CHAPTER II
Nagising ako dahil sa away sa ibaba nag-aaway nanaman sila mama at daddy. Hindi naman sila ganyan noon, nagsimula ang lahat nong tinakbuhan sila ng buisness partner nila.
"Ma? Dad? Chill nakakatanda ang stress." Sabi ko sa kanila at napatingin naman silang dalawa sa akin
"Umakyat ka muna sa taas, Anak." Sabi ni dad sa akin at uminom sa kape nito
"No, stay here Mira." Sabi ni mama at naglakad ng pabalik-pabalik pakaliwa at pakanan.
"Go upstairs Mira, Indi niya kinahanglan mabal-an ang ginaistoryahan ta Myveil." Sabi ni Dad na unti-unti na ulit nawawalan ng pasensya kay mama
"Know about what? Ano ang hindi mo gusto nga mabal-an ko dad?" Tanong ko kay daddy
"Mira, im sorry." Sabi ni mama at nagsimula nang umiyak at humagulgul habang nakayakap sa akin. Inakay ko si mama at pinaupo sa sofa.
Ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak si mama. Dahil sa sakit na nararamdaman ko at awa napaiyak na din ako.
"Ma, ano toh haw? Dad nga gahibi si mama? Please tell me, ayaw kong umiiyak si mama." Pagmamakaawa ko kay dad
"Aalis muna kami ng mama mo Mira, Alagaan mo ang mga kapatid mo" tanging sabi ni Dad at umalis na sa living room.
"Ma, alagaan mo sarili mo ha. Wala ako dun para alagaan ka" sabi ko sa kanya
"Ikaw rin Anak, I'll find a way na makasap kayo lagi" sabi ni mama at umalis na rin. Naiwan akong umiiyak sa living room mga ilang sandali ang nagdaan at nakita ko si dad na may dala-dalang maleta ganun din si mama na namamaga pa ang mata sa kakaiyak.
At yun na ang huling beses na nakita ko sila isang buwan na ang nakalipas mula ng pag-alis nila mama at wala na din akong narinig na balita tungkol sa kanila. Nakatulala ako sa kawalan kakaisip kung ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Dad.
"Mira, nasa gate na tong bill ng kuryente at tubig." Sabi ni Manang Daday
"Mirald hindi naman sa dinadagdagan ko ang problema mo langga ha, pero magda-dalawang buwan na kasi bukas na wala kaming sweldo." Nagdimula ng mabasa ang mga mata ni manong Junnie at halatang pinipigilan lang umiyak. "may pamilya rin akong pinapakain at mga apong pinapaaral mahirap lang kami Mira, baka hindi na rin ako magtatagal maghahanap na ako ng bagong trabaho langga. Mahirap din para sa akin ito dahil bata ka pa lang sa inyo na ako nagtratrabaho sana maintindihan mo." Sabi ni Manong Junnie at dahil nga doon ay naluha na rin ako
"Kayo po Manang Daday?" Napayuko si manang Daday at nanahimik na lamang dahil dun alam ko na ang sagot niya sa tanong ko. "Maiintindihan ko naman po kung gusto niyo ng umalis, hindi ko rin po alam kelan uuwi sila mama at daddy. Alam naman na ng lahat na iniwan na nila kami, Ma-miss ko gid kamo manong kag manang." Niyakap ko silang dalawa di mapigilan ang mga luhang umaagos sa aking mga mata.
"Hindi ka man namon gusto bayaan Langga, kabuot sa imo kag responsable nga bata pero may pamilya man gyapon kami" sabi ni Manong Junnie
"Naintindihan ko naman po, take care po manong and manang" sabi ko bago sila tuluyang lumabas sa kwarto para mag-impake na.
Nakakapagod mag-isip ng puro problema nag-beep nanaman ang phone ko di ko pinapansin mga kaibigan ko alam ko namang may kanya-kanya silang pinagdadaanan kaya di ko pinapaalam sa kanila ang sitwasyon ko.
Nagulat na lamang ako ng may malakas na pagpokpok sa gate namin. Pinuntahan ko ito at nakita ang galit na baliw kog kaibigan na umaakyat sa gate.
"Ano ba Alexa mahuhulog ka" sabi ko at kinuha yung hangdan para tulongan siyang bumaba
"Hindi mo na kami nirereplyan, one week ka na absent sa School. At laging sirado ang gate niy na parang walang tao, nagaalala ako tapos malalaman kong ligtas ka naman pala dito sa bahay niyo.Ano tinatamad ka mag-aral bakit-" pinutol ko na ang sasabihin niya para magpaliwanag.
"I've got more problems than being Absent lang sa school Alexa, I'm sorry if i didn't reply madami lang akong ginagawa." Sabi ko habang binabalik ang hagdan sa dati nitong lagayan
"Na ano ka dai? Alam mo man na kung may problema ka, Ara man lang ko di hambal ka lang kay buligan ta ka." Sabi nito na mukhang galit pa din dahil sa tono ng pananalita niya "hindi ka naman ganyan noon sinasabi mo man pag may problema ka, tapos ayaw mo gid na naga-absent sa school kasi Grade-conscious type ka. Magsabi ka lang, andito lang ako dadamayan kita." Sa sinabi niyang yun naiyak nanaman ako hindi ko na alam anong dapat kong gawin
" I spent my time making fake facebook account, pinabenta ko na ata halos lahat ng Designer bags ko,hinanapan ko na din ng buyer yung sasakyan namin. We are broke na Alexa, wala na kaming pera. Binigay ko na ang huling pera ko sa kanila manong at manang, at yung mga kapatid ko di naman sanay yan na walang makain eh, kaya ko pinabenta ang mga bags ko to buy groceries at yung tuition sa school ako na din ang nagbabayad both my tuition at sa mga kapatid ko." Biglang nag-crack ang boses ko kaya humagulgul nalang ako
"Wow, you've been handling this for how long now?" Tanong ni Alexa saakin
"Since last month, umalis sila mama at daddy walang iniwang pera pero andaming utang. Sige balik diri tong mga lalaki nga ginakautangan nila, ang hambal kuhaon daw nila mga manghud ko kung di kami magbayad sa kanila-" naputol na naman ang sasabihin ko dahil nagcrack ulit ang boses ko
"So what's your plan? Kahit anong desisyon mo suportahan kita ah." Sabi ni Alexa na huminahon na dahil naging malumanay na ang boses niya.
"Gusto ko na muna umalis sa bahay,ilalayo ko mga kapatid ko dito." Sabi ko seryoso sa ngayun yun lang ang gusto kong mangyari ang mailayo sila sa mga lalaking yun.
At tinulungan nga ako ni Alexa. Nakahanap ako ng bahay na paupahan sa Buenaflor maliit siya halos kasinlaki lang ng dati naming kwarto ang espasyo ng buong bahay. Dito ko na din napiling mangupahan dahil malapit lang sa bahay nila Alexa.
Balak ko na rin sana magtransfer ng school dahil hindi ko kayang bayaran ang tuition ko at ng mga kapatid ko. Kahit maubos ko lahat ng gamit ko hindi ko pa din makakayang pagastusan ang upa,tuition,pagkain at iba pa naming pangangailangan.
Finally pagkatapos ng tatlong Araw noong nasigurado ko na lahat at nabalanse ang mga bayarin ay napagpasyahan kong sa Notre Dame pa rin ako mag-aaral hindi rin naman ako papayagan ni Alexa na lumipat siguradong sasabihin niyang tutulungan niya nalang akong magbayad imbes na magtransfer.
"MIRALDDDDD!!!!!" Sigaw ni Yzra sabay yakap ang aga-aga naman tong babaeng toh ang ingay ng bunganga siya lang yata ang naririnig sa buong hallway.
"Good Morning Izzy" bati ko dito at pinulot na ulit ang natumbang bag ng kapatid ko binati niya rin ang dalawa kong kapatid at sinamahan kaming maglakad papuntang Grade School Department.
"What have i missed? May chika ka dai?" Tanong ko rito gusto kong malaman anong mga activities at pangyayari ang di ko napagtuonan ng pansin dahil absent ako.
"Karun lang, pag nahatid na natin kapatid mo" sabi niya at nagdaldal lang ng kung ano-ano sa kapatid ko para malibang sila na-appreciate ko talaga ang pagpapasaya niya sa dalawa, si yzra ang tipo ng tao na kaya kang pasayahin kahit magulo na masyado ang mundo mo.
Pagkatapos naming ihatid mga kapatid ko nagsimula na siyang magsalita. "Bal-an mo bala last last week nag groupings man gud si maam sa Filipino ng Role Play, tapos absent si Poli sabi niya baya sa akin. 'Sayo ba ako?' ". Tumigil siya saglit upang tumili
"Okay na ako nakaraos na, tapos siyempre sabi ko. 'Oo akin ka' tapos inasar kami ng mga kagroup namin tapos kunwari galit ako pero kinikilig ako" humagalpak sa tawa ang baliw kong kaibigan.
"Tara Cafeteria, G?" Tanong niya sa akin umu-oo naman ako pero wala akong balak bilhin dahil nagtitipid ako.
Nagkukuwento lang siya habang naglalakad tapos nasalubong na din namin yung kambal na nagaagawan pa sa suklay.
"Akin nga kasi yan Ev' eh tignan mo kulay black hindi mo naman fav ang black ah" sabi ni Ava at iginigiit pa ding kanya yung suklay. Nasa cafeteria na kami
"Binigay nga kasi toh ni nanay sa akin. Mira di ka ba bibili, bagong luto ang shanghai oh." Tanong ni Eva nagtataka dahil lagi akong bumibili ng shanghai noon lalo na pag bagong luto.
"I'm on a diet." Sagot ko nalang at ngumiti
"Hey! Genalin tayo mayang hapon ha." Sabi ni Yzra
"What for? Gala ka nanaman? Lagawan ka gid yah." Tanong ni Eva
"Pilingon ka, aniv nila mama at papa. Gusto nila i-invite ko kayo para magkatao naman daw sa event." Sabi ni Yzra
Malapit kaming lahat sa parents ng isat-isa kaya kapag may mga pribadong kasiyahan lagi kaming naiimbitahan.
" ay G ako, swimming tayo mayang gabi" sabi ni Eva at tumawag na sa mama niya para magpaalam
" I think i'm gonna have to pass" sabi ko at napatingin sila sa akin.
"Why? Pero inimbitahan ka nila mommy" sabi ni Yzra na parang nag-papaawa
"Walang magbabantay sa mga kapatid ko" inamin ko ang katotohanan dahil maiintindihan naman nila
" I'll call mommy sasabihin kong sasama si Crizzy at Dash, don't worry papasamahin ko na din kapatid ko at si yaya para may magbabantay sa kanila." At dahil dun di na ako nakapag-hindi na.
"Thank you" sabi ko at ngumiti mabuti na ding makakasama mga kapatid ko para madistract sila sa nangyayari sa amin ngayun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top