Episode 25

Episode 25


ROGUE's


"I'm sorry, I'm late." Matinding pagpapakalma ang ginawa ko sa boses ko para maging casual lang ang aking dating.


Pumamulsa ako nang mapansin ko na nakasuot nga pala ng gloves ang mga kamay ko. Ayokong isipin niya na weird ako. Hindi na rin ako nagsuot ng face mask dahil baka mapagkamalan niya pa akong magnanakaw.


"You're the author, right? I'm Rogue Saavedra," nakangiting sabi ko. "You want some autograph? How about later?"


Napapikit ako. Hindi ko na matandaan kung ano ang susunod kong sasabihin kaya inayos ko na lang ulit ang buhok ko.


"Listen, I've got some questions for you." Pinapungay ko ang aking mga mata. "How did you come up with the plot? And what inspires you to create that book? Is your book inspired by true events? Do you have a boyfriend - damn it!" Kamuntik ko ng masuntok ang salaming nasa aking harapan.


I sounded crazy, even to myself. Apat na oras na akong nagre-rehearse dito sa harapan ng salamin, pero hindi ko pa rin ito magawa nang tama. Maraming gumugulo sa isip ko. May mga tanong ako na kailangang masagot.


What if it's Jane who wrote that book? Well, I'm not even sure yet, but I read the book four times. And I must say that the story is so close to what happened to me on that island. So I have this strange feeling that she authored this book. Maybe I should read the book again. Mga ten times pa siguro.


Napatingin ako sa aking wrist watch. I have only one hour left bago ang private meeting ko sa kanya. So I have no time to read the book again. How about to I'll take a shower again? Napailing ako. If ever kasi ay pang pitong beses ko na itong maliligo ngayong araw na ito. I have to make sure na malinis na malinis ako.


I stared myself again in the mirror if I looked neat. Plinantsa ko ang aking suot na black coat gamit ang aking palad. Pinagpagpag ko ang aking broad shoulder dahil baka may alikabok. Sinipat kong mabuti ang telang suot ko kung maayos ba ang tahi nito.


"Dad, 'you nervous?" tanong sa akin ni Clio na kanina pa pala nakamasid sa akin. Nakaupo siya sa edge ng kama at idinuduyan ang mga paa niyang nakalaylay.


"No, baby. I'm just excited."


Tumalon siya sa kama at lumapit sa akin. "Do youw have a date?" Tiningala niya ako kaya bahagyang napisa ang kanyang matabang pisngi at umumbok ito.


"It's a lead, baby."


"Lead?" Nangunot ang maliit niyang noo.


"I think I have a lead to your mom."


Namilog ang mga mata niyang punung-puno ng malalantik na pilik-mata. "Reallyyy? Kaya kanina pa po niyo kausap ang mirror po?"


"Nagpa-pratice ako, baby. If ever I meet her tonight, ayokong mautal sa harapan niya."


Napanguso ang bata. "And then wut will happen next, Daddy?"


Natigilan ako nang bahagya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.


"Will you tell Mommy about me po? 'You think Mommy will accept me, Daddy?" Parang matanda na siya kung magtanong pero napakaliit at napakatinis naman ng boses niya.


Napabuga ako ng hangin. "Of course, baby." Bahagya akong yumukod upang abutin ang kanyang maliliit na palad. Winisikan ko iyon ng alcohol.


Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi pagkuwan at saka ako tinalikuran. Umangat ang balikat niya na halatang kinikilig sa pagkakangiti.


Napahilot ako sa aking sentido. "Now I have to take a bath again."


Hahakbang pa lang ako nang humarang siya sa daraanan ko. Nakadipa pa ang magkabila niyang braso na kapwa maiksi at malulusog. "Daddy, you took a shower eight times since this mowwwrning!"


Pumamulsa ako. "No, baby. You're wrong. It's just six times."


Humalukipkip siya at lumabi. "No, Daddy. Yowr wrong! It's eight times! I've counted!"


"I have to refresh myself, baby."


"No." Lalo siyang dumipa paharang sa harapan ko.


"Fine." Napamewang ako. "I'm nervous, all right. I need to take a shower again to refresh myself."


"Haish..." Umiling-iling siya. Nanakbo siya sa kama at tinapik-tapik niya ito. "Come here, Daddy."


"Huh?"


"Sit."


"Baby, I don't have time-"


"We need tow talk po muna."


Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod sa utos niya. Lumapit ako sa kama at umupo sa area na tinapik niya.


Humila siya ng ottoman na karugtong ng sofa at dinala niya sa harapan ko. Pagkatapos ay tumungtong siya dito. "Everything will be fine, Daddy." Inabot niya ang dulo ng americana blazer na suot ko at pinantay ito. "Youw have to relax..." Pinagpag niya pa ang dibdib ko.


Nakatitig lang ako sa cute niyang mukha. "Okay."


"Sow... Will it be really Mom?" Pumaling ang kanyang ulo habang nakatitig sa akin.


"It's possible." There's a possibility.


Lumapag sa sahig ang mga mata niyang may magkaibang kulay-berde at abo. "Will she able to see me, Daddy?" mahinang tanong niya.


Napayuko ako. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.


"Daddy, I want youw to know that even if she's not my mom, I will always be here with you. I will not disappear!" Itinaas niya pa ang ang munti niyang palad bilang panunumpa. Matatas na talaga siyang magsalita, sanay na kasi siyang pinapalakas ang loob ko.


Kinabig ko siya at niyakap nang mahigpit. "You will not disappear." As long as I'm not taking my medicine that my doctor gave to me, she will not disappear.


"Dad?"


"Hmm?" Umangat ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya at bahagyang pinisil ang maambok niyang pisngi.


"But if it's my mom..." Bumalatay ang pananabik sa kanyang cute na mukha. "Can you tell her I love her?"


"I will, baby." Pagkuwan ay niyakap ko ulit siya nang mas mahigpit. "I will tell her how much we love her."


...


"Did she call? What did she say?"


"She said she might be late. But we don't have to worry, dahil baka mauna iyong editor niya ron." Yamot na ang pagsagot ni Rix sa akin.


"But she already said that an hour ago!" reklamo ko.


"Yes, it's because you keep asking me the same question, so I answered the same answer."


"I'm just asking for an update."


"Every minute?" sarkastiko niyang tanong.


Napamura ako nang mahina bago napasandal sa seat ng aming Limousine na sinasakyan. Naipit kasi kami ng traffic kaya kanina pa ako hindi mapakali. Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan kaya bumagal ang mga sasakyan.


"Wala ka bang alam na shortcut?!" Kulang na lang ay sakalin ko ang driver namin.


"He already took the short road, Rogue," awat sa akin ni Rix.


He was so calm as he leaned back on the seat and crossed his legs. Naka-brown coat siya at ragged blue jeans. He looks expensive in his suit, pero hindi pa rin lalamang sa itsura ko.


Mayamaya ay tumunog ang cell phone niya. Kulang na lang ay agawin ko ito sa kanya at tingnan kung sino ba ang nagmessage sa kanya.


"What did she say? Is she already there?"


"She said she's on her way. But there's a possibility na nandoon na ang editor niya para salubungin tayo."


"I don't need her editor. Siya ang kailangan kong makausap!"


Mabuti na lang at umandar na ang sasakyan namin mayamaya. Bahagya na ring bumilis ang andar ng mga kotse na nakapaligid sa amin.


I was thinking lately that if it's not Jane, I might get heartbroken. I knew it was wrong to give myself false hope, but I couldn't help it. Every chapter in her book reminded me of everything that happened in Isla Potanes. That book made me remember the love of my life.


And even if she was not Jane, I was kind of hoping at least she was Cassandra. No other woman could write that story except for the two of them. Alam niya ang lahat dahil nakasama ko siya sa isla.


Napahimas ako sa aking chin. At least I still got a lead if she was Cassandra. Kung nag-e-exist si Cassandra, ay malamang na nag-e-exist din si Jane. Maybe Cassandra could help me find her.


Ilang sandali lang ay narating na namin agad ang Montemayor Restaurant. Sinalubong agad kami ng mga unipormadong lalaki at pinayungan nila ako ng itim na umbrella. Pinalibutan nila ako hanggang sa makapasok ako sa restaurant. Nakasunod lang si Rix sa likuran ko habang palinga-linga sa paligid. He told me earlier that we should avoid the paparazzi.


The receptionist checked my reservation and they let me in right after. Sinamahan nila ako hanggang sa makarating kami sa dulong table kung saan naroon ang reservation ko. Natanaw ko agad ang babaeng nakatalikod sa akin na para bang kanina pa nakaupo doon.


I exhaled, releasing some of the tension that had built up in my chest. Bakit parang bigla yata akong ninerbiyos?


Humakbang ako papalapit sa kanya. My heart pounding against my ribs as if trying to fulfill a thousand beats. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ngayon nakalapit na ako sa kanya.


I felt like a small lump was sitting in my throat kaya tumikhim nalang ako. "Ahem."


Napalingon ang babae kaya napabalikwas ito sa pagtayo. "Mr. Saavedra," inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. "It's nice to meet you." Tigagal siya habang nakatingin sa akin at hindi maalis ang tingin niya sa aking mukha.


Bumagsak ang balikat ko nang makita ko ang mukha niya.


"I'm Hazel Delima. I'm the author of the book." Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.


Hindi siya si Jane. The woman is gorgeous, but this is the first time I have seen her face. She's not Cassandra either. Now I'm beyond brokenhearted.


She's wearing a red backless dress and a high-waist skirt. She has beautiful skin and she's long-legged. Wavy ang kanyang hair. She looks so sophisticated and it seems that she came from an elite family. 


"Sorry, pero hindi ako nakikipagkamay," I said. Hinila ko na ang upuan sa kabila para upuan ito. Napansin ko na may upuang bakante sa tabi niya.


Nahalata niya yata na napatingin ako doon. "A-ah, this seat is supposed to be for Adi."


"Adi?" Umangat ang isang kilay ko.


"My editor." Kaswal siyang ngumiti sa akin. "I thought she's here at mauuna sa akin. Luckily na nauna pa rin pala ako sa kanya. Pinauna ko kasi siya because I thought I'm not gonna make it on time."


"Where is she?" Umupo na ako sa upuan. Inusog ko nang bahagya ang plate dahil tabingi ito at hindi pantay sa knife and fork ko.


Napatingin siya sa kanyang cell phone. Kunot na kunot ang noo. "Actually ewan kung nasaan na ang babaeng iyon. She's not answering my calls."


"It's fine. Hindi naman siya ang ipinunta ko dito kundi ikaw." Hinugot ko ang aking cell phone at inilapag ito sa mesa diagonally. Then I changed it horizontally. No. Mas bagay yata kung vertically. As long as na pantay sa linya ng plate ko.


I was thinking na sana ay tumawag si Rix at sabihin sa akin na may emergency meeting ako. I have to get out of here. I'm so done here.


Saka lang siya umupo nang mapansing hindi na ako kumikibo. "Wine?"


"Of course." Pumitik ako sa hangin at nilapitan kami ng waiter para salinan ng wine ang wine glass namin.


Napatingin siya sa kamay na may gloves pero hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Sumimsim lang siya sa wine at saka tumitig muli sa akin.


"Something wrong with my face?"


Umiling siya sa gitna nang mahinang halakhak niya. "Nothing. It's just... ang gwapo mo pala talaga sa personal."


Sinimangutan ko siya. Mukhang dadagdag pa ang isang ito sa libo-libong babaeng nababaliw sa akin.


"I'm a fan, actually. Especially ng mga songs nyo. Can I get a picture with you-"


"How did you come up with that plot?"


"Huh?" Natigilan siya.


"Your book. What's your inspiration for your story?"


Lumikot ang mga mata niya. "It's just... a fantasy."


My brows furrowed. "What?" 


"I-I mean, that's my fantasy. I-I'd like to be the character the way it's written in the book."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Then why the tragic ending?"


Lalong lumikot ang mga mata niya. "Well..." Hindi na siya nakasagot pa.

...


ADI's


"Manong, dito na lang po. Salamat." Inabutan ko na agad ng bayad ang taxi driver na sinakyan ko. Kahit umuulan ay lumabas na ako ng kotse at nilakad na lang ang papunta sa restaurant.


Nang i-check ko ang aking cell phone, nakita ko sa screen ang sangkatutak na messages at missed calls. Pihadong lahat iyon ay galing kay Hazel. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapaniwalang naipit din ako sa gitna ng malalang traffic gayung mas malapit ako sa resto kaysa sa place na pinanggalingan niya.


Kandahingal ako nang makarating ako sa tapat ng Montemayor Restaurant. Siguradong tapos na ang meeting. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa reflection ng glass wall bago pumasok. May mga talikwas na hibla ako sa aking buhok kaya sinuklay ko muna gamit ang aking mga daliri. May nakadikit din palang dahon sa pisngi ko kaya inalis ko iyon agad. Basang-basa ang suot kong long sleeve at jeans. Puro putik din ang suot kong bota. Sobrang haggard ng histura ko dahil may bitbit pa akong malaking plastic bag sa likuran ko.


"Excuse me," awat sa akin ng receptionist na babae pagpasok ko. "Do you have a reservation, Ma'am?" Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.


"Meron po. Adelyn Tumubol po name ko. Adi for short."


Napatingin siya sa list.


Hindi ko maiwasang mapatingala sa kisame at mamangha sa mga chandeliers na nakasabit dito. Napaka-sosyal naman ng restaurant na 'to. Ngayon lang yata ako makakapsok sa ganitong mamahalin na kainan.


"Pasok na po kayo, Ma'am," mayamaya ay sabi niya. "Table thirty po, sa may verandah."


Iginiya niya ako papasok sa loob ng restaurant. 


Ipinilig ko ang aking ulo at sinikap na magpaka-kaswal. Iginala ko ang aking paningin sa paligid para maghanap, kahit pa bumalik na naman ang kabog ng dibdib ko na pilit kong pinapawi kanina sa byahe. Nang matanaw ko na si Hazel na nasa gawing dulo ng resto ay humakbang na ako palapit sa kanya.


"Hazel, sori, na-late ako." Napansin kong wala na siyang kasama sa mesa. Tapos na nga ang meeting.


"Yeah, you're late, Adi!" Sumimangot siya. "Nananadya ka ba? Pinaghintay mo lang naman nang bongga si Mr. Saavedra!"


Napayuko ako. "Sori. Ang tindi kasi ng traffic..."


"Whatever!" Nilagok niya iyong hawak niyang wine. Kapansin-pansin ang pagiging matamlay ni Hazel.


"Ayos ka lang?" Sinilip ko ang mukha niya. "Okay ka lang ba?"


"No. I'm not okay." Umiling siya. "May mga questions siya about the book na hindi ko nasagot nang maayos, Adi."


Malungkot akong tumango. Pasunod na sana ako kay Hazel nang aking mapansin ang cell phone na nakalapag sa mesa. "Phone mo 'to?"


Nilingon agad iyon ni Hazel. "Oh, my God. It's Mr. Saavedra's!" Kinuha ang iPhone sa mesa.


Bigla akong nakarinig ng mga yabag papunta sa amin ni Hazel.


"I forgot my phone." Isang lalaki ang biglang nagsalita sa likuran ko. Buong-buong boses na pumipiga sa puso kong bigla na lamang nagwala.


"Actually, I'm about to run just to give it to you," paliwanag ni Hazel na nakatingin sa pinagmumulan ng boses sa aking likuran.


"Who's this woman?" tanong ng baritonong boses.


"Oh by the way, this is Adi. The one I told you before. She's my editor." Pagkuwan ay sa akin naman napabaling si Hazel. "And Adi, you're lucky to meet Mr. Rogue Saavedra. Say hi to him."


Dahan-dahan ko siyang nilingon.


"G-good evening, Mr. Rogue Saavedra..." mahinang bati ko sa kanya.


Kinailangan ko pa siyang tingalain dahil sa higit na matangkad siya sa aming dalawa ni Hazel na parang mga hanggang dibdib niya lamang. Matangkad siya sa lampas anim na talampakan niyang taas. Napaka-fresh ng kanyang itsura dahil sa wet-look niyang buhok. Hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi bistahan nang mabilis na tingin ang kanyang kabuuhan. Para siyang prinsipe sa kinis at kaperpektuhan ng mga features ng kanyang mukha. Nakasuot siya ng black coat na nakapatong lang sa suot niyang black fitted V-neck shirt, fitted dark blue jeans sa ibaba at black low-cut leather boots sa paahan niyang tila barko rin sa laki. At kahit dito sa kinatatayuan ko ay aking amoy na amoy ang naghahalong natural niyang bango at ng mamahaling perfume na gamit niya.


Taglay niya rin ang nakakalunod na luntiang mga mata. Mga berdeng matang bigla na lamang namilog at naluha nang mapatitig sa aking mukha.


Sinikap ko siyang ngitian. "Hi. I am Hazel's editor..."


Bumuka ang kanyang bibig at garalgal ang boses niya nang siya'y nagsalita. "J-Jane?"


Napalunok ako nang mariin sa pangalang itinawag niya sa akin.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top