The girl who can't be moved

ONE


"Oh ayan na pala si Ian oh. Huu! Nag-blush na naman si Robi!"

Papasok pa lang ako ng gate ay naririnig ko na ang pagsigaw ni Ali. Para talaga siyang bata. Hindi ko alam kung matutuwa pa ako sa kanya o hindi. Nang tuluyanna akong makapasok sa garahe ng bahay na iyon ay pumwesto ako sa harapan. 

"What's the matter with you, Ali? Para kang bata." medyonaiinisna sabi ko. Pasimplengsinulyapanko ang mga lalakingnaroon. Halos kumpletona pala sila. Naroonna si Zach, si James, si Ali, si Trey at siyempre, si Robi. Nakaupo siya salikod ng drums. Pinapaikotsa mga daliri ang drumsticks na hawak niya. Pasimplengtumayo ito sakabinatukan si Ali.Natawa naman ako.

"Manahimik ka nga.Para kang bata!" naninitang sabi nito.Muli ay umupo siya. "Ano tutugtog pa ba tayo o hindi? Maglolokohan lang yata kayo eh." parang naiiritang sabi niya.Napabuntonghininga naman ako. I know how passionate Robi when it comes to his music. Satuwing mag-eensayo sila ng banda niya, ang bandangtinawag ni Zach na Neon, si Robi ang pinaka-seryoso. He was so dedicated... at isa iyon sa mga bagay na hinahangan ko sa kanya. 

"Sige na!Tugtog na, magpapa-impress ka lang kay Ian eh." muli ay kantiyawdito ni Zach. Hindi kumibo si Robi. He just sat there. Parang walaitongnaririnig.Nagkibit-balikatlamang ako.Ganyan naman si Robi eh. Minsan hindi ko maintindihan kung ano ang problema niya. Minsan kasi mabait siya sa akin, minsan ang sungit, moody siya, hindi ko masakyan minsan ang ugali niya, pero kahit ganoon, siya pa rin ang gusto ko...

I sighed. Ganoon naman yata talaga eh. I've been silently in love with Robi for years now. Unrequited love na nga yata ang tawag doon. Para kasi sa kanya, isang lamang akong ordinaryong kapit-bahay, kaklase at friend. Yes, just a friend. Kaibigan, ang pinaka-nakakainsultong tawag sa iyon ng taong pinakamamahal mo. Nakakalungkot talaga ang sitwasyon. Tapos itong mga ungas na lalaking ito, tinutukso pa kami. Nakakinis!

"Oh, Ian, upo ka muna." ngumiti sa akin si James, pagkatapos ay binigyan ako ng silya. Kinuha ko iyon.

"Salamat..." nakangiting sabi ko. 

"Tsk. Huy James, ano ba? Tara na kasi!" parang sobrang init na talaga ng ulo ni Robi. Ngingiti-ngiti si James sa akin, pagkatapos ay bumalik na siya sa pwesto niya. 

"Sa susunod nga Ian, huwag kang pupunta dito basta. Distraction ka lang eh." biglang sabi ni Robi sa akin. Napatingin sa aming dalawa ang mga lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Tinitigan ko siya, seryoso ang mukha niya, para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya. Wala naman akong ginagawa eh.Nainis ako.Hindi ako makakibo.

"Distract? Ikaw lang ang nadidistract noh." maya-maya ay sabi ni Ali. Hindi pa rin ako nagsasalita.Nakikipagtitigan ako kay Robi.Sa huli naisip ko na kailangan kong tumayo at umalis. Medyo nasaktan kasi ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagpaalam, basta na lang ako tumalikod. Nakakainis talaga ng lalaking iyon.Bakit ba siya ganoon? Kahit ba kailan hindi niya naisip na may posibilidad na masaktan ako sa mga sinasabi niya? Wala talaga siyang utak, puso at pakiramdam. Nang sa tingin ko ay malayo na ako sa bahay nila. Huminto ako saka nagpapadyak sa may daan. 

"Ugh! Nakakainis ka na talaga Robi! Ugh!" nagpupuyos sa galit na sigaw ko.

"Huy! Maawa ka sa semento." tumingin ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakita ko si Robi, dala pa rin niya ang drumsticks niya.

"Umaano ka dito? Diba distraction ako? Dun ka na!" pagkasabi noon ay tumalikod ako. 

"Ian naman eh..." sigaw niya pagkatapos ay hinagip ang braso ko. Tinabig ko ang kamay niya. "Ang O.A. mo sinundan na nga kita tapos ganyan ka pa!" naiinis na sigaw niya. Tinulak ko siya. 

"Ang kapal mo, bakit sinabi ko bang sundan mo ako? Umuwi ka na nga. Nakakainis ka pa eh." muli ay tumalikod ako. Inulit ni Robi ang ginawa niya, hinagip na naman niya ang braso ko. 

"Sorry na." mahinang sabi niya. Natigilan ako. Did he say he was sorry? Totoo?

"Anong sabi mo?" nagtatakang tanong ko. 

"Sorry na. Hindi ko na uulitin. Basta mangako ka na hindi ka na magpapa-cute kay James. " napanganga ako. Hinampas ko siya sa balikat. 

"Hindi ako nagpapa-cute kay James!" naeeskandalong sabi ko. 
"Aray! Nagpapacute ka dun eh. Nakita ko nginitian mo pa siya. Tapos ano iyan?" tinuro niya ang suot kong t-shirt. "Bago iyan noh? Dati naman pagnagpupunta ka sa amin, hindi naman ganyan ang suot mo, kumbaga kahit ano na lang, tapos ngayon, bago na." hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa pinagsasabi niya. Gusto kong isipin na kaya siya ganoon ay dahil nagseselos siya, pero bakit naman? At isa pa, masama bang magsuot ng bago? Eh ang gusto ko lang naman ay mapansin niya ako. Hindi ng kahit na sino, siya lang... 

"Hindi nga ako nagpapa-cute sa kanya." muli ay sabi ko. Robi looked at me, para bang iniisip pa niya kung maniniwala pa ba siya sa akin o hindi na lang. Maya-maya ay huminga siya ng malalim. 

"O sige na... basta, sorry na. Huwag mo na lang ngingitian si James ng ganoon. Baka kasi ma-in love siya sa'yo." napangiti na ako. Para siyang tanga... bakit ba niya sinasabi ito? 

"Sige na rin..." sabi ko na lamang. Ngumiti ako. "Sige, uuwi na lang ako.." aktong tatalikod a ako nang biglang hawakan ni Robi ang kamay ko. At sa simpleng pagkakadampi ng mga palad namin, pakiramdam ko, libo-libong boltahe ng kuryente ang dumapo sa katawan ko. 

"Huwag ka ng umuwi, mamaya na lang. Ihahatid na lang kita, Mamasyal muna tayo..." nagtataka man ay nagpatianod na lamang ako. Masyadong masarap sa pakiramdam ang palad ni Robi kaya hindi na ako nagreklamo pa. 

"T-teka... huy, diba may practice kayo?" biglang tanong ko. 

"Hindi, hayaan mo sila. Basta may pagkain, tatahimik iyong mga iyon. Saka isa pa, gusto kitang makasama." lihim akong napangiti. Gusto niya daw akong makasama... Nakakatuwa... Mabait na naman siya sa akin... hanggang kailan kaya tatagal ito? Bahala na... basta nandito siya, okay na ako. Kahit sungitan pa niya ako ng ilang oras, basta magkasama kami, saka isa pa sinabi niya na gusto niya akong makasama... wala na akong reklamo pa dun. Masayang-masaya na ako...

_______

Tok! Tok!

It was almost midnight and I was awaken by that irritating sound from my window. Someone was throwing something at me. Sino naman kaya iyon? 

Tok!

Napakamot ako ng ulo nang maulit iyon. Sino naman kaya ang gagawa niyon? Hating gabi na at kung sino naman iyon, sigurado ako na isa lang siyang tao na walang magawa sa buhay. But when it happened again, I stood up. Hindi ko naman pwedeng ipagsa-walang-bahala na lamang iyon. Paano kung mabasag ang bintana ko? Naiinis na tumayo ako mula sa aking kama. Tinungo ko ang bintana upang sinuhin ang lapastangang walang magawa sa buhay na nambabato sa bintana ko. 

"Robi?" nagtatakang tanong ko. It was really him. Pero anong ginagawa niya rito? Bakit niya ako pinuntahan? Disoras na ng gabi. Oo nga at magkapitbahay lang kami but this is so unlike him. Kahit kailan ay hindi pa niya ako pinuntahan ng ganito kagabi.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko. 

"Huwag ka na magtanong. Bumaba ka na dito. Ang lamok-lamok eh. Bumaba ka na!" tumaas ang kilay ko. 

"Bakit? Sinabi ko ba na puntahan mo ako? Hindi naman ah." naiinis na tugon ko. bakit siya magrereklamo eh hindi ko naman siya pinapunta?

"Bumaba ka na kasi. Halika na dito. Inuubos na ako ng lamok." muli ay sabi niya. Inilabas ko ng kaunti ang ulo ko sa bintana. 

"Bakit nga?" tanong ko pa. 

"Basta! Bumaba ka na sabi dito! Bilisan mo. kapag di ka bumaba, sisigaw ako ng rape! Magigising lahat ng kapitbahay saka iyong Mommy at Daddy mo." 

"Eh di sumigaw ka. Tinakot mo pa ako. Sino naman ang mang-re-rape sa'yo?" nang-iinis na sabi ko. "Hindi ka naman gwapo para pagnasaan ng kahit sino." 

"Bumaba ka na kasi! May sasabihin ako sa'yo!" napapalatak ako. Pero sa huli ay bumaba rin ako. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na lumalabas ng gate at hinahanap si Robi. I found him sitting at the sidewalk. I sat beside him. 

"Sige na, sumigaw ka na ng rape." nakakalokong sabi ko. Hindi kumibo si Robi. Nanatili lamang siyang nakaupo roon, tila nag-iisip ng malalim. Ako naman nanatiling nakatitig sa kanya. Napapangiti ako, napapabuntong--hininga. Name-mesmirize na naman ako sa kanya. 

"Huy... bakit bihis na bihis ka?" tanong ko nang mapansin ko ang suot niya. Naka-jacket pa siya. Hinatak ko ang manggas niyon. Dedma pa rin. Bigla siyang tumayo at nagpalakad-lakad sa harapan ko. Sa tingin ko, parang kabadong-kabado siya. Parang sobrang lalim ng iniisip niya. 

"Robi..." bigla siyang tumitig sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at saka hinatak ako patayo. Inilagay niya ang kamay ko sa tapat ng puso niya. 

"Aalis ako." biglang sabi niya. Nakadama ako ng matinding pangamba. 

"Saan ka naman pupunta?" kinakabahang tanong ko. From the looks of it, parang malaki ang posibilidad na matatagalan ang pagbalik niya o kaya man, hindi na talaga siya babalik. Parang gusto kong maiyak. 

"Can you feel my heartbeat?" biglang tanong niya. Napaawag ang labi ko. Why is he asking me this? "C'mon, Ian, say it. Can you feel my heartbeat?"

"Y-yes..." Dammit! Why am I stuttering?

"Describe it..." utos niya. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. At tulad nang palaging nagyayari, sa twuing ngingiti sa akin si Robi, nagkakaroon ng tsunami sa puso ko. 

"Its.. Fast..." panimula ko. "Very fast. Abnormally fast. It was as if there's a natural disaster inside of you. A cyclone, or a tornado or something like that." napatingin akong muli sa kanya. "Why is it like that? Are you sick?" umiling siya sa akin. Nakatitig lamang sa akin si Robi. mataman niyang tinititigan ang mga mata ko. Bigla ay naramdaman kong nag-init ang mga iyon, naiiyak ako, pero bakit?

"S-saan ka ba pupunta?" maya-maya ay garalgal na ang tinig ko. "A-aalis ka ba talaga?" 

"Shhh.. please don't cry, Ian. I'm trying to remember every detail of your face. Ayoko naman na kapag pumikit ako at aalalahanin kita, makikita ko iyang dam of tears mo na tumutulo sa mga pisngi mo. I want to remember you with a smile on your face, so please, don't cry..." napasinghap ako ng makita kong parang naiiyak na rin siya. Robi cupped my face. 

"Tuwing nakikita kita, nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Parang biglang nagkakaroon ng karera ng mga blood cells sa loob ko. It's all because of you, Ian. Kasi..." huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. "Sa tingin ko talaga... ang dahilan noon ay...kasi... kasi.. mahal kita." my jaw literally dropped. He smiled at me. 

"Aalis ka.. tapos sasabihin mo iyan?" lumuluhang sabi ko. 

"Shh... i said don't cry." pinahid niya ang mga luha sa mukha ko. "Ayoko namang umalis ng hindi sinasabi sa'yo kung ano ka talaga para sa akin. I want to tell you how much you mean to me." titig na titig siya sa mga mata ko. 

"Sinabi mo lang ba yan para saktan ako? Kasi Robi parang unfair.." tuluyan na akong napaiyak. Inis na inis ako sa sitwasyon naming dalawa. Mahal niya daw ako pero iiwan naman niya ako. Aalis siya at kung saan man siya pupunta, hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon. Oo masaya ako, pero mas nangingibabaw sa akin ang kakaibang sakit na dulot ng pamamaalam niya...

"Hindi.. hindi ganoon iyon. Kanina, ang balak ko lang ay ang magpaalam sa'yo. Pero nang makita kita kanina, naisip ko na sasabihin ko na. Ano man ang kalabasan. Mainis ka man sa akin o hindi. Ang tagal-tagal na Ian, mahal na mahal kita. Dati ko pa gustong sabihin, pero hindi ko naman magawa. Naiisip ko kasi iyong sinabi mo dati, na ayaw mo ng ligawan, hindi ka naniniwala sa ligaw... na tama na sa'yo iyong kaalaman na gusto mo ang isang tao at gusto ka rin niya. Sapat na iyon. Naisip ko, kung bigla ko na lang sasabihin, tapos hindi mo naman pala ako gusto, mawawala na lang bigla ang lahat. Alam mo iyon? Nanghihinyanang ako sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari. Lagi kong iniisip, gusto mo rin kaya ako? Mahal mo rin kaya---"

"Mahal din kita." putol ko sa sinasabi niya. Napatitig sa akin si Robi. 

"Ha?" nagtatakang tanong niya. 

"Narinig mo ako, mahal kita. Pero aalis ka na kaya wala ng kwenta iyon." sabi ko kasabay ng pagpahid ko sa aking mga luha. Lumayo ako kay Robi. Naiinis ako. Bakit niya ba ito ginagawa? Mahal niya ba talaga ako? Kung mahal niya ako bakit ngayon niya lang sinabi kung kailan aalis na siya.

"Hindi walang kwenta iyon, kasi mahal din kita. Eh di ibig sabihin noon, tayo na." muli na naman akong napaluha. 

"Paano magiging tayo kung aalis ka?" humihikbing sabi ko. Napakamot siya ng ulo. 

"Ian naman eh... Madali lang naman iyon eh, uso na kaya ang cellphone, telepone at e-mail." parang batang sabi niya. Umiling ako. 

"Sana, sana hindi mo na lang sinabi..." umiiyak na pahayag ko. Bigla ay lumapit sa akin si Robi at niyakap ako. 

"Mahal mo ako, mahal kita, sapat na iyon. Aalis ako, Ian, pero babalik naman ako, pangako iyan." lalo akong napaiyak. Alam ko naman kasi na wala na akong magagawa eh. Bakit ba kasi ganito?

"Sana hindi mo na lang sinabi." nagpupuyos ang kalooban ko. Nanananadya ba ang tadhana? Ang tagal kong pinapangarap ang ganito, ang sabihin sa akin ni Robi na mahal niya ako, pero bakit ngayon? Ngayon pa kung kailan mawawala naman pala siya. 

"Look at me, Ian... Please..." again he cupped my face. "I love you. And yes I am leaving but I promise you. Babalik ako. Promise... I'm coming back, and when I do, I will spend my forever with you. Did you hear me?" Madamdaming pahayag niya. 

"Iiwan mo ako..." parang tangang sabi ko. Umiiyak pa rin ako. Hilam na hilam na ang mukha ko sa luha. 

"Oo, iiwan kita, pero babalik ako. At pagbalik ko, hindi na ako aalis ulit. As I said, I will glady spend my forever with you. Ganoon kita kamahal... naniniwala ako na ikaw... Adrianne, ang nag-iisang babae para sa akin." nang tumingin ako sa kanya, parang maiiyak na rin siya. 

"R-robi..." he tried to smile. 

"I promise..." itinaas niya ang kanang kamay niya. Tumango ako. "Will you wait for me?" he asked again. 

"No matter how long..." napangiti si Robi. Maya-maya ay may inilabas ito mula sa bulsa ng jacket niya. 

"Here... Keep my drumsticks..." iniabot niya iyon sa akin. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko iyon.

"Para saan ito?" nagtatakang tanong ko. 

"Para may panghahawakan ka. Paborito ko iyan, may sentimental value iyan sa akin. Kaya makakasiguro ka na babalikan ko iyan." Napatango na lamang ako. Again we stared at each other. Inilang hakbang niya ako saka niyakap. Napahagulgol ako. 

"I promise I'll be back..." he whispered. Tumango lamang ako. Kumalas si Robi sa yakap namin at pinakatitigan ako. 

"Robi..." tawag ko sa kanya. 

"Yes.." 

"I love you..." lumuluhang sabi ko. He smiled at me. Lumapit muli siya at dinampian ng maggang halik ang labi ko. 

"I love you too. I'll be back... promise..." he said again. I just nodded. The he caressed my face. Pagkatapos ay tumalikod na siya. I watched him as he walk away. Sa mga kamay ko, hinawakan ko ng mahigpit ang drumsticks na bigay sa akin ni Robi. I'm going to take care of that until he comes back... He looked back at me. I waved at him. I'm going to wait for Robi. No matter how long it takes. I'm gonna wait for him...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top