Episode 29

Episode 29

ROGUE's


"SA TINGIN MO BAKIT AKO GALIT SA 'YO?"


Adi's frightened eyes suddenly turned into fierce. And I just realized kung gaano na pala kalapit ang makinis kong mukha sa kanya. Nasa four inches na lang yata ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Well, makinis din ang skin ni Adi, but mas pino nga lang iyong sa akin. You know, I am blessed with good skin. Plus pa na I am healthy eater at nagrereflect iyon sa balat ko.


Ops wait! Natutop ko ang aking bibig nang may isa pa akong ma-realized habang nakatitig kay Adi. Ano ito? Paano nangyari ito?! Hindi ako makapaniwala!


Paano nangyari ito? I've never been this near with anyone after I woke up from coma. Mula nang magising ako ay lumala ang pagiging paranoid ko sa paligid. Mas tumindi ang takot ko sa mikrobyo. Intense na raw ang pagiging Germophobe ko because of my trauma. Well, chika lang naman iyon ng doktor ko. Hindi ako nagpapaniwala sa kanila, mga mema lang naman sila sa life ko.


Back to Addi. Bakit nga ba hinayaan ko ang aking sarili na mapalapit sa kanya? I have this fear na baka maraming germs ang balat ng isang tao, lalo na ang face. Especially the lips, I'm freakin' sure na nandoon ang lahat ng germs. 1 milliliter of saliva contains about 100 million microbes. So imagine kung gaano karaming mikrobyo iyon if i-multiply. 1,000 ml of saliva by 100 million microbes per ml is equals to 100 billion! At iyon ang total palang ng laway na nilulunok ng isang tao sa loob ng 24 hours!


Gross!


But with Adi, nakalimutan ko bigla ang tungkol sa mga germs. I raked my fingers through my hair. What the hell is happening with me? Nawala ako sa sarili nang lapitan ko na siya. Ngayon ko lang naalala ang mga consequences about the germs.


Mayamaya pa ay natigilan ulit ako nang mapatitig sa mga mata niya. Parang may mali sa kulay niyon, but mas natutok ako sa nakikita kong emosyon.


Those eyes... Those Adi's fierce eyes.


Parang may nagtatagong mga lihim sa likod ng mga ito. They were blackish brown but I've seen it like Jane's gray eyes. The way she looked at me was like the way noong nagalit si Jane sa akin. Ganitong-ganito rin kafierce iyon. Hindi ko makakalimutan ang galit na mga mata ni Jane, at ganitong-ganito rin ang nakikita ko kay Adi ngayon.


Teka galit ba si Adi sa akin? And why is she mad at me?


Ah, naalala ko na kung bakit. Inilagay ko nga pala siya sa trash bag. Definitely, she'll be mad at me. Iyon siguro ang dahilan kaya parang bumubuga na ng apoy ang mga mata niya ngayon sa akin.


Bakit masakit ang dating ng galit niyang mga tingin? I hate this feeling. Para akong napapasong lumayo sa kanya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pagtataka pero hindi naman siya nagsalita.


Hindi ko na siya kayang tingnan pa kaya nanakbo na ako palayo. Hingal aso ako habang hawak ang pader na hindi ko na alintana kung marumi ba.


Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko kahit malayo na ako sa babaeng iyon. Kahit wala na siya, naiisip ko pa rin siya at ang galit niyang mga mata. Naiinis ako sa sarili ko dahil galit siya sa akin.


Pero tinawag niya akong idol kanina...


Bigla yatang nag-init ang pisngi ko nang maalala ko iyon. And all of a sudden, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Maraming tumatawag sa aking "idol" pero iba ang dating ng pagtawag niya. Cute cute!


"What's with that smile?"


"Huh?" Napakurap ako nang makitang nasa harapan ko na pala si Voss Damon Montemayor.


He crossed his arms and leaned back on the wall in front of me. He's wearing a black pull over and a dark jeans. Halos kasing tangkad ko siya kahit mas matanda ako sa kanya. He's my cousin and also the lead guitarist and second lead singer ng banda namin. Siya rin ang number two sa rank ng Black Omega Society Elite Fraternity. Women see him a husband-material guy, pero tingin ko na mas bagay sa kanyang magpari. He's really good sa pagpapayo.


Naagaw agad ng suot niyang wrist watch ang paningin ko. I know that brand. That watch is worth a thousand dollars. Kailangang makabili rin ako nun. Or iyong mas mahal pa.


"So Rogue? Bakit masaya ka yata?" tanong niya na parang natutuwa.


Sinimangutan ko siya. "Don't I have the right to smile?"


Umayos siya sa kanyang pagkakatayo at namulsa. Nanatili ang kanyang likuran na nakasandal sa pader habang pinagmamasdan ako. "Harsh."


Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. It was too late when I realized na nakalapit na pala sa akin si Ryder Vito Deogracia. Madali lang sa kanya na isampay sa balikat ko ang braso niya dahil halos magkasing-tangkad kami. "It's been a while, Captain."


Tinabig ko siya palayo sa akin. "Touch me again and you'll die today!"


Napahalakhak muna siya bago yumukod sa harapan ko. "Apologize, Your Highness."


Nakasuot siya ng white flannel shirt at drop crotch pants na khaki. White sneakers na parang barko at mukhang mamahalin dahil sa brand. He's the drummer of the band.


I need those sneakers, too. Or better sneakers than that. Iyong white din at parang barko. I'll buy it later.


"Five meters away, Ryder," wika ni Phoenix Laz Sandoval na nasa likuran ko na at chill na nakapamulsa. "Don't you dare forget that again. Sakit niyo sa tainga e."


He's wearing a jersey cap, a navy blue v-neck shirt, skinny-fit pants, and brown boots. He's five years younger than me, yet we're the same size. He's the pianist of the band. Meron siyang gold necklace na mukhang binili niya pa sa ibang bansa.


Saan niya kaya nabili yun? Kailangan ko rin makabili nun. Dapat mas maganda pa at mas mahal.


"Where's Lion?" I asked. Si Lion Foresteir ang tinutukoy ko. Kasama rin sa band, guitarist. Lion is also part of our elite fraternity. 


"Oh, come on." Napangiwi si Ryder. "Forget about that guy. He does not even speak. Did you guys even hear him talk? Seriously hindi ko pa naririnig ang boses nun ever."


"Shut up, Deogracia!" Humarap ako kay Damon. Kahit ganun si Lion ay gusto ko siya dahil mas pinili niya ang brotherhood namin kaysa sa itinayong elite brotherhood ng kuya niyang may sira sa tuktok na si Panther Foresteir. That guy is my mortal enemy.


Sumenyas si Ryder na kunwaring isinasara ang sariling bibig using an imaginary zipper.


"Well... no one knows his whereabouts," Damon answered.


Tsk. Kung kailan gusto kong makita ang abong mga mata ni Lion saka naman siya wala. Sabagay, palagi naman talaga iyong wala. Sumusulpot lang siya kapag may rehearsal, gigs and concerts at pagkatapo ay lalayas na ulit.


Napahilot ako sa aking sentido habang nakatingin kina Damon, Ryder at PL. "And what on earth are you doing here?" reklamo ko sa kanilang tatlo. "Wala akong naaalala na ipinatawag ko kayo."


"Kailangan ba dadating lang kami kapang isinummon mo?" Nakataas ang isa makakapal na kilay ni PL. May kumikinang na hikaw pa siya roon na parang maliit na diamante. I think kailangan ko ring bumili nun at magpahikaw rin sa kilay—ah, never mind! Ayoko palang masugatan ang smooth skin ko.


"We heard about your movie," mahinahong ani Damon.


Inirapan ko siya. "It's nothing." Si Rix lang naman, the manager of our band and also the youngest in our elite fraternity ang natulak sa akin sa movie project na iyon.


"We came to see you para icongratulate ka. Besides, we're tired of all the guestings," Damon explained. "We need some air. I think a good drink might do."


I almost forgot. Silang tatlo nga pala ang humaharap sa mga guestings at interviews sa mga shows. Hindi kasi ako uma-attend sa mga ganoong activity since takot akong marumihan at makipag-usap sa mga tao. Everytime na may concert nga kami, kulang na lang ay mag-perform ako sa backstage. Willing naman akong makipag-meet sa fan kung papayag itong pakuluan ko muna siya para ma- sterilize muna bago lumapit sa akin.


Hindi lang pala ako ang umaabsent sa mga guestings and interviews. Pati rin si Lion Foresteir. Actually, mas mabait pa rin ako at mas magalang kay Lion kasi ako, nagpapaalam. E iyon? Bigla na lang talaga itong naglalahong parang bula. He's not shy, ganun lang talaga ang attitude niya ever since. He's aloof. He always stood apart from us. I'm sure na bigla na lang siyang susulpot ulit lalo na't kompleto na naman ang barkada.


"Then what the hell are we still doing here?" nakangising tanong ni Ryder. "Let's get drunk tonight."


"I'm gonna call Rix." Nagtipa si Phoenix sa cell phone niya.


"Underground?" tanong ni Damon sa akin.


"Where the hell else?" sagot ko na nakasimangot.


Iisang lugar lang ang medyo malinis dahil talagang sinisigurado kong imini-maintain iyon ng sterilization. That's the Underground Bar owned by the Black Omega Society Brotherhood. Mga brothers and some elite members lang ang nakakaalam ng lugar na iyon na located sa basement ng Montemayor Tower. Most of the other elites are young politicians and billionaires of asia.


Uhm, hindi lang pala power and money ang batayan para makapasa at makapasok doon, batayan din ang linis ng katawan, kinis ng mukha at amoy ng hininga.


Bigla akong may naalala habang naglalakad kami papunta sa parking kung saan naghihintay ang Rolls Royce Phantom ni Ryder, a limited edition red Lykan Hypersport na pag-aari ni PL, McLaren 570s ni Damon, at syempre ang matte black La Voiture Noire Bugatti na isa sa mga kotseng pag-aari ko.


"Uhm... Ryder?" Napamulsa ako. "Are your legs... tiny?"


"Huh?" Nagtataka siya sa tanong ko. Napatingin tuloy siya sa kanyang binti. "Hindi naman ah?" Hindi naman talaga. Magkakasing tangkad kami lahat. Just like the others, he has long and strong legs.


Naalala ko kasi yung pamimintas ni Adi sa kanila habang nakatingala sa banner namin sa hallway kanina. She said that Ryder has big biceps, and he might have tiny legs.


"What's gotten into you?" Pinaningkitan niya ako ng mata. "Ayos ka lang? Bakit bigla mong naisip ang legs ko?"


Hindi ko na siya pinansin tutal cleared na ang tanong ko sa kanya.


"Is it true na tuma-tumbling ka kaya nagkaganyan ang buhok mo?" si PL naman ang binalingan ko. Everytime na may concert kasi kami ay messy ang hairstyle niya.


"Huh?" Nagkatinginan sila ni Damon.


Napapikit na lang ako. Ano bang ginagawa ko? Ganito ba ang epekto sa akin ng babaeng yun? I'm supposed to be mad at her. Bakit parang sinasang-ayunan ko pa ang pamimintas niya sa amin?


"Hey, why don't we take a chopper," Damon suggested. "I'm not in the mood to drive."


"Good idea." Nagtipa ulit si Phoenix sa cell phone niya para ipahanda ang chopper.


"Oh, by the way, Ryder," pinungayan ko siya ng mga mata. "Your drumsticks..."


"Huh?"


"Panungkit din ba yun ng alatiris?"


...


ADI's


Ano bang klaseng restaurant ito? Nakakapanliit! Napapalibutan kasi ako ng mga mayayamang tao. Sa mga kumakain dito ay para bang ako lang ang mahirap na narito. Kulang na lang tuloy ay magtalukbong at magtago ako sa hawak kong menu.


Halos lahat ng mga kababaihan ay napapatig kay Hermes. Kahit nga ang waitress at manager ay hindi maiwasang hindi mapatingin sa lalaki. Sino bang hindi? Hindi lang kasi siya mukhang artista, mukha rin siyang modelo.


Samantalang si Hermes ay abala sa pagtingin sa menu at hindi alintana ang mga matang nakamasid sa kanya. Naka-dark gray siya na Armani suits at white shirt ang panloob. May suot siyang eyeglasses na dumagdag sa masungit pero guwapo niyang aura.


Kung malalaman lang nila na si Hermes ang The Terror Director ay baka mas lalo pa silang magka-crush dito. Sikat kasi ang pangalang ito kahit kanino pero wala silang ideya sa hitsura ng nasa likod na pangalang ito.


Hindi rin ako makapagdesisyon kung ano ba ang oorderin kong pagkain. Mantakin ba naman na ang presyo ng bawat isang meal dito ay halos sahod ko na ng isang buwan. Wala akong ganitong kalaking pera sa wallet ko. Hindi ko rin alam kung ililibre niya ba ako.


Mayamaya ay tumawag na siya ng waiter. Sinabi niya rito ang order niya.


"How about you?" baling niya sa akin.


"H-ha?" Napakamot ako. "Wala bang kape?"


"Mahilig ka ba talaga magkape?"


Napayuko ako. Pihadong naalala niya na pinagtimpla ko siyang kape.


"I'll make coffee for you some other time, Adi."


"P-po?" Napaangat ang mukha ko. Tama ba ang dinig ko? Ipagtitimpla niya ulit ako ng kape?!


Humarap siya sa waiter. "She'll have the same order." Pagkuwan ay iniabot na niya sa waiter ang menu. "My treat." Tumingin siya sa akin. "So chill."


Lalo tuloy akong nahiya at hindi na lang umimik habang nakaupo kaharap siya.


"So..." pagbasag niya sa katahimikan. "How's your day, Adi?" Napangalumbaba siya kaya lalong lumitaw ang cute niyang cleft chin.


"Ahm..." Napaisip ako. Naalala ko tuloy ang Rogue Saavedra na 'yun. Parang sa kanya kasi umikot ang buong araw ko ngayon. Nakakapagtakang bigla na lang niya akong nilayasan matapos niyang ma-realize na malapit na ang mukha niya sa mukha ko.


At siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin kumo't napintasan ko sila ng mga kabanda niya. Siya nga itong inilagay ako sa trash bag e! Dapat nga ay ako pa itong magalit sa kanya! Tama ba iyong ikulong niya ako sa pader gamit ang mga braso niya kanina?! Ang kapal, kapal, kapal niya naman para gawin iyon sa akin—


Ipinilig ko ang aking ulo.


Bakit nga ba pigil ang aking paghinga sa tuwing maaalala ko kung gaano kalapit sa mukha ko ang mukha ng gagong iyon? Kung bakit naman kasi pinagpala ang mukha niya? Masakit mang aminin pero nagugulo na naman ako. Ginugulo niya na naman ako. Lalo na yung kulay berde niyang mga mata, mukhang wala akong balak patahimikin.


At ang mapula niyang mga labi, hindi rin maalis sa isip ko. Ang bango siguro ng hininga niya. Tarantado nga lang siya talaga. Hindi na siya magbabago.


"Adi?" pukaw sa akin ni Hermes.


"Tarantado talaga," inis na sambit ko.


"Excuse me?"


"H-ha?" Nabatukan ko ang aking sarili. Hindi ko na maalala kung ano yung nasabi ko. "Ah... okay lang naman po ang naging araw ko, Direk."


"Just remove the word po when you're speaking to me, all right?"


"S-sige, Direk."


Sumeryoso ang kulay tsokolate niyang mga mata. "I must apologize to you, Adi."


"Ha?"


"Kanina ko lang natuklasan na malapit ka pala sa author ng book. You are her editor, right?"


Tumango ako. I'm the author, actually, sabi ko sa isip ko.


"Sorry sa mga nasabi ko about the book."


"Wala yun, Direk. Sa totoo lang, may point lahat ng sinabi nyo."


"I'm happy to hear that."


"Pero tama rin ang mga co-director and producer. As long as people will pay, keri lang. That's how business works."


"I know." May lumapit sa aming waiter at nagsalin ng wine sa kopita niya. Sumimsim siya rito pagkatapos. "Gaano ka na katagal na nage-extra sa mga shows?"


"Isa... dalawang taon. Hindi ko na maalala."


Wala ba siyang balak pag-usapan yung kasalanang nagawa ko sa kanya? Nagpanggap akong direktor at inutusan siyang magtimpla ng kape. Wala ba siyang balak parusahan ako? Instead, ito pa ang kapalit na ilibre ako sa mamahaling restaurant.


"So it means you have a lot of experience?"


"Sa pagiging extra, marami na talaga, Direk." Baka balak niya akong kuning extra. Magandang opportunity ito lalo pa't kinuha akong assistant ni Hazel.


"Hmn, mukhang tama nga ang dinig ko, magaling kang umarte kaya palagi kang nakukuha sa mga extra roles." Pinakatitigan niya ako. "I read the book. And I think Rogue Saavedra is a good fit for the lead character," sabi niya pagkuwan.


Bakit niya ba binabanggit ang pangalan ng lalaking yun? At bakit niya ba sinasabi sa akin ito?


"He's rude, classy, and a matinee idol. He's also the complete description of the character in the book, and I find it odd."


Napalunok ako. "B-bakit naman, Direk?"


"It's like... when the author's writing the book, she was thinking of him as the character. What do you think? You're the editor, you should feel it, too."


Umiling ako. "Hindi naman siguro, Direk. Sa dami ng mga rude guys dito sa mundo, baka nagkataon lang na tumugma sa kanya ang character since sikat ang hinayupak na yun. E gago iyon e. Tarantado pa!"


"Excuse me?"


"I mean, sikat kasi siya ngayon lalo na sa mga millennials. Tapos may banda pa siya. Kaya siguro siya nga ang perfect sa character ng book na gaganap. No doubt, siya ang gusto ng mga fans." Napanguso ako mayamaya. "Bakit nga pala natin pinag-uusapan ito, Direk? Ibig sabihin ba nito ay tinanggap niyo na ang project?"


"Every story deserves to be told, right? I guess it's the right choice for me."


Dun ba siya bumatay sa sinabi kong iyon? Eh nabasa ko lang naman yun na nakapaskil sa pader ng kanyang opisina, di ba?


Iniba ko ang usapan. "Ah... kakapalan ko na mukha ko, Direk." Napakagat-labi ako. "Baka pwede nyo akong kuning extra. Kahit anong role, okay sa'kin."


"Actually..." May hinugot siyang folder sa dala niyang attache case na nasa ilalim ng table at inilatag niya sa harapan. "I'm planning to offer you... the female lead role."


"H-ha?" Napatigagal ako sa sinabi niya.


"I want you to be Rogue Saavedra's leading lady."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top