Episode 14
Episode 14
Rogue's POV
"LET ME REMIND YOU OF WHO YOU ARE."
I'm completely aware that Cassandra is seducing me.
"Remember who you are." Her voice was enticing me into temptation. "You are Rogue Fucking Saavedra." Lumapit pa siya sa akin at pilit hinuhuli ang aking tingin. "The leader of an elite fraternity, the famous leader of a band, the young billionaire, the god of the city..."
My fists clenched. "Damn you, woman."
Gumapang ang kamay niya pababa sa aking tiyan. Akma na niyang hihipuin ang nakabukol sa aking harapan nang hulihin ko ang kanyang pulso.
"Don't touch me," awat ko sa kanya.
Bakas sa mukha niya ang dissappointment.
Kulang ang research niya tungkol sa akin. Hindi niya alam na hindi ako basta-basta pumapatol sa kung kani-kanino lang.
Yes, she's sexy and hot, pero hanggang doon lang iyon. She's Panther's fucking ex wife kaya yuck! Hindi ako tumitikim ng pagkain na alam kong nalawayan na ng iba. Lalo na ng mortal kong kaaway.
At kahit pa hindi siya inasawa ni Panther, still, fucking Cassandra would be so disrespectful to Jane. I did terrible things to Jane at ayoko ng dagdagan pa ang mga kasalanan ko.
"You're kidding, right?" ani Cassandra na hindi pa rin makapaniwala after ng rejection ko sa kanya. "Come on, Rogue. Okay ka lang? Makakatagal ka?"
"Find food, and I'll make the boat." Pagkasabi ko ay nilampasan ko na siya.
"Are you fucking serious?"
"I said, find food."
"You know what? Damn you! Akala ko pa naman magkakandarapa ka sa akin dahil matagal ka ng tigang. Anong nangyari sa 'yo? Dahil sa pananatili mo sa islang ito ay naging impotent ka na ba?"
Hindi ko na siya nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Humabol siya sa akin at nagtungo sa harapan ko. "Don't tell me, ang babaeng gubat na yun ang dahilan kaya mo ako tinatanggihan? Ano bang meron siya e wala naman siyang kwenta–"
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang sakalin ko siya.
"R-Rogue!" Gulat na napahawak siya sa kamay ko. Halos hindi siya makapagsalita.
"Don't you dare say things like that again to her, you understand me?" Diniinan ko ang pagkakasakal sa kanya.
Kandaubo si Cassandra habang nagluluha ang kanyang mga mata. Kung kilala niya ako ay dapat alam niya rin kung gaano ako kaarogante at kung gaano kaiksi ang pasensiya ko.
Sunud-sunod siyang napatango. Nang bitawan ko siya ay namumutla ang buong mukha niya.
"Be here before the daybreak." Naglakad na ako palabas ng kweba.
"A-and w-where the hell are you going?" she asked, still gasping for air.
"I'll find some woods. Pagbalik ko dapat may food na." Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Damn that woman. Wala naman akong balak saktan siya, but she's provoking me to hurt her. Mabait na kaya ako ngayon, nagbago na ko. I want to be a good man for Jane. Gusto ko kasi na hindi lang ako basta pogi, gusto ko mabait din ako.
I suddenly heard someone's cry kaya napalingap ako sa paligid. Natigilan ako habang pinapakinggan ang bawat hikbi. Shit! I know that voice.
Nanakbo agad ako sa pinagmumulan ng tinig. She got to be somewhere else nearby. Lumundag ako sa mga halaman at balewalang tinakbo ang masukal na daan. I got to find her.
Hindi ako maaring magkamali. That's Jane's voice!
Sa likuran nang malaking puno at nadatnan ko si Jane na nakahiga at nakasilong. Lumuhod agad ako paglapit ko sa kanya. She's asleep, but she's crying. Binabangungot yata.
"Jane! Wake up!" Inuga ko siya nang marahan sa balikat.
Napabalikwas siya ng bangon at sinampal agad ako. "Ang sama mo!"
"I don't understand, Jane."
Pinagsusuntok niya ang dibdib ko. "Napakasama mo!"
"Jane, wait–" Nasampal niya ulit ako.
Mayamaya ay tila natauhan na siya. "B-bathala?!"
"Jane, binabangungot ka."
Jane harshly wiped the tears on her cheeks. Umikot ang mga mata niya sa paligid.
"See? Nananaginip ka lang. Naabutan kita na umiiyak habang natutulog."
Napalunok siya habang nakatitig sa akin. Napakailap ng mga mata niya. "P-panaginip?"
Maingat ko siyang kinabig palapit sa akin at hinagkan ang kanyang noo. "Hush..."
Pero itinulak niya ako at sinampal ulit sa pisngi.
Biglang sumulpot sa paningin ko si Jamod na kababangon lang din mula sa pagtulog. "Anong ginagawa mo sa alaga ko?"
Pumagitna siya sa amin.
"Bakit umiiyak ang alaga ko?!"
"Huh?" Kanina pa pala siya sa tabi ni Jane at natatabunan lang ng tuyong dahon ang mukha kaya akala ko kanina ay bahagi siya ng lupa.
"Di ba sabi ko sa'yo kung sasaktan mo siya, ako na lang ang saktan mo? Ako na lang ang paiyakin mo?! Ako na lang ang tokhangin mo–"
"Sige, share mo lang." Binalikan ko ng tingin si Jane. "Jane, bakit mo ba ko sinampal?"
Tumayo siya at lumayo sa akin. She pouted her lips. Hindi siya makatingin sa akin.
Inilapit ko muli ang sarili ko sa kanya. "Galit ka pa rin ba?"
Umiling siya. Pero hindi bumuka ang bibig niya.
"Tell me. Ano ba yung napanaginipan mo?"
"W-wala." She flushed. She's really cute.
"Hey. 'Lika nga." Kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya palapit sa akin. Pagkatapos ay ikinulong ko siya sa mga bisig ko. "Tahan na, ha?" Lalo ko pa siyang niyakap since hindi naman siya pumapalag.
God, I missed her.
At ang sakit na makita siyang umiiyak kahit bangungot lang ang dahilan ng pag-iyak niya. It felt like I could do everything just to protect her from pain. Kahit ako na lang ang masaktan, wag lang siya.
"Galit ka pa?" Sinilip ko ang mukha ni Jane. I was taller than her kaya kinailangan ko pang yumuko para makita ang mukha niya.
Nakayuko lang siya at nakalabi.
"Ano na naman bang kaartehan yan?" Jamod said abruptly. "Kapag tinatanong, sumagot. Hindi iyong 'pag wala na, saka magmumukmok!"
Darn this granny. Kapag hindi pa siya tumahimik ay siya ang gagawin kong bangka namin.
Napapikit si Jane. "N-nanaginip ako." Patuloy siya sa paghikbi habang nasa bisig ko siya. "M-may tinotokhang daw ang Bathala."
"May tinokhang lang si Bathala, umiyak ka?" Jamod let out a sarcastic laugh.
Lumabi si Jane nang makita niyang nangingiti ako. "A-anong nakakatawa?"
"Huh?" Napakagat-labi ako. I should stop my lips from smiling. Pero ang hirap kasing pigilan. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam.
Tinalikuran niya ako.
"Arte niyo, taena nyo," singit ni Jamod. "Nung nagmahal ako wala namang ganyan. Tokhang agad."
Hinila ko si Jamod sa sulok at pasimpleng sinakal ito gamit ang aking braso. "Tutuluyan na talaga kita!" Gigil na sabi ko.
"Easyhan mo lang kasi, ser. Wag G na G, lalo tuloy nagpapakipot ang alaga ko."
Kumalas ako sa kanya at binalikan si Jane. "Panaginip lang yun, Jane. Hindi naman yun totoo."
Lalapitan ko sana siya nang biglang sumulpot si Cassandra mula sa likuran ko. "Hello, everyone!"
Nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Jane nang makita niya si Cassandra.
Ngiting-ngiti si Cassandra. Wala na itong hood na suot, tanging two-piece bikini na lang at boots. Parang turista lang.
"So... kumpleto na pala tayo," aniya matapos akong lapitan. She wrapped her arms around my waist. "I missed you agad."
Binaklas ko agad ang braso niya. Humarap agad ako kay Jane. "S-siya nga pala si Cassandra," pakilala ko.
I was so worried with Jane's reaction. May namumuo na namang luha sa gilid ng kanyang mga mata, at namumula na ang matangos niyang ilong.
Nagpatuloy ako. "S-siya pala yung tutulong sa atin na makaalis sa islang ito–"
"Siya ang diwata." Hindi ako pinatapos ni Jamod.
"I told you. Diwata ang tawag nila sa akin," nakangising sabi ni Cassandra sa akin.
"Magkasya kaya tayo sa bangka?" tanong ni Jamod. "Baka lumubog. Ang alam ko kasi mabigat ang malalandi."
Napahalukipkip si Cassandra. "Hindi ko yata gusto ang tabas ng dila ng gurang na ito."
"That's enough," awat ko sa kanila. "Kailangan nating magtulungan para makaalis ng islang ito."
Cassandra rolled her eyes.
Jamod rolled her eyebags.
Nang sulyapan ko si Jane ay madilim lang ang mukha nito na nakayuko. She looked mad again. She seemed jelous.
"Let's split," I suggested. "Jane will go with me para maghanap ng mga kahoy na gagawing bangka." Bumaling ako kay Cassandra. "You and Jamod will find our food."
"Actually." Lumapit si Cassandra kay Jane at umabresiyete dito. "Mas-feel kong kasama si Jane kesa sa matandang yan."
"But, Cassandra–"
"Okay lang naman, di ba, Pukangkang?" Sinilip ni Cassandra ang mukha ni Jane.
Matagal bago nakasagot si Jane. Her eyes were lazy when she looked at me, and I couldn't even look straight into her eyes. Nang magsalita siya ay umiwas na siya sa akin ng tingin."Ayos lang."
Crap.
I had a bad feeling about this. I shouldn't trust Cassandra. May kutob akong meron siyang planong hindi maganda.
...
Jane's POV
Walang kaa-alam-alam si Diwata na pasimple ko siyang tinititigan. Para kasing kamukha niya yung tinotokhang ni Bathala sa aking panaginip.
Napahawak ako sa aking dibdib. Sa totoo lang ay ayoko ng maalala yung napanaginipan ko. Pasalamat na nga lang ako at panaginip lang yun. Masakit pala sa dibdib kung sakaling totoong may totokhangin si Bathala bukod sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Magkagalit ba kayo ni Bathala?" untag sa akin ni Diwata nang mapansin niyang hindi ako umiimik. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad.
"Ha?"
"Hindi kasi kayo nagpapansinan." Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "May tampuhan ba kayo?"
Napahilto ako sa aking paliparan. "W-wala naman."
Sinilip niya ang mukha ko. Nanunuya ang kanyang ngiti sa mga labi. "Gusto mo siya, ano?"
"H-ha?" Nangapal ang aking pisngi.
"See? Namumula ka."
Umiwas ako sa usapan. "Saan ba tayo kukuha ng pagkain? Baka nasa teritoryo na tayo ng mga Dinarandado."
"Don't worry. Sa pitong buwan ko sa isla na ito, kabisado ko na ito. Plus pa na nakita ko na ang mapa nito noon before ako mapadpad dito. Kung sakali mang may mapuntahan tayong teritoryo ng iba, alam ko ang daan para makaiwas."
Ang galing niya! Mukhang kabisado niya talaga ang bawat sulok ng mga kakahuyan dito sa isla.
"Tatapatin na kita, Pukangkang." Bahagya siyang lumapit sa akin.
"H-ha?"
Sumeryoso ang kanyang mukha. "Hindi ka gusto ni Bathala."
Parang biglang huminto sa pagtibok ang puso ko sa sinabi niya.
"Kung meron man siyang gusto, iyon ay ang matokhang ka. Pero imposible na seryosohin ka niya."
Tila nanlambot ang mga tuhod ko sa mga sinasabi niya. Parang may pumipiga sa puso ko hanggang sa hindi na ako makahinga.
Hinid ko pwedeng sabihin sa kanya na tinokhang na ako ni Bathala. Ayokong bumaba tingin niya sa akin.
"Sa mundong pinaggalingan namin, marami ng tinokhang si Bathala." Nagpatuloy siya. "Ngunit wala ni isa sa mga tinokhang niya ang sineryoso niya. Lahat ng tinotokhang niya ay iniiwan niya."
Napaatras ako. Pakiramdam ko ay sinasakal niya ako. "P-parehas kayo ng pinanggalingang lugar?"
Tumango siya. "City o siyudad ang tawag namin sa lugar na yun." Humakbang pa siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Sinasabi ko sa'yo ito dahil tulad mo, babae rin ako. Nag-aalala ako sa'yo. Baka kasi sa huli ay ikaw lang ang masaktan kapag iniwan ka niya."
Sinikap kong pigilang ang mga luha ko na wag pumatak. Pinilit ko ko ang aking sarili na ngitian siya. "S-salamat, Diwata. Pero hindi ako magpapatokhang kay Bathala."
"Good." Lumamlam ang mga mata niya. "At pakiusap ko lang sa'yo. Wag na wag mong sasabihin kay Bathala na sinabi ko ito sa'yo. Baka kasi magalit siya sa akin at ako naman ang tokhangin niya."
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Gusto ko rin kasing manggaling mismo kay Bathala kung totoo ba itong nalaman ko tungkol sa kanya. Hindi ko kasi alam kung nagsasabi ba ng totoo si Diwata o hindi.
"Mangako ka, Pukangkang." Pinisil niya ang magkabila kong balikat. "Mangako ka na hindi mo sasabihin sa kanya."
Mukhang wala na akong pagpipilian. Kailangan kong mangako at tuparin ito, o kung hindi ay parurusahan ako ng kalikasan. Pinalaki ako ni Jamod na may takot sa diyosang si Merdie at ang sasakyan nitong pagong.
"P-pangako. Hindi ko sasabihin kay Bathala."
"Mabuti kung ganun." Lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi. "Kaya kung ako sa'yo, iwasan mo siya. Wag kang maniniwala sa mga sasabihin niya sa'yo."
"O-oo."
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Wag kang mag-alala. Kapag nakauwi na tayo sa city, ako ang bahala sa'yo. Hindi kita pababayaan. Basta magtiwala ka lang sa'kin."
Tigagal ako sa sinabi niya.
"Magtitiwala ka sa'kin, di ba?"
Gumanti ako ng yakap sa kanya. "O-oo, Diwata. Magtitiwala ako sa'yo."
...
Rogue's POV
"Jamod, wala na bang ibibilis yan?"
"Sige, ser, bibilisan ko pa."
"Bilisan mo, malapit na."
"Teka lang, ser. Nakakangalay kasi."
"I-blow mo kasi ng konti."
"Eto, ser, nag-blow na ko."
"Ayusin mo ang pag-blow mo. Tagalan mo."
"Tingin ko, ser, malapit."
"Oh, God. Malapit na nga, Jamod."
"Bibilisan ko pa."
"Bilisan mo pa. Ayan na, malapit na!"
"Umuusok na, ser!"
Binuhusan ko agad ng mga tuyong dahon para mag-ningas. And after umusok nang tuluyan, we susccesfully made a fire.
Mula sa piraso na parte ng kawayan na inipit ni Jamod sa magkabila niyang palad at pinaikot nang mabilis habang ang dulo nito ay nakatusok sa dry woods, she created a friction. Once na umusok ito, kailangan kong buhusan ng mga dahon na tuyot.
Jamod was right, nakakangalay nga itong gawin. Pero kailangan lang konting tiyaga at tamang blow.
"Ser?" Pukaw sa akin ni Jamod matapos umiksi ng kanyang leeg na para bang kinikilig.
"Huh?"
"Ang saya natin, ano?" Napanguso siya kaya nagmukha siyang hipon. "Sana wag kang ma-fall."
"Ginagago mo ba ko? Gusto mong ikaw ang ipanggatong ko dito?"
"Char lang, ser."
Napatanaw ako sa labaas ng kweba. Bakit kaya wala pa sila? I'm worried about Jane. Baka kung ano na ang pinagsasasabi sa kanya ni Cassandra.
Damn it! Bakit ba ako pumayag na silang dalawa ang magkasama? Eh di sana ay kaming dalawa ni Jane ang gumagawa ng apoy at hindi ang unggoy na ito na wala ng ibang ikinwento kundi ang boyfriend niyang punggok.
"Hoy, Jamod. Nahihigawaan ako sa pangalan mo."
Tiningala ako ni Jamod. "Ser?"
"Mahal ka ba ng mga magulang mo? Bakit Jamod ang ipinangalan nila 'sayo?"
"Maganda naman, di ba? Ang seksi kaya."
"What the hell are you talking about? Kung nakapag-aral ka man at naging estudyante ka, malamang binu-bully ka ng mga kaklase mo."
"Dyan ka nagkakamali, ser. Lahat ng mga lalaki ay naaakit sa pangalan ko. Unang pumapasok kasi sa isip nila kapag naririnig ang pangalan ko ay ang putukan ako."
"Gusto mong paputukin ko yang mukha mo." Inambahan ko siya ng suntok. "But seriously, ano bang totoong pangalan mo? Family name? Do you have a surname?"
Namugto muna ang kanyang mga mata bago siya nakasagot.
"Eh, ser, Jamod lang talaga ang ipinangalan sa akin ng nanay ko."
"May nanay ka pala?"
"Oo naman, ser!"
"Tanda mo pa nanay mo? Akala ko kasi nag-uulyanin ka na."
Kumibot-kibot ang kulubot niya sa mukha. "Mukha lang akong gurang, ser, pero bata pa naman ako. Matured lang talaga ang genes ng lahi namin."
"Kung sino man yang nanay mo, gusto ko siyang sakalin dahil sa ipinangalan niya sa'yo."
"Wag naman, ser. Mabait at responsable naman po ang nanay ko. Bata palang ako ay umalis na siya para mamasukan sa siyudad. Anak po kasi ako sa pagkadalaga. Disi-sais palang kasi siya ng iluwal niya ako sa mundong ito. Pero hindi naging hadlang iyon para suportahan niya ako. Hindi siya tumigil sa pagsuporta sa akin kahit pa hindi ko natapos ang aking pag-aaral dahil maaga rin akong humarot."
Bumalatay bigla ang labis na lungkot sa kanyang mukha. Suminghot pa siya. Medyo naantig tuloy ang damdamin ko.
"Wala ka bang kapatid?"
"M-mag-isa lang akong anak ng nanay ko, kahit napakarami niyang naging boyfriend sa siyudad. Nasa lahi daw talaga namin ang lapitin ng lalaki, pero ang nanay ko ang lumalayo sa lalaki kapag alam niyang fall na fall na ang lalaki sa kanya. Ayaw niya kasi ng komplikasyon."
Seryoso ba talaga ang gurang na 'to?
"Matino siya, ser, kahit parang pakgerl ang datingan. Maraming natulungan ang nanay ko. Naging mabuti siyang tao, kaya ipinagmamalaki ko siya."
"E nasan na ba ngayon ang nanay mo?"
Lumamlam ang kanyang mga mata. "W-wala na siya, ser. Nasa heaven na."
"Oh. I'm sorry."
Napatingala siya matapos magtubig ng kanyang mga mata. "Kahit wala na siya, ser, atleast isa naman siyang alamat."
Umangat ang isang kilay ko. "Bakit sino bang nanay mo?"
Mapait siyang ngumiti. "Si... Merdie."
...
Jane's POV
May mga dala kaming prutas na pinitas namin sa gitna ng kagubatan, at mga isda na hinuling mag-isa ni Diwata. Halos ayaw niya akong pagbitbitin. Siya ang may mas maraming dala kaysa sa akin.
"Hindi ka ba nahihirapan dyan sa bitbit mo?" tanong niya sa akin. May bitbit din kasi ako pero konti lang.
"Magaang lang naman ito, BFF." Ang sabi niya kasi sa akin, simula daw ngayon ay BFF na ang tawagan namin.
"Sabihin mo lang, BFF, kung nahihirapan ka na." Nakangiti siya sa akin. Napakaamo ng kanyang mukha.
Mabait si Diwata. Hindi niya ako hinayaang mapagod. Ang sabi niya pa ay aalagaan niya raw ako. Siya raw ang bahala sa akin hanggang sa makauwi kami sa siyudad. Basta susundin ko lang daw ang mga sinasabi niya, dahil para rin naman iyon sa kabutihan ko.
"Hmm... BFF?" Napakagat-labi ako. "Sabi mo ay hindi ako gusto ni Bathala. Gusto niya lang akong tokhangin. Ibig sabihin ba nun ay ikaw ang gusto niya?"
"I'm so sorry, BFF. Ayoko sanang sabihin sa'yo 'to, pero..." Natigilan siya at napabuga ng hangin. "Ako talaga ang gusto ni Bathala."
"H-ha?"
"Pero tinanggihan ko siya. Isinasaalang-alang ko rin ang sitwasyon niyong dalawa."
"S-sitwasyon?"
Tumango siya. "From the moment na magkita kasi kayo ni Bathala, alam ko na may something sa inyong dalawa."
"Something?" Hindi ko siya maintindihan.
"Hindi mo maitatago, BFF." Ibinaba niya ang mga bibit niya at hinawakan ang aking mga kamay. "Alam kong gusto mo si Bathala. Alam kong may nararamdaman ka sa kanya."
Napayuko ako. Nagmumukha na akong talunan sa harapan niya.
"Ako ang nagligtas kay Bathala mula sa kulungan. Pagkatapos non ay nagtungo kami sa kweba at doon pansamantalang sumilong."
Ako dapat kasi ang nagligtas kay Bathala at hindi siya. Naiinggit tuloy ako sa kanya.
"Sinasabi sa akin ni Bathala na gusto niya ako. Sinubukan niya akong tokhangin, pero tumanggi ako."
Parang hindi ko na kaya pang marinig ang mga kwento niya.
"Sinubukan niya akong halikan, ngunit umiwas ako," kwento niya pa.
"B-bakit mo siya iniwasan? Hindi mo ba siya gusto?"
"Gusto ko siya, BFF. Kaya lang, bilang babae, dapat ay may dignidad tayo. Hindi pwede iyong magpapatokhang lang tayo dahil guwapo sila. May reputasyon tayo."
Parehas pala kami ng pananaw sa buhay ni Diwata.
Nilingon ko ang aking likuran nang marinig ko ang boses ni Bathala. Naalala ko na malapit na pala kami sa kweba. Mukhang natanaw na niya kami.
"Oh, hayan na si Bathala. Iyong sabi ko sa'yo ha?" bulong sa akin ni Diwata. "Kausapin mo siya. Alam kong sasabihin niya sa'yo na mahal ka niya. Pero wag kang maniniwala. Sinungaling ang Bathala. Kapag natokhang ka na niya ay lilitaw ang totoong ugali niya."
"A-anong sasabihin ko sa kanya?"
"Sabihin mo na wala ka talagang nararamdaman sa kanya. Na nahuglog na ang loob mo kay Dakila."
Ikinwento ko sa kanya ang tungkol kay Dakila. Inamin ko na ikakasal na ako dito.
"Sabihin mo kay Bathala na mahal mo na ang Dakila. Pero mas gusto mo na makauwi ng siyudad kaya ka sasama sa amin. Natatandaan mo ba ang lahat ng bilin ko sa'yo?"
Tumango ako. Ilang sandali lang ay kaharap na namin si Bathala. Papalapit na siya sa amin.
"Kailangang tapusin mo na lahat ng namamagitan sa inyo ngayon pa lang. Kung magalit man siya, akong bahala. Poprotektahan kita mula sa kanya."
"O-oo."
Mayamaya nga ay heto na si Bathala. "What took you so long?" Kay Diwata agad siya nakabaling matapos kunin sa kamay ko ang mga bitbit ko.
"May sasabihin daw sa'yo si Pukangkang," sagot sa kanya ni Diwata.
Nakita kong umalon ang kanyang lalamunan. "Really?" Tumingin siya sa akin.
Tiningala ko si Bathala.
Bumulong sa akin si Diwata. "Sabihin mo na. Nandito lang ako sa likod mo."
Bumuga ako ng hangin. Nakatitig ako sa luntiang mga mata ni Bathala at nakatitig din siya sa akin. "B-Bathala, may sasabihin ako."
"J-Jane." Nangungusap ang mga mata niya.
"Gusto kong sabihin na..."
Nakaabang lang si Diwata sa likuran at halatang nakikinig.
Napalunok ako. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na... mahal kita."
Napatigagal si Bathala sa sinabi ko.
"G-gusto ko lang sabihin sa'yo na may tiwala ako sa'yo." Gumaralgal ang tinig ko. "L-lumaki man ako sa gubat at hindi sa siyudad, pero isa pa rin akong babae na handang magmahal."
Bakas sa mukha ni Diwata ang pagkadismaya nang sulyapan ko siya sa likuran ko. Ang akala niya yata ay maloloko niya ako.
"J-Jane..." Hindi makapaniwala si Bathala sa mga sinasabi ko.
Nag-ulap ang paningin ko. "H-handa na ko, Bathala. Handa na ako na maging sa'yo. Ayoko ng maging tanga, lalaban na ako. Kaya kung mahal mo rin ako..." Naglandas ang mga luha ko. "...halikan mo ako ngayon–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang sakupin ng mga labi niya ang mga labi ko.
JFstories
JAMILLE FUMAH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top