Episode 43
Episode 43
ROGUE's
"LION FORESTEIR IS HERE?"
Again?
"Yes, Sir!" One of my house guards nodded.I gave him my car keys. Nilampasan ko ang aking tauhan at dumiretso na sa loob ng two storey house na pag-aari ko.
I would have spent the night in my condo, if only I wasn't worried about Clio. I've been busy with the tapings and I miss my lovely daughter. Bukas na ng umaga ang flight ko to Isla Deogracia kaya matagal na ulit bago ko makita ang anak ko. Gusto kong makita muna siya ngayon para makapagpaalam na rin na mawawala ako ng ilang weeks. At syempre, umuwi rin ako ngayon dahil kabado ako ng malamang nandito na naman si Lion.
I glanced at my Chopard wristwatch. It's already eleven in the evening. Hindi ko alam kung anong trip ni Lion sa buhay at bakit napapadalas ang punta niya sa place ko. At wala talaga siyang pinipiling oras. Mag-aapat na taon na siyang ganito.
Lingid sa kaalaman nila Damon, Ryder at Phoenix ay madalas na pumupunta dito sa bahay ko si Lion Foresteir. Minsan nga kahit wala ako, pumupunta pa rin siya. Bigla siyang dadating at bigla ring aalis. Parang may kung ano lang siyang gustong makita rito at kapag nakita niya na ay okay na siya. Seriously ang weird niya.
Sa lahat member ng BOS, siya ang pinakatahimik. Tahimik na as in hindi talaga nagsasalita. Minsan nga napagkakamalan ko na siyang walang dila.
Kampante ako sa kanya kahit Foresteir pa siya, pero nakakairita na ang basta-basta niyang pagsulpot sa place ko. Nagsimula siyang dumaan-daan three years ago, ilang buwan matapos kong magising at maka-recover from coma.
Was he crazy like his older brother?
I shook my head at the thought. No, he's different from Panther.
"So what are you doing here at this hour?" tanong ko pagkapasok ng malaking sala.
Nakatayo si Lion sa tapat ng glass wall na katapat ng pinto ng study room. Magulo ang buhok niya na parang kakabangon lang sa higaan o kakatapos lang magshower, 'tapos dito na dumiretso agad. He's wearing a black V-neck shirt at nakapamulsa siya sa suot na faded fitted jeans. Sa paahan ay brown combat shoes na tingin ko mas bagay sa akin kung ako ang may suot.
"Visiting you," walang buhay niyang tugon habang ang kulay abong mga mata ay pasimpleng gumagala sa paligid.
"Visiting me?" Umismid ako. "Sa gantong oras? Alam mo bang naligo na ako at ready nang matulog tapos bigla kang dadating? E di nasagap ko na ang germs na dala mo galing sa labas! Kailangan ko na naman tuloy maligo—"
Nakarinig ako ng ingay mula sa second floor ng bahay. Mataas ang ceiling ng at malawak ang balcony ng second floor kaya kitang-kita mula sa kinatatayuan namin ang itaas. Napansin kong doon din nakatingin si Lion.
"Seriously, naligo na ako sa condo ko bago umuwi dito. Patulog na ako and you shouldn't be here at this hour."
Nagkibit-balikat siya. Mukhang nasanay na siyang palagi kong sinisita.
Iiwan ko na sana siya ng mapatingin ulit ako sa balcony ng second floor. Natigilan ako nang makitang nanakbo at sumilip sa balcony ang isang batang babae na naka-bestida ng kulay pink—si Clio!
Nanakbo ito papasok sa nakabukas na pinto ng kuwarto ko na nasa gawing harap lang ng hagdan kaya kitang-kita mula rito sa ibaba. Agad akong napalingon kay Lion and I saw him looking at my daughter's direction too.
"Did you see her?!" tanong ko sa kanya habang kumakabog nang matindi ang aking dibdib.
Isa ito sa dahilan kaya ayoko na pumupunta siya rito. Ayoko rin na may ibang pupunta rito maliban sa mga mapagkakatiwalaan kong mga tauhan.
Tumingin sa akin ang walang emosyon niyang mga mata. "No. I didn't see anything, Rogue."
Napalunok ako. "A-are you sure?"
"Yes."
Matagal akong napatitig sa mga mata ni Lion na tila biglang lumamlam.
"I think I better leave." Bigla na siyang tumalikod.
"Huh? Agad-agad? Akala ko ba dinadalaw mo ako?!" Bigla ay gusto ko naman siyang pigilan para i-make sure na talagang hindi niya nakita si Clio.
Pero nasa pinto na siya agad. "Dadalawin na lang kita ulit. Good bye, Rogue."
Seriously? Ganito talaga siya parati. Anong problema niya?
At talaga bang hindi niya nakita sa balcony ang anak ko kanina?
...
ADI's
"SO YOU EVEN CHANGED YOUR NAME, HUH?"
Muli akong bumalik sa ospital matapos ang mahigit na dalawang linggo. Medyo hirap pa kasing makapagsalita si Cassandra noong unang araw siyang magising, pero ngayon ay okay na siya. Hindi pa nga lang talaga siyang nakakakilos nang maayos.
Nasa hospital bed si Cassandra habang nakaupo ako sa stool na malapit lang sa kanya. Nakasuot pa rin siya ng light blue hospital gown at nakaladlad ang mahaba niyang buhok. Magandang-maganda pa rin siya, iyon nga lang ay namayat talaga siya nang husto. Pero sisiguraduhin kong makakabawi siya. Igagapang ko ang mga therapies niya para mabilis siyang maka-recover. Saka malakas na babae si Cassandra kaya sure akong makakabawi siya agad.
Ngumiwi ang maputla niya pang mga labi. "Adelyn Tumubol?"
Napakamot ako sa ulo dahil sa nakikitang inis sa mga mata niya.
"Sa dami ng pangalan, why that?!"
"Hindi naman ako ang nakaisip nun."
Umikot ang bilog ng kanyang mga mata. Mukhang alam niya agad na sila Granny J at Lola Imang ang nagbigay sa akin ng pangalan na iyon. "Damn, those grannies!"
Lumabi ako.
"So what happened to the color of your eyes?"
"Contact lens lang 'to."
Tumaas ang isang kilay niya. "And you wear that on purpose?"
"Malabo na kasi ang mga mata ko."
Umismid siya. "I don't think so. You're doing this because you're hiding from him."
Hindi ako kumibo.
Napabuntong-hininga siya at para namroblema. Dahil naikwento ko na sa kanya ang lahat, alam na rin niya nagkita na kami ni Rogue.
Mahigit dalawang linggo na ang lumipas pagkatapos niyang magising mula sa coma. At isa pang dahilan kung bakit ngayon ko lang siya ulit dinalaw ay dahil nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para masabi sa kanya ang lahat-lahat ng nangyari noon. Ikwinento ko sa kanya ang lahat-lahat ng nangyari sa loob ng mahigit apat na taon.
"So, Rogue didn't recognize you?"
Napalunok ako sa kanyang tanong.
"Apat na taon na mahigit ang lumipas, iba na rin ang kulay ng mga mata mo, iba na rin ang paraan ng pananalita at kilos mo, may pinag-aralan ka na, posibleng mag-alangan nga siyang isipin na ikaw si Jane. Pero kahit pa, maarte lang iyong lalaking iyon, but he's not stupid. You can not fool Rogue Saavedra."
Napayuko ako. "S-sa tingin ko naman na-recognized niya ko." Naaalala ko kung paano nagbago ang emosyon ng berdeng mga mata ni Rogue nang una kaming magkita sa restaurant after more than four years.
"And what happened then?"
"Wala. Nung sinabi kong ako si Adi, naniwala siya agad."
Napaisip siya. "How about his reactions when he met the two grannies? Nagkita na rin sila, right? Hindi ba naghinala si Rogue? Hindi ba niya nakilala ang dalawa?"
Umiling ako. "Wala namang nangyaring kakaiba."
Bumagsak ang balikat ni Cassandra. "Did he really forget about us? Or baka naman nagka-amnesia siya? We should consider that, ako nga na-coma, di ba?"
Mapait akong ngumiti sa kanya. "Itinanggi namin. At naniwala siya agad."
May hinugot siyang isang pack ng sigarilyo sa ilalim ng unan niya. Kumuha siya ng isang stick dito at inilagay ito sa kanyang bibig. Sinidihan niya ito gamit ang lighter.
Hindi ba't bawal manigarilyo sa loob ng hospital?
"Don't worry, pina-off ko ang smoke detector dito. Inaway ko iyong nurse kanina." Humithit siya at saka nagbuga ng usok.
Napangiwi ako.
Humithit ulit siya at bumuga ng usok pagkatapos niyang humarap sa bintana. "But paano kapag nalaman niya ang totoo? You are in so much trouble, my dear BFF. We are not in the island anymore, and you know that Rogue Saavedra is a dangerous man in this place, but still you chose to fool him. How brave, Jane."
Paano ba talaga naging mapanganib ang lalaking yun e takot nga sa germs?
"I really thought I was gonna die, Jane. Thanks to you, I'm alive." Napahugot siya nang malalim na paghinga. "But after I heard what you said to me, I think I'm gonna die this time."
Napanguso ako.
Napangisi siya. Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking balikat. "But if I'm going to die for your sake... I will accept my fate."
"Ha?"
Sinimangutan niya ako. "You're the Pukangkang of Isla Potanes after all, what can I do about it? I must protect you." Mahina siyang napahalakhak. "Kahit ibitin akong patiwarik ni Rogue, hinding-hindi kita ilalaglag."
Napangiti ako sa biro niya. Nagbalik tuloy sa alaala ko nang iligtas niya ang buhay ko noon sa bagyo.
Nasira ang bangkang sinasakyan namin habang naglalayag kami sa gitna ng karagatan matapos naming lusungin ang malakas na bagyo. Malinaw pa sa isip ko nang yakapin niya ako habang nilalamon kami ng malakas na alon. Pinulikat kasi ang mga binti ko kaya hindi ako makalangoy nang maayos. Ipinasan niya ako habang patuloy siya sa pagsalubong sa galit na mga alon ng dagat. At nang akmang tatama kami sa mabatong pampang, siya ang tumama doon imbes na ako. Nang magkamalay kami kinabukasan ay natagpuan ko na siya sa tabi ko na duguan ang ulo at walang malay. Iniligtas niya ang buhay ko.
Akala ko katapusan na namin noon, pero may tumulong sa aming mga mangingisda. Nandoon na rin sa pampang sila Granny J at Lola Imang noon kaya sabay-sabay kaming nadala sa ospital. At doon na rin idineklara ng doktor na comatose na si Cassandra.
"Kumusta ang therapy mo?" pag-iiba ko ng usapan. Nagsimula na ang therapy niya last week.
"I'm doing well, Jane. And please, don't change the subject." Humithit ulit sa kanyang sigarilyo. "You know, I just don't get why Rogue still can't figure it out."
Hindi ako nakakibo.
"What if pala magpa-imbestiga siya? He can do it. Mabubuko ka once—"
"Hindi."
Napatitig sa akin si Cassandra.
"May tutulong sa akin 'pag nangyari man 'yan." Sumeryoso ako. "May haharang sa kanya, may magtatakip sa mga bagay na gusto niyang alamin. May gagawa ng paraan para iligaw siya. Kahit ang mga birth certificates natin ay lalabas na totoo at hindi pineke. Kaya kahit saan pa magpunta si Rogue, kahit anong pagpapa-legal check pa ang gawin niya, wala siyang makikitang butas para maghinala siya na ako at si Jane ay iisa."
"Mas may connection pa ang taong tinutukoy mo kaysa sa isang Rogue Saavedra?" Ang mga mata ni Cassandra ay hindi makapaniwala. "You mean, he's more powerful than Rogue?" Natawa siya. "I doubt it! Sino ba kasi itong taong ito na tumutulong sa 'yo?! He seemed powerful too. I'm curious as fuck!"
"Sorry pero para sa ikabubuti, hindi ko pwedeng sabihin kung sino siya."
"Yeah, fine." Nagbuga siya ng usok. "Well, I must praise him for being fearless whoever he is. Kinakalaban niya si Rogue, he's such a brave man."
Ngumiti lang ako.
"And that photo!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Ipinakita ko rin kasi sa kanya yung photo na may dalawang batang babaeng magkasama. Hindi kami ang dalawang bata kundi staged kids lang. "How did you come up with the story that we're childhood friends?" Napahalakhak siya nang malakas. "At nakalusot ito kay Rogue? Amazing!"
Pinabayaan ko siyang pakatitigan ang pictures ng dalawang bata na kunwari ay kami iyon noon. Pailing-iling si Cassandra. Nang magsawa ay hinarap niya ulit ako.
"Nagawa niyo akong itago kay Rogue dahil sa taong tumutulong sa inyo. It means, matindi talaga ang mga koneksyon ng taong iyan, Jane." Pinakatitigan niya ako nang maigi.
Tumango ako.
"Rogue is Rogue. He's the leader of the elite Black Omega Society Fraternity. His brotherhood; the richest men in asia from corporate world, politics, showbusiness..." Naguguluhang napailing si Cassandra. "Kapag nagsama-sama ang mga iyon, isang napakalaking koneksyon na. Idagdag mo pa ang angkan na kinabibilangan ni Rogue, The Montemayor-Saavedra clan. Kaya hindi lang basta kung sino si Rogue, Jane. Kakampi niya ang lahat. He's also a famous vocalist of a very famous international band. Even the batang musmos sa kalye ay malamang na sa kanya kakampi because he's an idol. Hawak niya ang lahat. He is a powerful man with a lot of money and connections."
Napabuntong-hininga ako sa aking kinauupuan.
"Jane, ang koneksyon palang niya sa alta-society and sa masa ay unquestionable na. What more ang iba pa niyang koneksyon? The Montenegro clan ay kakampi na rin ng mga Saavedra because of the Montemayor-Montenegro and Saavedra-Montenegro unions."
"Alam ko..."
"Right!" Bigla nanlaki ang mga mata niya. "And there's only one man who could be more powerful than Rogue."
Namayani ng panandalian ang katahimikan.
Mayamaya ay mahinang nagsalita ulit si Cassandra. "Iisang tao lang ang pwedeng makatumbas kay Rogue and that is..." Humithit siya at bumuga. Pagkuwan ay itinapon na niya ang naupos niyang sigarilyo sa trash bin matapos patayin ang baga nito. "Your older brother. My ex-husband."
Tahimik pa rin ako.
"Panther Foresteir, your older brother. Siya lang naman ang pinakamayaman dito sa Pilipinas, at sa buong asia. That psycho billionaire, siya lang ang naiisip kong kakalaban kay Rogue. Dahil siya lang naman ang tabingi mag-isip. So tell me, siya ba ang tumutulong sa 'yo?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"But I still don't get it. Paanong naniwala si Rogue sa lahat ng kasinungalingan mo? Kahit pa legal documents ang isampal mo sa mukha nun, hindi pa iyon maniniwala kung talagang sa puso at isip niya ay alam niyang ikaw si Jane. Kahit anong pagtatakip pa ang gawin mo sa katotohanan, hindi pa rin iyon titigil at susuko. If he wants something, he will going to get it, kahit pa dumaan siya impyerno because Rogue is like that. He's a stubborn son of a gun!"
Napayuko ako habang ang mga kamay ko ay unti-unting kumukuyom.
"Hindi siya dapat maniwala kahit pa facts 'yang nakatambak sa harapan niya. Hindi panaginip ang isla, at hindi siya tanga para paniwalaan niya talagang hindi nag-e-exist iyon. Dapat nababaliw na siya ngayon kakaisip sa totoo. Dapat nagwawala na siya ngayon sa frustration."
Lumamlam ang aking mga mata. "B-bakit pa?" pumiyok ako.
Natigilan si Cassandra at muling napatitig sa akin.
"Para saan pang ma-frustrate siya kung nag-e-exist man ako at ang isla o hindi? Wala siyang pakialam, Cassandra..." Hindi ko na napansing may namumuong luha na pala sa gilid ng mga mata ko. "D-dahil kahit kailan ay hindi siya nagtangkang hanapin ako."
"Jane..."
"A-ang sakit lang talaga... kasi hindi niya ako hinanap..." Tuluyan ng naglandas ang aking mga luha. "Hindi niya ako hinanap!"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top