CHAPTER XIV
"Anong na-miss ka diyan? Ulo mo" pananaray ko sa kanya
"Attitude as always" sabi nito at mapait na ngumiti.
"Ma-ano ka gani di?" Tanong ko sa kanya
"May kumakalat na issue tungkol sa inyo nong College Student na yun" panimula nito at tinaasan ko naman siya ng kilay.
"So bakit kasi hindi mo nalang ako bigyan ulit ng Chance atleast alam ng mga tao na matagal nang mayroong something sa atin, edi di ka na nila sasabihan ng kapit-pera at iba pa" sabi niya sa akin at ngumiti.
"Ganun ba talaga ka babaw tingin mo sa akin? Sa tingin mo ganun ako ka-despirada?" Tanong ko sa kanya.
"Hey! Chill lang, all im saying is I'm always here kung may balak ka mang bumalik" sabi niya sa akin at tumayo na.
"Abi mo mabalik pa ko sa imo?" Tanong ko sa kanya na nakapagpatigil sa pagpihit niya ng pinto.
"Alam ko madami akong pagkukulang sayo pero sana bigyan mo ako ulit ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sayo zin-zin" sabi niya sa akin at ginamit pa ang binigay niyang nickname para magpaawa.
"Asa ka" sabi ko sa kanya at tinarayan siya. Nagflying-kiss siya bago lumabas waring sinalo ko ito, itinapon sa sahig at tinapak-tapakan.
"Fudge you! LoserHead" malakas kong sabi dahil sa inis.
Kinausap ko si Crizzy at nagkuwento-kuwento upang mapagaan ang kanyang pakiramdam. Tinanggap ko din ang alok ni tita na tulong para mabilisang maoperahan ang paa ni Crizzy na slighty Dislocated raw ang bones at mayroong Fracture na kailangang ma-casting upang hindi ito tuluyang maputol.
Tumawag si Alexa habang natutulog si Crizzy mga 3:20 am na yun kaya inaantok na rin ako.
"Oh? Ano yun, pag ari labutaw naman nga mga pamangkot i-block ko na gid number mo"sabi ko sa kanya.
["Sobra man sa block, mira may sabihin baya ako"] sabi niya at biglang nagbago ang tunog pananalita niya
"Ano duman? Naging kayo for one day, pero gi-break mo? Ano salita na bah" sabi ko dahil inaantok na talaga ako.
["Si Dash bala asta subong wala gyapon"] sabi niya na nakapagpagising sa akin.
"Ha? Basi ara lang dah sa kwarto" sabi ko sa kanya.
["Ha?Hampanget mo! Charot lang, pero lage wala pa siya nakauwi"] sabi ni Alexa
"Baka umuwi na di mo lang nakita, wala sa cr? Gitignan mo na?" Tanong ko sa kanya
["Bobo ka dai? Gina pa ko di mga 6:30 pm,diri na gani ko nagkaon. Wala man siya nag-uwi kung nasa cr siya anong klaseng pwet ba meron siya at di maubusan ng tae?"] Pamimilosopo ni Alexa.
"Ngi sige tawagan ko" sabi ko sa kanya at ibinaba na ang tawag.
Naka-ilang beses na ako nag-dial ngunit walang sumasagot. Naka-ilang beses na rin akong nagtext pero walang response. Ano kayang nangyari dun? Kapag talagang nakita ko ang batang yun malalagot sa akin yun. Problema ko na nga si Crizzy na nasa Hospital dadagdag pa siya hayst naman talaga oh. Pag sineswerte ka ba naman lahat ata ng problemang pang-matanda maaga ko na naranasan lahat, may idadagdag pa ba toh?.
Sumunod na araw alas siyete pa lamang ay nandiyan na si Alexa upang magbantay kay Crizzy dahil hahanapin ko pa si Dash. Maaga rin akong babalik mamaya dahil lalagyan na ng Casting ang mga paa ni Crizzy.
"Thanks 'lex" sabi ko bago isirado ang pinto.
"Welcome!" Sigaw niya na rinig ko kahit nakasirado na ang pinto.
Umuwi ako sa bahay at nagligpit ng kwarto ni Dash baka sakaling may makuha akong impormasyon saan pumunta ang batang yun. May tiwala naman ako na di magagawang maglayas non at di niya papabayaan ang sarili niya. Pero ate niya ako at ako lang ang guardian niya sa ngayun kaya dapat pa din ako mag-alla kung hindi siya umuwi kagabi.
Binuklat ko ang mga notebooks niya na puno ng drawings ng mga anime Characters na di ko naman kilala. Sa iilang pages ay mayroon ding mga mura na may kasunod na pangalan, ang mga yun ay ikinabahala ko. Ano bang nangyayari sa kanya at ba't naman ganito pkikitungo niya sa kung sino mang may-ari ng mga pangalan na yun. But most importantly what made him do such things?
After a thousand ignored calls he finally answered. Hindi ko alam kung lutang ba siya o inaantok sa tono ng pananalita niya.
"Hello? Saan ka? Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya
["Luh! Linyahan ng mga pafall"] sabi niya na ikinanoot ng noo ko, alam niya bang ako ang tumatawag?
"San ka nga? Uwi ka na makakatikim ka sakin!" Sabi ko sa kanya
["Yaw ko nga"] sabi nito
"Saan ka Dash? Wag mong hintaying sunduin kita kung saan ka man" sabi ko sa kanya.
["Yow! Kuya Fielo what's up?"] Ang huli kong narinig bago matakpan ng ingay mula sa hula ko ay grupo ng mga lalaki.
Pinapahirapan ako ng batang ito, ayaw ko na nga kausapin si Fielo eh. Gusto ko na magpakalayo baka makasira ako ng relasyon ng may relasyon. Pinag-isipan kong mabuti kung ida-dial ko ba o hindi.
Matapos ang matagal-tagal na pag-iisip ay napagpasiyahan kong tawagan na ng siya.
"Potek napindot!" Sabi ko dahil pinindot ko nga ii-end ko na sana pero sumagot eh.
["Luh! Lumang style na yan oi! Ba't ka napatawag?"] Tanong niya sa akin. Sasagot palang ako ay bigla na siyang nagsalita.
["Miss mo ako noh?"] Tanong niya sa akin.
"Asa ka!" May tanong lang ako" sabi ko sa kanya
["What can i do for you kyut?"] Tanong niya sa akin.
"Kapatid ko kasama mo bah?" Tanong ko sa kanya
["Oo nasa OB kanina eh, hintayin mo pinauwi ko na."] Sabi niya sa akin.
"Sure? Hindi baya mahilig pumunta sa comp shop kapatid ko" tanong ko sa kanya.
["kausapin mo siya pag-uwi niya lutang eh"] sabi niya.
"Sige ganun nalang salamat" sabi ko sa kanya at iba-baba na sana ang tawag ngunit nagsalita pa siya.
["Wala bang goodbye, I love you jan?"] Tanong niya sa akin na nakapagpatigil sa akin.
"Label muna oi" sabi ko at humagalpak sa tawa, tumawa rin siya sa kabilang linya kaya pinatay ko na ang tawag upang di na niya mapahaba pa ang pag-uusap namin.
Naku! naku! Apaka rupok, kakasabi ko lang na ayaw ko na siyang kausapin at iiwasan ko na. Tinawagan ko pa din haynaku kelan ba ako matututo?
Matagal din akong tumayo sa may pinto habang hinihintay si Dash inabot na nga ako ng hapon sa paghihintay akala ko bah pinauwi na ni Fielo? Gusto ko sana magtanong kay Fielo ngunit gusto ko talaga mapatunayan na di ako marupok.
Tumawag si Alexa natapos na daw ang pag-casting sa paa ni Crizzy at sila nalang daw ni tita ang nagprocess ng lahat. Ang sabi nila hintayin ko nalang daw si Dash sila na bahala kay Crizzy.
"Diin ka naghalin? Na ano ka?" Tanong ko pagkakita ko palang sa ulo ng kapatid ko na nakayuko maglakad.
Napasimangot ako nang makitang nakasunod sa kanya si Fielo, ayaw ko nga kausapin eh lintek na tadhana. At itong kapatid ko naman di sumasagot sa mga tanong ko.
"Naka-inom, di matinong kausap" sabi niya at hinawakan sa likod si Dash para maglakad.
"Hoi na-ano ka? Oka ka lang ba't ka uminom? Ako gani mas tigulang pa sa imo wala naga inom" tanong ko sa kanya.
"Ka-kyut magalit ah kung iban na magyawyaw na yan, you even asked if he's okay" sabi ni Fielo
"Langan sino mag-tanong sa kanya non, yung kapitbahay?" Pananaray ko sa kanya
"Attitude ah" sabi niya at nagtaray rin.
"Luh! Ladlad ka girl?" Tanong ko sa kanya. Nang bigla nalang natumba si Dash pero nasalo niya.
"Ano ba nangyari dito? Ba't uminom?" Tanong niya habang ipinapasok si Dash sa loob ng Bahay.
"Di umuwi kagabi yan, kaya nga hinahanap ko" sabi ko sa kanya
"Ngi? Nagrerebelde?" Tanong niya
"Manghuhula ba ako? Hindi ko rin alam ano problema niya" sabi ko at tinarayan siya.
Nagpainit na ako ng tubig upang ipunas sa katawan ni Dash na amoy Alak. Naghanap na din ako ng gamot, kumuha na rin ako ng bagong damit.
"Ako na" sabi niya sabay kuha ng damit ni Dash. Nagpresinta siyang palitan ang damit ni Dash.
"San mo nahanap?" Tanong ko sa kanya
"Kasama si Alzur, pareho silang umiinom pero di magkasama" sabi niya sa akin at nagtipa sa cellphone.
"Oh? Yung kapatid mo umiinom din? Ano bang meron sa mga batang toh parang may pinagdadaanang kung ano" sabi ko. nilagyan ko ng unan ang ulo niya at kinumotan siya.
"Kamusta kapatid mo?" Tanong ko sa kanya
"Kasama na ni mama" sabi niya at nagtipa ulit sa phone.
"Ah okay" sabi ko at sinuklay nalang ang hibla ng buhok ni Dash.
"Sorry, si mama kasi nag-uutos. Magpapabili raw ng gamot" sabi niya at tinago na ang phone niya.
"Ah okay, alis ka na" sabi ko sa kanya
"Aray!" Sabi niya sabay hawak sa dibdib at yumuko.
"Anong nangyari? Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya
"Masakit dito" sabi niya sabay turo
"Saan di ko makita ulo mo nakikita ko! Wag mong takpan yung masakit!" Sabi ko at inayos ang ulo niya, nakita ko na ang tinuturo niya.
"Fudge you!" Sabi ko at tinarayan siya puso ang tinuturo niya eh tapos bigla nalang siyang tumawa.
"Masakit nga, pinapalayas mo ako eh" sabi niya at nagpout.
"Alis na nga! Inuutusan ka ng nanay mo diba. Hindi ka masunurin. Pag-aakusa ko sa kanya
"Masunurin kaya ako, eto na nga aalis na ako kasi utos mo." Sabi niya at tumayo na.
Tinatawagan ko si Alexa oras-oras tinatanong kamusta si Crizzy habang hinihintay na magising si Dash. Ngunit nakatulogan ko rin ang pagbabantay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top