Chapter 12
Chapter 12
Claudelle Tuliao
Ikalawang araw na ngayon nang interhigh pero wala ako sa mood na pumasok. Kahit na nanalo kami sa laban kahapon ay tinatamad pa rin akong bumangon. Alas siyete na nang umaga ngunit nandito pa rin ako sa aking kwarto, nakatalukbong habang pinipilit ang sarili na muling makatulog.
Usually, I woke up three o'clock in the morning and take a bath dahil pupuntahan ko pa si August sa bahay nila. That's my routine, now that we're in the same class. Noon kasi masyado siyang abala sa pag-aaral at minsan lang kaming nag bo-bonding, hindi rin kami classmates no'n.
Nagmulat ako ng mata. Hindi ko na pinilit na makatulog dahil madami nang laman ang isip ko. I kept quiet and restrained myself from letting out my true emotions for a long time. Pero kapag mag-isa na lang ako, binubuhos ko na lamang lahat sa pagbabasa ng libro, at paglalaro sa computer dahil kahit papaano hindi ako malulunod sa sarili kong emosyon.
Minsan na akong nalunod at hinayaan ang sariling gawin ang naaayon sa nararamdaman ko. I tried kasi nakakahingal pala kapang ang dami mong pinipigilan na gusto mo namang gawin at mangyari. Hindi madaling itago ang totoong nararamdaman. Hindi madali. Nakaka-baliw. Pero choice ko ito.
If I'm going to let out everything, baka mag-isa na lang ako. I am afraid na kapag malaman nya ang totoo ay iwan nya ako at mandidiri siya sa'kin. That's why I chose this kind of set-up. At least nahahawakan ko siya, nayayakap, at nakaka-usap.
Si August lang ang naging kaibigan ko na hinayaan kong pumasok sa buhay ko. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya noong una. Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang gusto ko at kung saan ako nabibilang. I am not oblivious to my own preference. Alam din nang mga magulang ko, pati kapatid ko and they accepted me wholeheartedly. Kaya siguro hindi ako natatakot na ma judge kasi alam ko na may mga tao na tanggap ako.
But in August's case, natatakot ako na malaman nya ang sekreto ko. All the volleyball team knew my feelings for her, and I kept them quiet because she's too innocent. That night that I kissed her, that night when I couldn't control myself, I let my feelings take over, I was so afraid when I saw her reaction. It was so depressing, honestly. I saw wonder, surprised, and disturbed in her eyes. Tapos hindi ko siya kinausap dahil sobrang galit ko sa sarili ko.
I promised myself that that would be the first and last time I let my emotion take over. Kung ang pagiging isang kaibigan lang ang ticket ko para mapalapit ako kay August, mananatili akong maging kaibigan nya. Mahirap man, masakit at nakaka-depress, gagawin ko as long as malapit ako sa kanya.
I closed my eyes, feeling frustrated of what I am thinking right now. Staying as a friend? Baliw ka talaga, Claudelle! You even kissed her dahil hindi mo na kayang magpigil, tapos ang dami mo pang sinasabi sa kanya at nagpaparinig ka pa sa totoong saloobin mo!
"Haist!!!" Marahas kong hinawi ang kumot na nasa ibabaw ko at pabalikwas na bumangon. Kinuha ko ang selpon na nasa side table at tinignan kung may natanggap ba akong messages galing kay August.
Inaasahan kong madami siyag text na sinend dahil hindi ako pumunta sa bahay nila ngayon ng maaga. Pero wala. As in zero! Kahit good morning ay wala akong natanggap mula sa kanya.
Ang weird.
Tinext ko na lang si Jamila at sinabing mala-late ako ngayon dahil tinatamad ako. After that ay tuluyan na akong tumayo at pumanaog. Magluluto lang ako ng agahan at pagkatapos ay maliligo. Pero nang nasa dulo na ako nang hagdan ay nakita ko si papa sa sala, nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. Then nakita ko rin si mama na masayang naglalakad papalapit sa kanya habang may dala-dalang tray na naglalaman ng tinapay na gawa nya.
"Kumusta sa trabaho, hon?" Iyan ang tanong ni mama na ikinangiwi ko. "I heard na promote ka."
Napa-ismid na lamang ako at tuluyan nang pumanaog. Hindi ko sila pinansin at nilagpasan na lang. Ayokong masira ang araw ko ngayong bored na bored ako. Pagdating ko sa kusina ay may nakahanda nang pagkain sa island table, I assumed kay papa ito, kaya hindi ko ito ginalaw.
Nagluto ako ng panibagong ulam, at iyon ang nadatnan ni mama.
"I prepared your breakfast already. Kumain ka na lang diyan, alam kong pagod ka dahil sa laro niyo kahapon."
Lihim akong ngumiti at nilingon si mama na mataman akong tinignan. "Salamat." I said pero tinuloy ko pa rin ang pagluto sa sunny side-up ko. "Pupunta ka ba sa event ngayon?"
"May pupuntahan kami nang papa mo ngayon, baka bukas pa. Bukas pa naman ang susunod mo'ng laro 'diba?"
Oo nga naman, ano naman ang gagawin nya ngayon na wala naman akong laro? Pero, saan sila pupunta ni papa?
"Saan?" Tanong ko na lang.
"Sa lolo mo."
Tumango na ako at hinaon na ang itlog na niluluto at inilagay sa maliit na plato. Nang magsimula na akong kumain ay napansin kong nanatili pa rin si mama na nakaupo malapit sa akin at nakapangalumbaba. I didn't bother asking what's inside her head because she started to voice it out.
"May napapansin ka ba sa papa mo, nak?"
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lamang sa pag kain. Ni hindi rin ako nag-isip kung may napapansin ba ako.
"Well, he promised we will visit your lolo today. I have to clear my mind, ayokong mag-away kami ngayon."
Napabuga ako ng hangin sa narinig. "Ma!" I said and made her jump a little from her seat. "Kumakain ako!" Saway ko.
She smiled apologetically and left me in the kitchen. Nagpatuloy ako sa pag nguya at paminsan-minsan ay sinisipat ang selpon ko kung may text ba akong natanggap mula kay August. Pero wala.
May nagawa ba akong mali kahapon?
Ito ang unang beses na ginawa nya sa akin ito. It's so sudden, I can't even think of a reason why she's doing this to me. Did I offend her yesterday?
Tawagan ko kaya?
I didn't waste a minute. I dialed her number and waited her to accept my call. After a few ring, she finally answered.
"H-hellow?"
Awtomatikong napataas ako ng kilay. Base kasi sa naririnig ko mula sa kabilang linya ay hinuha ko nasa school na siya.
"Nasa school ka na?" Kalmado kong tanong. "Hindi ka man lang nag text sa'kin o kahit sabihan mo man lang na mauuna ka."
Hindi ito nagsalita pero may naririnig ako na parang may kumakausap sa kanya. Then I remembered the guy who's also part of their club. Magkasama ba sila ngayon?
"Are you with that guy yesterday?"
"C-claud, sorry ha? P-pero sobrang busy ko ngayon. Mag-usap na lang tayo mamaya, bye!"
I didn't have the chance to talk back because she ended the call. Bigla akong nainis sa ginawa nya. She never do that, kahit na magka-away kami hindi nya ginagawa ang babaan ako kaagad ng selpon.
What the hell is going on?
May hindi ba ako alam? Ang daming pumapasok sa isip ko. But I know overthinking isn't the best way to do right now. Inubos ko na pagkain ko at dumiretso sa kwarto upang maligo. Ngunit habang nasa ilalim ako ng nagraragasang tubig na nagmumula sa shower ay bigla kong narealise na wala naman akong karapatang makaramdam ng pag-aalala.
Eh ano ngayon kung ginawa iyon sa akin ni August? It's bound to happen. Dadating talaga ang araw na hindi na nya ako magiging priority. Kaibigan lang naman nya ako.
Napasapo na lamang ako sa aking noo nang makaramdam ako ng kirot na nagmumula sa aking ulo. I feel so exhausted all of a sudden kaya pinatay ko ang shower. Tila nawalan ako ng lakas bigla, pero hindi ko na lang ito pinansin at tinapos na ang ginagawa.
Paglabas ko sa banyo ay tumungo ako sa closet at kinuha ang damit na susuotin ko ngayong araw. Magpa-practice lang naman ang dance troupe ngayon at pagkatapos ay wala na akong gagawin. Siguro kakausapin ko siya pagkatapos namin mag practice.
Lumabas na ako ng kwarto at hindi na ako nagpaalam pa na aalis ako. Alam naman na nila na pupunta ako sa school ngayon. Tumungo ako sa parking lot namin at kinuha ang motor na palagi kong ginagamit.
It took me few minutes to arrived in school. Pagpasok ko sa gate ay bumati pa sa akin ang guard at iilang mga schoolmates namin. Pinark ko na lang ang motor sa area kung saan madali lang akong makalabas, sobrang dami kasi ng sasakyan ngayon sa parking lot.
Alas otso pa naman, ang call time namin ay nine o'clock at magkikita kami sa hall. Pagdating ko sa hall ay saktong ako na lang ang wala pa.
"Good morning, Claudelle!" Bati nila sa'kin.
"Morning, guys!"
Lumapit ako sa leader namin, si Lance, na nakatayo malapit sa sound system. Abala ito sa selpon nya habang lukot na lukot ang mukha.
"Anyare sa'yo?" Usisa ko.
"Gagi, hindi ko na save yung last music na in-edit ko kagabi."
"Bukas na lang ang music, ang importante ay masaulo natin ang mga steps."
Sa friday na ang sayaw namin at pangalawang araw pa ngayon ng interhigh, kaya may oras pa kami para mag ensayo. Dito rin sa hall na ito gaganapin ang end ceremony which is ang interhigh ball at sa stage mismo kami sasayaw, sa harapan nang lahat.
I heard maraming dadalo na mga importanteng tao sa school kaya mas pormal ang interhigh namin ngayon taon.
"Iyan nga ang plano ko. Anyway, saulo mo naman ang steps 'diba?"
Marahan akong tumango bilang sagot. "Bakit?"
"Tulongan mo'ko sa costume. Hindi pa kami nakapag-decide. Ayaw nila sa black and white eh."
Ayaw ko rin naman, sobrang common na kasi. Pero dahil retro ang theme ng party ay hindi rin akma ang black and white.
"Our costume must be colorful and weird," biglang sabat ni Grace na katabi lang pala ni Lance. "Retro 'yung them, right? Kaya dapat retro rin ang style ng costume natin."
Hindi na ako sumagot dahil kay Lance lang naman ito nakatingin. Obviously, shes doesn't want to hear my opinion. Hinayaan ko lang silang mag-usap hanggang sa tumigil na sila at mag decide na simula ang practice namin.
Tumagal ang practice namin ng dalawang oras. They already memorized the steps and the formations kahit na walang music. Tatlong beses sasayaw ang dance troupe but we, the seniors, will only dance two times dahil mga juniors na ang sasayaw sa panghuli. Kaya I have to bring two costumes, one is for the dance troupe and one is for the party.
Nag magkayayaan nang umuwi ay nagpaiwan ako mag-isa sa hall. Naka-upo ako sa hagdan habang may mineral water na hawak-hawak. When I checked my phone, wala pa rin akong natanggap na text messages mula sa kanya. Busy pa kaya yun? Pero alas onse na. Saan kaya siya ngayon? Should I call her?
Damn it!
Nandito na naman ako sa sitwasyon na ito. I decided to leave the hall and look for her. Ayokong tawagan siya dahil baka nag i-interview siya at this hour. While walking along the crowd I am also busy looking everywhere and hoping to see a familiar girl, until I saw her sitting on a bench under the narra tree. She's busy watching the people in front doing their own businesses.
Wala akong sinayang na oras, nilapitan ko siya at marahan na umupo sa tabi niya. Nakita ko naman sa peripheral view ko na lumingon sa sa'kin.
"C-claud!" Mahinang usal nito sa pangalan ko at tila nagulat sa biglang pag-upo ko sa tabi nya.
"May gagawin ka pa ba?"
Bumalik ang atensyon nito sa harapan at marahas na bumuga ng hangin. "Wala na, ikaw?"
I wanted to ask her bakit hindi man lang siya nag text or tumawag sa akin kanina, pero pinigilan ko ang sarili kong magsalita.
"Katatapos lang namin mag practice. Tapos na kayo sa activity ninyo?"
"Ahh, oo."
Napakunot-noo ako nang mapansin na parang hindi siya makatingin sa akin ng diretso, kaya humarap ako sa kanya. Parang hindi ito mapakali at kung saan-saan tumitingin. Ngayon ko lang siya nakitang aligaga.
"August, okay ka lang ba?"
Lumingon ito sa akin ngunit saglit lang. Napatawa pa ito sa naging tanong ko.
"Oo naman. Mukha ba akong hindi okay?" She joked.
"Oo." I immediately said still looking at her seriously.
Nakita ko na natigilan siya sa sinabi ko, but she composed herself. Akala nya siguro hindi ko nakita na pinilit nyang ngumiti at tumawa. Pero hinayaan ko lang ito, I'm sure she has her reasons.
"Ikaw talaga, ang dami mong alam."
I heave a deep breath. Hahayaan kita ngayon, pero maghihintay ako kung kailan mo ito sasabihin sa'kin. Kilala ko si August, hindi 'yan naglilihim sa akin, at kung meron man siyang hindi sinasabi ay alam ko may rason siya. But she will tell me eventually. Maghihintay lang ako.
"Claud, gusto mo bang magkaroon ng kapatid?" Sobrang random ng tanong nya to the point na nawala ang agam-agam sa utak ko. Seryoso na seryoso pa ang mukha nya habang nagtatanong kaya hinilamos ko na lang ang palad ko sa mukha nya. "Eeww!"
"Gagi, ang random mo."
"Nagtatanong lang naman ako ah? Sagutin mo na lang!"
Sumandal ako sa sandalan at tumingin sa ibabaw, mga dahon ng narra ang sumalubong sa aking mata habang malayang dinuduyan ng preskong hangin. "Alam mo kung ano ang gusto ko ngayon?" Panimula ko. Nilingon ko pa siya, and our eyes met.
"Ano?" She asked, still nakatingin sa akin. I form a smile. A genuine one dahil gustong-gusto ko talagang mangyari ang bagay na ito.
"Ang matanggap ako nang taong mahal na mahal ko."
- BM -
[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top