Episode 10
EPISODE 10
"JANE, YOU'RE MINE..."
Sumubsob siya nang mariin sa aking leeg at hinagkan ito.
"Close your eyes, Jane." Tinakpan niya ang aking mga mata kaya napapikit ako, at hindi ko alam kung bakit... kung bakit kusang sumusunod sa utos niya ang katawan ko.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang napakaraming matutulis na bagay ang tumutusok at kumikiliti sa mga kalamnan ko.
"Just stay still, Jane."
Bumaba ang mga halik niya sa aking dibdib. Napaliyad ako sa kakaibang sensasyon. Pakiramdam ko'y biglang nag-init hindi lang aking katawan, kundi maging ang aming paligid.
"Jane... Wag kang aalis... Dito ka lang sa akin... Sa akin ka lang please..." Paulit-ulit ang mahihinang anas niya habang hinahalikan at niyayakap niya ako. Hindi na ako makagalaw dahil sa pagkapaso ko sa init na nagmumula sa kanya.
Nag-aalab ang luntian niyang mga mata habang inaangkin ako sa ilalim ng liwanag ng buwan. Masaya ako sa kabila ng sakit na aking nararamdaman dahil sa pag-iisa ng aming mga katawan. Masaya ako na maibibigay ko kay Bathala ang gusto niyang makuha...
Labag man ito sa batas ng isla ay wala akong pakialam. Nais kong maging maligaya si Bathala dahil ang kaligayahan niya ay akin ding kaligayahan.
Masakit pero wala akong pagsisisi. Niyakap ko siya hanggang sa huling sandali.
Mahal kita, Bathala...
Humihingal siya habang yakap-yakap ako. "I should be contented now," anas niya sa pagitan ng paghabol sa paghinga. Hindi ko maintindihan pero may kaba akong nadama.
Nang bumangon siya ay tinulungan niya akong mag-ayos ng sarili. Kahit masakit ang katawan ay hindi ko mapigilan ang pagngiti. Naging isa kami ngayong gabi.
"Bathala, maraming salamat." Tiningala ko siya para lamang matigilan dahil hindi siya sa akin nakatingin.
"You know Jane, sa city, maraming babae ang dumaan na sa akin. Magaganda, mayayaman, ang karamihan pa ay modelo o may lahing banyaga..."
Napatitig ako sa kanya habang siya'y nagsasalita.
"Masyado akong mapili, maselan. Iyong iba, nabubuwiset pa dahil maarte ako. Arogante. Aware naman ako sa ugali ko. Ganoon kasi ako. Tanggap ko iyon." Yumuko siya matapos bumuga ng hangin. "Pero ang hindi ko matanggap, bakit sa 'yo ako babagsak?"
Nahugot ko ang aking paghinga sa biglang pagpait ng tono niya.
"I am just staying on this damn island because I have no choice! Sinasakyan ko lang ang mga nangyayari dito for the sake of my survival... and for fun!"
Hindi ko man nauunawaan ang sinasabi niya ay batid ko na masakit lahat iyon.
"And you. Gusto lang naman kita dahil maganda ka, sexy, at dahil kakaiba ang experience. Hindi ako seryoso sa 'yo. Kasi bakit kita seseryosohin? Sino ka ba? Taong isla? Wala kang sinabi sa mga babaeng nakasama ko na. Masyado kang uto-uto, ginagawa mo lahat ng gusto ko kahit mukha ka nang tanga. Ang sabi ko noon, makuha lang kita, okay na. Wala na akong pakialam."
Isa-isang pumatak ang mga luha ko. Batid ko ang katotohanan sa mga sinasabi ni Bathala. Siguro nga'y isa akong tanga pero ramdam ko naman na noon pa na hindi talaga siya seryoso sa isang katulad ko. Gayunpaman ay umasa pa rin ako.
"Ngayong nakuha na kita, dapat masaya na ako. Ito lang naman ang gusto ko nang una. Pagkatapos nito, 'tapos na. Aalis na ako sa islang ito. Babalik na ako sa tunay kong buhay. Sa tunay kong mundo."
"But why?" Pumiyok siya at ang boses niya gumaralgal. "Why am I still feeling this way? Like I don't want to be away from you?"
Nang tingnan ulit ako ng kulay luntian niyang mga mata ay puno na iyon ng pait at pagtatanong.
"Jane, I can no longer live without you. Jane, I want to be with you forever." Nanginginig ang boses niya. "Please, Jane. Tell me what should I do?!"
Nasasaktan ako sa mga titig niya, pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit naghihirap siya. Siguro ganito na talaga ako katanga para mas isipin pa ang nararamdaman niya kaysa sa nararamdaman ko. Siguro ganito talaga ang nagmamahal, nagiging bobo.
"Jane..." tawag niya sa akin pero hindi ko pinansin. "Jane!"
Kahit nahihirapan at masakit pa ang katawan ay sinikap kong tumayo. "K-kalimutan mo na ang nangyari ngayong gabi, Bathala. Ang importante naman ay nakuha mo na ang iyong gusto..."
"Jane, wait! Where are you going?!" sigaw niya pero hindi naman na siya makatayo dahil sa kalasingan.
Tinalikuran ko na siya at iniwanang tulala. Marahil ay makakatulog na siya sa pagod at dahil na rin sa kalasingan. Wag siyang mag-alala, bukas paggising niya ay wala na ang Jane na isang bobo na handang gawin ang lahat para sa kanya. Wala na siyang aalalahanin pa.
...
Rogue's POV:
What have I done?
But I had no regret about what happened last night. I made love with Jane. It was pure bliss. It felt like if I die today, I would die a happy man.
Masaya na sana ako, pero bakit hindi ako pinapansin ni Jane ngayon? I thought we were going to be close after what happened between us? Bakit ang nangyayari ngayon ay kabaliktaran?
Dahil ba hindi ako magaling? Marami akong experience pero iyong mga babaeng dumating sa akin ay wala naman akong nararamdaman. We just did it for fun. It was all pure sex. But what I did with Jane was different. I made love for the very first time.
Alam ko na sobrang iba. Hindi katulad nang mga nagdaang babae sa akin si Jane. She's important to me. Hindi ko ba iyon naiparamdam sa kanya kagabi? Pinipilit kong alalahanin ang mga detalye kaya lang malabo talaga ang karamihan sa nangyari. Damn that alcoholic drink!
Or was it because I forced her last night? Hindi niya ba ginusto?
Yeah, I think that was the case. Basta ko siya dinala sa gubat. Ipinilit ko ang aking sarili sa kanya. I was selfish and foolish. Dahil sa selos ko sa isang bathala kaya minadali ko ang lahat. Hindi ko piwedeng isisi sa alak dahil alam ko na kasalanan ko naman ang nangyari.
Anong dapat kong gawin? Hindi ko kaya na ganito ang pakikitungo sa akin ni Jane!
I got to fix this. I need to talk to her.
Pinuntahan ko si Jane sa silong. Naroon siya at walang kibo. Ni hindi niya pinansin ang pagpasok ko.
Tumikhim ako. "Masakit pa ba?"
Hindi niya ako pinansin. Nakatanaw lang siya sa kawalan.
Gusto kong suntukin ang sarili ko. Ayoko siyang makitang ganito, hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Sobrang gago dahil nagpadala ako sa damdamin ko at hindi ko inisip ang mararamdaman niya. Bakit kasi napakaself-centered kong tao?
"Please, Jane, say something," pagpupumilit ko. Kanina niya pa ako hindi kinikibo.
Hindi na naman siya kumibo.
"Jane..." Kinuha ko ang kanyang kamay.
Tinabig niya ako.
"Mag-usap tayo." Hinila ko sa pulso si Jane at pinatayo.
Tinabig niya ulit ang aking kamay at saka ako sinampal. Gusto ko sanang ilagan yun, pero sinalo ko na lang.
I deserved it.
"Jane, patawarin mo ako kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo. Kung nasaktan man kita, patawarin mo sana ako..." Halos lumuhod ako sa harapan niya. Ngayon ko lamang ginawa ito pero wala na akong pakialam sa sarili kong ego.
I want her forgiveness.
"Oo nasaktan mo ako," sabi niya sa malamig at patag na tono.
"Jane..."
Napayuko siya habang naglalandas ang mga luha niya. Tinabig niya ang kamay ko palayo. Tinalikuran niya ako. "Hindi kita mapapatawad, Bathala."
...
Rogue's POV:
HINDI pa rin ako pinapansin ni Jane. Binigyan ko na lang muna siya ng space. Baka sakaling kapag kumalma na siya ay puwede ko na siyang makausap ulit.
Wala naman akong balak na sumuko sa kanya. Asa pa siya!
Ngayon ay kasama namin ang mga gurang.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Jamod habang naglalakad kami sa kakahuyan.
"Doon sa isla Potanes." Si Durat ang sumagot. Kasama namin siya.
"Doon kasi gaganapin ang paligsahan ng dalawang bathala," dugtong ni Jamod.
Napalinga ako sa paligid. "Hindi pa ba ito Isla Potanes?"
"Nahahati ang islang ito sa dalawa." Paliwanag ni Durat. "Ang isla Potanes na pinamumunuan ni Jamod, at ang isla na pinamumunuan ko."
"Islang pinamumunuan mo?" I narrowed my eyes on her.
Ngumisi siya. "Oo. Ito ang isla Potragis."
"Sino bang gumawa sa islang ito, nakakagago na, eh."
"Anong problema, Pukangkang? Bakit malungkot ka?" Sinilip ni Jamod ang mukha ni Jane na nasa likuran lang namin. Nahuhuli kasi ang babae.
I swallowed. Pasimple akong napatingin kay Jane. Grabe, andiyan lang siya pero miss na miss ko na siya. Ayaw niya talaga akong pansinin.
"Ah, wala po. Masama lang po ang pakiramdam ko." Pilit na ngumiti si Jane.
"Sigurado ka?" tanong ulit ni Jamod.
Tumango si Jane.
"Magaling na mangagamot si Dakila. Baka gusto niyong ipatingin siya sa kanya," Durat suggested.
"Sinong Dakila?" tanong ni Jamod.
"Si Bathalang Gwapo. Dakila ang tawag namin sa kanya."
Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran namin. Kasunod lang kasi namin si supot.
Lumapit ang lalaking may asul na mga mata kay Jane. "Anong masakit sa'yo? May nararamdaman ka ba?"
Umiling si Jane. "W-wala ito. Walang masakit sa akin."
"Dakila, pwede bang suriin mo rin ako," singit ni Jamod. "May masakit kasi sa akin."
Humarap sa kanya ang Dakila. "Natural lang na may sumakit sa'yo kasi matanda ka na."
Lumapit sa akin si Durat. "Bathala, salamat talaga at pinaputi mo ako."
"Ayos lang yun." Pero ang mga mata ko ay nakatutok kay Jane. Baka kasi hawakan na naman siya ng lalaking ito. "Basta wag kang maliligo. Bawal ka rin pagpawisan ng sobra."
Nakangiti sa akin si Durat. "Bilang pasasalamat, patitikimin kita nito." May iniabot siya sa aking inumin. "Ito ang inuming ipinagmamalaki ng isla Potragis."
"Ayoko. Baka mamaya mugmog yan."
"Iba ang inumin na ito. Hindi ito mugmog."
Kahit malayo sa akin ang inumin na nasa katawan ng kawayan ay naamoy ko ang mabangong amoy nito. Kung baga sa isang mamahaling alak, umaalingasaw ang aroma nito.
"Sigurado ka ba, hindi ito mugmog?"
"Iba ito. Pangmatatapang na sikmura lang, Bathala. Hindi ito pwede sa 'yo dahil maarte ka."
Nagtagis ang mga ngipin ko. Baka marinig iyon ni Dakila at isipin pa nito na mahina ako kumpara sa kanya. Inis na hinablot ko ang hawak na alak ni Jamod. "Akina!"
Tinikman ko. Damn it! Bat lasang panis? Naibiga ko iyon kay Durat, nawala tuloy yung pulbos nito sa mukha.
Mabilis kong hinugot iyong pulbos na nasa bag ko. Tiyak naman na may natira pa kahit konti, o sisimutin ko na. Isinaboy ko iyon sa mukha niya.
Pumuti ulit siya.
"Sabi sa 'yo, Bathala. Hindi mo kaya ang hard drinks!" ani Jamod na nakabungisngis.
Gusto ko siyang ibaon sa buhangin ngayon.
"Pahawak ako ng kamay mo," sabi ni Dakila, narinig ko.
Nang marinig ko ito, nanlaki ang tainga ko. Nang lingunin ko sila ay hawak na ng lalaki ang kamay ni Jane.
Mabilis akong lumapit sa kanila. "Hoy, supot! Bakit kailangan mo pang hawakan ang kamay ng Pukangkang?"
"Dito ko kasi malalaman kung ano ang kanyang dinaramdam." Bahagya niyang pinisil ang kamay ni Jane.
Paglapit ko sa kanila ay pinaghiwalay ko ang kamay nila. "Paano ka naman nakakasiguro na ganyan ang tamang panggagamot?"
"Bata pa lang ako, alam ko na manggamot."
"Tama na yan!" Pumagitna sa amin si Jane. "Gusto kong magpagamot sa Dakila. Hayaan mo na kami–"
Hinila ko si Jane sa isang sulok. "Bakit ka nagtitiwala sa supot na yan. Baka mamaya kung ano ang gawin niya sa'yo–"
"Tulad ng ano?" Tumalim ang mga mata niya.
Napaatras ako sa sinabi niya.
"Hindi rin ikaw ang magdidikta sa gusto ko." Dinuro niya ang dibdib ko. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.
Hahabulin ko sana siya nang humarang sa daraanan ko si Jamod. "Magtiwala tayo kay Pukangkang, Bathalang Gago."
Kumuyom ang kamao ko.
"Baka nga kasi may masakit sa kanya."
"Hoy, Puyat. Umalis ka nga sa dinaraanan ko."
"Bakit Puyat ang tawag mo sa'kin?" reklamo niya.
"Nakakatamad kasing bigkasin kung Puyat na Unggoy, kaya Puyat na lang. Pinaiksi ko lang."
"Oh sige, paiikisiin ko rin tawag ko sa'yo. Hindi na Bathalang Gago, Gago na lang."
Sinasagad talaga ako ng matandang ito.
"Ano bang problema mo kay Dakila? Tingnan mo nga siya, oh. Iyan ba ang kaaasaran mo? Ang bata ng mukha."
"Bata?" I raised an eyebrow. "Baka mukhang batang hamog."
Sumeryoso ang mukha ni Jamod. "Halika nga rito." Dinala niya ako sa isang sulok.
"Ano na naman?"
Tiningala niya ako. "Ano ang ginawa mo sa alaga ko?"
Alaga? She's pertaining to Jane.
Lumikot ang mga mata ko. "Ah, a-ano bang pakialam mo?"
"May pakialam ako kasi responsibilidad ko siya!"
"Talaga? Kaya pala pinabayaan mo siyang dumanas ng dalawang Kamatayan. Hindi pa yun, kamuntik lang naman siyang patayin ni Durat–"
"Hindi magagawa yun ni Durat." Napayuko siya. "Hindi siya magagawang patayin ni Durat."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Paano ka naman nakakasigurado?"
Hindi siya kumibo. Napapikit lang siya.
Tinalikuran ko na siya. "Itulog mo nalang yan, mukha ka talagang puyat–"
"Dahil kami ni Durat ang nagpalaki sa kapatid niya," biglang sabi niya.
Napahinto ako sa paglalakad. Napatigagal ako sa sinabi niya.
Did I hear it right? Sila ni Durat ang nagpalaki sa kapatid ni Jane? Sinong kapatid?
Agad ko siyang nilingon. "A-anong ibig mong sabihin? Sinong kapatid?"
Napabuga ng hangin si Jamod. "Kaming dalawa ni Durat... ang nagpalaki kay Panther Foresteir."
JAMILLE FUMAH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top