Episode 42
Episode 42
ROGUE's
Really, Messy Girl?
I was staring at Adi while she was sleeping. Ang likot niya palang matulog. Daig niya pa ang relo sa pag-ikot. Limang minuto palang yata akong nakamasid sa kanya, pero hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang nasapok ang kanyang mga katabi.
Nandoon din iyong madantayan niya ng kanyang binti sa mukha si Granny J because of her vertical sleeping position. May time din na nasungalngal niya si Lola Imang. Nakakatuwa lang dito sa dalawang matanda, masarap pa rin ang pagkakatulog nila kahit bugbog-sarado na sila ni Adi.
Sa himbing pa ng pagkakatulog ni Adi ay hindi niya man lang namalayang nakasuksok na ang isang kamay niya sa loob ng kanyang suot na shorts. Hindi naman masagwa. Actually, ang cute nga. Ang kaso, nakakailang. May iba kasi akong naiisip.
I should stop looking at her.
Hindi ang pagmasdan si Adi ang real target ko kaya tiniyak kong manatiling gising tonight. Madaling araw na at sinigurado ko talagang ako na lang ang gising sa mga sandaling ito. I didn't want them to see me leave.
Yes, aalis na talaga ako. At ayokong gising sila kapag nangyari iyon. Gusto kong magpaalam sa kanila nang tulog sila. Simply because I didn't want to see their reactions.
Bahagya akong yumukod at pinagmasdan pa muna ulit si Adi—for the last time.
What she said last night was true. Hindi nga kami talaga bagay. I cannot stand Adi. She's messy, unorganized and careless. Magulo lagi ang kanyang buhok at ang baduy niya manamit. We can't be together because there's a lot of things that I don't like about her.
Well, sino ba may sabing may gusto ako sa kanya? Meron ba? Nagkamali lang ako sa naisip na nahuhulog na ako sa kanya.
But why it's so hard for me to leave her? To leave them? Yes, kasama ang two old ugly grannies sa ikinalulungkot kong iwan. In my four days of staying here, nasanay na agad akong makasama sila. Parang nakakapanibago na iyong hindi ko sila ulit makikita.
I sighed as I looked at Adi again. I don't think I'm gonna see her again after this. Because I'm planning to avoid this woman. I'm determined to forget everything about her. I'm gonna keep myself busy, so I won't have time to think about her.
Keeping myself busy is the only way to forget about Adi. I don't wanna confused myself anymore. Nasisilaw kasi ako sa fact na kamukhang-kamukha niya si Jane. Naiisip ko tuloy na baka mahal ko na siya dahil nga sa nakikita ko sa kanya ang babaeng hindi ko makalimutan.
Right. Napapikit ako. That's the only reason.
Isa pa pala sa dahilan ko kaya ako nag-stay dito ay dahil gusto kong mag-imbistiga. At first, I suspected Adi that she might be Jane when I met her two grannies. Akala ko talaga ay siya si Jane, pero hindi pala. I called my connections in PSA to verify if their documents are legit, and it turned out na totoo nga.
It's time to eliminate them from my life.
Tumunog ang aking cell phone at binasa ang message sa akin ng driver ko. He's now waiting for me outside the apartment. Lumabas na ako ng pinto at maingat sa isinara iyon. Sinilip ko muna si Adi bago ko tuluyang umalis.
Goodbye, Adi.
...
ADI's
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Umaga na pero hindi pa gaanong katirik ang araw. Ayoko pang umalis sa higaan, tinatamad ako, pero kailangan kong tumayo. Kailangan kong magpatuloy sa buhay kahit pa alam kong wala na akong dadatnang Rogue Saavedra sa sala.
Tumayo ako at dinampot ang aking contact lens para ilagay sa aking mga mata. Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko ang dalawang matanda na kumakain. Kapwa sila walang gana habang ngumunguya ng kanin.
"A-ano pong nangyari sa inyo? Bakit parang namatayan po kayo?"
Malungkot na tumingin sa akin si Granny J. "Wala na ang masarap na ulam."
Nakasuot si Granny J ng maluwag na red shirt kaya para siyang hanger ng damit. Naka-pajama siyang dilaw at naka-medyas ng red stripes. Nangangalumata siya at mukhang wala pang tulog sa sobrang lungkot. Nagising yata siya nang umalis si Rogue at hindi na ulit nakatulog.
Matamlay akong napangiti. Mukha talaga siyang puyat na unggoy.
"Gusto niyo po bang magluto ako ng ulam?" presinta ko.
"Kami. Gusto. Ulam. Aydol." Si Lola Imang ang sumagot. "Ayaw. Iba. Ulam." Nakabalot pa rin siya sa trash bag hanggang ngayon.
Napapailing na lang ako.
Hindi lang naman sila ang nakakaramdaman ng lungkot. Pati rin naman ako ay nalulungkot din. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Parang wala rin akong gana sa kahit anong bagay. Pero hindi dapat ganito e. Hindi ako dapat malungkot.
"Anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Granny J nang mapansin niyang papasok ulit ako sa aking kwarto.
"Inaantok pa po ako. Ayaw niyo namang lutuan ko kayo kaya matutulog na lang po ako ulit." Pagkapasok ko sa pinto ay isinara ko ito agad.
Nahiga ako sa aking kutson at niyakap ang aking unan. Kahit ang mamahalin niyang pabango ay naamoy ko pa rin dito sa higaan.
Napahilata ako at humarap sa kisame. Ipinatong ko ang aking braso sa aking noo habang lumilipad ang aking isip.
May mali ba sa akin? Bakit ako nasasaktan? Hindi ko maintindihan. Hindi naman ako dapat masaktan e. Hindi dapat.
Mayamaya ay tumunog ang aking cell phone. Nang makita ko ang pangalan ni Hazel sa screen nito ay hindi ko ito sinagot. Hinayaan ko lang itong tumunog nang tumunog.
Wala ako sa mood makipag-away ngayon. Ang gusto ko lang ay humiga maghapon dito sa aking kutson. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang magmukmok sa hindi ko naman malaman na dahilan. Basta ang nararamdaman ko lang ay nalulungkot ako at hindi ko alam kung bakit.
Biglang bumukas ang pinto at halos matalisod pa si Granny J sa paglapit sa akin. Makikita sa mukha niya ang kaba dahil humahangos siya. May hawak siyang cell phone.
"Ano pong nangyayari?"
"T-tumawag ang hospital, hija." Pawis na pawis ang eyebags niya.
"P-po?" Lumapit ako sa kanya. "A-ano pong sabi?"
"S-si Cassandra..."
"A-ano raw pong nangyari kay Cassandra?" may pag-aalala sa boses ko.
Napangiti si Granny J kaya nalaglag ang kanyang pustiso. "N-nagising na si Cassandra."
...
ADI's
Pagbaba ko ang taxi ay nanakbo agad ako papasok sa hospital. Iniwan ko na ang dalawang matanda dahil nailaglag pa nila ang kanilang pustiso pagbaba nila ng sasakyan. At baka matagalan pa sila sa paghahanap ng kanilang ngipin sa daan.
Sa frontdesk pa lang ay sinalubong na ako agad ng mga nurse na kakilala ko na dahil sa aking madalas na pagdalaw rito.
"Naghihintay na siya sa 'yo," nakangiting bungad nito sa akin.
"Papunta na ako. Thanks!"
"Inilipat siya ng room sa third floor. Room 45."
Tumango ako. Pagkuwan ay nanakbo na ako papunta sa elevator. Pagsakay ko dito ay pinindot ko agad ang buton pataas sa second floor. Parang binabayo ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako mapakali at gusto ko na lang lumipad para lang makarating agad sa kanya.
Pagkabukas ng elevator ay nanakbo ulit ako papunta sa room na pinaglipatan kay Cassandra. Kakatok na sana ako sa pinto nang matigilan ako.
Four years na pala. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya o paano ko siya kakausapin. Napahugot ako nang malalim na paghinga. Pagkuwan ay kumatok na ako.
"Come in." May nagsalitang matandang babae mula sa loob. Siguradong iyong doktor iyon.
Binuksan ko ang pinto at namasa agad ang aking mga mata nang masilayan ang babaeng hirap na inaalalayan ng doktor para makabalik sa hospital bed.
Payat siya at mukhang mahina pa rin pero mababakas na ang pagiging palaban. Nakasampay ang kanyang kaliwang braso sa doktor dahil inaalalayan siya nito.
"She's stubborn. Ikaw agad ang hinanap niya at gusto ka niyang puntahan," paliwanag ng doktor.
Bumaling ako kay Cassandra na nakatitig lang sa akin. Malamlam sa umpisa ang kanyang mga mata pero sa huli ang nagdilim din ang mga ito.
"C-Cassandra..." sambit ko na di pa rin makapaniwala na talaga ngang gising na siya.
"She needs therapy. She just woke up from coma for four years, so hindi pa siya agad makakalakad nang maayos."
"S-sige po, Dok. Gawin niyo po ang lahat para mapabilis ang pagaling niya."
"Honestly, this is a miracle." Ngumiti ang doktor. "I'm glad that you fought for her life. You never gave up fighting for your friend even though I already told you that there's only a small chance for her to wake up from her coma."
"S-salamat din Dok, hindi niyo rin po siya sinukuan."
Nagpumilit pa ring umalis ng kama si Cassandra pero nabuwal agad siya.
Nanakbo agad ako palapit para daluhan siya. Inalalayan ko siya sa kabilang braso niya. "'Wag mong biglain ang sarili mo, Cassandra. M-magpahinga ka muna."
Ngumisi sa akin ang maputla niyang mga labi. "I-I owe you... big time." Hirap din siyang magsalita.
"W-wag mong intindihin yun. Iniligtas mo ako kaya kaya utang ko sa 'yo ang buhay ko. Tumatanaw lang ako ng utang na loob."
Bahagya pa siyang gumalaw kaya napayakap siya sa akin. Sinalo ko naman siya dahil wala siyang balanse.
Bumulong siya. "H-how many... years?"
"Limang taon, Cassandra," sagot ko.
"S-so long time... no see, Jane..." Humiwalay siya at pinakatitigan ako. "Jane Adoni Foresteir."
"And long time no see, BFF." Ngumisi ako sa kanya.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top