Chapter 23

Chapter 23

Claudelle Tuliao

I'm really blessed for having a friend like August. Hindi ko na pala siya kaibigan lang ngayon, she's also my girlfriend. Ang sarap pakinggan na may taong pinapahalagahan ka. Nang sinabi nya sa akin na kailangan ko ng pag-aabalahan, hindi ko inaasahan iyon. I didn't know she noticed my silence.

Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko ngayon, mahimbing na natutulog habang nakayakap ang isang kamay sa aking bewang. It's already midnight but I don't have a plan to wake her up yet. I took this as a chance to stare at her calm face. I was like that for a couple of minutes, until my phone interrupted me.

Kinuha ko ito na nasa gilid lang ng aking ulo. Tinignan ko ang tumatawag at sinagot.

"What is it this time, Eva?" There's a hint of irritation in my voice. I already told her not to call me again.

"You probably forgot what I've told you back in Tagaytay, Claudelle." Malanding wika nito. "I'm sure I did tell you that I'm going to ruin her life if you still choose to stay with that bitch."

Kaagad humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone at napakuyom. I forgot about her. I forgot what she said back then too. Pero hindi ko kaya. Ilang taon akong nanahimik. Ilang taon ko itong itinago. It wasn't easy for me, kaya nang naging totoo si August sa akin ay kaagad kong niyakap ang opportunity na ito.

"Hindi ko na kailangan mamili, matagal na akong nasa kanya. Try to ruin her, you'll going to face me, Eva."

Narinig ko ang desperadong tawa nito. Mali ang naging desisyon kong kaibiganin ang katulad nya. At first I thought she's just being friendly. Kinakausap ko siya dahil akala ko rin ay isa siya sa mga babae ni Jamila, but I was wrong. She showed me her true colors back in Tagaytay.

Lumabas ako ng vacation house nila Jamila para magpahangin. Plano ko sanang isama si August pero nakita ko siyang masayang nakikisayaw at kantahan sa mga kasamahan ko sa volleyball. I stayed for a minute kanina at nanood kung paano siya sumayaw na parang walang pakialam sa paligid. Nakangiti lang ako sa gilid, hindi makapaniwala sa nakikita. It was rare for her to act like this.

"Hey!"

Hindi ko naramdaman ang presensya ni Eva na nasa likod ko lang. She's sitting on a huge rock, there's a stick of cigarette in between her index and middle finger. Bumuga ito ng usok bago muling tumingin sa akin.

"You and August are staying in the room? Hindi pa ba nya napapansin?"

Hindi ako sumagot at nanatili lamang nakatayo.

"Sa totoo lang no, nagmumukha ka ng tanga," she said in between her giggles. Nag-isang linya ang kilay ko sa narinig. Si Eva ba itong kasama ko?

Ang nakilala kong Eva ay inosente, sweet, at mabait. Sobrang hinhin din nito at mahiyain. But this Eva right now is different.

"Are you drunk?" Tanong ko rito kasi ito lang ang naisip kong dahilan kung bakit siya ganyan ngayon.

"Pfft! Drunk? Come on, Claudelle! You're really dumb!"

Tumayo ito at lumapit sa akin. Hindi siya amoy alak at nangingibabaw ang amoy ng sigarilyo. Nakatingin ito sa akin ng diretso.

"Sa sobrang baliw mo sa kaibigan mo ay hindi mo nakikita ang mga tao sa paligid mo. Hindi mo alam na may nasasaktan kang tao. Sa sobrang focus mo kay August ay hindi mo nakita ang effort ko. Ako na palaging nariyan sa tabi mo. Palagi na lang si August!"

Hindi ako naka imik. I know she's giving me signals, pero hindi ko pinansin ito dahil ayokong umasa siya. Palagi kong pinaparamdam sa kanya na tanging pagkakaibigan lang ang kaya kong maibigay.

"Itigil mo na 'to." Mariing wika ko. "You knew it already kaya wag mong sabihin 'yan sa akin."

Muli itong tumawa. "Bakit sobrang hirap para sa'yo ang pansinin ako? I did everything for you! Sa mga panahon na nasasaktan ka ay ako ang kasama mo, Claudelle hindi si August! That friend of yours only bring pain to you, but why you always choose her? Bakit palaging siya?"

I don't know what to react and how to absorb those words she just said. Am I really dumb or I'm just stupid kasi hinayaan ko siyang lumapit sa akin knowing that I can't give her the attention she wanted.

"I was there, almost every day in your life. But you never address my feelings. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na mahalin kita dahil sa babaeng iyon! Kahit na nasasaktan ka na ay siya pa rin ang gusto mo! Paano naman ako, Claudelle? Mahal naman kita ah?"

Nakita ko ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata. Pero hindi ako nakaramdam ng kahit na ano. Hindi ako na gu-guilty but I'm mad at myself.

"Hindi ko responsibilidad ang nararamdaman mo, Eva." Malamig na turan ko. Nakita ko naman kaagad ang sakit sa kanyang mga mata. "Matagal ko nang sinabi sa iyo ang totoo. If you mistook my actions, then I apologize for that. Pero alam nating dalawa kung ano lang ang kaya kong maibigay sa iyo." 

Pinahid nito ang mga luhang sunod-sunod na tumulo sa kanyang pisngi. Umiwas ito ng tingin sa akin habang ang likod ng kanyang palad ay nakatabon sa kanyang bibig. She's trying not to cause a sound while crying, pero hindi niya mapigilan ang sarili. She's now crying in front of me.

"May karapatan kang masaktan, pero hindi ko na iyan responsibilidad dahil alam mo na sa simula pa lang na hindi kita kayang magustohan, Eva."

I decided to leave her alone, to give her some privacy. Tuloy-tuloy na dapat ang paglalakad ko nang muli itong nagsalita. Hinarap ko siya, ngunit tanging ang likod nya lang ang nabungaran ko.

"I'm not nice, Claudelle. I'll make you choose me instead."

There's a hint of hate in her voice. Masyado ring ma anghang ang pagkasabi nya.

"I'm going to ruin her life. No one is having a happy ending."

I ended the call. Pero sumagi na sa isip ko na kung gagawin nya nga ang sinabi nya sa akin ay sisiguradohin kong walang masamang mangyari. She's not that crazy to harm August. Wala rin siyang masyadong kaibigan para utusan nya. All I have to do is wait.

Muli akong napatingin kay August.

Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang pagbabanta ni Eva. I'm going to fix everything first before telling her.

°°°°°•°°°°°

Maaga kaming gumising dahil may pasok pa kami mamaya. Naihatid ko si August sa kanila ng alas singko. Si tita Ema ang sumalubong sa amin na may nagtatanong na mukha. I didn't say anything. Gusto kong kaming dalawa ni August ang magsabi sa katotohanan. Kasi sumagi na rin sa isip ko na baka hindi pa talaga kilala ni August ang sarili nya.

Ayokong pilitin siyang unawain ang totoong kasarian nya kasi alam kong kusa nya itong malalaman. All this time ang nagugustohan lang niya ay mga lalaki, sa akin lang siya nagkaganito. I'm not doubting her. As of now kasi alam ko na nagugulohan din siya.

Pagdating ko sa bahay namin ay una kong napansin ay wala rito ang isang kotse namin na palaging dala ni papa. Kakaiba rin ang aura na binibigay sa buong paligid ng bahay. Did something happen?

I just shrug it off and went to my room to take a bath. Pagkatapos kong makapag ayos ay bumaba na ako para kumain ng agahan. Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng bread sa pantry. Nilagyan ko lang ito ng mayonnaise at saka sinubo. Nag timpla na rin ako ng kape. This is my usual breakfast, pero dahil nasanay na akong kumain ng kanin dahil kay August ay parang nagutom ako bigla.

I was planning to cook rice when mom suddenly entered the kitchen. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam kong may hindi magandang nangyari. She doesn't look like she had an eight hours sleep. Agaw pansin din ang namamaga nitong mata na parang galing ito sa pag-iyak. Though she's wearing a red body con dress, which left me wondering. Kasi hindi nya gusto ang red lalo na ang body con na dress.

She looks so sophisticated right now that made me even question myself if am I looking at my own mother right now.

"Ma?" Paniniguro ko kung siya nga ba ang nakikita ko ngayon. Nang mapadako ang mga mata nito sa akin ay parang nag snap out.

"C-claudelle!" Gulat na tawag nito sa pangalan ko. "Hindi ko alam na nariyan ka pala. Kanina ka pa ba?"

Something is off with her. Ang ngiti nya ay hindi umabot sa kanyang mga mata. Para ring nag-aalala ito sa akin. Tapos hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"May problema ka ba ma?" Seryoso kong tanong sa kanya.

I saw her sit on one of the chairs here. Inilapag nito ang kanyang bag sa lamesa saka marahan na sumandal sa sandalan ng upuan.

"May pupuntahan tayo ngayon. Tapusin mo muna iyang kape mo."

"Saan?"

Ibinalik ko na ang rice cooker na kaninang hawak ko. Umupo ako sa katapat nitong upuan at maingat na humihigop ng kape sa baso.

"Si papa na lang isama mo," walang gana kong sabi rito. Mas maigi rin na sila ang magkasama nang sa gano'n ay masabi na ni papa ang lihim nya.

"I need...I need someone to lean on in this kind of meeting."

Ha? Ano'ng klaseng meeting ba itong dadaluhin nya? Pero dahil ngayon lang naman humingi ng pabor sa akin si mama ay pagbibigyan ko siya. I texted August na hindi ako makakapasok ngayon dahil may pupuntahan kami ni mama. Ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone at tinapos ang kape.

"Tara."

Tahimik kami pareho na nasa loob ng sasakyan. Hindi na ako nagtanong pa, pero nagatataka rin ako kung bakit ako ang gusto nyang isama. Nag-away ba sila ni papa? Or maybe nagdududa siya kaya ayaw nya munang kasama si papa ngayon.

Tumigil ang sasakyan namin sa isang mamahalin na restaurant. Nawindang talaga ako nang makitang sa isang five star restaurant kami papasok. Kaya siguro sobrang ayos nya ngayon. Whoever this person she's meeting, I'm sure they're important.

Nakasunod lang ako kay mama habang naghahanap siya ng ma-uupan. Hindi ako tumitingin sa paligid kasi ayokong makitang may nakatingin din sa akin. Naramdaman ko na lang ang pag hinto ni mama sa isang table kaya inangat ko ang tingin ko para tignan ang harapan.

"Maupo ka, Claudelle." Malamig na utos sa akin ni mama.

But I was left standing and can't understand what is happening. It seems like my brain stopped functioning as my eyes met a familiar face in front of me. She's wearing a white long sleeve polo. Mukhang papasok pa ito ng trabaho dahil she's wearing an ID. Her makeup complements her youthful face, and I'm not gonna deny how pretty she is.

Indeed, she's pretty, but I'm not here to give her compliments. Alam ko gano'n din si mama. She's probably wondering right now why this woman choose dad knowing that he's a married man.

"Ngayon alam ko na kung bakit pumatol ang asawa ko sa'yo." Ma anghang na bungad ni mama sa kaharap.

Naka-upo na ako this time and I am also staring the woman in front. I'm not like my mother, who is currently throwing a dagger look; I, on the other hand, am just looking at her with curiosity.

Yeah, the person in front of us is none other than the woman my dad had an affair with.


- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a nice day ahead! ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top