Episode 41
Episode 41
ADI's
Naglalakad ako sa puting buhanginan habang sinusundan ang dalawang nananakbo. Isang lalaking matangkad at isang bata. Dinig na dinig ko ang tawanan nilang dalawa. Lalo pang tumawa at tumili ang bata ng buhatin ito ng lalaki para kilitiin. Huminto ako sa paghabol sa kanila at marahang nagmulat ng mga mata- dahil ang nakikita ko ay panaginip lang pala.
At kailangan kong gumising dahil marami pa akong obligasyon na kailangang harapin.
Wala na si Rogue sa higaan pagbangon ko nang umaga. Bago ako tuluyang nakatulog kagabi ay kamuntik ko ng makalimutan na naka-lense pa pala ako. Malalim na ang tulog ng mga katabi ko nang maramdaman ko ang hapdi sa aking mga mata. Pasimple akong bumangon kagabi at nag-alis ng lense saka bumalik na lang ulit sa pagkakahiga.
Pagising ay nagsuot agad ako ng lense. Matamlay akong napangiti nang tumama sa aking mukha ang sikat ng araw na lumalagos mula sa bukas na bintana ng kuwarto. Panibagong umaga na naman...
"Magandang umaga!" bati ko sa dalawang matanda paglabas ko ng pinto ng kuwarto. May sinisilip sila sa butas ng pader ng banyo.
"Shhh..." saway sa akin ni Granny J pagkatapos ibalik ang mga mata sa butas.
"A-ano pong ginagawa niyo diyan?"
"Kami. Silip. Aydol. Ligo." Sagot ni Lola Imang. Nakisiksik kay Granny J ang mukha para makisilip. Halos magtulakan pa ang dalawa.
"Di ba po masama ang manilip? Baka po tubuan kayo ng kuliti nyan sa mata," paalala ko sa kanila.
"Di bale ng tubuan ako kahit pigsa pa sa mata, basta masilip ko lang si aydol na nakahubo." Napangisi ni Granny J habang nakasiksik ang mukha sa pader na may butas.
Kumuha naman ng martilyo at pako si Lola Imang para magbutas pa. Nang mabutasan niya ang pader ay sumilip ulit siya gamit ang kanyang isang mata. "Lika. Adi. Ikaw. Silip. Din."
"P-po?" Nilapitan ko sila. "A-ano po bang nakikita niyo?"
"Naghubad na ng t-sirt si Aydol," kwento ni Granny J habang nakasilip.
Napalunok nang malalim si Lola Imang. "Aydol. Bukas. Gripo."
"Dumampot si Aydol ng sabon." Napasipol si Granny J.
"Aydol. Wisik. Alcohol."
"Nagsuot si aydol ng gwantes."
"Aydol. Suot. Mask. Bibig."
"Kumuha si aydol ng eskoba."
"Aydol. Linis. Hindi. Ligo."
Malungkot ang dalawa na umupo sa sofa. Busangot ang mga mukha nila.
"Aydol. Tangena. Paasa." Daig pa ni Lola Imang ang namatayan.
"Tapos na po ba yung game natin na bahay-bahayan?" Napakamot ako. "Bakit ganyan po kayo umacting? Tatay niyo po si Idol sa game na 'to, baka po nakakalimutan niyo."
"Nakakatamad naman 'yang bahay-bahayan na yan. Buti sana kung ako ang nanay, e hindi naman!" reklamo ni Granny J.
"Kung gusto niyo po, magpalit po tayo ng role. Kayo naman po ang nanay, ako naman po ang anak."
"Totoo ba yan, hija?" Nangislap ang kanyang eyebags. "Sige, kung pipilitin nyo ako."
"Ako. Nanay. Gusto. Rowl. Ko." Singit ni Lola Imang.
"Talaga 'to si Imang, parang buang. Sinabi na nga ni Adi na ako na ang nanay, di ba?"
"Hayaan nyo po, Lola Imang. Mamayang gabi kayo naman po ang nanay." Hinimas ko sa likod ang matanda.
"Dahil ako na ang nanay..." Ngumisi si Granny J nagmukha siyang bisiro. "Sasabayan ko maligo ang aking asawa." Kinikilig pa ang matanda na pumasok sa banyo.
Biglang tumunog ang cell phone na nasa drawer kaya nilapitan ko. Nang makita ang pangalan ni Hazel sa screen, sinagot ko agad ang call. "Hello?"
"Damn you, Adi!" bungad niya sa akin.
"Aga-aga, minumura mo ko?"
"Bakit ganun ang nadeliver sa dad ko?!"
"Oh..." Bigla kong naalala. "Hindi ba nagustuhan ng dad mo?"
"Are you crazy, you bitch?! Why the hell did you do that?! Galit na galit sa akin ang dad ko! Dahil sa na-receive niyang deliveries ay nasira ang araw niya at gusto na niya akong patayin!"
Nagkibilit-balikat ako. "Sinunod ko lang naman utos mo."
"Are you fucking serious?! So how will you explain to me those items na idineliver sa dad ko, huh?! Sex doll and masturbators?!" asik niya sa akin sa kabilang linya.
Napangiwi ako. "Worth two hundred fifty thousand 'yang mga 'yan, di ba? So anong kaso?"
"You're a dead meat, Adi!" Dinig na dinig ko ang pagtatagis ng mga ngipin ni Hazel.
"Napansin ko kasing may search item bar ang app mo, so nag-search ako ng ibang items na magandang birthday gift sa dad mo." Hindi ko mapigilang mangiti habang nagkukwento.
"I told you to check out the items in my cart!"
"At pinagkatiwalaan mo akong gagawin ko ulit yun?" Napahagikhik ako. "Pera ko ang nilustay mo Hazel, kaya pwede kong bilhin kung ano man ang gusto kong bilhin. Kaya lang mukhang hindi nagustuhan ng dad mo ang mga regalo ko."
"How dare you?! The items arrived at my dad's party. Puro politicians at investors pa naman ang mga bisita niya! Karamihan sa mga ito ay bigating tao sa lipunan! Hindi lang ako ang ipinahiya mo, Adi. Ipinahiya mo rin si Dad! You ruined his birthday party!"
Lalo akong natawa sa sinabi niya.
"You'll pay for this!"
"Akala ko ba nag-goodbye ka na sa 'kin?"
"Go to hell!" pagkasabi niya niyon ay pinatay na niya ang phone.
Hindi ko pa rin mapigilang mapahagikhik sa nangyari. Akala niya yata ay mabu-bully niya ako sa pangalawang pagkakataon. Siguradong palalayasin na naman siya ng dad niya sa mansion nila. Tiyak na tatanggalan siya nito ng credit cards at babawiin ang sasakyan niya.
Alam ko, hindi maganda ang aking ginawa. Hindi maganda ang magtanim ng galit, gumanti, at lalo ang pagmamanipula. Mabait naman talaga ako sa pagkakaalam ko. Pinipilit kong maging mabait kahit pa nasasagad na ako. Hindi ko na lang talaga maatim na dahil sa kabaitan ko, naloloko at nasasamantala na naman ako. Ayoko na. Siguro ay pagod na ako sa ganoon.
O siguro dahil ito talaga ang totoong ako. Na kahit ibang mga tao at paligid ang aking kinagisnan, hindi mababago ang katotohanang kung saang angkan nagmula ang dugo na nananalaytay sa mga ugat ko.
Napailing ako sa mga naiisip, pagkuwan ay napalingon ako kay Lola Imang na napapahagikhik habang nakasilip sa pader na may butas. Nilapitan ko ang matanda para tanungin. "Ano na pong nangyayari?"
Pumasok na nga pala si Granny J sa loob ng banyo.
"Ako. Tawa," sagot niya habang nakasilip pa rin sa butas ang isang mata.
"Bakit po?"
"Ikaw. Tingin. Oh." Napabungisngis siya. "Aydol. Gulpi. Granny J."
...
ADI's
Bakit kaya hindi lumalabas ng kwarto si Rogue? Kung wala siya sa banyo para maligo, sa kwarto naman siya nagkukulong. Inaalok ko siyang kumain pero ayaw naman niya sumabay sa amin. Ano kayang problema niya?
"Granny J, masama po ba pakiramdam ni idol?" tanong ko sa matandang nakahiga sa sofa.
"Ako, hindi mo tatanungin? Masama pakiramdam ko dahil bukul-bukol ang ulo ko." May nakalagay sa ice bag sa kanyang ulo.
Pasukin ba naman niya sa Rogue kanina sa banyo habang naliligo, iyan tuloy nakutusan siya ng sampo.
"Nakow, e mabuti pa't katukin mo ulit, hija," utos niya.
Lumapit ako sa pinto ng kuwarto ko at kumatok. Bumukas naman iyon agad at sumilip si Rogue. Napakailap ng kulay luntian niyang mga mata sa akin.
"Idol, kumain ka na ba?" Tumingala ako sa kanya dahil nga sa higit na mas matangkad siya.
V-neck blue cotton shirt lang ang kanyang suot at jogger pants. Bahagya lang bumukas ang pinto pero naamoy ko agad ang mabango niyang amoy. Palagi naman siyang mabango.
"I'm done. Thanks."
Isasara na niya sana ang pinto nang awatin ko siya. "M-may nangyayari ba, Idol? Bakit ang tamlay mo? Masama ba ang pakiramdam mo?"
Tumingin siya sa akin pero agad din umiwas ang kanyang mga mata. "N-nothing. Don't mind me."
"Labas ka rito. Laro na lang ulit tayo ng bahay-bahayan. Si Lola Imang naman ang nanay."
"Not gonna happen." Pagkasabi ay isinara na niya ang pinto.
Napabuga muna ako ng hangin bago kumatok ulit. Binuksan niya ang pinto pero bahagya lang ulit.
"What?"
Itinulak ko ang pinto para lumaki ang bukas nito. Pagkatapos ay dumerecho ako pasok sa loob.
"W-what are you doing?"
Napalingap ako sa paligid ng aking kwarto. Lalo yatang luminis ito kumpara noong mga nakaraang araw. Wala yata talaga siyang ibang ginagawa dito sa loob kundi ang maglinis lang.
"You must get out." Sumimangot siya.
"Kwarto ko naman 'to, di ba?" Sumalampak ako sa kutson ko. "Pwede akong pumunta dito anytime, Idol."
Lumapit siya sa akin at hinuli ang aking pulso saka hinila ako patayo. Nakasuot pa rin siya ng gloves sa kanyang mga kamay. "You shouldn't be here."
Tinabig ko ang kamay niya. "Bakit naman ako bawal dito?"
Tumitig muna siya sa akin bago umalon ang kanyang lalamunan. "B-because you're a woman."
"Ha?"
"Can't you see, Adi? Dalawa lang tayo dito sa kwarto. You shouldn't be here." Nagsalubong ang kanyang dalawang makakapal na kilay.
"O sige. Lalabas ako kung lalabas ka rin ng kwarto. Maglaro ulit tayo ng bahay-bahayan."
"We can't play that game anymore." Tinalikuran niya ako.
"Ha? Bakit naman?" Lumapit ako sa kanya.
Lumayo siya sa akin. "Well..." napaisip siya. "Y-you know, mahirap na baka ma-fall kayong tatlo sa akin."
Natawa ako sa sinabi niya. "Seryoso ka, Idol?"
"A-anong nakakatawa sa sinabi ko?" Napanguso siya.
"Ano ba talagang nangyayari sa'yo, Idol?" Lalapit pa sana ako sa kanya nang tutukan niya ako ng alcohol na de-spray.
"Don't come near me, or else babarilin kita ng alcohol."
"Idol, please, pag-usapan natin 'to." Pumamewang ako.
Napabuga siya ng hangin at pinakalma niya ang kanyang sarili. Namulsa siya bago napasandal sa pader. "Y-you're falling in love with me, aren't you?"
Nagulat ako sa tanong niya.
"I mean, who wouldn't be? Napakaguwapo ko at napakayaman. I'm alsovery talented, smart and famous. There's no way you wouldn't fall in love with me."
Napahalakhak ako sa sinabi niya.
Namula naman ang kanyang mukha. "Ano ba kasing nakakatawa?!"
"Ano bang pinagsasasabi mo, Idol? Ano ba talagang nangyayari sa 'yo?"
Bakit ba ganito ang ikinikilos niya? Bakit parang ang weird niya ngayon?
Napakurap siya na para bang hindi makapaniwala. "Y-you mean, you don't have feelings for me?"
"Kung meron man akong nararamdaman sa 'yo, siguro iyon yung paghanga. Kaya nga kita Idol e. Inspirasyon kita, parang ganun."
"Y-you're not in love with me?" tanong niya ulit. "A-are you sure? I've been here for four days, kaya siguraduhin mo."
"Idol, iba ang love sa paghanga. At imposibleng ma-in love ako sa 'yo."
Sumimangot siya. "W-why not?"
Bahagya akong sumeryoso. "Dahil magkaiba ang mundo nating dalawa."
"Huh?"
"Pero alam mo, Idol." Lumapit ako sa kanya. "Sobrang thankful ako para sa isang katulad ko na makasama ang tulad mo na napakataas at mahirap ma-reach."
Napabuntong-hininga siya.
Sinilip ko ang mukha niya. "May problema ba, Idol?"
Umismid siya. "Pwede bang wag mo kong titingnan masyado."
"H-ha?"
Lumikot ang mga mata niya. "Basta sundin mo na lang ako."
"S-sige po, Sir."
Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit parang bigla siyang nagbago ng pakikitungo sa akin?
Napatingin ako sa mga damit niyang nakaempake sa kanyang bagahe. Nakatupi ang mga ito nang maayos at pantay-pantay na magkakapatong na parang ginamitan ng ruler.
"I'm going home tomorrow," aniya sa mahinang tinig.
Parang biglang bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. "O-okay."
"I heard that Hazel fired you."
Napayuko lang ako.
"So you're not coming with us to Isla Deogracia for the next shoot."
Mapait akong ngumiti sa kanya. "M-marami pa namang ibang movie diyan. Mag-o-audition na lang ulit ako sa iba as extra."
"What about those two ugly grannies?"
"Kung hindi ako makakasama sa Isla Deogracia, sa tingin ko hindi na rin sila sasama."
"I see." Lumapit siya sa mga damit niya na nakaempake at isinara sa zipper ng maleta niya. "Ikaw na ang bahala sa mga anak natin."
"Ha?"
"Let's play bahay-bahayan for the last time."
Ngumiti ako sa kanya.
"And let's pretend that I'm going to abroad for work." Lumapit siya sa akin. "So you take care of our two ugly daughters."
Natawa ako. "Ilang taong ka ba sa abroad?"
Napaisip siya. "Maybe four years. Ten years." May lungkot sa kanyang boses. "Maybe forever."
Lumamlam ang mga mata ako. "So baka hindi na pala tayo magkita."
Tumango siya. "It's possible."
Kahit simpleng bahay-bahayan lang ito ay alam ko ang ibig niyang sabihin sa akin. Baka nga ito na ang huling pagkikita namin. Siguradong magiging busy na siya sa kanyang mga shootings at concerts.
At bakit nga ba nalulungkot ako? Hindi dapat!
Sinikap kong ngumiti at maging cassual. "A-asikasuhin ko na ang mga bata. Patutulugin ko na sila sa kabilang kwarto."
Tumango siya. "Goodnight, wifey."
"G-goodnight." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad palabas ng kwarto gamit ang aking mabibigat na mga paa.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang nasasaktan ako? Bakit nasasaktan ako?!
Biglang may pumigil sa isa kong kamay.
"Wifey."
Napahinto ako at tiningala siya. "H-hubby?" Hawak-hawak niya ang pulso ko.
Kinabig niya ako palapit sa kanya para ikulong sa kanyang mga bisig. Niyakap niya ako nang mahigpit at isiniksik sa matigas niyang dibdib.
Ang init ng katawan niya...
"W-wifey..." Napalunok siya. "I'm gonna miss you... so bad."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top