Episode 18
EPISODE 18
Rogue's POV
"Ser, ano na? Kelan ka ba tatayo dyan?"
Humarang ang mukha ni Jamod sa tinatanaw kong mga ulap. Nakahiga ako sa buhanginan at nakatulala sa kalangitan. Tumagilid ako ng higa at iniwasan ko siya. Hindi ko siya kinibo.
"Anak naman ng tinapa, o. Kelan ka ba kikilos diyan? Tatlong araw ka ng nakahilata diyan, aba," reklamo niya.
Kakamot-kamot sa likod ang matanda na nagtungo sa kabilang side ko para silipin ang aking mukha.
"Akala ko ba uuwi tayo ng city? Paano tayo makakauwi nito kung hindi natin matapus-tapos itong bangka?"
Hindi ko siya pinansin. Pumikit na lang ako.
It's been three days since Jane told me that she still wanna marry Kreed. She said that she couldn't break her promise. Magagalit daw ang kalikasan. Paparusahan daw siya ng karagatan.
Fuck! I don't give a shit on that! The hell I care sa mga kalikasang sinasamba nila. Anong pakialam ko sa karagatang magpaparusa sa kanya?!
Maybe Cassandra was right. Binalaan na niya ako na niloloko lang ako ni Jane pero hindi nakinig.
Baka nga alibi na lang iyon ni Jane ang mga pangako niya na ayaw niyang masira para iwan ako.
Baka imagination ko lang talaga yung feeling ko na mahal niya ako.
"Ser," pukaw ulit sa akin ni Jamod. "Paano naman naman matatapos itong bangka kung dalawa lang kaming gumagawa?" Si Cassandra ang tinutukoy niyang pangalawa.
Galit akong tumayo at naglakad papunta malapit sa dagat. Nang nararamdaman ko na sa aking mga paa ang tubig ay saka ako naupo sa buhangin. I don't want to talk to anyone. I just want to be alone.
What did Jane think of me? Bakit siya sumugal sa ganung deal? Wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi siya naniniwala na mananalo ako sa laban namin ni Kreed?
She was worse than a traitor if that's really the case.
Namalayan ko na lang na nasa likuran ko na pala si Cassandra. Umupo siya sa tabi ko. "You look like a mess." She was grinning.
Nanatili ang mga mata ko sa kawalan.
"Tingnan mo nga ang sarili mo," she said. "What the hell is wrong with you?"
Everything is wrong, that's what I feel. Minsan ko ng pinagmasdan ang aking sarili sa reflection sa tubig ng batis kahapon. Yes, she's right, I looked like a mess. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa islang ito, pero kahapon ko lang napansin na makapal na pala ang bigote at balbas ko. Humaba na rin ang buhok ko nang bahagya. Numipis din ang mukha at pisngi ko. I think namayat talaga ako. Hindi na ako ang dating Rogue na hinahangaan ko sa salamin.
"Get a hold on yourself, Rogue." Hinawakan ni Cassandra ang kamay ko. "We need you."
Napabuga ako ng hangin.
It's really easy to say that without feeling how I feel right now. Pero paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanila ang nararamdaman ko gayung hindi ko rin maamin sa sarili ko na nasasaktan ako, na nahihirapan ako.
Ganito ba talaga ang love? Parang car accident. Hindi mo alam kung kelan ka ma-aaksidente. Biglaan. Hindi mo mamamalayan at hindi mo mapaghahandaan.
"Sinabi ko na kasi sa'yo, di ba? You shouldn't trust Jane." Nagpatuloy si Cassandra sa pagsasalita. "She's," bahagya siyang natigilan. "A bitch."
Napahilamos ako sa aking mukha.
"Isa siyang taong-gubat na upgraded. She knows how to manipulate people–"
"Shut up."
Napayuko siya. "Could we just go back to work para makauwi na tayo sa city?"
"I'm tired. I'm in no mood to talk."
Umangat siya sa pagkakaupo. "Fine. I'll give you some time."
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin sa likuran.
"But if you need someone to talk to, I'm here. I can give you everything, especially in times like this," she said in her sexy voice.
Tumayo ako agad upang kumalas sa yakap niya. "I need a drink." Naglakad ako at nilapitan ko si Jamod. "Hoy, Jamod. Wala ka bang natatagong alak diyan?"
"Ano, ser, mag-iinom ka? Mag-iinom tayo, ano?" Nakapamewang ang matanda. "Tapos malalasing tayo? Tapos may mangyayari sa'ting dalawa, ganun?"
"I just want to unwind, that's all."
Tumitig sa akin si Jamod at biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Ano ba talagang problema, ser?" Nangungusap ang kanyang mga mata. Mukha tuloy siyang tutubing gutom.
"Nothing." Sumimangot ako. "Basta hanapan mo ako ng alak na makakapagpalasing sa'kin."
"Ser." Kakamot-kamot siya. "Kung mahal mo, ipaglaban mo. Hindi iyong idadaan mo sa inom."
"Shut up. Wala ako sa mood makipag-usap sa'yo. Just go and find me some wine or something to drink."
"Kayong mga lalaki talaga. Kapag nalasing, akala mo kung sinong kinawawang tupa."
"Huh?"
"Ano bang masakit, ser? Dito ba?" Dinuro niya ang dibdib ko. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya na nasasaktan ka? Bakit hindi mo ipaalam sa kanya na nahihirapan ka na?"
She's right. But on the other hand, I'm not that kind of person. I've got my own pride to protect. Hindi ko kayang magmakaawa sa isang babae. Never.
"Oh baka naman kaya ayaw mong sabihin sa kanya dahil kahit mismo sa sarili mo ay hindi mo maamin na nasasaktan ka na, ha?"
Umismid ako.
"Taym to gib ap, ser. Hindi ka maisasalba ng prayd mo."
Tinalikuran ko si Jamod. "Did I told you to shut up?"
Napakamot siya.
"Go and find me something to drink."
"Pine. Pero may ipapagawa muna ako sa'yo."
Napahilot ako sa aking sintido. "And what the hell is that?"
Lumabi ang matanda. "Sabihin mo muna na maganda ako."
"Seriously?"
Tumango siya matapos kumurap-kurap ang mga mata. Nagkagulo tuloy ang mga muta niya.
"Tss." Napasimangot ako. "Alright. Maganda ka."
"Seksi ako."
"Sexy ka."
"Hat ako."
"Hot ka."
"Mahal mo ko."
"Mamatay ka na."
"Last na, ser." Para siyang kiti-kiting kinikiliti sa kanyang kili-kiling pilipit. "Sabihin mo kay Diwata na natokhang mo na ako."
Kumuyom ang kamao ko. "Damn you, granny." Sa huli ay sumunod na lang ako sa kanya. "Cass, come here," tinawag ko ang babae.
Lumapit sa akin si Cassandra. "What?"
"May nangyari sa'min ni Jamod," I said it with no hesitation. Hindi naman kawalan sa akin.
Nanlaki ang mga mata ni Cassandra. "Y-you're kidding, right?"
"I'm serious."
Napatingin ang nanlalaking mga mata ni Cassandra kay Jamod.
Nagkibit-balikat ang matanda. "No istreng attats."
...
Jane's POV
Bumangon agad ako sa aking pagkakahiga nang marinig ko ang boses ni Jamod. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha. Ayokong makita niya na kagagaling ko lang sa pag-iyak.
"A-ano pong ginagawa nyo dito? Akala ko po ay nakaalis na kayo ng isla?" tanong ko sa kanya nang magtagpo kami sa labas ng silong.
"Paano kami makakaalis, eh si Bathala parang bigat na bigat sa beklog niya. Laging nakahilata."
Napayuko ako. Buong magdamag akong umiyak sa pag-aakalang umalis na sila ng isla. Ang akala ko ay hindi na ako nakapagpaalam kay Bathala.
"Naghahanap ako ng Mugmog."
"P-po? Mag-iinom po kayo?"
"Gusto raw malasing ni Bathala."
"Pero ayaw po ni Bathala ng Mugmog, di ba po? Ayaw niya ng minumog niyo po."
"Malalaman niya pa ba yun. Basta ang gusto niya lang ay malasing."
Nalungkot tuloy ako. Bakit kaya gustong malasing ni Bathala? Galit kaya siya sa akin?
Ako kaya ang dahilan kaya gusto niyang maglasing?
Sinilip ni Jamod ang mukha ko. "Umiyak ka?"
Umiling ako.
"Sus. Eh di ba ikaw itong nagpasya na magpakasal kay Dakila, tapos ngayon iiyak-iyak ka. Kaya ka kaasaran, eh."
"Nangako po ako kay Dakila. Hindi po itong maaring bawiin."
"Pero mahal mo si Bathala?"
Hindi ako umimik.
"Bakit ka ba kasi nakipagkasundo kay Dakila? Wala ka bang tiwala kay Bathala?"
"N-natakot lang po ako na baka may masamang mangyari kay Bathala. Gusto ko lang po masiguro ang kaligtasan niya."
"Kahit kapalit ang kaligayahan niyong dalawa?"
Tumango ako.
"Bakit hindi mo na lang balikan si Bathala? Para tapos ang usapan."
"Kayo po ang nagturo sa akin, na kapag hindi tumupad sa isang kasunduan o pangako ay mapaparusahan ng kalikasan at karagatan."
Napakamot si Jamod. "Oo nga pala. O siya, diyan ka na, ha? Mag-iinom pa kami."
Biglang sumulpot si Dakila. "Namod, anong ginagawa mo dito?"
"Jamod ang pangalan ko. Hindi Namod."
"Akala ko ay nakaalis na kayo ng isla."
"Tinatapos pa namin yung barko – este bangka pala." Biglang ngumisi si Jamod kay Dakila na kakamut-kamot. "May Mugmog pa dyan? Walwal sana kami ni Bathala, eh."
"Bakit naman kita bibigyan?"
Pinandilatan niya si Dakila. "Baka gusto mo abugbug Rogue ulit?"
Nalukot ang mukha ni Dakila. "Sabihin mo sa kanya hindi ako natatakot!"
Pumagitna ako sa dalawa. "Ah, Dakila..." Sa lalaki ako humarap. "Baka maari nating pagbigyan ang hiling ni Jamod bago man lang sila umalis ng isla," ani ko sa maamong tinig.
"Sige. Pero pagsabihan mo yang si Namod."
Nagusot ang mukha ng matanda. "Jamod ang pangalan ko! Hindi Namod!"
Lalong nagalit si Dakila. "Gusto mo ikaw abugbug ko?!"
"Ayoko ng abugbug!" biglang nanamis ang ngiti sa kanyang labi. "Gusto ko ajugjug."
At bago pa lumalim ang away ng dalawa ay hinila ko na palayo si Jamod. Sinamahan ko siya kung saan nakapwesto ang mga Mugmog.
"Oh, heto po. Kumuha na po kayo at umalis na po muna kayo."
"Hindi ka ba sasama?"
"P-po?" Bigla akong kinabahan. Parang biglang dumagundong ang dibdib ko sa isiping makikita ko muli si Bathala.
Hinawakan ni Jamod ang aking kamay. "Ipapaalala ko lang sa'yo, hija. Higit pa ring makapangyarihan ang pag-ibig kaysa sa kung ano man."
"P-po?"
"Kausapin mo si Bathala."
"Hindi na po siguro. Alam ko pong galit siya sa akin."
Pinisil niya ang aking palad. "May gusto siyang sabihin sa'yo."
Namilog ang mga mata ko. "P-po?"
"Basta wag ka ng mag-inarte dyan. Kausapin mo na lang." Tiim-bagang ang matanda.
Napabuga ako ng hangin.
"Magpaalam ka kay Dakilang supot. Hihintayin ka namin sa tabing-dagat."
Hindi ako tumugon sa sinabi niya. Pinagmasdan ko na lamang siya na papaalis at papalayo sa akin.
Tama marahil ang lahat ng sinabi ni Jamod. Mas mainam siguro kung makausap ko si Bathala bago siya tuluyang umalis ng isla.
Bumalik ako sa silong kung saan naroon si Dakila. "Maari ba akong sumama kay Jamod para makapagpaalam ako kay–"
"Hindi." Seryoso ang bughaw niyang mga mata.
"Ha?"
Lumapit siya sa akin at salubong ang mga kilay niya. "Patawad, Pukangkang. Pero sa pagkakataong ito ay hindi kita papayagan."
...
Rogue's POV
Niyapos ni Jamod ang leeg ni Cassandra matapos mapahagikhik. Kanina lang, bago mag-inuman ay magkaaway ang dalawa. Ngayong mga lasing na ay halos ayaw na nilang maghiwalay na para bang ang tagal na nilang magkaibigan.
Napatingin tuloy ako sa iniinom ko. What kind of wine is this? Bakit parang hindi ako nalalasing?
I felt a little dizzy, pero parang kailangan kong makarami. Gusto ko kasi ay iyong gumagapang na ako sa kalasingan.
Mayamaya ay may napansin akong babae na papalapit sa amin. Ginusot ko pang mabuti ang mga mata ko dahil baka lasing na ako.
Is that really Jane? Anong ginagawa niya dito?
Nalagok ko tuloy itong iniinom ko.
Nilapitan agad ni Jamod ang babae. At dahil nga lasing na ang matanda ay niyakap niya ito. "S-sabi ko na nga ba at pupunta ka..." Sabay hagulhol nito.
Walang nagawa si Jane kundi aluhin si Jamod.
Nanakbo si Cassandra palapit sa akin. "Ignore her, Rogue."
"Shut up."
"Just don't listen to every word she will say."
Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Kumuha pa ako ng maiinom at naglakad palayo sa kanya.
Mayamaya lang ay hila-hila na ni Jamod si Cassandra sa kung saan. Walang nagawa ang babae kundi ang magpadala sa matanda.
Damn you, Jamod. If you're planning to give me some time with Jane, you'll gonna fail. Wala akong balak kausapin ang babaeng 'yan.
Lumagok ulit ako ng maiinom.
Nakatayo lang si Jane at nakatanaw sa karagatan ilang hakbang ang layo sa akin. Mukhang wala rin siyang balak na lumapit sa akin.
Ano bang akala niya, ako pa ang lalapit sa kanya? No way!
Hinawi ni Jane ang ilang hibla ng kanyang buhok dahil sa hangin na tumatama sa kanyang mukha. Nakikita ko iyon dahil sa panakaw kong pagsulyap sa kanya.
Darn, she's really beautiful. At inaamin ko na na-miss ko talaga siya.
Bahagya din siyang sumulyap sa akin pero panandalian lang. Sa klase ng pagkakatayo niya ay wala talaga siyang balak na lumapit sa akin.
Bahala siya dyan. Kahit abutin kami ng ilang araw dito ay hindi ko siya lalapitan.
But what the hell is happening to me? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapakali na para bang sinisilihan ang pwet ko.
"Ahem." Tumikhim ako.
Ano bang plano niya, tumayo lang dun buong magdamag at pagmasdan ang karagatan? Wala ba talaga siyang balak na kausapin ako? Bakit pa siya pumunta dito kung ganun?
Naiinip ako.
Namalayan ko na lang na naglalakad na ang mga paa ko patagilid papalapit sa kanya.
Seriously, Rogue?
Hindi ko siya magawang tingnan gayung malapit na ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Napapikit ako.
At talagang pinalalim ko pa ang boses ko, huh?
Napayuko siya. Ilang sandali lang ay tiningala na niya ako. "Galit ka ba sa'kin, Bathala?"
"Tsk." Napangisi ako. "Bakit naman ako magagalit sa'yo?"
Lumabi siya. Pagkuwan ay hindi na siya nagsalita.
"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako." Tinalikuran ko na siya. Pero sarili ko ring mga paa ang nagpahinto sa akin.
Ano bang ginagawa ng babaeng ito sa'kin? Gusto niya ba talaga na wala ng matirang pride sa akin?
"Wala ka na bang sasabihin?" Hindi ko siya magawang lingunin. Pero alam ko na nakatitig lang siya sa akin.
"Gusto ko lang malaman mo na–"
"Bago ka magsalita, gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi na ako maniniwala sa mga sasabihin mo." Humarap ako sa kanya at tinitigan siya nang masama. "Dahil alam kong sinungaling ka."
"Akala ko hindi ka galit?"
"Sino ba may sabi sa'yong galit ako?" Napahalukipkip ako, pilit pinapakalma ang aking sarili.
"Hindi ako sinungaling. Para sa akin, ang pagsisinungaling ay ginagamit lang kapag gusto mong protektahan ang iyong sarili."
"Nasabi na sa akin ni Diwata ang lahat. Alam ko ang lahat ng plano mo. Na hindi mo talaga ako mahal. Na niloloko mo lang ako. Gumaganti ka lang sa akin dahil sa kasalanan ko sa'yo." Ang tinutukoy ko ay iyong pinagsamantalahan ko siya noon.
Nakakapagtakang napangiti siya.
"Anong nakakatawa? Dahil totoo ang lahat ng sinasabi ni Diwata?"
"Ngayon ay napatunayan ko na hindi pala siya totoong kaibigan sa akin."
"Huh?"
"Sinabi ko talaga sa kanya yun para malaman ko kung totoo siya sa akin. Gusto ko kasing tuklasin ang pagkatao niya. Gusto kong alamin kung totoo ba ang lahat ng sinasabi niya sa akin."
What is she talking about? I don't get her.
"Ngayon nasabi niya na pala sa'yo, nasa sa iyo na iyon kung maniniwala ka sa kanya. Pero hindi ko itatanggi na sinabi ko nga sa kanya iyon."
I get it. She's smarter than I think. Gusto niya lang subukan si Cassandra kung isang karapat-dapat na kaibigan sa kanya. But why would she took a risk like that. Paano kung isipin ko na totoo ang lahat ng iyon?
"Dahil nagtitiwala ako sa'yo," aniya na para bang nabasa ang nasa isip ko.
"Huh?"
"Alam kong hindi ka maniniwala sa kanya, Bathala. Dahil alam kong mas naniniwala ka sa akin kaysa sa kanya."
Napaatras ako sa sinabi niya. She's right. She's absolutely right again.
Napamura ako sa isip. Still, wala naman doon ang issue. Siya ang nawalan ng tiwala sa akin nang makaipagkasundo siya kay Dakila. Iniisip niyang may tiwala ako sa kanya, pero siya pala itong walang tiwala sa akin. And yet she had the guts to face me?
"Tapos ka na?" Napakalamig ng boses ko. "Kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na."
Napayuko ulit siya. Iniba niya ang usapan. "K-kailan kayo aalis sa isla?" bahagyang pumiyok ang kanyang tinig.
"Hindi ko alam. Baka sa pagsikat ng araw."
"M-mag-iingat ka."
"Hindi mo na kailangang sabihin yan."
"S-sabihan mo ako kapag aalis na kayo–"
"Bakit pa? Ano bang alam ng isang taong-gubat na katulad mo?"
"H-ha?"
"Ngayon ko lang napagtanto. Hindi ka pala karapat-dapat sa akin."
"B-Bathala..." Nagluha ang mga mata niya.
"Nagtatanong ako sa sarili ko. Bakit ko nga ba pinatulan ang isang katulad mo?" Umigting ang panga ko. "Nagkamali ako. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko kung bakit ako pumatol sa'yo. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga kaibigan ko sa city? Nakakahiya–" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang sampalin niya ako.
Tigmak na pala ng luha ang kanyang mukha habang nakatingala siya sa akin. "A-ano man ang sabihin mo, sasabihin ko pa rin sa'yo na..." napahagulhol siya. "M-mahal kita..."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"W-wala akong babawiin sa mga nasabi ko sa'yo. W-wala akong pagsisihan sa nararamdaman ko sa'yo. Dahil iyon ang totoo..."
"J-Jane..."
"N-nagpunta ako dito para sabihin sa'yo na nanabik ako sa'yo." Mariin niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Sa kabila ang pag-iyak niya, sinisikap niyang maging matapang sa aking harapan. "G-gusto ko lang malaman mo na... mahal na mahal pa rin kita..."
Parang may pumipiga sa puso habang nakikita sa pag-iyak niya ang pagdurusa. Nararamdaman ko na nasasaktan siya. Alam ko na nahihirapan siya.
"P-paalam, Bathala. Pangako... hindi mo na ako makikita..." pagkasabi niya niyon ay nanakbo na siya palayo sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan siya.
What have I done? Damn.
Napaluhod ako nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
...
"What the hell is wrong, Rogue?!" Hinimas ni Cassandra ang likod ko habang wala akong tigil sa pagsusuka. "Bakit ka ba nagpakalasing ng ganyan?"
Halos hindi ko maingat ang aking ulo. Everytime I tried, lalo akong nahihilo. Hinang-hina ang katawan ko sa kalasingan.
"Come on. Take it out." Iniangat ni Cassandra ang mukha ko para makasuka pa ako.
"No..."
"Lasing na lasing ka, Rogue."
"Hindi lang naman ako." Sinulyapan ko si Jamod na tulug na tulog na sa kalasingan. Hayun at inaanod na ng alon.
"Come here." Itinayo ako ni Cassandra at inilayo ako sa pampang. Ngunit mga ilang hakbang ay nabuwal kami at sabay natumba sa buhanginan.
"Let me–"
"No." Pinunasan niya ang mukha ko.
"Just stay away kung ayaw mong masukahan."
"I'm not going anywhere."
Hinayaan ko na siya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa ibabaw ko na siya. "W-what are you doing?"
Bigla niya akong siniil ng halik.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top