CHAPTER XIII

Pagdating ko sa Hospital umiiyak si Alexa habang may nakayakap na lalaki sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya

"Di ko sinasadya, ga-bike man gud siya tapos-" di na niya napatuloy ang pagsasalita dahil humagulgol na siya sa iyak.

"Nagbi-bike siya nang biglang may mabilis na motor na lumiko sa kanto niyo" sabi nong lalaki na nakayakap kay Alexa.

"I-mmm so s-sorry" hagulhol ni Alexa

"Okay lang mabuti nalang anjan ka" sabi ko sa kanya.

"Sorry kung alam ko lang may dadaan na motor di ko na siya pinayagan magbike" sabi niya sa akin.

Ang sakit na ng ulo ko sa kakaisip kung okay lang ba siya, kung saan kami kukuha ng pera pambayad sa Hospital at kung paano na ang mangyayari nang maalala ko si Dash.

"Nasaan si Dash? Diba dapat nasa School ang mga kapatid ko ngayun?" Tanong ko sa kanya

"Half-day lang ngayun kaya umuwi na kami ni Crizzy, si Dash kasama yung Tropa niya. Nagpaalam naman siya na uuwi siya mamaya bago mag-five" sabi ni Alexa.

"Ah sige uwi ka nalang muna sa bahay ayusin mo yung bahay at pwede sa inyo muna si Dash?" Tanong ko sa kanya.

"Ang sabi baka operahan daw yung paa ni Crizzy parang nabali" kinakabahan nitong sabi sakin.

"What the Hell? Nawala lang ako ng isang araw! Nag-rest day lang ako di ba ako pwede magpahinga sa problema ko?"tanong ko sa kanya at napaupo nalang sa sulok at napasapo sa noo.

"Sorry talaga Mira, I'll call mom to help with the bills para di ka na magproblema." Sabi niya that made me go back to my senses

"Hindi wag, damo na kamo nabulig sa akon ni tita. Ako na bahala bal an ko na himuon ko" sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.

"Sure ka?" Sabi niya at nagpunas ng luha.

"Diri ka lang anay ha, mangita lang ko solusyon sa problema" sabi ko sa kanya at umalis na.

Pumunta ako sa 24K clothing Office para hanapin si tita.

"I heard the news langga, okay lang siya?" Tanong sa akin ni tita.

"Di ko pa po alam, tita can you assist me about sa Philhealth papers ko? Naalala ko meron non sa kontrata natin" sabi ko sa kanya.

Naintindihan naman ni tita na nagmamadali ako kaya itinuro niya sa kin lahat ng dapat kong maintindihan pati na rin ang mga kailangan kong gawin. Isinangla ko na rin ang natitira kong golden terno necklace,earrings, and ring ko. Alam kong hindi lahat masho-shoulder ng hawak kong papel at may posibilidad na magtagal pa siya sa Hospital ibig sabihin matatagalan pa akong magbabantay kaya di ako makakapaghanap ng pera para sa pang-araw araw na pagkain namin.

Palabas na ako ng Building nang hinatak ako ng isa sa mga kasamahan kong Brand Ambassadress.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya ngunit di ipinahalatang naiirita ako.

"May kumakalat na balita tungkol sayo" sabi niya sa akin at iniharap sa akin ang phone niya.

Nakita ko ang isang fake account sa twitter na may nilabas na tweet tungkol sa akin. Thread pa nga.

"Totoo ba na scammers sila?" Nag-aalalang tanong ni Zed sa akin.

"Oo totoo" sabi ko at pilit na ngumiti.

"Kaya mo ba tinanggap ang alok ni madam kasi kelangan mo ng pera?" Tanong niya sa akin.

"Anong klaseng tanong ba naman yan Zed? Halata naman diba" sabi ko at aalis na sana pero di niya pa din ako binibitawan.

"Totoo din ba na you are dating Fielo Brionche Monteiverde dahil you need money?" Tanong niya sa akin na ikina-irita ko.

"Zed kaibigan pa ba kita? Bat ganyan ka magtanong?" Tanong ko sa kanya

"Mira kumakalat na yung tweet alam mo namang madami kang followers, madami na silang ginagawang theories oh" sabi niya sabay bigay ulit ng phone niya ngunit di ko na tinanggap.

"Hayaan mo silang isipin kung anong gusto nilang isipin" sabi ko at aalis na sana pero hinigit niya ulit ang braso ko.

"Mira naman kasi i care about you too, sinasabihan ka nila ng malandi, kapit para sa pera, magnanakaw at iba pa. Di ka man lang ba magpapaliwanag?" Tanong sakin ni Zed.

"Zed nasa Hospital si Crizzy wala akong oras para jan sa kanila. Buy i na ko bah kay operahan pa ang manghud ko" sabi ko kaya binitawan niya ako.

"Magbulig ko magpadula sang chismis, tani safe lang siya" sabi ni Zed at di ko na narinig ang iba dahil nagmamadali na akong maoperahan si Crizzy.

Napaka nerbiyosa ko kaya hindi ko alam paano ako naging mahinahon sa pagprocess ng papers. Ang sabi ni Alexa sabi ng Doctor mas maganda raw kung maoperahan agad si Crizzy. Dumating na kanina ang X-ray niya.

Naputol nga ang bones ni Crizzy kaya kailangan i-undergo sa surgery. Ayaw kong masaktan pa ng mas matagal si Crizzy kaya sinusubukan kong madali lahat ng ito.

Nang sumunod na araw pa ako nakabalik sa Hospital dahil buong gabi akong naghanap ng paraan para magkapera na ibabayad sa Hospital dahil baka mapalya ang Philhealth papers ko, dahil bago pa lamang ito at isang Quarter pa lamang ang nababayaran ko na ikinakaltas sa sweldo ko kay tita.

Nailipat na sa isang private room si Crizzy kulang pa ang pambayad ko.

"Crizzy?" Tawag ko sa kanya

"Ate sorry" sabi niya sa akin habang nagpupumigil sa pag-iyak

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong ko sa kanya at sinuklay ang hibla ng buhok niya gamit ang kamay ko.

"You don't have money ate, sorry." Sabi niya at umiyak na at niyakap ako.

Naiiyak na din ako. Bata pa masyado si Crizzy nakakainis dahil nararanasan niya ang ganito. Ang magproblema kung saan hahanap ng pera para sa mga bagay na karapatan niya namang magkaroon.

Karapatan niyang matuto at kung madisgrasya man siya responsibilidad kong ipa-hospital siya.

"Pag may pera na si ate hindi ka na iiyak ulit" sabi ko sa kanya at niyakap siya.

Ang walang muwang na kapatid ko ay di dapat umiiyak dahil wala kaming pera. Karapatan niyang magsaya dahil bata pa siya. Karapatan ko din yun pero kinuha sakin ng mga magulang ko.

Hindi ko dapat nararanasan toh ngayun, pero di ko kaya magalit sa kay mama at dad masyado ko silang mahal. Pero sila, hindi ba nila kami mahal? Bakit nakayanan nila kaming iwan sa ganitong sitwasyon.

"Mira bala, tanggapin mo na kasi yung tulong ni mommy. Para maoperahan na si Crizzy" sabi niya sa akin habang pinapatahan ako.

"Magpupursige ako 'lex, magtatapos ako. Pagnangyari yun ibabalik ko sa inyo ni tita lahat ng kabaitan niyo" sabi ko sa kanya at umiyak.

"Hala ay kadrama bala sa imo" sabi niya at pinatahan ako.

"Minsan nga lang ako umiyak eh" sabi ko sa kanya.

"Mabuti yan Mirald, dahil ang pangit mo umiyak" sabi niya sa akin.

"Gaga ka" sabi ko sa kanya at sinapak siya.

"Siyempre joke lang yun" sabi niya sa akin.

"Gahibi na gani ko amuna pa gid hambalon mo" sabi ko sa kanya

"Nan hibi pa ha" sabi niya sa akin.

"Pag ikaw naghibi, bantay lang gid" sabi ko sa kanya at nagpunas ng luha.

Nakatulog pala sa kakaiyak si Crizzy kaya kumain muna kami ni Alexa di pa pala ako kumakain mula kahapon.

"Si Dash gali gakulong lang siya sa kwarto niya" sabi ni Alexa kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko

"Hindi niya man paghambalon kung ngaa" sabi ni Alexa.

"Uuwi ako bukas, pupuntahan ko siya" sabi ko at kumain pa.

"Mira? Paano gali tong issue nga gakalat?" Tanong ni Alexa.

"Tuod man gid nga scammers sila dad kag mama" sabi ko at humigop ng sabaw sa cup noodles.

"Hindi man totoo na kapit ka sa pera, hindi man totoo na kaya kayo magkasama ni Fielo kasi pineperahan mo siya" sabi ni Alexa at tumayo.

"Pabay i lang sila dah" sabi ko at kumain ng Cheese sticks na binili ni Alexa.

"Ning mga chismosa bala nga ni nami gid sila pang tampaon, abi mo kung sin o. Perfect sila haw?" Tanong ni Alexa at nagsimula na siyang mangsermon.

"Tama na yan oi, baka magising si Crizzy" sabi ko.

"Labas muna ako magbili ng pagkain, ubos mo na eh" sabi ni Alexa at pinihit ang doorknob.

"Hi" sabi ng isang pamilyar na boses at ikinagulat ko.

"Ano ginahimo mo di?" Tanong ni Alexa

"Ha? Hatdog" sabi nito at dadaan sana ngunit ayaw padanin ni Alexa.

"Halin ka di, damo na problema si Mira. Magdagdag ka pa" sabi ni Alexa.

"Lalabas ka diba? Lumayas ka na" sabi niya kay Alexa.

"Gago ka!" Sabi ni Alexa at susuntukin sana pero nagsalita ako.

"Sige na 'lex" sabi ko

"Sure ka?" Tanong niya na ikinatango ko.

"Ano ginagawa mo dito Rowver?" Tanong ko

"Na miss kita" sabi niya sabay lapag ng mga prutas na dala niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top