CHAPTER XII

"Di na kuwento samin ng traydor na toh may jowa na pala siya" sabi ni Diamant

"Nililigawan ko palang siya Dia" sabi ni Fielo. Umiinom sila ngayun ng wine, ayaw payagan ni tita maglasing eh.

"We never taught magkakajowa pa tong isang toh" sabi ni Elmira.

"Hindi pa nga jowa" sabi ni Fielo

"Doon na rin papunta yun" sabi ni Xryiz

"Ano course mo Mira?" Tanong ni Elmira

"Senior high palang ako" sabi ko sa kanila

"Malupet! Ka pre" sabi ni Dia at tumawa

"Fielo lang talaga malakas" sabi ni Septian

"Ulol mo sep, parang di ka nagjowa ng junior high noon ah" sabi ni Fielo

"Arat Mira tulog na tayo, mag-iingay pa yang mga yan" sabi ni Elmira at tinangay na ako papunta sa hagdan kasama si Dia

"Dito kami lagi natutulog kaya alam na namin ang pasikot-sikot sa bahay nila" pagpapaliwang ni Elmira at sinirado ang pinto.

"Magsalita ka! Anong ginawa mo kay Fielo" sabi ni Dia at nabigla ako nang bigla niya na lamang akong sinakal.

"Dia, hindi ganyan" sabi ng ate ni Fielo na ikinagulat ko rin. Ano bang problema ng mga toh.

Anak ng tokwa minsan lang ako magmura pero nakakainis ano bang ginawa ko sa kanila. Sinabunutan ako ni Thryana at sinasakal naman ako n Dia. Sa sobrang inis ko na dahil di na sila mapigilan at masakit na ay sinapak ko ng malakas si Dia.

"Tama na please Dia" pagmamakaawa ni Elmira habang pinipigilan si Thryana.

"Wala naman akong ginawa sa inyo" sabi ko nang matulak ko si Thryana palayo sa akin.

"Malandi ka" sabi ni Thryana at lumabas sa pinto.

"Pasensya na talaga Mira" sabi ni Elmira na umiiyak pa rin.

"Anong ginawa mo kay Fielo? Siguro may lahi ka ng mangkukulam noh?" Tanong ni Dia sa akin

"Ano bang Problema niyo?" Tanong ko sa kanya

"Dia mahal siya ni Fielo tanggapin mo nalang" sabi ni Elmira.

"Hindi si Kate lang ang Mahal ni Fielo at si Kate lang ang mamahalin niya" sabi nito at lumabas rin.

"Tama na" sabi ko at pinatahan ang umiiyak na Elmira

"Pasensya na ha, nabigla lang siguro sila" sabi ni Elmira at umiyak.

"Ang sabi ni Fielo patay na si Kate? Anong kinalaman ko sa kanya?" Tanong ko kay Elmira

"Sinabi niya yun sayo?" Tanong ni Elmira

"Oo yun ang sabi niya" sabi ko kay Elmira

"Pinagkakatiwalaan ka na ni Fielo, ayaw na ayaw niyang pag-usapan si Kate. Kung napakuwento mo siya tungkol kay Kate, malakas ka nga sa kanya." Sabi ni Elmira at nagpunas ng luha.

Napaisip ako sino ba kasi si Kate? Siguro Girlfriend siya ni Fielo tapos hindi makaget-over ang mga kaibigan niya na namatay ito.

"Kapatid ni Dia si Kate" sabi ni Elmira. Ah kaya pala galit na galit siya, eh hindi ko naman inaagaw sa kapatid niya si Fielo eh.

"Eh ba't galit sakin yun?" Tanong ko

"Recruit lang siguro ni Thryana" sabi ni Elmira

"Matulog na tayo?" Tanong ko

"Magkuwentuhan muna tayo oi" sabi niya at ngumiti.

"Sige ba, gusto ko idea mo" sabi ko at tumawa na rin. Masakit pa din talaga ang buhok ko mula sa pagkakasabunot ni Thryana.

Buong magdamag kami nagkuwentuhan ni Elmira hanggang sa makatulog siya. Gabing-gabi na pero di pa rin ako makatulog. Ikaw ba naman may kasamang muntikan ka nang patayin ilang saglit lang nakalipas di ka matatakot matulog.

Naisip ko kung mamamatay ako edi okay kasama ko ring mawawala ang mga problema ko, kung balak man nila akong patayin parang ginagawan na rin nila ako ng favor. Pero naisip ko paano ang mga kapatid ko? Hindi ko kayang iwan sa ganitong sitwasyon si Crizzy at Dash.

Dahil di ako makatulog lumabas ako ng kwarto para sana magpahangin. Pero naraanan kong nag-uusap si Xyriz at Fielo.

"Ayaw sa kanya ni Thryana, alam mo yan" sabi ni Xyriz

"Walang magagawa si ate, mamahalin ko kung sino man ang gusto ko." Sabi ni Fielo

"Babalik pa si Kate, huwag mo ilagay ang sarili mo sa pwesto na makakasakit ka" sabi ni Xyriz

"Namatay si Kate two years ago nong nagkaroon siya ng Kidney Failure at sumama sa iba na kaya siyang sustentuhan" sabi ni Fielo at mahigpit na humawak sa baso nito.

"Ginawa niya yun kasi gusto niya pa mabuhay" sabi ni Xyriz

"Sakin siya nangako na magpapakasal pero sa iba siya sumama" sabi ni Fielo at napatakip ako sa bibig ko muntikan na akong gumawa ng ingay dahil sa gulat.

May kasalan pa pala dapat na magaganap? Talagang hindi ko lugar toh. Wala ako sa puwesto para makipaglandian sa kanya kung meron pala siyang inaasahang bumalik, makakasira ako ng relasyon.

"Iniwan niya ako, nasaktan ako. Ngayun iba na ang gusto ko at dapat sa kanya lang ang mga mata ko" sabi ni Fielo na ikinatigil ko sa paglalakad.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Napakahirap naman nitong puwesto ko. Pero gusto ko rin siya. Gusto ko na ba siya? Ewan ko basta ang alam ko wala ako sa lugar kaya kung ano man ang nararamdaman ko ay dapat nang itigil.

Bumalik na lamang ako sa loob ng kwarto at doon nag-isip. Bakit ba nangyayari sakin toh? Napaka-malas ko. Una niloko ako, pangalawa nawala na parang bola ang mga magulang ko, pangatlo may binubuhay akong mga kapatid kaya kailangan kong kumayod at pang-apat ito. Itong sitwasyon na toh na di ko alam ba't madami namang tanga sa pag-ibig jan bakit ako pa natipohan ni tadhan, ba't ako binigyan niya ng lalaki na perpekto pero meron na atang nagmamay-ari?

Sa labis na pag-iisip nakatulogan ko na ito at nagising na lamang ako dahil ginising ako ni Elmira.

"Rise and Shine" sabi niya at tinulungan akong tumayo.

Nginitian ko siya at dumiretso sa banyo upang maghilamos. Paglabas ko naayos na ni Elmira ang higaan.

"Punta tayo don sa labas, magpitas tayo ng mangga at kuha tayo niyog" pang-aaya niya sa akin ang aga-aga napaka-energetic ng babaeng ito.

"Sige, tawagan ko muna mga kapatid ko" sabi ko at hinanap ang cellphone ko.

Nakakapagtataka dahil di sumasagot si Alexa baka tulog pa dahil Ala Sais pa lamang ng umaga kaya naman nagtext nalang ako sa kanya.

"Anong oras ba pwedeng bumaba? May klase na  kasi mga kapatid ko ngayun. At wala silang kasama" sabi ko kay Elmira

"Mamaya ala siyete sisikat na ang araw, siguro mga alas diyes tuyo na yung lupa" sabi ni Elmira.

Pinahiram niya ako ng jogging pants at Sinuit ko naman ang ginamit ko kahapon na T-shirt bago pa ako magpalit ng dress para sa shoot namin.

Naglakad-lakad kami di pa kami nakakalayo nakasalubong namin Sila fielo kasama ang kapatid niya, si Xyriz at Septian na nagjo-jogging.

Di ko pa din maialis sa utak ko ang narinig ko kagabi. Hindi pa patay si Kate at babalik pa siya kaya dapat ilugar ko ang sarili ko.

"Good Morning" bati niya sa akin. Ngumiti lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Elmira sa akin.

"Oo madami lang iniisip" sabi ko at nginitian siya

Naghanap kam ng niyog na ginamit niya sa pagluluto ng Ginataang Langka at mangga para sa umagahan namin. Kagaya nga ng sabi niya kanina nang sumapit ang alas diyes ay natuyo na nga ang lupa kaya hinatid na ako ni Fielo pauwi sa amin.

Habang nasa daan kami ay tahimik lamang kami kinakausap niya naman ako pero tipid na sagot lamang ang isinasagot ko.

"Galit ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ah" sabi ko sa kanya.

"Eh bat di ka nagsasalita?" Tanong niya

"Kasi wala naman akong dapat sabihin" sabi ko sa kanya.

"Pasensya na kagabi ha! Narinig ko kay Dia na nagkasagutan daw kayo kagabi?" Tanong niya sa akin.

"Ah wala yun" sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti.

"Pasensya ka na talaga, galing pa manila yun. Bagong uwi kaya napadalaw sila sa amin" pagpapaliwanag niya sa akin.

"Ah okay lang naintindihan ko naman" sabi ko sa kanya. Talagang naintindihan ko na dapat na kitang layuan sabi ko sa isip ko.

"May sinabi ba siya sayo na ikinagalit mo?" Tanong niya sa akin

"Huh? Wala ah" sagot ko sa tanong niya.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Kung sinabi niya sayo ang tungkol kay Kate wala ka dapat ipagselos, ikaw lang ang gusto ko" sabi niya sa akin paglabas ko sa pinto.

"Kung may hinihintay kang bumalik huwag mo na akong paglaruan" sabi ko sa kanya at pumasok na sa bahay.

Pagkarating ko sa bahay ay magulo ang mga damit sa kwarto. Ang sala ay puno ng kalat at ang kusina ay mayroong mga basang bimpo.

Pumunta ako sa kapitbahay upang magtanong kung alam nila anong nangyari sa amin.

"Ate! Alam niyo po ba anong nangyari sa bahay?" Tanong ko sa kanya.

"Yung kapatid mo na babae isinugod ng kaibigan mo sa Hospital" sabi niya at wala na akong hinintay pa na sandali isinirado ko ang bahay at nagpara ng tricycle na masasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top