Chapter 20

Chapter 20

August Gavine

Lumipas na ang isang linggo pero hindi pa rin ako maka move on. One week akong absent dahil ayokong makita si Claud. Sinabi ko rin kay mama na wala munang papasok sa kwarto ko. She's been asking me why, pero wala akong sinabing rason. Wala akong lakas na sabihin kay mama itong sitwasyon ko. Alam ko magugulat siya kapag sinabi ko sa kanya na gusto ko ang kaibigan ko.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto, hindi pa naliligo, gulong-gulo ang buhok, at hindi pa naglilinis ng kwarto. Wala namang amoy, pero sobrang kalat ng kwarto ko. Gabundok na ang labahan ko sa basket, hindi ito nakita ni mama dahil hindi ko siya pinapasok nang kwarto.

Nakatunganga lang ako buong linggo, nakatingin sa kisame. Lumalabas lang ako kapag nakaramdam ako ng gutom. Natatakot akong lumabas nang bahay, kasi baka makita ko ang taong iniiwasan ko.  I've been trying to remember what happened that night, but my memory stopped when I was with Gino. Wala nang kasunod.

In-off ko rin ang cellphone ko para hindi ko marinig ang sunod-sunod nitong pag ring. Simula noong nakauwi ako mula Tagaytay ay hindi ko na kinausap si Claud. Noong papauwi nga kami ay wala kaming imik dalawa sa loob nang kotse. When I got out the car, I didn't say anything to her.

"You're the girl I love."

Those were the words I've been thinking for the past few days. Kailan nya iyon naramdaman? Bakit hindi ko nakita? Then I remember the conversation I had with Jamila.

Nakatayo ako malapit sa field, may dalang camera, nang lumapit sa akin si Jamila. Tapos na ang laro nila kaninang umaga at nanonood lang din ito sa laro na nasa harapan namin.  Sobrang sarap sa pakiramdam kapag dumadampi ang hangin sa aking mukha.

"Sabi sa akin nang kaibigan mo na crush mo raw si Terence?" Tanong sa akin ni Jamila na ngayon ay sumasabay sa mga taong nagpalakpakan.

"Noon." Tipid na wika ko. I already recognized whom my heart beats for. But it's too odd na sinabi sa kanya ni Claud ang ganitong mga bagay. She's not the type of person who disclose someone's privacy. Tinignan ko siya at pinaningkitan ng mata. "Wait, kilala ko ang kaibigan ko at hindi nya sasabihin ang bagay na iyan sa iba, kahit na close kayong dalawa."

"Oops," tinakpan nya ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga palad. "Mali ako ng rason," she laughed and looked at me. "Pero talagang kilala mo na si Claud ng lubosan, 'no?"

I proudly nod my head. "Oo naman! I've been with her since we were babies. Sabay kaming lumaki, nagka-isip, at nag-aral!" Nakangiti ko pa na sabi.

She clapped her hands with amazement in her eyes. "Woow! Pero alam mo ba kung sino ang matagal ng crush ni Claudelle?"

What?

"See, 'di mo alam. Mabuti pa ako alam ko. She's too easy to read everytime she's with her long time crush. Madali siyang mamula kapag may naririnig siyang hindi inaasahan sa crush nya. She's also considerate to them, and priority din nya ang crush nya. Kahit na sobrang busy nya, she's always have time for them."

Now that I remember what she said, ngayon ko lang din napansin na gano'n si Claud sa akin. Whenever I need her, she's always around even though she's busy. She also let me do silly things with her, even if she doesn't like it. I've been calling her names such as; 'mahal kong Claud', kapag may kasalanan ako at nagpapacute ako sa kanya.

Everytime I do those things palagi kong napapansin ang namumula nyang tenga at leeg. Natutup ko ang aking bibig. Bakit hindi ko iyon napapansin? Bakit hindi ko naisip na hindi normal ang gano'n?

"Sobrang inosente ko ba kaya hindi ko napansin?"

Or maybe I was unaware because I was busy looking those guys I had crush with? Ano'ng naramdaman ni Claud noong nalaman nyang may nagugustohan ako? I've been telling her my feelings for those individuals almost every day. Nasasaktan ko siya na hindi ko nalalaman.

"Ghad, bakit ngayon ko lang nalaman?" Ginulo ko ang aking buhok sa rami nang iniisip ko.

Pero kung maaga nyang sinabi sa akin, ano ang magiging reaksyon ko? Matatanggap ko ba siya? Well, yes, matatanggap ko si Claud kung nalaman ko ang totoo, pero hindi ko kayang lunukin ang guilt na mararamdaman ko. Ayokong nakikitang nasasaktan si Claud, and knowing that I absentmindedly hurt her, I'd be very disappointed to myself.

Even now, I'm disappointed how oblivious I was. Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng aking silid. I know si mama 'to.

"Ma, walang papasok!" Marahan na sigaw ko para marinig nya ako.

"She's outside."

Marahas akong bumuga ng hangin at tumayo. Sumilip ako sa aking bintana at tinignan ang gate namin na ngayon ay nakabukas, nakita ko si Claud doon na nakatayo at may dalang plastic bag. Peace offering ba'yan?

Nakuha ang atensyon ko sa taong biglang tumabi rito at kaagad na nakita ako sa bintana. Kumaway ito sa akin at itinaas ang dalang plastic bag.

"August, papasukin mo kami!" Sigaw nito habang tatawa-tawa. Tumingin na rin si Claud sa gawi ko, at kaagad akong nakaramdam ng hiya nang magtama ang aming mga mata. Marahas kong binalik ang kurtina at lumayo sa bintana.

"Nak, lumabas ka na riyan. Araw-araw kang binibisita ni Claud. Hindi ka ba naaawa sa kaibigan mo?"

Lumapit ako sa pinto at binuksan ito, nakita ko si mama na nakatayo at may pag-aalala sa kanyang mukha. "Mabuti at lumabas ka na. Tapatin mo ako, August. Nag-away ba kayo ni Claud?"

Marahan akong umiling at umiwas ng tingin.

"Bakit absent ka whole week? Gano'n ba kalala ang naging away ninyong dalawa? She's been asking me about you, nag-aalala ang kaibigan mo sa'yo!"

"Ma," saway ko sa kanya. Ayoko munang makarinig ng sermon galing sa kanya, o kahit anong ingay man lang. Wala ako sa mood.

"Huwag mo'kong tignan nang ganyan," banta nya sa akin habang nakaduro. "Ayusin mo 'yan. Mabuting bata si Claud."

Panandalian ko siyang tinitigan. She's always siding Claud everytime nag-aaway kami. Palagi nya akong sinasabi sa akin na hindi ko dapat inaaway ang isang katulad ni Claud. Special ang treatment ni mama sa kanya, na para bang mas gusto nyang maging anak ang kaibigan ko. Alam kaya rin nya?

"Ma, may alam ka ba tungkol kay Claud?"

Nagulat siya sa naging tanong ko kaya kunot-noo ko siyang tinignan. "Ma?"

"It's not my story to tell. I know something, but I'm not gonna tell you. August, the best way to clear the misunderstanding is communication. Mag-usap kayo."

Tinalikuran na ako ni mama at naiwan akong nakatayo sa labas ng kwarto ko. Nag-iisip kung paano ko sila haharapin, lalo na sya. Inayos ko na ang suot ko, pati ang aking buhok, saka nag pasyang pumanaog.

Sa hagdanan pa lang ay nakita ko si mama na pumasok sa kusina, habang ang dalawang bagong dating ay nasa sala. Hindi sila nag-uusap. Ang kaninang dala nila ay nasa coffee table na. Kinakabahan akong naglalakad pababa sa hagdanan. Ramdam ko ang kanilang tingin nang nasa huling baitang na ako.

"Good morning, August!" Masiglang bati sa akin ni Jamila at tumakbo patungo sa akin. Mahigpit nya akong niyakap, hindi inalintana ang bagong gising kong amoy. "What did you do?" Bulong nya sa akin. "She doesn't talk and always spacing out. Ilang ulit na rin siyang napagalitan ng lecturer."

Nang kumawala na si siya ay ngumiti ito nang malapad, habang nagtaas-baba ang dalawang kilay na parang tinutudyo ako. Bumalik na rin siya sofa at tumabi kay Claud. Gano'n din ang ginawa ko, kaya napapagitnaan namin ngayon si Claud.

"Ahem, nagdala ako ng coke float at fries." Basag ni Jamila sa katahimikan. Inabot ko naman ang dala nito.

"Salamat dito."

Muli kong tinignan ang lamesa sa gitna. Tatlong coke float, at fries. Meron ding macarons na nasa box pa, at pizza. Lihim akong ngumiti saka ipinatong ang dalawang paa sa upuan.

"Ano'ng binili mo para sa'kin, Claudelle?"

I saw how her brows meet and crinkle. She looked at me with wonder in her eyes, but it was just for a second. She suppressed her emotions again and pretend nothing's wrong. Okay fine! Let's see how long you suppressed those emotions. A wicked smile formed on my lips.

"Macarons and pizza, favorite mo."

Pumalakpak ako. "Wow naman. Salamat, pero bakit kayo nandito?"

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Jamila. Hindi ko siya pinansin at tanging nakatuon ang aking atensyon kay Claud. Habang nakatitig sa kanya ay may nakita akong pulang marka sa kanyang leeg. It's almost fading, at hindi lang din isa, kundi dalawang pulang marka. Ako ang may gawa no'n? Tanong ko sa isip ko.

"Um-absent ka ng isang linggo. Hindi kita matawagan at hindi ka rin nag re-reply sa mga text ko. Hindi ko alam kung bakit ka absent, ang sabi lang sa akin ni tita ay hindi ka lumalabas sa kwarto at ayaw mo na may pumasok do'n. Every morning I asked tita, baka kasi maisipan mong pumasok at sabay ulit tayong pumunta sa skwelahan."

Ramdam ko ang lungkot sa tinig nito. Nakatingin lang ito sa harapan habang nagsasalita, si Jamila naman ay nakatitig sa kanya at nakikinig.

"Sinumpong ako ng katamara eh!" Kibit-balikat kong wika at uminom ng coke float. Kumuha ako nang macaron at sinubo ng buo. "May mga activities ba na ginawa? Homeworks?" Kaswal na tanong ko.

"August." Mahinang tawag sa akin ni Claud na tila nagmamakaawa. Lumihis ang aking tingin at nakita si Jamila na nanlalaki ang mga mata habang tinatakpan nang mga kamay nya ang kanyang bibig. She slowly get her phone and took a picture of Claud. Hindi siya napansin nito dahil lumingon na si Claud sa akin. Namumungay ang mga mata nito at hindi ko mawari kung ano ang tingin na binibigay nya.

"Hmm? May problema ba, Claudelle?" Tanong ko sa kanya.

"Pfft!" Sabay kaming lumingon kay Jamila na ngayon ay nagpipigil nang tawa. "Gagi!" Malakas na itong tumawa habang ang isang kamay ay nasa kanyang tiyan. Nakita ko ang pag sama nang tingin ni Claud sa kanya, pero hindi pa rin ito tumahan at tinuro pa nito si Claud. "Hindi gagana sa akin ang tinginang 'yan, Claudelle!" She said between her laughter. "Haaa!" Bwelo nito para kontrolin ang sarili na tumawa pa. "Damn!"

"Umalis ka na, wala ka namang gagawin dito!" Taboy ni Claud.

"Aba! Aba! Kaibigan din ako ni August, baka nakakalimutan mo? Close na kami ni tita Ema." Pagmamayabang nito. "Tita! Inaaaway po ako ni Claudelle!" Sigaw nito habang tinitignan ang daan patungo sa kusina.

Sumilip naman dito si mama na nakangiti. "Jamila, ijha marunong kang mag bake, hindi ba?" Malambing na tanong ni mama. "Can you help me here?"

"Okay sige po! I'm ready to help!"

Pansin ko ang makahulugang tingin na pinukol ni mama sa katabi ko. Hindi ko naman makita ang reaksyon nito nakatalikod siya sa akin. Nang wala na si Jamila sa sala ay muling bumalik ang saliwang pakiramdam sa pagitan namin Claud.

Balak kong sundan si Jamila dahil kinakabahan ako, ngayong kami na lang dalawa ang naririto sa sala, pero naramdaman ko ang marahang pag pigil ni Claud sa akin.

"Galit ka ba sa akin?" Mahinang tanong nya. "Do you really hate me?"

Nang umamin siya sa akin ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. It was so sudden and the only thing in my mind that day was to escape from her.

"H-hindi naman, bakit?"

"Then why are you acting like... nothing happened?"

Now it's your turn to tell me those words, Claud.

"Let's just forget what happened, Claudelle. Let's save our friendship." Diretsong wika ko.

"It's Claud not Claudelle!" Inis nitong wika. She failed suppressing her emotions right now. Nakikita ko na ang totoong emotion ng kanyang mga mata. "I don't want to be friends with you anymore."

Napakurap ako. She looked at me with mixed emotions. Nalulunod ako sa mga mata nyang nakatitig sa akin. Mga emotion na ngayon ko lang nakita sa kanya. Ibang Claudelle ang nasa harapan ko ngayon, alam ko, dahil hindi siya ang Claudelle na kaibigan ko. No, siya pa rin ang kaibigan ko, ang kaibahan lang ay naging totoo na siya sa harapan ko.

"H-hey."

"I'm sorry pero hindi ko gustong kalimutan ang mga nangyari. Hindi ko gustong bawiin ang mga sinabi ko. Hindi ko gustong maging kaibigan ka lang, August." Desperadang wika nito. "Eva lied, okay? Hindi kailan man naging kami. Hindi siya ang gusto ko. Kaya please, don't revoke your words at me."

May sinabi ba ako sa kanya? Isang linggo akong nag-isip at pinilit alalahanin ang mga nangyari. Kaso, wala akong...

"I like you, Claud."

My eyes grew big as a memory flashed into my mind. Nanginit kaagad ang aking pisngi sa ala-alang bumalik. We were kissing and at the same time undressing as I keep on telling her my feelings.

"Matagal kong tinago sa iyo ang totoo dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan natin. Ayokong dumating ang araw na lalagpasan na lang natin ang isa't-isa na parang hindi magkakilala. Ayoko, natatakot ako kaya tinago ko na lang. But there are times that I can't suppress my feelings, or maybe it just came out because my heart is tired of hiding, kaya may nasasabi ako sa'yo na alam ko nagugulohan ka rin."

"How I wish you still consider me not after learning the truth..."

"Kung mabubuhay ka ulit sa pangalawang pagkakataon ay nasisiguro ko talaga na magiging lalaki ka, Claud."

"At hinding-hindi kita magiging best friend,"

Those time that she's been saying weird things, acting weird, those are the time na hindi nya mapigilan ang sariling itago ang totoong nararamdaman?

"Claudelle,—"

"It's Claud." Pagtatama nya sa akin. Marahan akong ngumiti at umupo sa tabi nya. Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan.

"Claud, alam mo ba na ako ang pinakamaswerteng babae dahil may kaibigan akong katulad mo? Noon, kapag marami akong ginagawa, at napapansin mo na nahihirapan ako, you always put aside your own priorities and help me. Palagi mo rin akong tinutulungan sa studies ko kahit na ang hirap kong turuan. Palagi ka rin nasa tabi ko kapag nagkakasakit ako, hindi mo iniisip na baka mahawa ka. When I was having a hard time coping up with things, you're always there to lift me up and motivate me. I never thought a day will come na mag-iiba ang pagtingin ko sa'yo. I was busy fishing handsome guys out there and I didn't realize that my heart already chose someone. I'm sorry if I took so long recognizing your presence. But you don't have to suppress your feelings now. You have the right to do whatever you want and to say whatever you want to me. I recognize you now, not just a friend, but also someone I treasure and love."

Isang matamis na ngiti ang aking binitawan. May isang butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata, na kaagad kong pinahid. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong nasabi ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Ang original plan ko ay itago ang nararamdaman ko para sa kanya dahil alam kong masisira ang image nya. Pero hindi ko pala kaya. Hindi ako si Claud na kayang kontrolin ang totoong nararamdaman.

"Will you be my girlfriend?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Hindi ako nakakuha ng sagot, pero niyakap nya ako ng sobrang higpit. "Mahal kong Claud?"

Sabay kaming tumawa sa sinabi ko. "I always like to hear you calling me that."

Kinilig naman ako sa tinuran nya. Nang kumawala na siya sa yakap ay hindi na nawala ang saya sa mga mata ni Claud. Ngumiti rin ako at hinawakan ang kanyang mga kamay. I don't want to see those genuine smile fades away. I wanted to be that someone who will put those smile on her face.

- BN -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top