You mean, you were not there for those whole eight months!" Kulang na lang ay kwelyuhan ko siya.
"Yes, we weren't there." Boses ni Damon na nagpalingon sa amin nang sabay sa pinto.
Kakapasok niya lang. He's wearing black Armani suit at ang panloob niya ay sky blue v-neck shirt and dark jeans kung saan siya nakapamulsa at Gucci plain white sneakers sa mga paa. Basa-basa pa ang buhok niya kaya malamang na pagkaligo ay dito na agad siya dumiretso.
Sa likuran ay kasunod niya si Ryder na Gucci white shirt ang suot pang-itaas, plain black sweatpants sa baba at plain black Hermes male slippers sa kanyang mga paa. Salubong ang makakapal na mga kilay niya habang palipat-lipat ng paningin sa amin ni PL. "Did we miss something? Fill us in, please."
"Tinatanong niya iyong tungkol sa pagkacoma niya," PL supplied.
"Actually, we just found you in the hospital a week before you woke up," Damon said after he sat on the couch.
Napaatras ako. "I don't get it. You were the one who told me that I was in coma for eight months." Lalo akong naguluhan. "And then you're telling me now na wala kayo sa tabi ko nang eight months na coma ako?"
"One week kaming nasa tabi mo bago ka nagising from coma," sabi ni Ryder. "Pero ang sabi ng mga doctors, almost eight months ka na raw naka-confine at comatose."
"They gave us medical records and reports as proof that you were confined for eight months in their hospital," Damon added.
"I still don't understand, Rogue." Tinapik ako ni PL sa balikat. "Why are you suddenly asking all about this stuff to us? It's been years since it happened."
Pinalis ko ang kamay niya na naiwang nakapatong sa balikat ko. "Because something's not right. How come that the hospital did not make a call to my parents the day I was confined?"
Nagkatinginan muli ang tatlo. Nasa mga mata nila na may point ako.
"And from the moment I woke up, bakit nyo sinabi sa'kin na coma ako ng eight months?"
"It's because that's what we were told..." Kusa ring natigilan si Ryder. "But you're right. Bakit bumilang pa ang thirty one weeks bago namin nalaman na coma ka na pala?!"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Gago ngayon mo lang naisip?!"
"Brokenhearted siya nung time na iyon," bulong na lang ni PL sa hangin. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Ryder.
"And how about you?!"
Napangiwi naman si PL. "Nawawala ate ko, di ba? Kagulo kami sa bahay nun."
May reason siya, nawawala nga si Macey, her sister. It's natural for PL na maging absent-minded dahil maraming iniisip ang pamilya nila during that time.
At ang pamilya ko naman ay nasanay na rin na palagi akong umaalis nang di nagpapaalam kaya paanong may maghahanap sa akin? I was old enough; I'd been living alone for a long time, enjoying my bachelor life and travelling in and out of the country. I was also an explorer, so when the band didn't have a gig, I used to travel to strange places alone for relaxation. But, still. Wala man lang bang naka-miss sa akin during the eight months na nawala ako?
Si Damon naman ang hinarap ko. "And you?! What's your excuse?!"
"So it means hindi ka talaga naaksidente sa yacht mo?" sa halip ay seryosong tanong niya.
Nagtagis ang mga ngipin ko. May mga bagay at hinala na agad namuo sa akin at tila nabasa ng mga kaibigan ko nasa isip ko.
"You mean, we were all played." Naningkit ang mga mata ni PL. "All those documents and medical proofs were all forged."
Dinig ko ang paglagutukan ng kamao ni Ryder sa tabi ko. "Sino at saan kumuha ng tapang ang gumawa nito?"
A long silence filled the room.
"Saan niyo nalaman na naospital ako?" mayamaya ay basag ko sa katahimikan.
Damon's eyes darkened in anger. "Someone called us."
"He said the news that you're in the hospital," sunod ni Ryder habang nagtatagis ang mga ngipin. "He also said it should be discreet."
"He told us that you were in a coma." Napaangat ang mukha ni PL. "And he also told us that it would hit our market hard, so he talked to Rix that no one should know."
Muli ang katahimikan. Kahit walang mga salita ay ramdam ng bawat isa ang iisang hinala. Nakakapanghina.
"Sino siya?" halos wala ng lakas ang boses ko nang magtanong.
Seryosong nagkatinginan muna ang tatlo bago sila sumagot sa akin. "Lion Foresteir," magkakapanabay nilang sabi.
Kumuyom ang aking kamao. "Motherfucker..."
....
ADI's
Nasaan na kaya si Granny J at Lola Imang?
Pagtungtong pa lang namin dito sa Isla Deogracia ay para na silang nakawala sa kural. Imbes na sa magandang tanawin at karagatan sila humanga, doon sila sa mga turistang lalaki hangang-hanga.
Ngayon ay hindi ko na sila matagpuan dahil may sinundan silang mga kalalakihan. Kailangan ko pa naman ipakita sa kanila ang hotel room na kanilang tutuluyan. Kailangan ko rin silang i-orient tungkol sa script nila na kailangan nilang kabisaduhin mamaya. Sumasakit tuloy ang ulo ko kakaisip. Bawal pa naman ako ma-stress ngayon.
Kandahaba ang leeg ko sa pagbabakasakaling matanaw ko ang dalawang matanda nang makita kong paparating si Rogue. Nanlambot agad ang mga buto ko sa katawan dahil sa kaba.
Nakasuot siya ng itim na v-neck shirt at ripped jeans. May gold necklace siya sa kanyang leeg at gold watch naman sa kaliwang pulso. Naka-shades siya kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o ano. At nakakapagtakang hindi yata siya nakasuot ng face mask at gloves sa kanyang mga kamay.
"I-idol, musta?" bati ko sa kanya nang malapit na siya sa akin. Nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko subalit sinikap kong maging kalmado.
"Are you feeling better now?" kaswal niyang tanong.
Tumango ako. "Oo. S-salamat sa pagdala mo sa akin sa hospital at—"
"Don't mention it." Pagkasabi niya ay nilampasan na niya ako nang ganun-ganun na lang.
Litong napakurap ako. Parang may kung anong tumarak sa dibdib ko nang lingunin siya na papalayo sa akin.
Bakit ganoon? Napahawak ako sa aking dibdib habang napapaisip. Galit ba siya? Kailangan ko siyang makausap at alamin kung alam na niya ang tungkol sa aking mga mata.
Nanakbo ako at hinabol siya. Naabutan ko siya na papasok sa lobby ng hotel. "Idol, sandali!" Hinihingal ako nang makalapit sa kanya.
Nilingon niya ako matapos niyang mamulsa. Humarap lang siya sa akin pero hindi siya kumibo.
"P-pwede ka bang makausap?"
"Sure." Naglakad siya at hindi na ako nilingon. Lumabas siya sa lobby kaya sinundan ko siya.
Dahil mahaba ang kanyang biyas ay halos lakad-takbo akong nakasunod sa kanya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Basta ang alam ko lang ay kailangan ko siyang sundan.
Nahinto lang kami nang makarating kami sa mini park sa likod ng main hotel. Walang tao doon kundi kami lang dalawa. Mayroong arch ng bulaklak sa gitna ng fountain kaya nilapitan niya ito at tiningala.
"Are you wearing lense right now?" tanong niya nang hindi ako nililingon.
Napayuko ako. "S-sorry..."
"For what?" malamig niyang tanong.
Bahagya akong lumapit sa kanya. "D-dahil hindi ko sinabi sa'yo na kulay abo ang mga mata ko..."
"It's all right. Not a big deal."
Nakagat ko ang ibaba aking ibabang labi.
"Anything you want to say?" mayamaya ay tanong niya.
Hindi ako kumibo. Marami pa sana akong gustong itanong pero bigla na lang akong nanliit dahil sa ipinapakita niyang kawalan ng gana.
"I have to go." Umikot siya paharap sa akin at naglakad upang lampasan ako.
Nang ilang hakbang na ang layo niya sa akin, bigla ko siyang nilingon. "S-sino si Jane?"
Napahinto siya sa paglalakad.
Hindi ko rin alam kung bakit naitanong ko ito sa kanya.
Bahagya akong lumapit muli sa kanya. "S-sino si Jane, Idol? Noong una tayong magkita, tinawag mo akong Jane." Napatikhim ako. "S-sino siya?"
Napabuntong-hininga siya. "She's... my Abari in your story."
Namilog ang mga mata ko. Si Abari kasi ang bidang babae sa ginawang kong story na The God Has Fallen. At ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang in your story? Alam na ba niya na ako ang may akda ng libro?
Napalunok ako sa sinabi niya. "I-idol, magpapaliwanag ako–"
"You don't have to. Hazel is a good friend, but also a bad enemy. Hindi siya mahirap paaminin."
Pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung paano ko ito lulusutan.
"Jane was just a dream," aniya matapos mapatingala sa kalangitan.
Tila may bara sa lalamunan ko sa mga oras na ito. Hindi ako makahinga.
"Sa panaginip lang siya nage-exist, Adi. And maybe it's just coincident that you wrote a story nakaparehas ng napanaginipan ko." Mahina siyang napahalakhak. "I'm happy I met you. Nabigyan ng kasagutan ang mga tanong ko."
May namuo ng mga luha sa aking mga mata. Iyong puso ko ngayon ay parang dinudurog sa maraming piraso.
"Don't get jealous, but you have to know..." Natigilan siya. "That Jane was the love of my life."
Naglandas ang aking mga luha sa kanyang sinabi. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakikita na umiiyak na ako sa kanyang likuran.
"Kaya wag mo na pala akong ligawan. Gusto lang naman kita kasi kamukha mo siya." Lalo siyang tumalikod sa akin.
"Rogue..." sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit ko ang pangalan niya.
Kung ganoon ay hindi niya nakalimutan si Jane... kahit nakabalik na siya sa city. Hindi niya nakalimutan ang mga nangyari...
Pinunasan ko ang aking mga luha. "M-mahal mo pa rin ba siya hanggang ngayon?" Minahal mo ba siya talaga?
Napabuga siya ng hangin at bakas ang panginginig ng kanyang paghinga. "S-sobra..."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top