Chapter 26

Chapter 26

August Gavine

Nagsisimula ng dumilim ang kalangitan at nagsisilabasan na rin ang mga nagkikislapang bituin sa itaas. Hindi pa nagpapakita ang buwan pero maliwanag ang mga daan dahil sa nakahilerang mga streetlights. Nasa rooftop ako ngayon ng aming bahay nakaupo sa isang rocking chair na gawa sa rattan. Malamyos ang simoy ng hangin dito na medyo may kalamigan na. Suot ko ang pantulog ko na kulay puti, may nakapatong naman sa aking balikat na makapal na habol, panlaban sa hamog.

Minsan lang ako tumatambay dito dahil tambakan ang rooftop namin ng mga kagamitang hindi na nagagamit o sira na. Hindi naman delikado ang rooftop namin dahil mataas ang railings, hanggang dibdib ko. Kaya ako nandito ay dahil may gumugulo sa isip ko ngayon.

Ilang ulit ko ng tinatawagan si Claud pero hindi nya sinasagot. Hindi ko alam kung sadyang busy lang siya o sinasadya nyang hindi sagutin ang mga tawag ko. Nakakapanibago at wala akong maisip na rason kung bakit siya ganito. I mean, alam ko na may problema sa kanila pero hindi ko alam kung ito ba ang rason kung kaya hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

Ayokong mag overthink kaso ito ang ginagawa ko ngayon. Marahas akong bumuga ng hangin at pinagalaw ang inuupuan kong rocking chair.

Natuon ang tingin ko sa cellphone ko na nasa hita ko ngayon dahil bigla itong tumunog, tanda na may nag chat. Dahil sa inaakalang si Claud ito ay agad kong binuksan ang message. Well yes, it came from her pero bakit siya nag send ng ganito sa akin?

It's a picture of her and Eva looking happily, at base sa background nila ay sa school ang kuha nito. Ilang minuto ko pa itong tinitigan habang naka kunot-noo. Why would she send something like this?

Minutes later muli akong naka receive ng message galing sa kanya.

From: Claud

I know you're wondering why Claud sent something like that to you. Anyway this is Eva. I already told Claud to end your relationship today pero hindi nya kayang saktan ka kaya ako na ang gagawa. You and Claud are over.

Iyan ang nakasaad sa message nito at sumunod nitong message ay ang picture niyang naka peace sign.

Tumaas kaagad ang dugo ko sa ulo dahil sa inis. I know Claud will never do that to me. I know Claud loves me and she will never end our relationship just like that. I know this is her doing. Pero nakaka-inis! Nakakagalit! Gusto ko siyang tawagan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kilala ko si Claud. Kung galit ako sa ginawa ni Eva ay alam ko na galit din si Claud.

Muli kong tinignan ang picture nitong sinend. Tinignan ko ang background nito at bigla na lang akong nanlumo nang mapansin na nasa kwarto siya ni Claud.

Pinapasok siya ni Claud sa personal space nya?

Hinayaan siya ni Claud?

Ano'ng nangyayari?

I massaged my temple while thinking what is happening. Hindi ako dapat magpadalos-dalos at baka may rason si Claud kung bakit nya ginawa ito.

But then it pains me to see that she let Eva enter in her private place. Her personal space where she only let me in, but not anymore. Someone is invading what's mine.

Nagmamadali akong pumanaog at tinungo ang labas. Nasa kwarto na si mama at nagpapahinga, ayoko siyang instorbohin kaya walang ingay akong lumabas ng bahay. Hindi kami same ng subdivision ni Claud, nasa kabila siya at kailangan ko pang mag lakad for thirty minutes bago ko makarating sa kanila. Pero kung tatakbo ako mas maaga pa sa thirty minutes ako makakarating. So I ran as fast as I could to reach in their house.

Pagdating ko sa kanila ay kaagad kong pinindot ang doorbell kahit na hingal na hingal pa ako. Wala akong ibang inaasahan bukod kay Claud na siyang bubukas sa kanilang gate. Pero ilang ulit kong pinindot ang doorbell at wala pa ring bumubakas dito.

Minutes have passed but no one did open the gate. Nakabukas naman ang ilaw sa loob, even sa kwarto ni Claud. Nasa loob ba sila? Kinuha ko any cellphone ko at akmang tatawagan si Claud kaso kaagad namang namatay ito, tanda na lowbat na.

Kung mamalasin ka nga naman!

Tatlong sunod-sunod na pag pindot ang ginawa ko ngunit katulad kanina, wala pa rin.

Wala ba'ng tao sa loob?

Bigla akong nakaramdam ng maliliit na butil ng tubig na pumapatak sa aking balikat. Pagtingala ko ay sumalubong sa akin ang sunod-sunod na pagpatak ng ulan sa aking mukha.

Ang malas ko naman yata ngayon?

Unti-unting lumalakas ang ulan kaya minuto lang dumaan ay sobrang basa ko na. Hindi ko na muling pinindot pa ang doorbell dahil pagod na akong umasa na may bubukas sa gate.

Kaya nag desisyon na akong umalis na dahil mukhang walang tao sa loob. Pero bago ako tumalikod ay nakita kong namatay ang ilaw sa kwarto ni Claud. So she's inside all along? Hindi ba nya narinig ang pag tunog ng doorbell? Nasa loob pa ba si Eva? Kaya ba hindi siya bumaba ay dahil kasama nya sa loob ang babae'ng iyon?

Is it really true that we're over?

Mapait akong ngumiti habang dahan-dahan na hinahakbang ang mga paa ko papaalis. Gagi, ang sakit pala sa dibdib at parang pinipiga ng isang malaking kamay na puno ng mga tinik. Nasa kabilang lane na ako nang bigla kong narinig ang pag bukas ng gate nila Claud. Medyo madilim sa kinatatayuan ko kaya hindi ako napapansin.

Iniluwa mula sa loob si Eva na nakasilong sa payong na hawak-hawak ni Claud. May hawak naman siyang payong at saka lang niya ito binuksan nang nakalabas na sila parehas sa gate. Eva looks so happy when she hugged Claud. Okay lang sana iyon, pero mas sumikip pa ang dibdib ko nang makitang nakangiti rin si Claud na yumakap pabalik kay Eva.

Tila may kung anong matulis na bagay na tumarak sa aking dibdib, dahilan para mahirapan ako sa pag hinga. Sumasabay sa agos ng ulan ang mga luhang sunod-sunod na nagsilabasan sa aking mga mata. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para hindi matuloy ang mga hikbing nagbabadyang kumawala sa aking bibig. Ang sakit makita silang dalawa.

All along nasa loob lang pala sila?

Hinatid pa ni Claud ng tingin si Eva na naglalakad papalayo habang ako, nakatingin lang sa kanya habang pinipigilan ang sariling makagawa ng ingay. Unti-unti ring humihina ang ulan.

Panandaliang saya lang ba ito? Pero kung panandalian lang, bakit sobrang sakit? Tila gumuho ang mundo ko.

I was just silently looking at Claud's face when she suddenly look in front. Diretso sa akin ang tingin nito. Nakita ko ng malinaw ang gulat sa kanyang mukha ng makita ako. Pero wala na akong maramdaman bukod sa sakit na unti-unti akong kinakain ngayon. Ayoko siyang kausapin. Ayoko siyang makita.

Muling lumakas ang buhos ng ulan at hindi ko na ito inalintana pa. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makawala sa titig ni Claud.

"A-august!" Sigaw nito.

Dahan-dahan akong humakbang pa atras. Dahan-dahan pa sa simula at nang makita ko siyang balak akong lapitan ay doon na ako tumakbo papalayo sa kanya. Ayoko siyang makausap. Ayokong makita ang pagmumukha nya ngayon. Ayokong marinig ang mga paliwanag nya. Ayoko!

Kahit na nanlalabo ang paningin ko dahil naghalo na ang tubig ulan at luha sa aking mga mata ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

"August!"

Pag lingon ko ay gano'n din ang ginawa ni Claud. Tumatakbo ito para habulin ako. Wala na rin ang payong na kaninang dala nito. Basa na rin siya sa ulan kaya tumigil ako sa pag takbo.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko at hinarang ang kamay ko para magkaroon kami ng distansya sa isa't-isa. "Diyan ka lang, Claudelle!"

Huminto ito habang nakatingin sa akin na tila ang dami nyang gustong sabihin. Pero sarado ang pang-unawa ko ngayon.

"Bakit ka sumunod? Basang basa ka na!" Nag-aalalang wika ko. "Nanatili ka na lang sana sa bahay ninyo!"

"A-august." Muling tawag nito sa pangalan ko na may malambot na ekspresyon. "Ba-bakit nasa harap ka ng bahay namin?"

Sarkastiko akong napatawa. "Wala ako sa mood kausapin ka ngayon, Claudelle kaya bumalik ka na sa inyo. Saka ka na lang mag explain kapag okay na ako."

I tried to calm myself. Ayokong magalit kasi alam ko may explanation siya at ayoko munang marinig ito ngayon dahil alam ko rin na mahihirapan akong intindihin siya.

"Ihahatid kita."

Walang emosyon ko siyang tinignan sa mga mata. She's standing few meters away from me and was about to reach my hands by closing the distance between us, but I stepped backwards. Kaagad kong nakita ang sakit sa kanyang mga mata sa ginawa ko. Maraming emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya ngayon pero hindi ko ito pinapansin.

"Kaya kong umuwi mag isa. Bumalik ka na sa inyo," malamig na tugon ko at tinalikuran na siya. "Saka na lang tayo mag usap kapag hindi na magulo ang utak ko."

"There's nothing between Eva and I so please don't overthink."

Marahan akong tumango habang nakatalikod at hindi na muli pang lumingon. Nag desisyon na akong maglakad papauwi kahit na nanginginig na ako sa lamig dahil nagsimula ng humangin sa paligid.

Hindi na lang sana ako pumunta pa sa kanila, hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Nagpatuloy ako sa paglalakad na hindi nililingon ang likod ko kaya hindi ko alam kung nakasunod lang ba siya o hindi na. Pagdating ko sa bahay ay si mama kaagad ang bumungad sa akin sa sala na may nag-aalalang mukha.

"Kung hindi ako tinawagan ni Claudelle ay hindi ko malalaman na lumabas ka pala ng bahay, August!"

Hindi ko na inintindi pa ang sinabi ni mama at tumingin na lang sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Wala na siyang sinabi pa at yumakap din sa akin pabalik. I didn't say anything. Wala akong sinabi kung ano ang nangyayari basta yumakap lang ako sa kanya na parang sa kanya ako humuhugot ng lakas.

"Maligo ka na at ipagtitimpla kita ng kape."

Marahan akong tumango at sinunod ang sinabi ni mama. Dumiretso ako sa banyo, pagkapasok ko sa silid, at kaagad naligo. Pagkatapos makapagbihis ay humilata na ako sa kisame at tumitig sa kisame.

Ngayong medyo humupa na ang nararamdaman ko ay mas naging malinaw na ang tanong sa isip ko. Dalawang araw na walang paramdam at walang update. Dalawang araw na hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya tapos after two days makikita ko ang babae'ng iyon sa kanila?

Para akong tangang nakatayo sa harapan ng bahay nila, naghihintay na pagbuksan ako ng gate. Akala ko pa walang tao but then nandoon pala sila sa loob? Ano'ng ginagawa nila roon?

Pinapasok pa nya sa room nya!

Hindi ba nya na isip na sobrang gulo ng isip ko sa mga nagdaang araw dahil sa video na kumakalat tungkol sa akin?

But still, I don't want to jump into conclusion dahil hindi ko rin alam ang totoo. At isa pa, sinabi na ni mama kanina na inaalam ni Claud ang taong may pakana ng video.

Wait...does it mean kilala na nya kung sino ang may gawa?

Remembering what Eva sent me, maybe she's the person behind all of this? Kaya ba hinayaan siya ni Claud?

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip at inalala ang mga naging usapan namin ni Eva noon. She does have the power to ruin our relationship and to tarnish my name. Mukha siyang desperada kaya hindi imposibleng siya ang may kagagawan nito.

Bumalikwas ako ng bangon at tinungo ang cellphone ko na nilagay ko kanina sa study table ko. Pero hindi ko naman ito ma-on dahil dead bat na at saka basa rin ito. Hindi ko na lang chi-narge. Sakto naman nakatayo ako nang pumasok si mama na may dalang isang tasa ng kape.

"Mag kape ka muna, pampawala sa ginaw," wika nito at inilapag sa study table ko ang tasa. "Just call me if you need something, nasa kwarto lang ako." Pahabol pa nito at lumabas na sa kwarto ko.

Naiwan akong nakatunganga. Saka ko na lang kakausapin si Claud kapag tapos na ang lahat. For now, wala muna akong gagawin bukod sa mag-aral para kapag bumalik na ako sa school ay hindi ako behind sa klase.


- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day! ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top