Episode 2
EPISODE 2
Two elite brotherhoods were archenemies, although their rivalry was only surface-level. These two fraternities were composed of young bachelors who were both from old rich and influential families in the world.
These two groups were the Red Note Society and the Black Omega Society. The leader of RNS was the Filipino-European billionaire Panther Foresteir, also known as the 'Psycho Billionaire' in the business world. On the other hand, the Black Omega Society was more well-known as they had a music band. The arrogant Rogue Saavedra, the youngest son of one of the wealthiest families in Asia, led them.
Rogue's POV
What was happening? I opened my eyes and just found myself in my bed, leaning my head against my pillow.
Bumalikwas ako ng bangon. Hinanap ko agad ang sanitizer ko at isopropyl alcohol. Natagpuan ko agad ang mga iyon malapit sa uluhan ko. "I missed you, my babies." Usal ko. Niyakap ko ang mga ito.
Wait. What the hell am I doing here?
Tumayo ako at hinawi ang kurtina. Sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa sikat ng araw. I could feel the light. This must be real. Kung ganoon ay panaginip lang pala ang lahat ng tungkol sa isla. Just as I thought.
Malamang na panaginip lang talaga iyon. Hindi naman mangyayari sa akin ang bagay na iyon. Ako pa ba? Kahit maraming fraternity at kalaban sa negosyo ang gustong magpabagsak sa akin ay hindi nila ako kaya.
Ako ang leader ng isang sikat at kinatatakutang elite fraternity sa Asya, ang Black Omega Society. Ang frat na iyon ay binubuo ng mga makakapangyarihan, makoneksyon, matatalino, guwapo at mayayamang binata— and I am their leader.
Wait. Hindi lang frat ang meron ako. Meron din akong banda. Banda na kinuha ko ang pangalan sa pangalan ng frat ko. See? I'm so awesome and smart.
Yakap ang aking sanitizer at alcohol, I went downstairs. Nakahinga ako nang maluwag nang madatnan ko doon si Rix Montenegro. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa pader. He was just staring at me, with his cold blue eyes.
I am untouchable because of him. Of course, he's a Montenegro. Sino man ang magtangkang kumalaban sa akin ay mananagot sa kanya. He's heartless. He's smart. He's one of a kind. Kaya nga siya ang pinili ko na maging manager ng Black Omega Society Band.
"Where's everyone?" I asked him.
Rix didn't make a word. He just pointed Lion Foresteir by his eyes. The guy was sitting a few steps away in front of a piano.
He's a man of few words, like Rix. He had those gray eyes. Sumali siya sa grupo namin dahil malaki ang galit niya sa sarili niyang kapatid na si Panther. Lion is the younger brother of Panther Foresteir.
Speaking of Panther Foresteir. That man is a psycho billionaire. May frat din ito, he's the leader of Red Note Society. See? Gaya-gaya siya. Walang originality.
Mabuti na lang at nasa akin si Lion. Sa akin siya kampi. Sa frat ko siya kasali. He hated his brother's guts.
Beside him, I found Voss Damon Montemayor, my cousin and my favorite member. Lumapit siya sa akin nang makita niya ako. "Are you all right?"
"Of course."
He narrowed his eyes on me. He's the only one who could read my mind. Alam niya kapag may problema ako. Alam niya kung ano ang mga plano ko. He knew everything. He's the smartest.
Suddenly, may naramdaman akong braso na pumatong sa aking balikat. It was Ryder Vito Deogracia. Kulang na lang ay yakapin niya ako. "Where the hell have you been?!"
Tinabig ko ang braso niya. "Stay away from me, will you? Baka mamaya ay marumi ang kamay mo!"
Aambahan ko na siya ng suntok nang may pumagitna sa amin. "Easy," awat nito.
It was Phoenix Laz Sandoval. May kaakbay siyang babae – like always.
Tumingin ako sa limang naririto, sila lang ang kasama ko sa banda. Not all the men in my frat joined the Black Omega Society band. Kami-kami lang talagang mga talented ang bumuo ng banda. Oh, how I missed these guys. I missed them all. Maige na lang at nagising na ako sa isang masamang panaginip. Mabuti na lang at hindi iyon totoo.
I'm home!
"By the way," ani Ryder Vito. "May ipapakilala ako sa'yo." He was grinning.
Kinunutan ko siya ng noo.
"This is my new girlfriend." Bumaling siya sa babaeng kaakbay niya. "Her name is... Jamod."
I looked at the girl with a pumping heart. I couldn't get any word out of my mouth. Napayakap ako nang mahigpit sa aking sanitizer at alcohol.
It's impossible. Jamod was real?! And she's smiling at me! She's toothless as well!
Napasigaw ako at napabangon sa pagkakahiga. Habol ko ang malalim kong paghinga.
Fuck! Panaginip lang pala. I thought that was real. How I wish it was real!
Napahilamos ako sa aking mukha. Gustuhin ko mang magdabog at magwala, pero hindi ko magawa. I still couldn't believe that this was happening to me. Hindi ko pa rin matanggap na nangyayari talaga ito sa akin.
"B-Bathala?"
Kamuntik na akong mapalundag sa isang tinig na nagsalita malapit sa akin. It was Pukangkang. She's staring at me.
"A-ayos ka lang?"
"Huh?"
"Kanina ka pa nagsasalita habang tulog. Isinisigaw mo ang pangalan ni Jamod."
Napamura ako sa isip. The hell I did that? Darn!
"Hindi ka ba nagugutom, Bathala?" She bit the side of her lip.
"Hindi ako nagugutom," tipid kong tugon. Mayamaya lang ay tumunog ang tiyan ko.
"Sigurado ka, hindi ka nagugutom?" Biglang tumunog din ang tiyan niya.
Nangunot ang aking noo sa kanya. "Ikaw? Hindi ka ba nagugutom?"
Napayuko siya at napalabi. "Nagugutom."
"Bakit hindi ka pa kumain?"
She shook her head. "Hindi ako kakain hangga't hindi ka kumakain."
"Bahala ka." Tumayo ako at lumabas sa marupok na pinto. Kulang na lang ay tadyakan ko ito.
"Saan ka pupunta, Bathala?" Hinabol niya ako.
"Alam mo ba kung nasaan ang mga gamit ko?"
"Gamit? Anong gamit?"
"Nang matagpuan nyo ako na walang malay-tao, may mga gamit ba ako na kasama?"
Napaisip siya. "Meron. Pero ang tatlong ninuno ang nakakaalam kung nasaan iyon."
That's good to hear. I have to find those things. Baka na-recover nila ang phone ko o ang sanitizer ko. O baka naitabi din nila ang isopropyl alcohol ko.
"Fine. Sila na lang ang tatanungin ko," I said without looking at her.
Hinabol niya ulit ako. "Bathala, galit ka ba?"
Napapikit ako. Hindi ko siya kinibo. She's weak. Bukod sa paggawa ng balsa, mukhang wala naman siyang maitutulong sa'kin para makaalis sa islang ito. Buti sana kung pwede ko na siyang tokhangin, kaso hindi pa pwede.
Pinuntahan ko si Jamod sa tinatawag nilang Silong. Ang nadatnan ko doon ay si Kandod. Nasa labas siya at lumalanghap ng hangin.
"Hoy. Meron po akong tanong, Kandod?" Lumapit ako sa kanya.
"Talong? Eh talong yung gamit namin noon panokhang, pero dahil mabilis malanta, pipino na lang."
Hinilot ko ang aking sintido. I need to be clamed. "Ang sabi ko po, meron po akong tanong!"
"Tahong? Oo, lahat kami may tahong."
"Tangina mo po."
"Tangina mo rin, bakit mo ko minumura?!"
Jeez! Alam pala ng gurang na ito kung paano magmura.
I got to find Jakod. Baka mas madali syang kausap.
Pumasok ako sa Silong ni Jamod. And I was right, naroon nga si Jakod. Halos kalahati ng kanyang mukha ay puro muta.
So Gross! Bubuhusan ko ng sanitizer ang mga mata niya once na mahawakan ko ang mga gamit ko.
"Jakod, meron po akong tanong." Bungad ko sa kanya.
"Ano 'yon?"
"May mga gamit po ako nang matagpuan nyo ako. Saan niyo po itinago?"
"Ginago? Sinong ginago? Walang ginagago dito!"
Crap.
...
Jane's POV
Napayakap ako sa isang aklat. Oo, aklat ang tawag dito. Ayon sa nabasa ko, aklat ito kung tawagin.
Lihim akong nagbabasa ng mga aklat dito sa kweba. Dito ko itinago ang mga aklat na napulot ko at paulit-ulit kong binabasa. Subalit isa sa mga aklat na ito ay mahalaga sa akin. Itong kayapos kong aklat.
Ayon kay Jamod, bukod dito sa bigkis ko sa pulso, ang aklat daw na ito ang kasama ko nang matagpuan nila ako sa islang ito. Narito daw ang papel na nakaguhit sa kapalaran ko.
Itinago ito sa akin ng tatlong ninuno dahil mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagbabasa at pagsusulat. Lingid sa kanilang kaalaman, kinuha ko ito nang walang paalam. Itinago ko ito dito. Binasa ko ang nilalaman nito.
Ngunit naglalakbay ang isip ko ngayon dahil kay Bathala. Ano kayang problema niya? Galit ba siya sa akin? Bakit hindi niya ako pinapansin?
Kinasabwat ko si Libag sa paggawa ng tinatawag ni Bathala na balsa. Alam ko, labag ito sa batas. Pero mahal ko si Bathala. Kahit bawal ay gagawin ko para sa kanya. Dahil nakatakda rin na mamahalin niya ako.
Parusang kamatayan ang kahahantungan ko kapag nalaman ni Jamod na gagawa kami ng sasakyan para sa karagatan. Nakakatakot ang parusa. Uupuan ni Libag sa mukha ang nagkasala hanggang sa hindi makahinga. Hanggang sa bawian ng buhay. Walang nagtatagal puwet ni Libag. Walang kayang huminga.
Napaangat ang aking mukha nang makarinig ako ng kaluskos. Napaatras ako nang makita ko si Bathala sa likuran ko.
Anong ginagawa niya rito?
"Ano 'yang hawak mo?" tanong niya sa akin. Salubong ang kanyang kilay.
Itinago ko ang aklat sa likuran ko. "W-wala ito."
Lumapit siya sa akin at inagaw iyon. "Nagbabasa ka?"
Kumapit ako sa braso niya. Tiningala ko siya. "Maawa ka, Bathala. Wag mong ipapaalam kahit kanino na nakakabasa ako."
"Pero nakakabasa ka talaga?"
Marahan akong tumango. Binawi ko sa kanya ang aklat na kinuha niya.
"Alam mo ba kung saan itinago ng tatlong abnoy ang mga gamit ko?"
"Ha? Abnoy?"
"Iyong tatlong ninuno mo. Alam mo ba kung saan nila itinago?"
"Hindi ko alam. Baka sa sagradong lugar."
Pumungay ang kanyang berdeng mga mata. "Sagradong lugar? Saan iyon?"
"Nasa gitna ng islang ito."
"Pwede mo ba akong samahan doon?"
Napakamot ako. "Hindi maari. Delikado ang lugar na iyon. Baka matanaw tayo ng mga kalabang tribo."
"Kalabang tribo? May kalaban kayong tribo?"
Tumango muli ako.
"Pero kailangan kong makuha ang mga gamit ko."
Inawat ko siya. "Sandali, Bathala. Kapag nakita ka nila, dadakpin ka nila. Lalo na't alam nila na may panokhang ka."
"Huh?"
"Malalakas sila, Bathala. Malalakas ang amoy nila."
Napangiwi siya. "Ano bang tribo ito?"
"Ang tawag sa tribo nila ay... Tribo Dinarandado."
"Dinarandado?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Ano bang klaseng pangalan ng tribo yan, parang tinarantado."
"Malalaki ang mga Dinarandado. Maiitim at marurumi. Meron silang balahibo sa kili-kili."
Namutla si Bathala. Parang nagdadalawang isip na. "Sigurado ka?"
"Kapag nadakip ka nila, tiyak na magpapatokhang sila sa'yo."
Gumewang siya. Parang bigla syang nahilo. "S-seryoso ka?"
"Totoo ang mga sinasabi ko, Bathala."
Nanlalata syang napaupo sa isang bato. "Pero nandoon ang pag-asa ko. Baka may gamit ako na makatulong sa akin para makaalis sa islang ito."
Umupo ako upang magpantay kami. "Bakit ka ba aalis, Bathala? Hindi ka ba masaya dito? H-hindi ka ba masayang kasama ako?" Pumiyok ako.
Tumingin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. "Hindi ako ang Bathala mo."
"Ha?"
"Hindi ako nababagay sa islang ito. Meron akong magandang buhay sa likod ng karagatang iyon. Sa mundo ko, ako ang diyos."
Napaatras ako sa sinabi niya. Totoo ba? Na hindi siya ang Bathala?
"Kaya tulungan mo ako." Hinuli niya ang mga kamay ko. Tulungan mo akong makaalis sa islang ito.
"Hindi ko maintindihan, Bathala. Paano mo nasabing hindi ka nababagay sa islang ito?"
"Parehas lang tayo. Alam kong napadpad ka lang din sa islang ito. Dito ka lang lumaki."
"Ha?"
"Sa likod ng karagatang iyon, nandoon naghihintay ang magandang buhay para sa atin. Hindi tayo kabilang sa lugar na ito. Hindi tayo kasapi ng kanilang tribo."
Totoo kaya ang lahat ng sinasabi niya? Matagal ko na ring tanong sa sarili ko kung saan ba ako nagmula. Bakit hindi kulubot ang balat ko katulad nila? Bakit kumpleto ang ngipin ko di tulad nila? Bakit hindi puti ang buhok di gaya nila? Bakit nga ba?
Sino ba talaga ako? Saan ba ako nagmula?
"I-itong bigkis na nasa pulso ko, Bathala. Nababasa mo ba ang nakasulat dito?" inilahad ko iyon sa kanya.
"Jane." Hinawak niya ang aking pulso. "Jane ang nakasulat sa bracelet na ito."
"B-bracelet?"
"Bracelet ang tawag dito sa suot mo."
"S-sa tingin mo, Bathala, ito ba ang pangalan ko? K-kasi nasa akin na ito simula pa lang ng bata pa ako."
"Ito ang pangalan mo."
"J-Jane ang pangalan ko?" Naglandas ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit napakasaya ko na malaman ito.
"Jane ang pangalan mo."
Iniangat ko sa palad ko ang aklat. "Ano ang ibig sabihin ng aklat na ito? Bakit ito natagpuan kasama ko?"
Kinuha niya ito sa akin. Binuklat niya ito. Sa gitna nito ay may nakaipit na isang papel.
"B-bakit nakasulat ang pangalan ko sa papel na iyan?"
Napatitig siya dito. "Birth certificate ang tawag dito."
"B-birth certificate?"
Biglang nanlaki ang mga mata niya matapos magbasa. "Sino ka?"
"B-Bathala... bakit?"
Nagulat ako nang bigla niya akong sakalin. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit.
"Sino ka?!" singhal niya.
"H-ha?"
Umigting ang kanyang panga. "Jane Adoni Foresteir? Isa kang Foresteir?!"
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top