Episode 49

Episode 49


ADI's


Abala ang mga mata ko sa pagbista sa paligid. Grabe ang mga naaaninagan ko. Nandito palang ako sa rooftop ay parang nakikita ko na kung gaano kamoderno at karangya ang kabuuhan ng bahay na kinaroroonan ko. Bahay na sa laki ay papasa na siguro bilang isang munting palasyo.


Napukaw ang pagmamasid ko nang tumunog at bumukas ang katapat kong elevator. Bumungad sa akin ang apat na unipormardong lalaki na may suot na gloves, face mask at goggles. Nang makalapit sila sa akin ay winisikan agad nila ako ng alcohol.


Teka? Bahay nga ba ito o ospital?


"This way, Ma'am," sabi ng isa sa kanila at iginaya ako patungo sa loob ng elevator.


Wala sa sariling tumango na lamang ako pero pasimple ko ng inilabas sa sukbit kong shoulder bag ang dark shades ko at agad na isinuot ito.


Gumegewang akong naglakad habang inaalalayan ako ng mga tauhang unipormado. Pinindot nila ang buton sa pangalawang palapag ng bahay. Agad akong nasilaw sa malaki at maliwanag na chandelier na sumalubong sa amin pagbukas ng elevator. Nagpatiuna na ang dalawa sa mga unipormadong lalaki para gabayan ako sa dapat puntahan.


Makintab at makinis ang buong paligid ng bahay. At tama nga ako na napakalaki nito. May red carpet pa ang nilalakaran ko. Para nga talaga akong nasa isang palasyo. Nang lingunin ko ang dinaanan kong carpet ay nagulat ako nang makitang nakarolyo na ito. Nirorolyo pala ito ng mga unipormadong katulong na kasunod namin. Ang bawat dinadaanan ko pala ay kanilang inililigpit din. Hindi na ako magtataka kung diretso laba ang gagawin nila o kaya ay baka itapon na lang nila since marumi na iyon dahil natapakan ko na.


Mayamaya lang ay natanaw ko na ang may ari ng malapalasyong bahay na ito—si Rogue Saavedra. Nakapamulsa siya habang nakasimangot na nakatanaw sa akin.


Nakasuot siya ng maroon V-neck longsleeves. Fitted ito sa katawan niya at mukhang manipis lang ang tela kaya hubog ang maganda niyang katawan. White pajama ang suot niya sa pang-ibaba na jogger cut at brown feather slippers sa kanyang paa. Meron siyang gold necklace na nakasabit sa kanyang leeg at nakahimlay sa kanyang dibdib.


Nakasuot siya ng gloves sa kamay pero wala siyang face mask. Magulo at basa ang kanyang buhok. Kahit mapungay ang kanyang mga mata ay matatanaw pa rin ang pagkaluntian ng mga ito.


Napangiwi ako nang makalapit na ako sa kanya. "S-sorry, Idol."


"Why are you wearing shades?" sita niya sa suot kong black shades. Hindi siya lumalapit sa akin.


"N-nasisilaw ako sa liwanag," pagsisinungaling ko.


Ang totoo kasi ay nasa shoulder bag ko ang aking lense. Bago ako uminom kagabi ay tinanggal ko iyon dahil alam kong malalasing ako. Baka kasi makatulog na naman akong suot ang contact lens ko.


Pero nasobrahan yata ako kagabi at naubos ko ang isang bote ng wine na inarbor ko kay Hermes. Ang huling naaalala ko lang ay lumabas ako ng hotel room ka para bumili pa ng alak kahit lasing na lasing na ako. Dala ng matinding kalasingan ay lumabas ako bitbit ang aking bag. Nagsuot ako ng shades dahil inakala kong may mataas na sikat ng araw. Hilung-hilo ako kagabi kaya hindi ko naisip na gabi na pala.


Huling natatandaan ko ay nagpilit pa akong umakyat sa rooftop ng hotel para makasagap ng hangin. Sandali lang ako sa rooftop ay inantok na ako at sa sobrang antok ko, bigla na lang akong pumasok sa nakabukas na sasakyan na nandoon. Ang nasa isip ko nang mga oras na iyon ay service ng team ang sinakyan ko kaya panatag ako. Hindi ko talaga lubos akalain na nasa helipad pala ako at sa chopper pala ni Rogue ako mismong nakatulog. Grabeng kapalaran!—Este, katangahan!


Kaya nang magising ako, dito ako bumagsak sa bahay ng lalaking nagmamay-ari ng makakapal at magkasalubong na kilay na ngayo'y nasa harapan ko.


"Are you stil drunk?" Malamig ang tono na tanong niya.


Tumango ako at naupo sa sahig. "N-nahihilo pa rin ako." Bahagya akong yumuko at pasimpleng inayos sa aking mukha ang suot kong shades. Hindi niya dapat makita ang mga mata ko.


"Did you know the cost of you being here?" Lalo siyang sumimangot. "My house is now contaminated."


"Sorry, Idol." Para akong maamong tupa na nakayuko habang nakasalampak sa makinis na sahig ng bahay niya.


"I have to sterilize this whole place after you leave."


"Pa-CR muna, idol." Marahan akong tumayo. "Wag kang mag-alala, aalis agad ako."


"On your left," pagkasabi niya ay tinalikuran na niya ako.


"Salamat!" Agad akong naglakad para hanapain ang CR. Bawat kanto na madaanan ko ay may alcohol.


Lumiko ako sa kaliwa at tinalunton ang daan hanggang sa makita ko ang isang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay awtomatikong lumibot ang paningin ko sa paligid para magmasid. Napakalinis tingnan kahit saan. Nakadagdag pa sa kalinisan ang puting-putting dingding, tiles, at kisame. At sa laki, dinaig pa nito ang mga CR sa mall.


Pumasok agad ako sa loob at humarap sa napakalaking salamin na. Binaklas ko agad sa aking mukha ang shades at isinuksok sa akin bag. Mabilis kong hinugot ang aking lense at inilagay sa aking mga mata matapos ko itong patakan ng solution.


Hinilot ko ang aking batok at pinilit idilat ang aking mga mata. Ilang sandali pa ay nabatukan ko ang aking sarili habang nakaharap sa salamin. Paano na ako ngayon? Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ng Pilipinas nakatirik itong mansiyon ni Rogue Saavedra kaya paano ako makakaalis dito? Paano ako babalik sa Isla Deogracia?


"Ang tanga mo talaga!" singhal ko sa aking sariling repleksyon sa salamin. Humugot muna ako nang malalim na paghinga bago ako tuluyang lumabas. Magpapaalam lang ako kay Rogue at aalis na ako agad.


Bago pa man ako makarating kung saan iniwan ko si Rogue ay may mga nakasalubong na akong apat na unipormadong babae na nakasuot ng face mask at gloves. "Ma'am, tapos na po kayo gumamit ng bathroom?"


Napatingin ako sa hawak nilang timba, eskoba, mop at detergent soap. "O-oo, tapos na."


Tinanguan lang nila ako at pumasok na sila sa bathroom na pinaggalingan ko. Nagmamadali sila na para bang sa lalong madaling panahon ay may kailangan silang sugpuing matinding mikrobyo sa loob.


Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Nang may madaanan akong alcohol sa isang sulok, nag-alcohol ako. Natanaw ko na si Rogue sa malayo na may nakasabit na towel sa balikat. Napalitan ng blue loose shirt ang suot niya. Basa ang kanyang buhok na halatang kaliligo lang ulit. Tulad kanina, wala siyang suot na face mask. At masasabi kong mas gusto ko siya nang ganito...


Hay... Ang guwapo talaga ng gagong 'to.


"Are you done?" tanong niya sa akin na ang layo ay tila limang metro.


Tumango ako. "Aalis na ako."


Sumimangot siya. "Sino naman may sabing aalis ka?"


"H-ha?"


Namulsa siya. "You're drunk. Sa tingin mo ba hahayaan kitang sumuka kung saan-saan dyan?"


"A-ano?" Nangunot ang noo ko. Akala ko ba gusto niya na umalis na ak—


"You're not allowed to go anywhere hangga't hindi nawawala 'yang kalasingan mo. Meaning, you're under quarantine."


"P-pero, Idol–"


"Dito ka na magpalipas ng gabi." Pagkasabi niya nun ay tinalikuran na niya ako.


"S-sandali, Idol–"


Lalapit sana ako sa kanya nang humarap siya sa akin. "My house rule number one, messy girl: social distancing is a must."


Napapreno ang paa ko.


"Number two: always wash your hands with soap at laging mag-alcohol."


Napatango na lang ako.


"And rule number three." Napatikhim siya. "Bawal maakit sa akin."


Napalabi ako.


"Stay where you are. Ipapahanda ko lang ang mga lalakaran mo at tutulugan mo." Humugot siya ng cell phone sa kanyang bulsa at may kinausap doon.


"Yabang," usal ko habang tinititigan siya nang masama matapos niya akong talikuran.


Biglang tumunog ang aking cellphone. Nang makita ko ang pangalan ni Kuya Lion, sinagot ko agad ito. "H-hello, Kuya?"


[ Listen to me carefully... ] at may mga sinabi siyang naging dahilan para hindi ako mapakali.


...


ROGUE's


"Dad, dooo I really need choo sleep again?" Nanulis ang maliit at mamula-mulang nguso ni Clio. "I wannna play now..."


I sat on her bed. "Go back to sleep, baby. It's too early and Dad needs to do something."


"But I wanna go outchide." She smiled at me. Lumitaw ang maliliit niyang mga ngipin.


I pinched her cheeks carefully. "You should not go outside this room."


Bumangon siya sa pagkakahiga at pumaling ang kanyang ulo. "Why I chud not?"


"Well..." Napakamot ako ng batok. "T-there's a virus outside." Si Adi ang tinutukoy ko.


"Oh, nooo!" Namilog ang mga mata niya na para bang tinatakot niya ako.


"Shhh!" I hushed her. "Be quiet. That virus will find me if she hears us."


"She?" Kumiling muli ang kanyang maliit na mukha. "The virush is a gurl?"


Napakamot na naman ako. "Yeah."


She shook her head. "You're doomed!" pananakot na naman niya.


"I know." Napayuko ako. "So you should go back to sleep now so I can hide. If she finds me, wala ka ng daddy."


Nag-krus ang maiiksing braso ni Clio habang iiling-iling na nakatingin sa akin. "You're a dead meat, Daddy."


Ngumiti ako sa kanya. "I know."


"What can I dooo? I have cho save you!" bulong niya.


"You just have to go back to sleep for now. If you do that, the virus will never find me"


Humiga siya sa kama at hinila ang kanyang kumot. Pumikit siya pero gumagalaw pa rin ang mahahaba niyang pilikmata.


"Are you asleep now?"


Hindi siya kumibo, pero halata namang gising pa rin ang diwa niya dahil gumagalaw pa rin ang kanyang pilikmata.


Hinimas ko ang kanyang ulo. "Please sleep now, baby. Virus can find me if you're still awake."


"Quiet, pleach!" aniya habang nakapikit.


"Sorry," sabi ko sa mahinang tinig.


Sinuklay-suklay ko ng aking mga daliri ang kanyang bangs sa noo hanggang sa lumalim na ang kanyang paghinga. Mayamaya lamang ay naghihilik na siya.


"You save me, baby." Lumamlam ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang tulog.


Tumayo ako mula sa kama at namulsa. Lalabas na sana ako ng pinto nang mapahinto ako bigla.


"I-idol..."


Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Adi na nakatayo sa aking likuran. "H-how did you get in here?" I was so surprised that I didn't know what to do. Napapalit-palit ng baling ang aking paningin kay Clio at sa kanya.


"B-bukas 'yung pinto, Idol." Sabay turo niya sa pinto.


Nang mapatingin si Adi sa kama na kinaroroonan ni Clio ay biglang namungay ang kanyang mga mata. My mouth fell open when I saw her reaction.


"A-are you seeing her?" I asked, catching my breath.


Ang malamlam niyang mga mata ay biglang nag-iwas ng tingin. "Uhm... K-kwarto mo ba 'to Idol? Parang ang lungkot dito." Tumingala siya sa kisame at matagal na tumitig doon.


Bumagsak ang mga balikat ko. "So you're not seeing her."


Tumingin siya sa akin. "Sino bang tinutukoy mo, Idol?"


"My daughter," mahinang sagot ko


She narrowed her eyes at me. "M-may anak ka?"


Hindi ako kumibo. Napayuko lang ako.


I was hurt by what she said. Sinampal ako ng katotohanang hindi talaga nag-e-exist si Clio. I knew it form the very start, pero matigas ang talaga ang ulo ko. I love my daughter so much kaya pinili kong paniwalaan na totoo siya kahit hindi talaga.


So totoo pala na sinasakyan lang ng mga tauhan ko at ng pamilya ko ang aking kabaliwan. I slapped my forehead with my palm. Baliw nga talaga ako. Nasasaktan ako dahil umasa ako na mame-meet ni Adi ang anak ko. Now I'm so broken. I feel like I'm dying.


"Rule number four: bawal kang pumasok sa kwarto na 'to," I said as I put my hands in my pocket.


"Ilan ba ang rules, Idol? Akala ko tatlo lang?" Kinamot niya ang kanyang ulo.


"Marami. Iniisip ko pa 'yung iba. So get the fuck out of here, if you don't fucking mind."


Lumabi lang siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang aking ulo.


"Good mornight, Idol." Tinalikuran na niya ako.


"And messy girl..." habol ko.


Nilingon niya ako. "Ha?"


"Before you go to bed, pakibalot ng trash bag ang sarili mo, please."


"Seryoso ka, Idol?"


One of my dark brows winged high. "That's rule number five."


...


ADI's


Maloko talaga ang hinayupak na lalaking iyon. Paano ako makakatulog nang maayos nito kung nakabalot ako sa trash bag?! Kahit ang lakas ng aircon niya sa bahay na ito, para pa rin akong naka-sauna jacket dahil tatlong patong lang naman ang trash bag na ipinasuot niya sa akin! Ang init!


Sa sobrang init, gusto kong maligo. Kahit gumegewang ay sinikap kong marating ang banyo. Pagkapasok ko ay nadulas ako. Mabuti na lang at naitukod ko ang kamay ko sa sahig kaya nakabalanse ako. Natawa ako sa aking sarili kaya napahalakhak ako. Pagkuwan ay sinampal-sampal ko ang aking sarili. "Boba talaga ako kahit kailan!"


Tinungo ko ang shower at binuksan ito. Humarap ako sa salamin habang dumadaloy ang tubig sa aking katawan. Sinampal ko ulit ang aking pisngi saka ako ngumiti pagkatapos ay sumandal ako sa pader dahil bigla na lamang akong nakaramdam ng panghihina. Mayamaya pa ay napaupo na ako sa sahig. Para akong sira na tatawa at mapapahikbi.


Ilang sandali pa ay mistulan ng gripo ang mga mata ko dahil sa umaagos kong luha. Sinikap kong patigilin iyon pero bigo ako. Kahit anong pigil ko, wala talaga. Hanggang sa ang mahihina kong hikbi ay naging hagulhol na. Hagulhol na napakasakit sa puso. Kinakapos ako ng paghinga kaya napahawak na ako sa aking dibdib.


Ang sakit. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bakit? Dahil hindi ako maaring magkamali. Ang batang iyon na nakita ko sa kama kanina ay si Clio.


Ang batang iyon ay walang iba kundi ang anak ko!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top