CHAPTER XIX

It's been a week mula nang matapos ang exams namin nasa expressions ako ngayun upang bumili ng extra binders and notepads for my summer class.

Binayaran ko lahat matapos kung pumili ng bibilhin at nang paalis na ako may nakabanggaan ako sa pintong babae na nagmamadali naula pa sa akin ang Milktea niya.

"Hala" nabigla ako kaya yun lang ang nasabi ko.

"I'm so sorry can you please come with me na lang? I'm going to fix that" sabi niya sabay turo sa damit kong punong-puno ng Milktea.

"Where are you going, di kita kilala" sabi ko sa kanya.

"Hindi ako masamang tao" yun ang sabi niy at kinaladkad niya ako papunta sa exit at may naghihintay na mga nag-uunahang Tricycle.

"I have a car" sabi niya sabay baba sa hagdan papunta sa kabilang banda ng daan.

Nang makasakay na kami ay nagsimula nang umandar ang sasakyan.

"Thank you, pero bababa na siguro ako jan sa crossing" sabi ko ngunit ngumiti lamang siya at pilit pinupunasan ng tissue ang damit ko.

"I'm so sorry pinagmamadali kasi ako ni mama pero kung gusto mo I have some spare clothes na di pa nagagamit sa bahay, i'ts atleast i can do for the incident earlier" sabi niya.

"I'm Crizienne Mirald Briguenza" sabi ko sa kanya.

"What?" Tanong niya kaya inulit ko na lan ang pagpapakilala ko.

"Ang sabi ko ang pangalan ko ay Crizienne Mirald Briguenza" tinagalog ko na ngayun upang mas maintindihan niya.

"My name is Exilyr Loick Briguenza" sabi niya na mukhang Excited na excited.

"We both have same surnames" kumento ko at ngumiti.

"Girl don't you get it? Konti lang ang Briguenza sa Tacurong" sabi nito sa akin.

"So sinasabi mong magkamag-anak tayo?" Tanong ko.

"Are you slow or your just so ma-attitude?" Tanong niya sa akin at nag-eye roll.

"Are you dumb or are just built like that?" Tanong ko rin sa kanya at nag-eye roll.

"Ohhhhhh related nga tayo girl, we have the same personality. I'm going to introduce you to my mom, baka she knows you already" sabi nito wala na rin naman akong magagawa dahil basang-basa na ako at nilalamig sa milktea na naula samahan pa ng malamig na Aircon.

Malayo-layo ang bahay nila sa City. Kung di ako nagkakamali ay nasa San Emmanuel na kami, matapos ang maraming liko ay naka abot kami sa isang gate ngunit ang pinagtataka ko ay wala akong bahay na nakikita tanging mga puno lamang. Matapos ang mahigit sampung minuto na pagmamaneho ng driver mula sa gate na pinasukan namin ay saka pa lang ako nakatanaw ng bahay na napakalaki.

"If I would be a Murderer this is where i would bring my prey" kumento ko sabay tingin sa paligid.

"IKR, I refused to live here nga nong una but meron naman palang Wifi and a pool in the Backyard" sabi niya sabay kuha ng bag at kaladkad ulit sakin papasok sa malaking bahay.

"Kelan pa ito dito? I didn't knew na may ganitong bahay pala sa Tacurong" tanong ko sa kanya habang paakyat kami sa malaking Staircase.

"Marami namang ganitong bahay sa Tacurong girl, pero i think ours is the biggest" sabi niya sabay bukas ng pinto. Mukha naman siyang matinong babae kahit natatakot na ako sa paligid dahil pag pinatay ako dito siguradong di na madidiskubre pa ang bangkay ko, ay may tiwala naman ako sa kanya.

"Pili ka lang, what do you want to wear?" Tanong niya sa akin

"Pipili lang ako sa RestRoom" sabi ko sa kanya

"I have a dressing room, maawa ka sa sarili mo kung sa Restroom ka magbibihis" sabi niya at medyo natawa. Tinignan ko lang siya ng masama.

"No i don't mean it like degrading, it's just i made my Restroom completely all Glass. Ang walls ay napapalibutan ng Mirrors i just assumed maybe ayaw mo ng ganun" sabi niya.

"Yeah it's weird" sabi ko sa kanya.

"Maganda kaya" sabi niya at nagpalit na nga ako sa Dressing Room niya. After ko magpalit ng damit she offered me Lunch before niya daw ako ipahatid pauwi.

"Sin o ang upod ta magkaon nga gwapa?" Tanong ng isang babaeng matangkad at mukhang Elegante.

"Ako po si Crizienne Mirald" pakilala ko sa sarili ko.

"Ma, she's a Briguenza" sabi ni Exilyr

"Who's your father, dear?" Tanong niya nagdalawang-isip pa ako nong una ngunit sinabi ko rin.

"Ang dad ko po ay si Crizhion Morrie Briguenza" sabi ko at napanganga ang mama ni Exilyr.

"Lair naman ba't mo siya dinala dito? Tanong ng mama niya sabay kaladkad sa amin papunta sa gilid.

"Bakit po?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ka dapat makita ni Exilaña" sabi ng mama niya kaya palabas kami papunta sa pinto nang may magsalita.

"Sino ang kaibigan mo lair?" Tanong ng isang Babaeng mukhang nasa kaedarang 40's na dahil sa iilang puting buhok nito ngunit kung mukha ang titignan ay mukha siyang makakabingwit pa at makakapang-agaw ng asawa.

"Paalis na siya Auntie" sabi Exilyr ngunit ikinanoot ito ng noo ni madam Exilaña

"Ang tanong ko ay kung sino siya, hindi ko tinatanong kung pauwi na siya" sabi ni madam.

"Ako po si Mira, naulaan po ako ni Exilyr ng Milktea sa Primark kanina." Sabi ko at ngumiti.

"Ganoon ba? Lair nakapag-sorry ka na ba?" Tanong ni Madam.

"I'm sorry Mira next time mag-iingat na ako sa paglalakad" sabi niya at kinuha ang kamay ko upang makipagshake-hands. Tinignan niya naman ako ng makahulogan na makisabay na lamang ako sa ginagawa niya.

"Okay lang yun" sabi ko rin.

"Nakakain ka na ba hija?" Tanong niya sa akin

"Kakain palang po ako pag-uwi, hinihintay na rin po ako ng mga kapatid ko" sabi ko.

"Kung wala pa ay sumabay ka na lamang sa amin, magpapabalot na rin ako para sa mga kapatid mo. Kahit yun man lang maitulong namin sa kahihiyang dinulot sayo ni Lair" sabi nito at tinignan ng masam si Exilyr kaya nakayuko ito upang umiwas sa tining ng tiya.

"What was your name again?" Tanong ni madam

"Criezienne Mirald po" sabi ko

"Who are your parents? A pretty face like that, I'm sure you came from a wealthy family" sabi nito at nagsimula nang kumain.

"I'm an Orphan na po, pinabayaan na kami ng Parents namin matapos mabaon sa utang noong malugi ang negosyo" pag-amin ko dahil totoo naman, di ko ikakahiyang sabihing nalugi kami dahil ang ibig sabihin non ay natututo kami.

"What a sad story. You see Mira, My niece Lair is new here." Sabi nito sa akin.

"I can tell po, she dresses Extra" sabi ko sabay alala ulit sa suot niya kaninang body-tight dress na hindi aabot sa tuhod samahan pa ng stilletos at nakasukbit pa ang Chanel bag sa kamay niya.

"Learn to blend in, Lair." Sabi ng mama niya.

"Sayang ang mga damit ko kung hindi magagamit" ang sabi niya.

"I expect you'll help Lair about fitting in hija, and don't worry you're always welcome sa aming Mansion" sabi niya at nagpatuloy a kaming kumain ng tahimik.

Nang matapos kami ay hinatid ako ni Exilyr at  ng mama niya sa labas.

"You're welcome here as long as hindi malaman ni Exilaña na anak ka ni Morrie" sabi ng mama ni Exilyr

"Opo maam" sabi ko sa kany at ngumiti

"Tita Claudrine nalang" sabi niya kaya sumakay na ako.

"Wait what's your IG name?" Tanong ni Exilyr.

"It's_me_Mirazienne_girl" sabi ko sa kanya at agad naman siyang nagsearch.

"God you have three times the followers i have" sabi nito at nagfollow sa akin.

"Nagnotify ang phone ko pero ang hina ng Internet so naglo-load lang ito" sabi ko sa kanya.

"Give me" sabi niya at pagbalik nito sa akin nakaconnect na ako sa Wifi nila.

"Thanks" sabi ko sa kanya

"Balik ka dito may lifetime membership ka na sa nakaconnect sa wifi namin" sabi niya sa akin.

"Oo I'll dm you" sabi ko sa kanya nakakasaya pa din na nakilala ko na ang mga Relatives ni Dad. My dad is an only Child and my mom is an Orphan kaya wala talaga akong mga kamag-anak na kakilala.

Nang makauwi kinuwento ko sa kanila Dash at Crizzy ang nangyari and they are really excited to meet Exilyr.

"Weh? Baka gawa-gawa mo lang" sabi ni Dash.

"Nga matikal ko man?" Tanong ko sa kanya

"You lie a lot ate" sabi ni Crizzy kaya nagpout ako.

"Yeah ate you always lie" panggagatong ni Dash.

"Like this one time you told me sweets aren't good for me but everytime i cuddle you, you always say that 'ang sweet ko' so does it mean that im not good for you?" Tanong niya sa akin at nagkamot ng buhok.

"Oo nga" sabi ni Dash na nage-enjoy naman sa sitwasyon ko.

"Tapos you told me Alcoholic Drinks aren't good for us pero bakit your friends and kuya Dash always drink naman, di ka naman nagagalit" sabi ni Crizzy. Nabilaukan naman si Dash na umiinom ng tubig.

"There are things that I can't explain to you Crizzy because you need to learn and understand it on your own" sabi ko na lang sa kanya upang matigil na ang walang katapusang katanungan.

"How is bad doings good to people?" Tanong niya sa akin.

"Tanong ko din yan, Crizzy" sabi ko sa kanya. Napapaisip din ako kung naisip din ba ni dad kung makabubuti din ba sa amin ang mga ginawa nila. Ayon kasi sa imbestigasyon at kumakalat na chismis na nakakarating sa akin hindi totoong itinakbo ng buisness Partners nila ng pera, ang sabi ng mga pulis ay sila mama pa mismo ang tumakbo at tumakas ng pera.

Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko ngunit sana talaga lumabas na ang totoo. Nahihirapan na ako sa sitwasyon na ganito, hindi ibig sabihin na di kami umiimik magkapatid ay di kami naapektuhan sa pinagsasabi nila. Hinahayaan ko lang si Dash kung naglalasing siya noon kasi alam kong paraan niya din yun sa pagtakas sa nakakasakal na mga haka-haka ng mga tao.

Ang mga tao naniniwala sila sa kung anong pumapasok sa mga isip nilang konklusyon, wala ring preno ang mga bunganga nila sa pagpapaalam sa mga tao nito. Hindi nila iniisip ang mararamdaman ng iba ang iniisip lang nila ay makapaghayag sila ng konklusyon nila patungkol sa usapin na ito. Mas malawak na imahinasyon mas pinaniniwalaan ng mga tao, at kapag naniniwala sila ikinakalat nila hanggang sa minsan nakakasal na dahil purong kasinungalingan na ang iba.

Halos isang porsiyento nalang doon ang totoo, pati pagiging anak sa labas ng lolo ko pinag-uusapan nila, ang pagiging ampon ni mama ay kinukutya din nila, sinasabi rin nilang lalaki kaming magnanakaw tulad ng mga magulang namin. Bakit kailangang lahatin? Iisa o dadalawa lang silang mayroon kasalanan dito hindi naman siguro makatarungang pati pumanaw ko nang lolo ay pagchismisan pa nila. Wala rin silang karapatan na husgahan ako sa kung sino man ang kasama ko. Bakit ba napakahalaga ng bawat detalye?

Bakit ba punong-puno sila nang mga detalye na hindi ko naman alam na mayroon pala ako, hindi ko nga alam na may Anak pala ako na pinalaglag ko lang dahil sa kalandian, hindi ko rin alam na mayroon pala akong karamdaman sa utak at ang totoo ay iniwan kami ng mga magulang namin dahil wala kaming silbi. Basta sa kuwento talaga nang tao bida ako ng istoryang gabi-gabi'y tinutunghayan ng lahat, sa kuwento ng tao nagiging ako yung mga bagay na di naman ako, sa mga mata ng tao lahat ng ginagawa ko ay purong kamalian lamang.

"Ate! Tulog na siya" sabi ni Dash sa akin kanina pa pala ako tulala.

"Sorry marami lang akong iniisip" sabi ko.

"Same" sabi niya sa akin.

"Things with mama and dad's case is getting unbearable everyday there seems to be new news" sabi ko.

"Alam mo what i can't understand is the newest one" sabi niya sa akin.

"Yung about sa sila dad ang tumangay ng pera at hindi ang buisness Partners nila?" Tanong ko

"Oo yun nga, kasi kung totoo nga na tinangay nila lahat ng pera dapat isinama nila tayo" sabi ni Dash.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanila.

"Ate, bakit tatakas ang tao na di niya kasama ang pinakamahalagang bagay sa kanya?" Tanong niya sa akin

"At ano ang mahalagang bagay na ito?" Tanong ko sa kanya.

"Family" sabi niya sa akin.

"Maybe they don't..." di ko tinuloy ang sasabihin ko dahil natatakot akong maging totoo ito.

"Love us? Maybe don't love us?" Pagtatapos ni Dash sa sasabihin ko sana.

"Yah" sagot ko

"Ate why would mama call us and check on us kung di niya tayo mahal?" Tanong niya sa akin.

"I don't know maybe because of guilt?" Di siguradong sagot ko.

"Ate, Mama and Dad loves us without doubt" sabi niya sa akin.

"What's your point ba kasi?" Tanong ko

"My point is they're being Framed, Ate" sabi ni Dash.

"How did you know?" Tanong ko sa kanya medyo convince na sa sinasabi niya.

"Nakita mong umalis sila mama wala silang dala kundi tig-isang maleta na may lamang damit, Ate. Paano nila nasabing tinangay nila Dad ang pera?" Tanong ni Dash at may naisip rin akong tanong.

"Paano rin nilang nasabing tumakas nga sila mama?" Tanong ko.

"What do you mean, Ate?" Tanong ni Dash.

"When mama and Dad left the House they are fighting over something, about someone coming" sabi ko sa kanya habang inaalala ang kaonting narinig ko mula sa usaping iyon.

•••Flashback•••

Inalala kong mabuti ang mga katagang binitawan nila.

"Parating na sila! We need to tell Mira" sabi ni Mama

"Hindi na kailangan nila Mira na masangkot dito, sumama na lamang tayo" sabi ni Dad.

"Umalis na tayo! Isama natin ang mga bata" sabi ni Mama

"Para ano? Para kasama nating magdusa ang mga anak natin?" Tanong ni Dad kay mom. Naaalala ko rin si manang dati na nanenerbyos din dahil sa sigawan katulad ko at nakatagong nakikinig.

•••End of Flashback•••

"We need to find manang" sabi ko kay Dash.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top