Chapter 15

Chapter 15

August Gavine

Today is Friday, and the last day for the sports competition. Dahil nanalo sina Claud sa huling laban nila, ay muli silang sasalang ngayon, for championship. Sobrang kabado nga nang team nina Claud dahil para rawng déja vu. Last interhigh ay sumalang din sila for championship, pero natalo. Ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi parehong team ang kalaban nila.

I wanted to watch their game, pero hindi ko kaya. Sa akin ulit inutos ni pres ang pag co-cover sa mga mangyayari ngayong araw. Pero mapupuntahan ko naman sila sa gym, dahil part ang volleyball game sa maco-cover ko. Pero hindi ako makaka cheer sa buong laban. Ako lang din mag-isa dahil hindi ko na kailangan pa ang mag interview dahil tapos na. All I have to do today is to capture everything.

Nandito rin nga pala sina mama at tita Criselda para mag cheer kay Claud. Actually nagulat pa ako nang makita ko si tito Cris na naka akbay kay tita. I mean, they are still in good terms. Pilit na ngiti nga lang ang nagawa ko kanina dahil bumalik sa ala-ala ko ang nakita ko sa gabing iyon.

Anyway, nandito ako ngayon sa ground habang hawak-hawak ang camera, na nakasabit sa aking leeg ang strap. Naghahanap ng magandang anggulo sa nakita kong view. May nakita kasi akong player nang basketball, naka jersey pa ito, may hawak na paper bag at ibinigay sa isang babae, na nakaputing dress.

"Puppy love," bulong ko sa hangin.

After I took a picture of them ay naghanap ulit ako ng subject. Click dito, click doon ang naging ganap ko sa umagang ito, hanggang sa nangalay na ang mga kamay ko. Tinignan ko ang wrist watch ko, kanina ko pa kasi inaabangan ang oras, only to find out that I'm late for the match.

Dali-dali akong tumakbo patungong gym at hindi inalintana ang init nang panahon. Pag dating ko sa gym ay nakipagsik-sikan pa ako sa mga tao para puntahan sina mama at tita, na nasa harapan naka-upo.

"Gooo anak!"

"Goo Claudelle!"

Hindi pa man ako nakarating sa kinaroroonan nila ay rinig na rinig ko na ang cheer nilang dalawa. Ang hyper nila tapos may dala pa silang cartolina na may pangalan ni Claud.

"Ma! Tita!" Tawag ko nang makalapit na.

"Cheer mo si Claud, dali!" Si tita Criselda na sobrang hyper.

Pag tingin ko sa score board ay lamang ng dalawang puntos ang school namin.

"Go, Claud!" Malakas na sigaw ko.

Nang lumingon ito sa akin ay nakahanda na ang camera ko para kunan siya. Sobrang lapad ng ngiti ko nang makitang tama ang naging timing ko. Ganda talaga!

Bago ako nag focus sa laban na nagaganap, ay kumuha muna ako ng mga pictures sa scene rito sa loob. After that is focus na ako sa panonood, pero hindi rin ako nag tagal. Nang tumawag nang break ang kabilang school ay nagpaalam na ako kina mama at tita, telling them I have stuffs to do. I waved my hands at her, nang lumingon siya sa gawi ko. Nag thumbs up pa ako sabay sabing..

"Ipanalo mo!"

Hindi lang naman siya ang tumango, dahil nakatingin din pala ang teammates nya. Lahat tuloy sila tumango at nag wave hands. But before that, I also took a picture of them.

Nang makalabas na ako sa gym ay sinimulan ko na ang trabaho ko. Lahat nang mga laro ay pinuntahan ko para makuha ang mga kaganapan. So far, wala naman akong naging problema, pero nangangalay na ang mga kamay ko. Sobrang dami ko na ring nakuha kasi.

"Ayos na siguro ito."

Umupo ako sa isa sa mga bleachers na nagkalat lang sa paligid. Tapos tinignan ko ang mga nakuha ko ngayon, just a quick review, para makapag decide ako kung tatapusin ko na ba or hindi. Sabi naman kasi ni pres, no need to capture everything, just small scenes lang for the book.

Habang nag re-review sa mga nakuha ko ay may biglang lumapit sa akin na babae, estudyante rin siya rito dahil namumukhaan ko siya. I can't forget her face, kasi siya 'yung kahalikan ni Jamila.

"Hi!" Mahinhin nitong bungad sa akin. Maniniwala na sana ako sa kahinhinan nya, pero na-alala ko kung paano ka sama ang tingin na ibinigay nya sa akin noon sa parking lot.

"Hi! Magpapa-picture ka?" Tanong ko rito.

Tumawa pa ito sandali at tumabi sa akin ng upo. Now that natititigan ko siya sa malapitan, ay napansin ko na maganda rin pala siya. She has that natural proud nose, an almond eyes, and her pouty lips. Dahil maputi siya ay umaangat ang kulay brown niyang mga mata. She's pretty, at gusto ko siyang kunan.

"No. Actually I have a favor to ask."

Tumaas kaagad ang kilay ko. She doesn't bother to introduce herself. I mean, hindi ko ba siya pwedeng makilala? Dumiretso talaga siya kaagad sa pakay nya. Ginawa ko rin ang ginawa nya. I didn't bother hiding my true reaction. I sarcastically looked at her with a smirk on my lips.

"Oh, sorry. I forgot to introduce myself. I'm Eva." Nakangiti pa rin nitong wika, acting so innocent. "Siguro hindi nasabi sa'yo ni Claudelle kung sino ako."

Ha? Bakit si Claud? Si Jamila naman ang jowa nya, 'diba?

"Bakit si Claud?

"Oh! So, close talaga kayo 'no? Claud ang tawag mo sa kanya. Can I call her like that as well?" Naging ma arte na ang boses nito, lalo na no'ng ngumiti ito. "But if you two are that close, bakit hindi man lang sinabi ni Claud ang tungkol sa'min?"

Nainis ako sa pangalan na ginamit nya. Ako lang naman ang tumatawag sa kaibigan ko ng ganyan, and I hate the fact na iyan din ang itawag nya kay Claud.

"Magkaibigan nga ba talaga kayo?" Sarkastikong tanong nito sa akin, at nang tignan ko siya ay nakita ko kung paano nya pinipigilan na matawa.

"Ten years na kaming magkaibigan. Bakit?"

Kumunot ang noo nito, ngunit sandali lang iyon at kaagad napalitan ng isang makahulugang ngiti. "That's even more worst. Does she even trust you? Don't tell me, wala kang alam talaga?"

Nakaramdam ako ng kaba sa sandaling tinanong nya iyon sa akin. I never doubt Claud, ever, in my life. Kung may hindi man siya sinasabi sa akin, mauunawaan ko siya. Lalo na kung may rason din naman siya. Pero bakit ako nakaramdam ng sobrang kaba? Trust? Oo naman! Claud trust me. Isa pa, hindi lang naman siya ang may tinatago.

"Ano ba kasi'ng sasabihin mo?"

Tumitig pa ito sa akin sandali bago magsalita. "Lumayo ka sa kanya. I don't care kung ilang taon na kayong naging magkaibigan, pero ayokong mabigo ulit dahil lang sa isang lintang katulad mo."

W-what?

"Bakit ko naman lalayuan si Claud? At ano'ng linta? Do I look like one?"

Ang kaninang inosenteng mukha ay nawala na. Tila nag-iba ng anyo ang babaeng nasa harapan ko. A two faced bitch, ika nga. Siya ang perpektong halimbawa niyan.

"Look it's a favor okay? I mean hindi naman forever na iiwasan mo siya. Just give me an opening. I want to come back. I wanna win her back again."

Hindi mag sink-in sa utak ko ang mga sinasabi nya. Tama ba ako nang pagkakaintindi? Win her back? Does she mean na naging sila noon ni Claud? Nahihibang ba siya? Jowa kaya siya ni Jamila.

"Okay, to make everything clear. Jamila and I are not in a relationship, and the reason I am always with her is because of Claud."

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

Please, sana mali ako nang pagkaintindi. Imposibleng hindi ko malalaman ang ganitong mga bagay. Sampung taon akong kasama siya, imposibleng hindi ko mapansin. Domoble pa ang kaba sa puso ko dahil sa mga na-iisip. Muli ko siyang tinignan at sinuri kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"I dated Claud before. Naghiwalay kami kasi akala nya nag cheat ako, pero ang totoo ay hindi. Na misunderstood lang nya lahat, and I want to come back. I want to explain everything. Alam ko na mahal pa nya ako eh. Nakikita ko sa mga mata nya, sa tuwing nagkakatinginan kami."

What the hell! Nasapo ko ang bibig ko sa nalaman. I clearly heard what she said, but my mind is trying to deny the truth. Claud like girls?

Naalala ko bigla ang pag halik nya sa akin.

"Look, she's been hooking up with other girls after we broke up. Hindi na rin siya nakikipag relasyon sa iba."

Ito ba ang nangyari sa kanya noong wala akong oras para sa kanya? Siya ba ang naging kasama ni Claud noong hindi ko magawang samahan siya sa mga lakad nya? Bakit hindi nya sinabi sa akin?

Tama rin pala ang naging desisyon ko na hindi sabihin sa kanya itong nararamdaman ko. Pilit akong ngumiti sa kaharap. I understand her situation, but I don't have any reasons to avoid Claud. Hindi ko naman pag-aari ang kaibigan ko.

"You can win her over kahit na hindi ko siya iwasan. Ano'ng meron sa pagiging close ko kay Claud sa relasyon ninyo?"

Nag pasya na akong tumayo. Ayokong manatili sa tabi nya at baka may malaman pa akong hindi ko kayang matanggap. Tanggap ko ang katotohanan na babae ang gusto ni Claud. Ang hindi ko lang matanggap ay ang tungkol kay Eva.

Ewan ko ba, pero naiinis ako sa babaeng ito. Ngayon lang ako na inis sa isang tao.

"Wait. Give me some time. Hayaan mo akong makalapit sa kanya," ramdam ko ang pagmamakaawa nya, pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong awa.

Masama na kung masama pero hindi ako papayag na makalapit siya kay Claud. Ngayon na alam kong babae rin ang gusto nya, hindi na ako mahihirapan pa.

"Sinayang mo ang pagkakataon mo noon. Kawawa ka naman," sabi ko at tinalikuran na siya.

Hindi ko siya nilingon. Wala akong pakialam sa kung ano ang iisipin nya, total hindi ko naman kailangan na e-please ang isang katulad nya.

Ang matanggap ako nang taong mahal na mahal ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ang sinabi sa akin ni Claud. I decided to look back where I left Eva, pero wala na siya sa bleacher. Siya ba ang taong mahal mo?

Huli na ba ako? Wala ba ako sa timing?

I remember her pretty face. Lahat naman siguro magkakagusto sa mukhang mayroon siya. Pero, ano'ng nagustohan ni Claud sa kanya? We once saw her with Jamila na naghahalikan, nasaktan kaya si Claud no'n?

Pero ang weird. Okay lang ba kay Claud na lumalapit siya kay Jamila? They are obviously close with each other. Ang awkward kaya no'n, at hindi ko ma-imagine na okay lang kay Claud ang sitwasyon nila.

"... she's been hooking up with other girls when we broke up."

I didn't find Claud hanging around with some random girls. I know how she hated crowded places, at siya 'yung tipong mas pipiliin na mag stay sa bahay kaysa sa gumala.

Kung may ganitong nangyayari, dapat ako 'yung unang nakakapansin. Kahit na itago pa ito ni Claud sa akin ay mapapansin ko pa rin ito.

I have to make sure kung totoo lahat nang mga sinabi nya sa akin. Pero ano naman ang makukuha nya kung magsisinungaling siya sa'kin eh magkaibigan lang naman kami ni Claud. Am I a threat to her?

Saka ko na muna ito iisipin, kailangan ko pang bumalik sa club. Malapit lang naman ang opisina ng club namin kay hindi ako umabot ng ilang minuto sa paglalakad. Pagpasok ko ay naabutan ko si pres na kausap si Gino.

"Yow! Tapos na ako," nababagot ko sabi at inilapag ang camera sa harap ni pres. "Check mo muna."

Ginawa naman nito. Habang chi-ni-check ni pres ang mga kuha ko ay tumingin ako sa ibang tao sa loob, si Gino. Naka-upo ito sa couch habang may kaharap na laptop. Tumabi ako sa kanya at sumilip sa ginagawa.

"Wow! Saang part 'to?" I asked him.

"Ahh, sa likod. Lahat ng newbie hiningan ng ganito."

Tumango ako at tumingin kay pres, na ngayon ay tahimik lang na tinitignan ang mga kinuha ko kanina.

"August!" Tawag nito bigla sa'kin. "Ang volleyball team ang i-cover natin?" Suggest nya, at nang tinignan ko ang litrato ay kaagad akong ngumiti at tumango.

It was our volleyball team, smiling from ear to ear. Actually, kuha ko ito kanina, noong hindi pa nagsimula ang laro nila. Present silang lahat, at nasa gitna si Claud na siyang may hawak sa bola.

"Maganda kung ito," sabi ko. "Kaunting edit lang."

"Sila kaya ang nanalo ngayon. Sobrang ingay nga ngayon sa gym," singit bigla ni Gino dahilan para lingunin ko siya.

Tumingin naman ako sa relo ko. "Totoo?" Tanong ko kay Gino. Tumango naman ito at muling bumalik sa pag tipa sa laptop nya. "Pres, balik ako mamaya. May pupuntahan lang ako sandali!" Paalam ko habang nagmamadaling lumabas sa opisina.

Tinakbo ko ang distansya patungo sa gym na may ngiti sa mga labi. Gagi, panalo sila! Hinihingal akong huminto sa entrance ng gym, medyo wala ng tao pero nakikita ko, buhat dito, na kompleto pa silang lahat.

Tatakbo na dapat ako papunta sa kanila nang mahagilap nang aking mata ang dalawang tao na nasa gitna. Nakatayo si Claud habang nakayakap sa kanya si Eva. Nakita ko naman si Jamila sa gilid na nakatingin sa akin, parehas pa kaming nagulat nang magkasalubong ang aming mga mata.

Nginitian ko siya. Nag desisyon akong ituloy ang pagpasok dahil ang weird tignan kung babalik ako sa labas.

"Congratulations sa inyong lahat. Good job!" Masayang bati ko at nakipag kamay sa lahat. May iilan na yumakap sa akin, at ang iba naman ay nakipag beso. Sobrang pormal kasi kung shake hands daw.

I wanted to tell them na there's a chance na sila ang magiging cover ng libro namin. But then I realized na mas maganda kung ma surprise sila.

"Claudelle!" I heard someone called her kaya lumingon ako sa gawi nya. Nakita ko si Eva nasa tabi nya at nakatingin sa aming lahat. She's smiling as well. Nang mapunta ang tingin ko kay Claud ay awtomatikong ngumiti ako.

Gusto kong lapitan siya pero siya na mismo ang lumapit sa akin at bigla-bigla akong niyakap. Nakarinig naman ako ng mga pag tikhim sa paligid.

"Congrats!" Bulong ko sa kanya. "Libre kita mamaya, gusto mo?"

Naramdaman ko ang pag galaw ng balikat nya kaya nalaman ko na tumawa ito.

"Sure."

Nang bumitaw na kaming dalawa ay hinanap ko si Jamila. Nakita ko siyang naglalakad patungo sa gamit nya.

"Isama natin si Jamila."

Nakita ko ang pag tango ni Claud. Lumihis ang paningin ko sa gilid nya, kung saan masamang nakatingin sa aming dalawa si Eva. Tinaasan ko lang siya ng kilay at muling tumingin kay Claud. Gusto kong mag tanong, pero saka na lang. Masyadong maganda ang mood nya ngayon para sirain ko.

"Sabay na tayo?" Aya nya at inakbayan ako. "Wala ka namang gagawin pa, 'diba?" Umiling ako bilang sagot. "Good."

Tahimik kaming naglalakad papalabas ng gym. Nagpaalam na si Claud sa mga kasamahan nya. Sumabay na rin sa amin si Jamila,  himala nga at tahimik ito ngayon. Siya kaya ang tanungin ko no?

"Nasaan sila mama, Claud?"

"Nasa canteen. Pinauna ko na dahil baka gutom na sila."

"Kung gano'n, you'll going to meet my mom later, Jamila." Nakangiti ko saad.

"Tsk! Hindi mo naman kailangan gawin 'yan!" Saway ni Claud.

"Hep! Hindi ako kokontra sa gusto ni August. Gusto ko rin maging official ang friendship namin. Ako na magpapaalam sa mama mo na may party ang volleyball team sa resort namin sa Tagaytay."

Natawa ako sa tinuran nito. Akala ko mananahimik lang siya sa isang tabi. "Tsk! Huwag kang masyadong madaldal mamaya habang kumakain ha!"

"Sus! Baka mas magustohan pa ako nang mama ni August bilang kaibigan ng anak nya, kaysa sa'yo."

Nagsimula na naman silang mag away at hindi sila tumigil hanggang sa nasa canteen na kami. I did introduce Jamila to mama and to tita Criselda as well. Kaagad naging magaan ang loob ni Jamila sa dalawa, kaya puro daldalan lang nangyari habang kumakain kami. Our lunch was full of laughter and stories, because of my new found friend.

- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top