The girl who can't be moved (THREE)
"Kinakabahan ako..." sabi ko habang naharap sa salamin. Tonight was the launching night.. the launching of the new Neon... at kinakabahan talaga ako. May mga maliiit na langgam sa dibdib ko, paulit-ulit silang dumadaan... Kinakabahan talaga ako, pakiramdam ko anytime from now, I'm gonna throw up. Kanina okay naman ako, pero noong sumilip ako mula sa backstage, tumindi ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko naman alam na ganoong karaming tao, press people at pati na rin iyong catering service, ang dadating. Akala ko simple lang ito, pero ngayon alam ko na na hindi pala. Natutop ko ang tiyan ko. Parang may mag paru-paro sa loob noon.
"Huy..." binalingan ko ng tingin si James na nakatayo sa may hamba ng pinto ng dressing room, nakahalukipkip siya. Ngumiti siya sa akin."Nervous?"
"Ano ba itong pinasok ko?" nag-aalalang tanong ko. Napapalatak si James.
"Ano ka ba? Everything will be okay."
"Pero kinakabahan ako." sabi ko ulit. Noon na lumapit si James sa akin.
"Ian, look at me." tumingala ako. He was still smiling.
"Isipin mo, isang ordinaryong gabi lang ito. You, your drumsticks, the drums and the guys. Your gonna be okay? Naiintindihan mo?"
"Hindi.. paano iyong crowd?" mukha na talaga akong tanga. Pumayag ako sa isang bagay na hindi ko naman pala kaya.
"Huwag mong isipin iyon. Natatandaan mo pa ba dati? Noong nag-pa-practice lang kami sa garahe ng bahay nila Robi? Kami-kami lang, tapos may mga bakanteng silya sa harap. Uupo ka roon, ikaw lang ang audience. Ganoon na lang ang isipin mo, isipin mo, walang tao, isipin mo, si Robi...na siya lang iyong nasa harap. Isipin mo siya... Alam kong mawawala iyang kaba mo." I smiled at that memory.. James was right, I should think about him. Para naman sa kanya ang lahat ng ito eh.
"Okay ka na?" tumango ako.
"Guys, one minute!" narinig kong sumigaw si Rika mula sa labas. Natawa naman si James.
"Si Rika talaga, kakapanganak lang, sumisigaw na." he looked at me. "Think of Robi, Ian.." he smiled then he left. Think of Robi... I sighed. Hinawakan ko ng mahigpit ang drumsticks na iniwan niya sa akin noon. This will be my first performance, at para sa kanya ito... sana lang talaga, marinig niya ako... alam kong maririnig niya ako...
"Ian, pwesto na." sumilip si Rika sa may pinto ko. Nginitian ko siya. "Break a leg.." tinanguan ko na lamang siya at lumbas na ako mula sa dressing room, nakita ko si Anton na may sukbit na gitara at patungo na rin sa stage.
"Ready miss?" he asked. I just smiled at him. Sabay kaming lumabas mula sa backstage. Zach and James were there already. Umupo ako sa likod ng drums. My heart was beating like crazy... pakiramdam ko sasabog ang puso ko. "For Robi..." paulit-ulit kong sinasabi iyon sa isip ko...
"Ian, ready?" tanong ni Zach..
"Yeah.. I guess." pagkasabi ko noon ay bumukas ang ilaw. Nagpalakpakan ang mga tao... James looked at me. Sinenyasan niya ako, huminga muna ako ng malalim...
"For Robi..." bulong ko, pagkatapos ay pinalo ko na ang drums... After sometime, I just found myself drowning to the music and the cheer of the audience.. it felt so good. And the best part was, I'm doing this for Robi... for Robi... the keeper of my heart.. Just like what's written on the drumsticks he gave me. After three songs, Zach stopped. He greeted the audience...
"Good evening guys!" masayang bati niya. "As you can see Trey's not here. He's busy with he's life, so we found a new drummer." pasimpleng kinidatan ako ni Zach. Kahit kinakabahan pa rin ay ngumiti ako. "At ayon sa nakikita ninyo, babae siya." natawanan ang mga tao. "But she's good right? So good at dahil good siya, at bago siya kakanta siya para sa atin." nanlaki ang mga mata ko. Ano daw?
"James!" nanggigil na tinawag ko si James. Lumapit naman si Zach sa akin.
"Isa lang naman Ian, saka nakikita mo ba? The crowd loves you. Just one song. Kahit ano." sabi pa nito. Binalingan ko si James.
"Walang masama, isa lang naman." hindi ako kumibo. Tahimik na lang ako. Binalingan ko rin si Anton, payag rin siya sa suhestyon ni Zach. Ano pa nga bang magagawa ko? It's three against one. What else can I do? Muli ay naupo ako sa likod ng drums. Zach smiled. Kinuha niya sa may gilid ang electric guitar niya. Pumwesto siya sa tabi ni Anton. Naiwan ako sa gitna.
"Err.. Hi. I'm Ian, the new drummer." panimula ko. Tahimik ang lahat. Nakatingin sila sa akin. "Anyways, I'm gonna sing, and this song -- I want to dedicate to the k-keeper of my h-heart.." kinakabahang sabi ko. Gagawin ko ba talaga ito? Everybody started cheering, kahit ayoko ay napangiti ako.
"Go na..." sabi pa ni Zach. I smiled nervously. Again I took a deep breath and the I started banging the drums and singing. I kept saying in my head "For Robi.." para na akong tanga.
"Going Back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
saying, "if you see this man can you tell him where I am"...
I closed my eyes as the lyrics of that song escaped from my lips. Naiiyak kasi ako. I never realized how much I miss Robi. The whole in my world keeps getting bigger at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa makakayanan iyon...
"Cause if one day you wake up and find that you're missing me
and your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin' maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving, I'm not moving, I'm not moving"
When I got to those lines, I looked up to the audience to pause. And that's when I saw him, my mouth fell open. I stopped singing. It was really him, on the flesh. He was standing in the middle of the crowd and he was looking at me too. My heart skipped a beat, and then it did the somersault. It was really Robi -- my Robi -- the one who promised me forever, the keeper of my heart. It was really him. He's really here...
"Ian..." tawag sa akin ni James, pero hindi malinaw sa akin iyon... pagkatapos ay nakita ko na lamang na kumakanta na ulit si Zach. Ipinagpatuloy niya ang awit na sinumulan ko.
Naroon pa rin si Robi, nakatitig sa akin, ang saya-saya ko. Nandito na siya...
"Adrianne!" impit na sigaw ni James. Napatingin ako sa kanya. "Play!"
"Huh?" lutang na lutang ako. Muli ay tumingin ako sa crowd. Bumagsak ang puso ko nang makita kong wala na roon si Robi. Saan siya nagpunta?
The song ended... Zach said goodbye to the crowd. Ako naman lumilipad pa rin ang utak ko. Panaka-naka ay tumitingin pa rin ako sa crowd. Sa may bar, sa mga table, pero wala na roon si Robi. Sigurado ako. siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
"What happened to you?" nagtatakang tanong ni James noong naglalakad na kami sa backstage.
"You guys were amazing!" sinalubong kami ni Rapunzel at ni Ali.
"What?" James asked again. Humarap ako sa kanila.
"I saw Robi." natahimik ang lahat.
"What?" iritableng tanong ni James.
"Who's, Robi?" biglang tanong ni Audrina, ang asawa ni Zach.
"Robi is the missing part of Neon. At nasa Spain siya." sabi pa ni Zach. Umiling ako.
"Nandito siya kanina. I saw him; he was standing in the middle of the crowd. He's wearing a green shirt tapos black na jacket, semi fit na dark jeans... Siya iyon, alam kong siya iyon." pagmamatigas ko. Alam kong si Robi iyon. I stared at him for ten minutes. Sapat na ang oras na iyon para makasigurado ako. At isa pa, nakilala siya ng puso ko.
"That's..." James sighed. "Impossible, Ian. Nasa Ibiza pa siya. Doon kami sigurado."
"Sinasabi mo ba na gawa-gawa ko lang iyon?" naiinis na tanong ko kay James.
"Hindi. Sinasabi ko lang na imposibleng mangyari iyon. Maybe you are thinking about him too much, kaya akala mo nakita mo siya kanina." Tinitigan ko si James.
"Huwag mo akong gawing tanga, James. I know what I saw. It was Robi. I know, I'm sure of it. You know why? Because my heart said so." mariing sabi ko, pagkatapos noon ay tinalikuran ko sila. Pumasok ako sa dressing room. I took a deep breath. I was trying so hard not to cry, wala naman kasing dapat ikaiyak.. bakit ako iiyak? Narito na si Robi... sigurado akong siya iyon, At kahit ayaw nilang maniwala, wala kong pakialam, basta alam kongh si Robi iyon.
"Ian..." si Rika iyon. Nginitian ko siya. "After party, pupunta ka pa?" tumango ako.
"Nakakahiya naman sa inyo kung hindi, pasensya ka na kanina ah." Rika smiled.
"Pasensya ka na rin kay James, alam mo naman pagdating sa bagay na iyon, sensitive talaga siya. He was just trying to protect you. Ayaw ka niyang magka-false hope." kahit paano ay naiintindihan ko naman si James.. nainis lang ako kanin kasi pakiramdam ko ginagawa niya akong tanga.
"Yeah... sorry again.." I tried to smile. Rika juts nodded. Umalis na ito. Napatingin ako sa salamin.
"It was Robi, Ian... It was really him... He's back..." I whispered as I smiled to myself.
________
The after party was a blast too, katulad ng launching kanina, marami pa ring tao. Sabi ng ni Rika, marami pa ring daw nagmamahal sa Neon. The night was perfect, except for the fact that I haven't seen Robi around. Sigurado naman kasi ako na siya talaga ang nakita ko, naisip ko na kung hindi siya nagtagal sa launching, pupunta siya dito sa after party para makausap ang mga lalaki, para... para makita ako... sana... pero nasaan na ba siya.
"Huy, batiin mo na iyong mamam doon, nag-e-emo eh." itinuro ni Anton si James na nakatayo malapit sa may bar. May hawak siyang bote ng San Mig Lights... "Sige na.." pang-uudyok pa sa akin ni Anton. Huminga ako ng malalim. Tinungo ko ang kinatatayuan ni James.
"Galit ka?" tanong ko. Hindi kumibo si James. Hindi rin ako nagsalita...
"Was it really him?" he asked me. I smiled.
"Yes..." tumango na lamang si James.
"If he was really here, dapat kinakausap ka na niya." sabi pa ni James. Tumango ulit ako. Bakit parang sobrang lungkot niya ngayon? Hindi naman siya ganito kanina eh.
"Baka...baka... hindi pa siya handa." biglang naiusal ko. Tumawa ng pagak si James.
"Limang taon, Ian. Masyado ng matagal iyon noh. Tapos hindi pa siya handa? Eh kailan niya balak maging handa? Kapag uugod-ugod ka na? kapag puti na pati iyang itim ng mga mata mo kakahintay sa kanya? Marami siyang dapat ipaliwanag, Ian. Sobrang dami." makahulugang sabi ni James. Yes, it was confirmed. He was mad.
"James..." magsasalita pa sana ako nang mapansin kong umakyat si Zach sa stage. Ngiting-ngiti ito. Kinalabit ko si James at itinuro iyon.
"Anong gagawin niya? Kakanta pa ba kayo?" tanong ko. James smiled. He looked amused.
"Tayo, Adrianne.. Tayo." right...sinuntok ko ang balikat niya. Naghintay kaming dalawa.
"Hey friends, family, and others..." natatawag wika ni Zach." Maraming naganap ngayong gabi. The new drummer, of course was the main attraction, but I just wanted to say.. that I am happy 'cause everybody is here tonight---as in everybody." kumunot ang noo ko. May ibig sabihin ba ang mga katagang iyon? Tumingin ako sa paligid... nagpalinga-linga.. hinahanap ang isang pamilyar na mukha o bulto. Is he here?
"Did you know, there are six of us. Noong una, apat lang talaga, ako, si Ali, si James and then this unknown guy, Si Robi." lumukso ang puso ko. Bakit niya sinasabi ito? "Robi is the orignal drummer of the band. But before we made it big, he left. So Trey replaced him. But still we call him as the missing part of Neon. At masayang-masaya ako kasi nandito siya ngayon." tumingin si Zach sa kanyang kaliwa. Doon ko nakita si Robi, umaakyat sa makeshift na stage, he was still wearing that green shirt, the black jacket and the semi fit dark jeans. And he looked so good.
Kumaway siya sa mga tao. Nagsirko ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. We stared at each other for like three minutes then he looked away. Bakit ganoon? Bakit parang wala na iyong warmth na nakikita ko noon sa mga titig ni Robi sa akin?
After sometime, Robi and Zach went down the stage, nakisama sila sa grupo nila Anton. I stayed with James, feeling so confused. Kahit paano ay na-comfort ako kasi hindi umalis si James sa tabi ko.
One hour... two hours... three hours... hindi lumapit sa akin si Robi. Parang gusto ko ng umiyak at magsisigaw. Why is he doing this to me? Hindi ba niya naiisip na baka nasasaktan ako? Parang wala na lang ako sa kanya ngayon.
"Jerk..." narinig kong sabi ni James. Napatingin ako sa kanya. Nakakuyom ang mga palad niya. Bigla ay nakadama ako ng takot. Galit ba siya? Pinindot ko ang pisngi niya.
"Woi... nakainom ka na noh?" kunwa'y sabi ko. Tumingin siya sa akin, tila nagtataka. I tried to smile.
"I-i'm okay. Don't worry. Sige na, pumunta ka na doon, kausapin mo siya. Diba, close kayo dati?" pilit kong pinipigilan ang pamnginginig ng tinig ko. James held my hand.
"You're gonna be okay, Ian." he said then he left. To my surprise, hindi niya nilapitan sila Robi. Tinungo niya ang daan patungo sa labas ng bar. Napanganga ako... ano bang problema niya. May issue ba si James?
Muli ay tumingin ako sa grupo nila Robi. He was laughing with them. I miss his laugh, his voice, his smile... I miss him... but why was he being like this? Tahimik na minasdan ko sila. Maya-maya ay tumayo na si Robi at isa-isang kinamayan ang mga kausap niya. Halata naman na nagpapaalam na ito... tinanguan niya ang lahat, then he turned, muling nagtama ang paningin namin. Simpleng tango lamang ang ibinigay niya sa akin. Tapos ay umalis na siya... napamaang ako. Iyon na iyon? Wala man lang: "Hi, Ian... buhay ka pa pala?" Limang taon niya akong pinaghintay tapos, ganoon lang iyon? Sumunod ako sa kanya. Naabutan ko si Robi sa may parking lot. He was ready to leave.
"Robi." tawag ko. Parang wala siyang narinig. Patuloy siyang naglakad.
"Robi!" hindi pa rin niya ako pinansin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumakbo ako... nang maabutan ko si Robi ay niyakap ko siya mula sa likuran.
"What the--- ano ba?" naiinis na sabi niya. He pulled away, pagakatapos ay humarap siya sa akin. Kunot na kunot ang noo niya. "Ano bang problema mo?" sita niya sa akin, Nag-init ang mga mata ko, muli ay niyakap ko siya, mas mahigpit... like I was trying to hold on to something that I know does not exist anymore... He tried to pull away again.
"Please, ngayon lang. Kahit ngayon lang. Kahit one monute lang. You owe me five years and I'm only asking for a minute. Please.." lumuluhang sabi ko. Robi stood still. Wala siyang reaksyon. Para siyang bato. Bakit ganoon. Napapikit ako, gustung-gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Bakit niya ba ako sinasaktan? Nang magmulat ako ng mga mata, I saw Robi looking at his watch, and then he pulled away. Tumalikod na muli siya at tinungo ang daan patungo sa kotse niya.
"Wait! Robi!" he stopped, then he looked at me. His eyes were as cold as ice.
"Times up, Ian. One minute na. Sobra pa nga eh." God... that broke my heart. My tears started falling down, ang sakit-sakit. Hindi ako makahinga. Robi got inside his car, and then he left. I stood there, looking like an idiot.
"Robi! Robi!" sigaw ko kahit alam kong wala na siya. "Robi!" deep inside me, I was still hoping that he would hear me, that he would comeback and say that everything will be fine, but he did not. He left me there, crying, lonely and broken.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top