Episode 3

Episode 3



Jane's POV


"ISA KANG FORESTEIR!"


Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan, bakit siya galit na galit sa akin?


Jane Adoni Foresteir. Ito raw ang pangalan ko ayon sa pagkakabigkas ni Bathala. Pero bakit bigla na lang siyang nagalit sa akin nang malaman niya ang totoo kong pangalan? Sinakal niya ako gamit ang kanyang isang kamay.


Nagtatagis ang kanyang mga bagang. "Kasabwat ka ba ni Panther? Sumagot ka!"


Panther? Sinong Panther?


"H-hindi ako makahinga..." Napakapit ako sa braso niya habang lumuluha.


Tama ang kwento sa akin ni Jamod noong bata pa ako. Malakas daw si Bathala. Higit na mas malakas kaysa sa amin. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw sa ginagawa niya. Sinasakal niya ako nang walang kahirap-hirap. Halos maiangat na niya ako sa lupa gamit lang ang isang kamay. Hindi ko siya magawang pigilan.


"B-Bathala, hindi ako makahinga–" Bigla siyang bumitaw sa akin.


Napaluhod ako sa lupa at sunod-sunod na napaubo. Pakiramdam ko ay nasamid ako. Kamuntik na akong mawalan ng malay-tao.


Napaatras si Bathala. Nakita kong biglang namukol ang harapan niya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.


"M-maniwala ka, Bathala. Hindi ko alam sinasabi mo."


Napahilot siya kanyang sa sintido. Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko.


Sumeryoso ang mukha niya. "I get it. I know."


"Ha?" Hindi ko maintindihan ang kanyang salita.


"Nevermind," usal niya at napatingala. Umalon ang kanyang lalamunan. "Sigurado ka ba na hindi mo kilala si Panther?"


Umiling ako. "Pangako. Nagsasabi ako ng totoo."


"Oo, naniniwala ako sa'yo." Napaisip siya. Para bang mayroon siyang nadiskubre na siya lang ang nakakaalam.


Tumayo ako at nanghihinang lumapit sa kanya. Tiningala ko siya matapos akong mapatingin sa kanyang harapan. "Bathala, bakit lumaki yata ang panokhang mo?"


Tinalikuran niya ako. Napabuga siya ng hangin. "Sinakal kasi kita."


"Ibig sabihin, lumalaki ang panokhang mo kapag nananakal ka?"


Napakamot siya. "Hindi sa ganun. Sa lugar kasi na pinanggalingan ko, lahat ng tinotokhang ko sinasakal ko."


Umikot ako paharap sa kanya. "Eh, bakit lumaki ang panokhang mo nang sakalin mo ko?"


Napapikit siya bago napatingala. "Wala. May naimagine lang ako."


Napaluha ulit ako. "B-bakit ka ba nagalit sa'kin? May mali ba sa pangalan ko?"


Tumitig siya sa akin. Bumalatay sa mga perpektong mukha niya ang lungkot. Biglang lumamlam ang kulay luntian niyang mga mata. Mayamaya ay inangat niya ang kanyang kamay at ginulo ang aking buhok. "Wala."


"S-sino si Panther? Ano yung Foresteir?"


Tinalikuran niya ako. "Ayoko ng maraming tanong."


Naglakad siya palayo sa akin.


Hinabol ko siya. "Ibig sabihin, Jane ang pangalan ko?"


Hindi siya kumibo. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip.


"Jane Adoni Foresteir?"


Napahinto siya sa paglalakad. Nagpakawala siya ng hangin sa bibig. "Ginagawa mo ba iyong inutos ko sa'yo?"


"Ha?"


"Iyong balsa ko, mga kailan mo matatapos?"


Napayuko ako. Mahirap kasi ang ipinapagawa niya sa akin. Hindi madali ang gumawa ng balsa lalo na't wala naman akong katulong.


Napatingin siya sa kamay ko. "Anong nangyari sa kamay mo?" Napansin niya na may mga sugat ito at bahagya pang namumula.


"Wala ito." Ikinubli ko ang aking kamay sa likuran ko. Hindi na dapat malaman ni Bathala ang tungkol dito. Ang lahat ng sugat sa kamay ko ay bunga ng pagpuputol ko ng puno.


"Gross." Pagkasabi niya niyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.


Hinabol ko ulit siya. "Gross? Anong ibig sabihin niyon, Bathala?"


"Basta wag mo akong hahawakan. Nandidiri ako sa'yo."


Napanguso ako. Napayuko ako at napatingin sa mga palad ko.


Ibig sabihin, nandidiri si Bathala sa palad ko dahil puro sugat ito? Nahihiya tuloy ako sa kanya. Pero hindi ko naman maiiwasan na hindi masugatan dahil sa ginagawa kong balsa.


Napahinto muli siya sa paglalakad at namewang sa harapan ko. Napatingala siya matapos mapabuntong-hininga. Salubong ang kanyang mga kilay nang lingunin niya ako. "Ayusin mo nga yang sarili mo."


"Ha?"


Lumapit siya sa akin. May pinunit siya sa kanyang suot na damit mula sa laylayan nito. Pagkatapos ay hinawi niya ang buhok ko at pumunta sa likuran ko. Itinali niya sa buhok ko ang manipis na tela na nakuha niya sa laylayan ng kamiseta niya.


"Ipitan mo lagi yang buhok mo para hindi magulo."


Nakatingala lang ako sa kanya ng bumalik siya sa harapan ko.


Sumimangot siya sa akin. "At saka ingatan mo naman ang sarili mo. Wag mong hayaang masugatan ang kamay mo." At saka niya ulit ako tinalikuran.


Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko habang habol ko siya ng tingin sa paglalakad niya palayo sa akin. Marami akong tanong sa isip ko.


Nagtataka ako sa sarili ko. Bakit sa tuwina na nakakasama ko siya ay ang bilis-bilis ng tibog ng puso ko. Ganon ba talaga kapag mahal mo ang taong kaharap mo?


...


Rogue's POV


Everything was blurred at first. Pero pagtagal ay lumilinaw din sa aking paningin ang lahat. It's like I was drunk as I walked through the grass.


Gumegewang ako habang hinahawi ang matataas na mga halaman. Pagdating ko sa dulo, natagpuan ko doon si Jamod na nakahimlay sa damuhan.


She was wearing a night gown. Ngumiti siya sa akin. Blangko ang kanyang bibig dahil wala naman siyang ngipin.


Lumapit ako sa kanya. "What the fuck are you doing?" Gusto ko siyang lumpuhin. Ang sarap niya kasing gulpihin.


"May utos ako sa'yo, Bathala." She choked on a laugh.


"Ano naman yan?" I raised an eyebrow.


She made her lips pouted. "Bastusin mo 'ko." Inilabas niya ang kanyang hita na ang mukhang punong-kahoy.


"Are you out of your mind?"


"Bastusin mo ko, at babastusin din kita." She spoke tenderly.


I felt a muscle tick in my jaw. Kapal naman ng mukha ng gurang na 'to.


Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.


"Halikan mo 'ko. Iyong nakakabastos na halik." Naamoy ko ang kanyang hininga, amoy imbotidong panis.


Napangiwi ako. I was horrified.


Tapos bigla na lang siyang ngumanga, may mga sapot sa loob ng bibig niya. May mga gamu-gamong nagsilabasan doon at sinalubong ang aking mukha.


Damn it!


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa mga insektong nagliparan sa mukha ko. Binugaw ko ang mga ito para lumayo. Pawisan ako. Naliligo ako sa sarili kong pawis habang habol ang paghinga.


That's the worst nightmare I've ever had. Parang isang masamang pangitain ang bangungot na iyon! I'd rather die than to have sex with that old bitch. 


Kelan ba kasi matatapos ni Pukangkang ang balsa ko ng makalayas na ako rito?! Bakit kasi ang kupad-kupad niyang gumawa?!


Bumangon ako at nasapo ko ang aking tiyan. Gutum na gutom na ako. Bumalik sa alaala ko ang mga mamahalin at masasarap na pagkain na hindi ko pinapansin noong nasa city ako. Maraming iba't ibang putahe ang pinaghihirapang ihanda sa akin ng personal chef ko, pero binabalewala ko. Ang lahat ng iyon ay pinanghihinayangan ko ngayon.


Damn! I miss my personal chef. I miss my personal assistants, my maids. Sila ang nagkakandarapa para pagsilbihan ako at ibigay ang pangangailangan ko. I miss them. Gutom na talaga ako. 


Pero ano naman ang kakainin ko sa islang ito? Ni hindi ko nga masikmura ang mga pagkain nila. Besides, I don't eat fish or anything na inihaw lang. I want my food cooked well. Baka mamaya ay buhay pa ang mikrobyo niyon kapag hindi nailuto sa tamang paraan.


Gross. This island is gross.


Hindi ko na kaya pang manatili rito. Kailangan ko na talagang makaalis dito sa lalong madaling panahon.


...


Jane's POV


"Saan mo ba gagamitin ang mga kahoy na ito, Pukangkang?" Tanong sa akin ni Libag matapos niyang ilapag ang mga katawan ng puno na binuhat niya at dinala dito sa kweba. Nagpatulong kasi ako sa kanya sa pagbubuhat.


"G-gagawa ako ng bakod para sa silong ko." Pagsisinungaling ko. Kunwari ay maglalagay lang ako ng bakod sa aking tirahan.


Pinili ko na lang na wag na siyang kasabwatin sa paggawa ng balsa. Ayaw ko siyang mapahamak. Ayoko siyang madamay kung sakaling mahuli ako at maparusahan.


"Ang laki naman ng mga kahoy na ito para sa bakod ng silong mo."


"G-ganun talaga. Kailangan ko ng matibay na tahanan para sa magiging pamilya namin ni Bathala."


"Ganun ba?"


"Oo, saka kailangan ko rin ng matibay na makakapitan kapag tinokhang niya na ako."


Ngumiti siya sa akin bago niya kinamot ang kanyang kili-kili. "Bakit naman kailangan mo pa ng makakapitan?" Sabay singhot niya sa kanyang kuko pagkuwan.


"Ayon kay Bathala, nananakal daw siya kasi kapag nanonokhang siya."


Lalong lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi. "Sarap nun."


"Sige na, umuwi ka na. Gagawa pa ako ng balsa – este, bakod pala."


Nangunot ang kanyang noo. "Ayaw mo bang tulungan kitang gumawa ng balsa – este bakod pala?"


"'Wag na. Kaya ko na 'to. Balsa lang naman – este, bakod lang naman itong gagawin ko."


"Baka hanapin ka Jamod sa'kin, anong sasabihin ko? Na gumagawa ka ng balsa – este bakod pala?"


"Sabihin mo kapag hinanap ako, gumagawa lang kamo ng balsa – este, bakod pala."


Tinanguan niya ako. "Sige, alis na 'ko." Nagpaalam na siya.


Nang mawala si Libag sa paningin ko, binaklas ko na ang mga sanga ng puno na nakatabon sa balsang nasimulan ko ng gawin. Napagdikit-dikit ko na ang ilang mga kahoy gamit ang baging. Dinoble ko ang tali para tumibay pa iyon lalo. Alam ko kasing malayo ang lalakbayin namin ni Bathala pasuong sa kagatan.


Ayon sa kwento ni Jamod noong bata pa ako, may mga malalaking halimaw daw na nakatira sa gitna ng karagatan. Nakakatakot daw ang mga ito dahil kumakain daw ito ng tao.


Bukod sa mga halimaw, mayroon din daw malalaking alon ang lalamon sa magtatangkang umalis sa islang ito. Dito rin daw umaahon ang araw kaya oras na maabutan nito ang sinumang bumabaybay sa karagatan ay pihadong masusunog. Kaya raw napaka-imposible talagang umalis sa isla na ito.


Subalit malakas si Bathala. Lahat ay kaya niyang gawin. Tiyak na tatalunin niya ang mga halimaw na tinutukoy ni Jamod. Malalampasan namin ang malalakas na alon. Poprotektahan niya ako sa apoy ng araw. Hanggang sa makakarating kami sa likuran ng karagatang iyon at mamahalin na rin ako ni Bathala.


Napangiti ako habang nakatingala. Magpapasalamat sa akin si Bathala kapag natupad na ang pag-alis namin sa islang ito. Mamahalin niya na ako habangbuhay at ganon din ako sa kanya.


"Anong ginagawa mo?"


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang boses. Nang lingunin ko ang pinagmulan ng tinig ay namilog ang mga mata ko. "B-Bathala, anong ginagawa mo dito?"


Pumamewang siya. "Hinahanap kita. Gusto ko malaman–" Napahinto siya sa pagsasalita.


"Ano iyong gusto mong malaman?"


Umiwas siya ng tingin sa akin. Namula ang kanyang pisngi. "Gusto ko lang malaman kung ano na ang hitsura ng balsa ko." Humina ang kanyang boses.


Napayuko ako. Nakita niya kaya ang pagpapantasya ko? Baka iniisip niya na mukha akong tanga? Naku, nakakahiya!


"Nasaan ang balsa ko?" tanong niya na hindi tumitingin sa akin.


Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay. "Halika."


Tinabig niya ang kamay ko. "Wag mo kong hawakan." Ibinato niya ang kanyang paningin sa kawalan. Umalon ang kanyang lalamunan.


"Patawad." Napayuko ako. Naalala ko, ayaw niya nga pala sa kamay ko dahil puro sugat ito.


"Nasaan na sabi ang balsa ko?" Nakasimangot na tanong niya.


"Dito." Iginiya ko siya sa lalakaran namin papasok sa silong. Nandon ko tinakpan ang balsa.


Nang makaharap namin ang balsa na ginagawa ko ay saka lang nagliwanag ang kanyang mukha. "Very good." 


Hindi ko naman siya naintindihan. Pero masaya na akong malaman na masaya siya.


"Kailan mo ito matatapos?" Ang kanyang mga mata ay nakatitig lang balsa at hindi sa akin.


"Bibilisan ko ang paggawa, Bathala. Tatapusin ko ito sa loob ng apat na araw at apat na gabi."


Nagsalubong na naman ang mga kilay niya. "Wala na bang ibibilis pa?"


Napangiwi ako. Masakit kasi sa kamay ang pagkuha ng mga baging at pagbubuhol ng mga iyon. Kahit ang pagpupukpok gamit ang matalas na bato ay sumusugat din sa kamay ko. Isa pa, patago ko kasing ginagawa ito kaya natatagalan ako.


Sa gabi ko lang ito niyayari habang tulog ang lahat. Ito ang dahilan kung bakit wala pa akong tulog. Dito ko rin ito sa kweba ikinubli para walang ibang makakita.


Nanghihina na rin ako dahil hindi pa ako kumakain. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako kakain hangga't hindi kumakain si Bathala.


"G-gagawin ko ang lahat para mapabilis, Bathala."


"Mabuti kung ganun." Ginulo niya ang buhok ko. "Magpapahinga na ko." Umalon ulit ang bato niya sa lalamunan nang pasimple siyang mapatingin sa katawan ko.


Ano bang meron sa katawan ko? Bakit parang nagbabago ang hitsura niya kapag napapatingin siya dito?


Palabas na si Bathala nang sumulpot si Jamod.


Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa niya dito?


Sa likuran ni Jamod ay naroon si Kandod at si Jakod. Kasama rin nila ang mga tribo.


Napaatras si Bathala. "A-anong ginagawa niyo dito?"


Tumingin sa akin nang masama si Jamod. "Totoo ba, Pukangkang? Na gumagawa ka raw ng balsa – este bakod ayon kay Libag?"


"H-ha?" Namutla ako. Mukhang alam na nila ang ginagawa ko.


"Sagutin mo ang tanong, Pukangkang." Utos ni Kandod.


Napalunok ako. Napayuko ako matapos mapatingin sa balsa na ginagawa ko. Lahat sila ay nakabaling na dito ng paningin kaya wala na akong pagpipilian kundi umamin.


"Paumanhin... G-gumagawa po ako ng balsa," ani ko sa maliit na tinig.


Nagkagulo ang lahat. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid.


"Ang balsa ay isang sasakyang pandagat." Paliwanag ni Jamod sa lahat. "Isa ito sa ipinagbabawal dito sa ating isla."


Abot-abot na ang kaba ko ng lumapit sa akin si Tandang Jamod.


"Sabihin mo sa amin, Pukangkang." Malamlam ang kanyang mga mata. "Sabihin mo sa amin na napag-utusan ka lang."


"Ha?" Napatingin ako kay Bathala. Nakatingin lang siya sa akin na para bang inuutusan niya akong magsinungaling.


Hinawakan ni Jamod ang pisngi ko. "Alam mo na malaki ang kaparusahan sa Pukangkang kaysa sa mga ka-tribo lamang. Mabigat ang parusang ipapataw sa'yo kapag natuklasang ikaw ang gumagawa ng balsa."


Nanginig ang mga tuhod ko. Alam ko ang kaparusahang tinutukoy niya.


"Kaya sabihin mo, Pukangkang. Aminin mo na napag-utusan ka lang." Mariing bigkas ni Jamod. Sa mga huling sandali ay parang gusto niya pa rin akong isalba mula sa kaparusahan. Alam ko ang nararamdaman niya, siya kasi ang nag-aruga sa akin mula sa aking pagkabata.


"Ano naman ang magiging parusa niya?" Sumingit si Bathala.


"Tatlong kamatayan." Tugon ni Jamod nang hindi nililingon si Bathala.


"Kung mas matindi ang parusa niyo sa Pukangkang, ganun din ba sa Bathala?"


Nilingon ni Jamod si Bathala. "Mas matindi sa Bathala."


Napalunok si Bathala.


"Puputulan ng panokhang ang Bathala at dadanas ng walong kamatayan."


Napaatras si Bathala. Napalingap siya sa paligid. Halata sa mukha niya na pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.


"Ano ang ginagawa mo dito, Bathala, kasama ang aming Pukangkang?" Sabay lingon ni Jamod sa balsa. "Ikaw ba ang nag-utos nito sa kanya–"


"Hindi ako." Mabilis na sagot ni Bathala. "N-nadatnan ko lang siya na ginagawa niya ang balsa dito."


Napatigagal ako sa sinabi niya. Parang may biglang pumiga sa puso ko. Pakiramdam ko ay may sumaksak sa dibdib ko.


Humarap sa akin si Jamod. "Totoo ba ang sinasabi niya, Pukangkang? Ikaw lang paniniwalaan namin dahil pinalaki kitang hindi sinungaling."


Nagtama ang mga mata namin ni Bathala, subalit kagyat din siyang umiwas ng tingin.


Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako. Kasabay nito ang paglandas ng mga luha ko. "H-hindi... hindi niya ako inutusan." Nabasag ang tinig ko. "A-ako ang gumawa ng balsa sa sarili kong kagustuhan."


Napapikit si Jamod matapos maikuyom ang kamao. "Igapos si Pukangkang. Patawan siya ng tatlong kamatayan."


Napaluha na lang ako ng tingnan ko si Bathala. Nakatalikod na siya sa akin.


Tinalikuran niya na ako.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top